The Auditions

By DiabolicalWriters

20.6K 747 221

More

The Auditions
Buhay ng Patay
Hindi Ko Maintindihan
De 'Ja Vu
Please Stay
Renascence
Sa Jeep
The Game That I Just Played
The Gift
Sacrifice
Please, Take Care of Him...
The Lakhan
Those Days...
First Love Never Die
The Calm After the Storm
Longing for Love
Paano Ba Maging Isang Manunulat?
Gusto kong maging isang Doktor
Chat
Just a dream
Tamed
Dear Mr. Kupido
Unheard
Bakit?
Daring the Devil
Sa Lilim ng Saksing Puno
Unspoken
The Star Gazer Boy
Closure
Blissful Pains
All She Had
The Saviour and the Predator
What Summer Brings
Waking Up
Secret and Lies
Rooftop
black cat
First Anniversary
Withered me
The Art of Making Love
My Key To Survive
Best Man
Thirteen
Attack on Eren
Surpresa ng Maynila
Ang Kwentista
Demonyang Babae
How to Break Them
Flight
Alas Tres
Field Trip
Love Race
Swimming is Fun
Memento Mori
Dama De Noche
Ikaw Parin
Anew
Painful Vacation
Munting Tinig
Wake Up No More
The Vast Bird Bath
Ang Sepulturero
Consequence of Loving Him
Litrato
Wild Awake
Kung Sana
Oras Na
World of Chances
The End
Georgina
Sa Pag-uwi ni Kuya
Playlist
Erlking
Naupos na Boses
Kung Kailan
Of The Beast And The Flyings
PAINT MY HEARTACHE
Morose Ecstacy
Berto
Hummingbird Heartbeat
Tunog ng Dagat
Pangitain
Ang Alamat ng Ulan
last piece for tonight's feast
Mamatay Ka Na Sana
I love you, Goodbye
Melba and Her Happily Ever After
Transparent
Lianna
Broken
Pag-iral
Love and Sacrifice

Orgmate

429 12 3
By DiabolicalWriters

Genre: Romance


Kapag ganitong first day ng klase, sobrang toxic ng sched ko. Hangga't maaari, huwag ko na muna pasukan ang iba kong klase para makapag recruit para sa org namin. Mas maraming members, mas madali kaming mapag bigyan sa mga gusto at pinaglalaban namin. Mulat Estudyante ang pangalan ng org namin. Kami ang mga estudyante na pinaglalaban ang karapatan ng bawat estudyante. No to tuition fee increase. Tatlong taon na namin pinaglalaban 'yan pero hindi kami mapagbigyan. Dahil siguro konti lang naman kaming umaalma. Sino ba naman kasing nagsabi na pumasok ako sa isang pribadong eskwelahan tapos hihingi ako ng pag baba ng tuition? Para sa ibang estudyante, kalokohan ang ginagawa namin. Pero para sa amin na kasali sa Mulat Estudyante sobrang importante ng pinaglalaban namin. Hindi naman kasi lahat ng estudyante dito sa school na 'to may pambayad. Karamihan scholar, ang iba naman talagang nagtitiis na lang sa taas ng tuition nila. Maganda kasi mag aral dito , kilala kasi. Maganda ang turo, ang pasilidad. Lahat.

"Eleanor!"

Napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Fatima. Isa sa mga member ng org namin. Siya ang kasundo ko sa lahat at parang magkapatid na talaga ang turingan namin. Lahat kami sa org, ganoon. Pero iba ang pagiging dikit namin ni Fatima. Wala kaming sikreto sa isa't-isa.

"Fat! Ano, may narecruit ka na ba?" Hinila ko sa kanya ang mga form. Malungkot ko siyang tinignan.

"Wala?" Marahan naman siyang tumango at hinila ako paupo sa hagdan ng stage.

"Kailangan na ba nating lumipat sa public? Pero Elea sayang naman. Isang taon na lang oh." Tumayo ako at hinila sa kamay niya ang mga form.

"Hindi! Hindi ako papayag. Dito tayo gagraduate Fat!" Umalis na ko at nagsimula na ulit mag ikot sa campus.

Inabutan na ako ng lunch break pero wala pa din akong narerecruit.

