The Auditions

By DiabolicalWriters

20.6K 747 221

More

The Auditions
Buhay ng Patay
Hindi Ko Maintindihan
De 'Ja Vu
Orgmate
Please Stay
Renascence
Sa Jeep
The Game That I Just Played
Sacrifice
Please, Take Care of Him...
The Lakhan
Those Days...
First Love Never Die
The Calm After the Storm
Longing for Love
Paano Ba Maging Isang Manunulat?
Gusto kong maging isang Doktor
Chat
Just a dream
Tamed
Dear Mr. Kupido
Unheard
Bakit?
Daring the Devil
Sa Lilim ng Saksing Puno
Unspoken
The Star Gazer Boy
Closure
Blissful Pains
All She Had
The Saviour and the Predator
What Summer Brings
Waking Up
Secret and Lies
Rooftop
black cat
First Anniversary
Withered me
The Art of Making Love
My Key To Survive
Best Man
Thirteen
Attack on Eren
Surpresa ng Maynila
Ang Kwentista
Demonyang Babae
How to Break Them
Flight
Alas Tres
Field Trip
Love Race
Swimming is Fun
Memento Mori
Dama De Noche
Ikaw Parin
Anew
Painful Vacation
Munting Tinig
Wake Up No More
The Vast Bird Bath
Ang Sepulturero
Consequence of Loving Him
Litrato
Wild Awake
Kung Sana
Oras Na
World of Chances
The End
Georgina
Sa Pag-uwi ni Kuya
Playlist
Erlking
Naupos na Boses
Kung Kailan
Of The Beast And The Flyings
PAINT MY HEARTACHE
Morose Ecstacy
Berto
Hummingbird Heartbeat
Tunog ng Dagat
Pangitain
Ang Alamat ng Ulan
last piece for tonight's feast
Mamatay Ka Na Sana
I love you, Goodbye
Melba and Her Happily Ever After
Transparent
Lianna
Broken
Pag-iral
Love and Sacrifice

The Gift

297 7 2
By DiabolicalWriters

Genre: Romance


I love you, I honestly love you..

That was the song she heard when she entered the chapel.

Pinilit niya ang sariling dumalo sa kasal ng dating kasintahan. Nagpahuli talaga siya dahil ayaw niyang masaksihan ang kasal ng lalaking pinakamamahal. Oo. Hanggang ngayon, mahal na mahal pa rin niya si Milo. Ang kaisa-isang lalaking minahal niya.

Siya, si Sophia Jade Almazan, isang successful wedding designer ay limang taon ng nagdurusa dahil sa pag ibig.

Nang magkakilala sila ni Milo noong nasa Paris pa siya ay naramdaman na niyang may kakaiba sa binata. Hindi man lang kasi umaabot sa mga nito ang ngiti nito. Nang maging magkaibigan na sila at dumating sa puntong nanligaw ito sa kanya, sinagot niya ito makalipas ang isang taon. Ni minsan ay hindi niya nakakitaan ng sweetness sa kanya ang binata. Kung meron man, mabibilang lang sa kanyang mga daliri. Inisip niya dati na baka hindi lang showy ang lalaki bilang katipan. Pero sa loob ng limang taon, palagi nalang siya ang nag eeffort. Pero hindi niya ininda iyon dahil mahal na mahal niya ang binata. Until that one summer day.

March 15, 2010

Manhattan, New York

"Babe!" sigaw ni Jade sa kasintahang nakatalikod sa kanya at may kinakausap na kung sino. Paglapit niya sa mga ito ay nakita niyang si Lynne pala ang kausap ng binata. Napansin niyang seryosong naguusap ang dalawa pero biglang nagbago ang aura ni Milo ng Makita siya.

"Babe! I thought you're in Miami. What happened?" nakangiting sabi ng nobyo niya pagkatapos siyang halikan sa pisngi. Nanibago siya dahil hindi naman siya hinahalikan ni Milo sa pisngi.

"I just finished my conference there. Mas gusto kitang makasama. Magkakilala kayo ni Lynne?" maang na tanong niya. Si Lynne ang sumagot sa kanya.

"Oo ate. Nagkakilala kami sa UCLA." Matipid na sabi ni Lynne. Nang tignan niya ang kasintahan, napansin niyang iba na ang ikinikilos nito mula ng sabihin ni Lynne na magkakilala sila. Binalak pa ni Jade na kausapin si Lynne ngunit nagmamadali na itong nagpaalam sa kanila.

"Anong pinag uusapan niyo ng pinsan ko babe?"nakangiting tanong niya kay Milo. Nakita niya agad na parang hindi mapakali sa kanyang kinatatayuan si Milo. Bumuntong hininga muna ang kasintahan bago sumagot.

"Wala iyon babe. Nagkakumustahan lang kami dahil parehas kaming pumasok sa iisang unibersidad hindi ba?"nakangiting sabi naman ni Milo sa kanya. Magsasalita pa sana siya pero hinila na siya nito papuntang sasakyan.

Gustong gusto na tanungin ni Jade si Milo pero alam niyang hindi rin ito ang tamang oras. Anniversary nila. Five years na silang magkasintahan kaya nga siya umuwi ng New York dahil gusto niyang surpresahin ang binata.

"Babe?" tawag niya kay Milo. Napansin niyang malalim ang iniisip nito kaya naman minabuti na niyang kausapin ito.

"Yes babe?" sabi nitong hindi man lang siya nilingon. Napabuntong hininga siya bago nagsalita.

"Happy 5th anniversary. Mag usap nalang tayo kapag maayos ka na." pagkatapos niyang halikan ang kasintahan ay bumaba na siya ng sasakyan.

Gulong gulo ang isip niya habang tinatahak ang daan papuntang bahay nila. Nang makarating siya sa gate, napansin niya ang pinsang si Lynne na malalim ang iniisip habang nakaupo sa may kahoy na upuan sa may garden.

"Hey cousin! What's up?" nakangiting sabi ni Jade pagkakita kay Lynne. Bata palang si Lynne ay sa kanila na siya tumira dahil ulila na ito sa mga magulang. Namatay ang mga magulang ni Lynne ng sumabog ang barkong sinasakyan ng mga ito tatlong taon na ang nakalilipas. Iyon ding taon na iyon pinagaral ng mga magulang niya si Lynne sa UCLA.

"Ate Jade! You frightened me." sabi nitong hawak pa ang kaliwang dibdib. Napakunot noo naman siya.

"I frightened you?? Kailan ka pa naging magugulatin?" tanong niya sa pinsan. Hindi naman sumagot si Lynne at ipinagpatuloy lang ang pagtingin sa maulap na kalangitan. Nang wala naman siyang mahagilap na sasabihin pa sa pinsan ay pumasok na siya sa bahay.

Pagdating niya sa kwarto nila ni Lynne, nakita niya ang isang sulat na mukhang pinaglumaan na ng panahon. Marahil ay naghahalungkat si Lynne ng kanyang mga pinaglumaang gamit kaya nakakalat iyon sa kama. Dahil sa kuryosidad, pinakialamanan niya ang sulat na nakaagaw ng kanyang pansin. Natuklasan niyang naging magkasintahan pala ang dalawa pero nagkahiwalay lang ng landas ng magmasteral si Milo sa London. Iyon ang panahong nagkakilala silang dalawa dahil kasalukuyan siyang nag aaral ng Fashion Designer sa Paris. Hindi niya alam ang tungkol sa nakaraan ng binata dahil ito mismo ang nagsabing kalimutan na nila ang nakaraan. Ngayon lang niya napagtanto na kaya pala ayaw nitong babanggitin ang tungkol sa nakaraan nito ay dahil hindi pa rin pala ito nakakapag move on.