"Aray!" Isa-isa kong dinampot ang mga papel na dala ko. Sumabog lang naman lahat ng dala ko sa sahig dahil sa may tanga na bumangga sa akin.

"Tumulong ka naman kuya! Damputin mo 'yung iba! Baka hanginin! Wala na kaming pera pang xerox niyan!" Patuloy lang ako sa pagdampot at nakita ko sa gilid ng mata ko na dinadampot na niya ang mga papel.

"Oh. Sa susunod tumingin ka sa dinadaanan mo ha." Mabilis akong lumingon sa kanya para sana bulyawan siya pero ..

"Sorry." Napatakip ako sa bibig ko. Bakit ako ang nagso-sorry? Siya ang bumangga sa akin!

"Okay lang." Malamig na sagot niya bago tumalikod at lumakad na paalis.

Ang gwapo ni kuya! Parang huminto lahat ng nasa paligid ko nang makita ko siya. Bakit ngayon ko lang siya nakita dito sa school? Transferee ba siya?

Tumayo ako at hinabol siya. "Kuya! Kuya wait lang!"

Huminto siya at hinarap sa akin ang ID niya. Nagtataka akong tumingin sa kanya. Ngumisi siya bago siya magsalita.

"Shane Donovan. Diba tinawag mo lang naman ako para itanong kung anong pangalan ko?" Maangas na sabi niya sa akin at napaubo naman ako sa kayabangan niya.

Oo gwapo siya, syempre gusto ko na din malaman pangalan niya pero hindi 'yun ang dahilan kung bakit ko siya tinawag. Nakabawas tuloy sa pogi points niya 'yung pagka feelingero niya.

"Wow lang ha. Oh!" Inabot ko sa kanya ang fliers ng org namin.

"Mulat Estudyante? What's this?" Ibinalik niya sa akin ang fliers habang umiiling.

"Anong pinaglalaban niyo?" Tinaasan niya ako ng kilay. Tinaasan ko din siya. Anong akala niya? Hindi ko siya papatulan porke gwapo siya?

"Pinaglalaban namin? Lahat! Lahat ng karapatan ng estudyante. No to tuition fee increase. Hindi mo ba napapansin taon-taon ang pagtaas nila ng tuition fee? Hindi na makatarungan 'yun para sa mga batang mahirap na gustong mag-aral dito sa eskwelahan nila." Pasigaw kong sabi sa kanya pero umiling lang siya.

"Hindi ko pinoproblema ang tuition fee ko, kaya walang sense kung sasali ako diyan." Tumalikod na siya pero hinabol ko ulit siya at hinila ang mangas ng polo niya.

"Te-teka uy! Pero hindi porke sumali ka sa amin, hindi mo na kayang magbayad ng tuition. Hindi ba pwedeng kaya ka sumali kasi gusto mo kaming tulungan? Mas maraming umaalma, mas madali nilang malalaman ang hinaing ng mga estudyante nila. Pwede kang tumulong sa amin. Sige na please. Kailangan talaga namin ng mga bagong member." Inabutan ko ulit siya ng form at nag puppy eyes sa harap niya. "Bibigyan kita ng isang linggo para pag-isipan 'yan. Mag fill up ka sa form na 'yan pag sasali ka. Salamat ha. Shane." Nginitian ko siya at umalis na.

Nakagat ko talaga ang daliri ko dahil sa tuwa.

O baka sa kilig?

Ang gwapo lang po. Mahangin lang.

-

Hanggang pag uwi ko sa bahay hindi maalis sa isip ko si Shane. Bakit ang gwapo niya? Ang perfect ng mukha. Nakaka insecure.

"Hello Fat! May narecruit ka na ba? Sorry ha, hindi na tayo nag kita kanina. Nagmamadali kasi ako umuwi e." Tinawagan ko agad si Fat pagkauwi ko sa bahay. May gusto kasi akong i-share sa kanya

.

"Hoy Eleanor, bakit sa tono ng pananalita mo parang pakiramdam ko ang laki ng ngiti mo? Kwento na friend!" Kilala na talaga ako nito ni Fatima. Napatili na lang ako bigla dahil sa kilig na nararamdaman ko.