Paulit ulit na sumasagi sa isip ni Jade ang huling salitang binitawan ni Milo sa sulat nito para kay Lynne. Ramdam na ramdam niya sa sulat ang buong pagmamahal ni Milo para sa kanyang pinsan.

"Kung hindi mo Makita ang daan pabalik sa akin, ako ang hahanap ng daan pabalik sa iyo. Lynne, alam mong mahal na mahal kita. Hindi ko na kayang mabuhay ng wala ka. Kahit anong pilit kong mahalin ang kasalukuyang girlfriend ko, mas matimbang ka pa rin sa puso ko. Kung sana, kaya ko pa ring iparamdam sa iyo kung gaano kita kamahal. Kung sana, ako pa rin ang nag iisang lalaki sa puso mo. Pero hindi ko kayang saktan si Jade. Siya ang tumulong sa akin noong mga panahong nahihirapan akong kalimutan ka. Siya ang tumulong sa akin para mapawi ang kalungkutang nadarama ko dahil malayo ako sa iyo. Hindi ko maiwasang hindi mahulog ang loob sa kanya. Inaamin ko na natutunan ko na siyang mahalin pero sandaling panahon lamang pala iyon dahil sa tuwing magkasama kami, hindi ko maiwasang isiping ikaw ang kasama ko. Na sana ikaw ang kayakap ko. Sana. Sana ay bigyan NIYA ako ulit ng pagkakataong masabi sa iyo kung gaano kita kamahal."

Hindi na alam ni Jade kung gaano siya katagal sa pwesto niya. Isa lang ang alam niya. Kailangan niyang ibalik si Milo si babaeng talagang mahal nito.

Nasa gaanong posisyon siya ng biglang pumasok si Lynne sa kwarto nila.

"Ate?" napansin agad ni Lynne ang hawak niyang sulat. Agad niyang pinunasan ang mga luhang tumulo sa kanyang mga mata.

"Nandyan ka na pala. Pasensya ka na. Napakialaman ko yata ang gamit mo. Hindi ko naman alam na sa iyo pala yan." Bigla nalang ibinigay ni Jade kay Lynne ang sulat at nagpaalam na lalabas muna. Pero nakita niyang hinawakan ni Lynne ang kanyang braso.

Lynne told her everything that day. Kung paano sila nagkahiwalay ni Milo at kung paano sila muling nagtagpo sa pamamagitan ng Social Media. Sinabi ni Lynne na nakita raw ni Milo ang account niya through their common friends. Habang nakikinig siya sa kwento ni Lynne, hindi na naman niya mapigilang umiyak. Bakit ba napakaliit ng mundo? Ang nakaraang ayaw buksan ni Milo sa kanya, nasa harapan na niya ngayon. Worst, pinsan pa niya.

"Alam ko kung gaano mo kamahal si Milo ate. Sa laki ng utang na loob ko sa pamilya mo, hinding hindi kita kayang saktan. Huwag kang mag alala, wala akong balak na guluhin pa kayo ni Milo. Mula ng iwan niya ako para magtungo sa London, alam ko, may posibilidad na hindi na kami muli pang magkita. Magkita man kami, walang kasiguraduhan kung mahal pa niya ako. Ngayong nakita kong ikaw na ang girlfriend niya, hindi ko kakayaning saktan ka at agawin siya." niyakap siya ni Lynne matapos sabihin iyon sa kanya.

Kinabukasan, nagpasya si Jade na makipag usap kay Milo. Handa na siyang gawin ang bagay na alam niyang ikasasakit ng damdamin niya pero alam niyang iyon ang tamang gawin. She loved them both kaya naman gagawin niya ang lahat Makita lang masaya ang dalawang taong importante sa kanya.

Naghihintay na si Milo sa plaza malapit sa pinagtatrabahuhan ni Jade ng dumating siya. Ngumiti muna si Milo sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. Na naman. Alam na niya ngayong may nagbago nga sa binata.

"I'm sorry I'm late. Kanina ka pa ba?" tanong ni Jade sa nobyo. Umiling naman ito saka siya sinensyasang umupo sa tabi nito sa isang bakanteng bench.

"What urgent thing are we going to talk about, Jade?" sabi nito sa naiinip na tinig. Jade. Jade nalang ang tawag nito sa kanya. Nawala na ba ang kaunting pagmamahal na natitira rito para sa kanya? Hindi niya akalaing mauuwi lang sa ganito ang limang taong pinagsamahan nila. Kung hindi sana niya ito pinilit na bumalik ng New York para doon na magopen ng sarili nitong negosyo, sana masaya pa rin sila ngayon. Kung sana sumama nalang siya ng yayain siya nitong umuwi ng New York. Pero mas pinili niyang ipagpatuloy ang kanyang nag uumpisang career sa Paris dahil alam niyang marami pa siyang matututunan doon. She let him go without her knowing that he might not even come back to her.

Pinigilan ni Jade ang nagbabantang pumatak na mga luha at nakangiting humarap sa nobyo.

"I am letting you go, Milo. I know you deserve to be happy. And Lynne is the one and only person who can make you happy." Nakangiting sabi ni Jade sa nobyo. Hindi alam ni Jade kung saan siya kumukuha ng lakas ng loob para sabihin sa nobyo ang mga salitang lumalabas sa kanyang mga labi. Ang alam lang niya, magaan ang pakiramdam niya kasi alam niyang magiging masaya na si Milo sa piling ng babaeng talagang mahal nito.

"What are you talking about?" nakakunot noong tanong n ani Milo sa kanya. Ngumiti muna siya at nagpatuloy sa pagsasalita.

"Milo, huwag na tayo maglokohan. Alam ko na ang lahat ng tungkol sa inyo ni Lynne. Alam ko na rin na hanggang ngayon ay siya pa rin ang laman ng puso mo. Kahit kailan Milo, I can't compete with her. Hindi ko kayang makipagkumpetensya sa kanya kasi mas malalim ang pagmamahal mo sa kanya kaysa sa pagmamahal na ibinigay mo sa akin. Five years is more than enough to spend it with someone like you Milo. You taught me a lot of things. You showed me that life is too beautiful to waste my time on those things that don't matter to me the most. And the most important thing you taught me? You taught me how to love unselfishly." Niyakap niya muna si Milo bago muling nagsalita.

" Don't let this opportunity pass. It's time for you to spend the remaining days of your life with the person you really love. You deserve her and she, deserves you as well. I am hurting, yes, but I am happy knowing that Lynne will be in good hands. You're such a wonderful person Milo. Lynne deserves you more than I do. Just promise me one thing, you will never ever let her go again." Matapos sabihin ni Jade ang mga salitang iyon, lumayo na si Jade kay Milo. Masakit sa kanyang ipaubaya ang lalaking minamahal sa babaeng nagmamahal rin dito pero alam niyang iyon ang tama. Masaya siyang lumayo sa lalaking minsang naging bahagi ng kanyang buhay.

Matapos ang wedding ceremony, minabuti ni Jade na huwag ng magpakita sa bagong kasal pero huli na dahil nakita na siya ni Lynne. Nakangiting kumaway ito sa kanya.

Wala naman siyang nagawa kung hindi lapitan ang mga ito. Nakita niyang masayang masaya si Lynne. At alam niyang hindi siya nagsisisi sa ginawang desisyon.

"Salamat. Hindi mo lang alam kung gaano kahalaga sa akin ang araw na ito. Maraming maraming salamat ate Jade." bulong na sabi ni Lynne habang yakap yakap siya. Tumango naman siya bilang pagtugon. Hindi niya kayang sagutin ang pinsan dahil alam niyang tutulo ang kanyang mga luha anumang oras. Matapos niyang batiin ang bagong kasal ay nagpaalam na siya sa mga ito.