"Fat. May gwapo akong nakilala, Shane 'yung name niya. Binigyan ko din siya ng form ng org natin. Sabi ko bibigyan ko siya ng one week para makapag isip. Friend, na fall na yata ako sa kanya." Kinikilig na sabi ko kay Fatima.

"Umayos ka friend. Kapit ka muna, 'wag ka muna ma fall. Hindi mo pa kilala 'yang Shane na 'yan. Baka mamaya may girlfriend na 'yan."

Halos hindi ako pinatulog ng mga sinabi ni Fatima. Bakit nga hindi ko 'yun inisip? Sa gwapo ni Shane, malamang may girlfriend na siya.

-

Maaga akong pumasok para mag abang ulit ng mga estudyante. Maya-maya mag sisimula na ang klase. Patay ako nito, hindi na ako nakapasok sa klase ko kahapon.

Naubos ko na ang hawak kong mga fliers, wala akong pinapalampas na isang estudyante. Lahat sila inabutan ko ng fliers.

Nagmadali akong pumunta sa classroom ko at pag pasok ko halos lumuwa ang mata ko sa nakita ko.

Classmate ko siya?

Dumiretso ako sa bakanteng upuan sa tabi niya. "Bakante 'to?" Tumango naman siya at bumalik na sa pag babasa ng libro.

"Asan na'yung form? Na fill-up-an mo na?" Nakangiting tanong ko sa kanya, pero dinedma niya lang ako. Napairap na lang tuloy ako. Sungit.

-

Tatlong linggo na ang nakalipas simula nang ibigay ko sa kanya ang form, pero hindi pa din niya binabalik sa akin 'yung form.

"Shane! Hi! Ano, asan na 'yung form?" Nakangiting tanong ko sa kanya. Nakakapagod na habulin 'tong lalaki na 'to. Tatlong linggo na akong naghahabol sa form na 'yun.

"Kumakain ako. Huwag ka magulo." Masungit na sabi niya.

"Pero may balak ka pa bang sumali?" Para naman malaman ko di ba? Baka mamaya paasa lang 'to. Umaasa na nga ako na sana wala siyang girlfriend e, pati ba naman sa pag sali niya aasa pa din ako. Ang saklap na n'un.

"Ewan. Pag iisipan ko." Napatayo ako at napahampas sa lamesa dahil sa sinabi niya.

"Sa tatlong linggo, hindi mo pa din napag-isipan?" Napalingon sa amin ang mga ibang estudyante na kumakain dito sa cafeteria. Nag peace sign naman ako sa kanila at dahan-dahang umupo.

"Pahiya ka no?" Nakangising sabi niya bago ako iniwan at lumabas ng cafeteria.

"Kung hindi lang kita gusto, hindi ko na hahabulin 'yang form sayo. Dahil sa form na 'yan, nakakausap kita e." Bulong ko, as if I'm talking to him.

-

"Hi Shane, Good Morning." Tumango lang siya at sumubsob sa desk. Kinalabit ko siya kaya siya nag angat ng tingin sa akin

.

"Ano!" Iritadong tanong niya sa akin.

"Sungit. 'Yung form, nasan na?" Nilahad ko ang kamay ko sa harap niya pero hinawi lang niya ang kamay ko bago ulit sumubsob.

Hanggang lunch break hinahabol ko siya pero hindi niya ako pinapansin. Hanggang sa mag uwian na.

"Tigilan mo na nga ako sa form na 'yan. Wala kang mapapala sa akin, hindi ako interesado. Nakaka irita ka na." Binangga niya ang balikat ko at lumabas na ng room. Napaupo na lang ako sa upuan ko at umiyak.

Naiirita na pala sa akin 'yung taong gusto ko.

Hinabol ko siya at nakitang pababa na ng building.

"Shane!" Lumingon siya at nalukot naman ang mukha niya dahil ako na naman ang nakita niya.

Kumamot siya sa ulo niya at iritado akong tinignan. "Alam mo, kung wala kang pambayad sa school na 'to, lumipat ka sa mga public. Doon, wala kang babayaran. Hindi 'yung nang iistorbo ka ng ibang tao."

Lumakad na ulit siya pero tinawag ko ulit siya.

"Shane! Oo, dahil sa form na 'yan kung bakit kita kinukulit. Pero Shane, may iba pang dahilan e." Huminto ako at humugot ng malalim na hininga.

"Gusto kita Shane."

-

Lugmok na lugmok ako nang umuwi ako sa amin. Pagkatapos ko siyang sabihan na gusto ko siya, ngumisi lang siya at lumakad na palabas ng building.

"Fat." Nakahiga na ako sa kama ko at naisipan kong tawagan si Fat. Siya lang ang mapagsasabihan ko nh problema ko.

"Eleanor. Bakit? Parang matamlay ka." Mariin akong pumikit at nagsimula nang magkwento sa kanya.

"Wala akong macomment friend. Talagang nag confess ka? Nauna ka pa mag confess sa kanya bago sa akin? Friend, galing mo magtago ng feelings ah, hindi ko napansin. Pero advice ko lang sayo, tigilan mo na si Shane. Mukha namang hindi siya interesado sayo e."

Oo nga, bigyan ko naman ng konting awa ang sarili ko.

-

Kinabukasan pag pasok ko, nakasalubong ko si Shane. Gusto ko siyang batiin ng Good Morning pero pinigilan ko lang ang sarili ko. Dumiretso na lang ako sa upuan ko at hindi na siya tinapunan ng tingin.

Ilang araw ko na siyang iniiwasan at thank God at kinaya ko. Napapadalas na din ang pag bangga niya sa akin t'wing magkakasalubong kami. Gusto ko siyang bulyawan pero hindi ko na ginawa. Madalas pag irap na lang ang ginagawa ko.

-

Isang buwan na ang nakalipas mula noong huli naming pag uusap. Minsan nakakalimutan ko na din na may Shane pala na nag eexist. Sobrang naging busy na din ako sa study ko at sa org ko.

"Eleanor! May naghahanap sayo." Sigaw ng ka- org ko na si Annabel. Nandito kasi ako sa room namin, wala kaming sariling pwesto kaya dito na lang kami sa room namin pumupwesto t'wing may meeting kami.

"Sino daw?" Pinagpatuloy ko lang ang pagsusulat ko.

"Sasali yata! 'Lika na dito!" Nakangiting sabi niya. Natuwa naman yata siya masyado sa bagong sasali.

Paglabas ko, literal akong napanganga. May inabot siya sa akin na papel at nanginginig ang mga kamay ko na tinaggap 'yun.

"Bakit? Wala ka na bang pambayad ng tuition mo kaya ka sasali?" Ngumisi siya at hinila ako at kinulong sa mga bisig niya.

"Parang hindi kumpleto ang araw ko pag walang nangungulit sa akin. Nahulog na yata ako dahil sa kakulitan mo." Bulong niya sa tenga ko. Ramdam na ramdam ko ang init ng hininga niya.

Lumayo ako at tinitigan siya. Inabot ko ang noo niya at umiling.

"Anong nakain mo? Wala ka namang sakit?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

Naalala kong buklatin ang papel na inabot niya sa akin at naluha ako dahil sa nabasa ko.

"A-ano, ano 'to?" Binasa ko ulit ang nakasulat sa papel, pero walang nag bago. Ayun pa din ang nakasulat.

"Form 'yan. Mag fill up ka na. Lagay mo pangalan mo. Isa lang naman ang sasagutan mo diyan e." Nakangiting sagot niya sa akin.

Binasa ko ng malakas ang nakasulat sa papel.

"Can you be my girlfriend? Yes or Yes? May iba pa bang option?" Nakangiting tanong ko sa kanya pero umiling lang siya.

Tinignan ko siya at marahan akong tumango at ngumiti sa kanya.

"Yes."

The end.

Continue Reading

You'll Also Like

304K 453 150
I don't own this story credits to the rightful owner 🔞
55.6K 208 16
This story is not mine credits to the rightful owner 🔞
35.9K 62 16
I don't own this story credits to the rightful owner. 🔞
1.7M 71.6K 46
"People really do wrong decisions when it comes to love. Nagiging matapang, minsan naman ay nagiging duwag. I kept on saying that I love him but I wa...