Nakakailang hakbang palang siya ay agad siyang hinabol ni Milo.

"Jade.." sabi nito matapos siyang yakapin ng mahigpit. Pinilit niyang kumawala sa mga yakap ng dating kasintahan. Alam niyang mali na umasa pa siyang maibabalik pa nila ang dating samahan. Nakipaghiwalay siya rito ng malaman niya ang tungkol sa relasyon nito sa pinsan niya.

"Congratulations Milo. Mas mabuti sigurong magsimula na tayong magturingang magpinsan. Kasal ka na sa pinsan ko." mahinang sabi ni Jade sa kanya at niyakap siya sa huling pagkakataon.

"Jade, I really don't know how to thank you. Huwag mo rin sana iisiping hindi kita minahal. Minahal kita. Pero hindi ko pala talaga kayang palitan si Lynne sa puso ko. Maraming maraming salamat sa pagbibigay na ginawa mo. Napakabait mo. You deserve to be happy. And I am sure that there is someone waiting for you out there." Matapos sabihin iyon, he bids his last goodbye. Alam niya sa sarili niyang kahit gaano kasakit, kailangan na niyang kalimutan ang pagmamahal niya sa lalaking nakatali na sa iba.

Pagod na inihiga ni Jade ang hapong katawan sa kanyang kama pagdating niya sa kanyang tinutuluyang condo unit. She survived this day. Nagawa niyang pasalamatan ang kanyang sarili ng hindi siya magbreakdown sa kasal ng pinsan niya kanina.

She felt proud and hurt at the same time. Proud kasi nagawa niyang magpakatatag sa harap ng kanyang buong pamilya at nasasaktan dahil inaamin naman niyang mahal na mahal pa rin niya si Milo. Pero alam niyang hindi na pwedeng maging sila kahit kalian. Siya rin naman kasi ang gumawa ng paraan para tuluyan ng lumayo ang binata sa kanya.

She still loved Milo but she knew that she did the right thing. Milo and Lynne are now together. Alam niyang totoong saya na ang makikita sa mga mukha ng dalawang taong minsang pinaglaruan ng tadhana at muli ring pinagtagpo sa pamamagitan niya.

She sweetly smiled at herself in front of the mirror that morning when she woke up. Masarap talaga sa pakiramdam kapag alam mong may natutulungan ka. Broken hearted man siya ngayon, alam niyang may itinadhana sa kanya ang nasa Itaas kaya ang kailangan lang niyang gawin ay maghintay.

She felt happy even though she's still hurting inside. But she knew, time will heal all wounds. She knew that she will deserve a beautiful happy ending with someone who will love her the way she will love him. Someone she can share all of her pains and sorrows, joys and victories. She knew that when the time comes that she will be meeting her very own prince charming, she will be ready to be his princess.

"Hindi sa lahat ng pagkakataon ay kailangan mong ipaglaban ang taong mahal mo. Minsan kasi, kailangan din natin silang ibigay sa taong alam nating tunay na makakapagpasaya sa kanila dahil iyon ang mahalaga sa lahat. Ang Makita silang masaya kahit na nga sa piling ng iba. That's the gift of true love.." - Sofia Jade Almazan.

Continue Reading

You'll Also Like

159K 2.7K 48
ON-GOING Hindi alam ni Kiera na dahil sa isang listahan ng utang makikilala nya ang isang lalake. Si Dwight, ang lalaking hindi niya akalaing kapatid...
1.2M 30.5K 64
"Love is like war,easy to begin but very hard to stop." Alastair Gray McKlein- a wealthy young-man guy with an epitome of God except to his personali...
1.7M 71K 46
"People really do wrong decisions when it comes to love. Nagiging matapang, minsan naman ay nagiging duwag. I kept on saying that I love him but I wa...
11.1K 806 26
Esmeray is a money-loving woman but hard-working person who have many jobs and barely sleeps. One night after leaving her last job, she got in a car...