I'm inLUST with my BOSS

By therealsweetyjasmine

2.6M 30.2K 2K

Dumudumi ang isip ko sa tuwing nandiyan sya. Sh*t!! More

Intro: In-LUST with my Boss
Commercial lang saglit..
1st: I wanna EAT you!
Thank you and SORRY!
2nd: Touch me....please!
3rd: Shyness attack!
4th: Start of something new?
Papampams...
6th: Baby-Sit on me....
7th: strength please...
7.2: lucky
8th: Is it really happening?
9th: Bitter-sweet kisses..
A-10-TION READERS.. :)
10th: Jealous?
11th: Confession part 2!
12th: Surprise?
13th: Unexpected VISITOR..
14th: Back for good?
15th: Awkwardness...
16th: Contest?
17th: Competition part 1
18th: His story...
19th: Date??
20th: Confused 2.0
21st: Bebot # 2
22nd: Confused 3.0
23rd: the Boss' POV
24th: Space..
Paumanhin
25th: Dying inside..
26th: And I responded..
27th: It's official.. :)
28th: Her's opinion
29th: Visitors Day!
30th part 1: Happy 1st!
30th part 2: Happy 1st year!
31st: unknown girl

5th: he is coming...

109K 1.2K 56
By therealsweetyjasmine

This chapter is for you @bubblycutie.. thanks sa comment mo.. simple lang, pero napasaya mo ako... Ang babaw ko diba? Haha... mwaah!!

Comments pa more guys.. Thanks much!! :)

_________________________________________

Ilang minuto na ang nakalilipas mula ng ihatid ako ni Inigo sa apartment na tinutuluyan ko. Umalis din ito agad dahil may pupuntahan pa daw ito at sinabing babalik nalang after an hour para sunduin ulit ako.

Buti nalang umalis sya agad, dahil ngayon biglang nag-sink in sa akin ang lahat ng nangyari. Mula kasi ng umalis ito ay kanina pa ako nakatayo sa likod ng pinto, at hanggang ngayon, tila lutang parin ang pakiramdam ko.

"Nangyari ba lahat ng iyon o panaginip lang?"kausap ko sa sarili ko.

Parang biglaan eh. Parang kahapon lang, seryoso pa kaming pareho sa trabaho. Hindi man nga kami masyadong nagkikibuan, maliban nalang kung may iuutos ito o kaya ito mismo ang lumabas sa opisina nito at makipagusap saakin.

Pero kagabi, mula nung mainom ko ng di sadya yung hayop na Aphrodisiac na yun, nagbago na ang lahat!

Nahawakan ko siya.
Nayakap ko pa!
Kaso ang pinaka-matindi sa lahat, nakita na niya ang lahat sa akin!

Nakakahiya lahat ng nangyari pero imbes na mailang kami sa isa't-isa, ay naging close pa kami bigla.

Tapos mamaya, magbibaby-sit pa kaming dalawa? As in, kaming dalawa...

At pumayag naman daw ako? Anyare?

"Ava, matindi! Gab, gravi na iti!"

Napakamot nalang ako sa ulo ko. Di ko kasi alam kung dapat ba akong matuwa o hindi sa mga naganap, at sa magaganap pa kung sakaling meron man.. haha!

Kasi, dapat ko bang ikatuwa na close na kami ng lalakeng pinagpapantasyahan ko sa araw at gabi? Ang lalakeng naging dahilan kung bakit ako natutong mag-imagine ng kung ano-anong sexy scenes? At kung may 'mangyari' man nga, at mapunta sa iba ang closeness namin, ako lang din ang lugi. Kasi, knowing him, "Naku Lianne Gabriel, mabubuntis ka lang pero wala kang mapapala!"panenermon ko sa sarili ko.

But on the other hand, tila kinikiliti naman ako ng maisip ko na pa'no kung may 'mangyari' nga sa amin.

"Pa'no ko kaya siya hahawakan? Ga'no kaya siya kalaki?"my naughty mind was starting to get wild again!

"Ganito kaya?"saka ako gumawa ng tila letter 'O' sa kamay ko.

"Or bigger?" I giggled.

"Ay mabuti pa at maligo ka nalang ulit Gab at nang mawala yang init na nararamdaman mo! Nagmemens ka na nga't lahat ang dumi pa ng isip mo!" sermon ko sa sarili ko at nagsimula ng maglakad papunta sa banyo.

Halos kalahating oras din ang lumipas bago ako matapos maligo. Hinagod ko lahat, nilibagan ang dapat libagan. Para fresh na fresh! At ng matapos ako, isa na naman ang pinoproblema ko.

'Ano kaya ang susuutin ko?'

Tiningnan ko ang mga damit ko sa cabinet.

Sa totoo lang, limitado lamang ang magagarang damit ko. Karamihan sa mga damit ko ay puro pang office attire at kaunti lamang ang "pang-gala". Halos kalahati pa ng mga ito ay puro bigay ng bestfriend ko. Hindi kasi talaga ako mahilig lumabas kaya kuntento na ako sa mga pambahay na damit kaya madalang lang din akong bumili kung di naman talaga kailangan.

Pero sa pagkakataong ito, tila pinagsisisihan ko na hindi ako nahilig magshopping. Kasi di ko alam kung ano susuotin ko!

"Ay bahala na nga!"sabi ko at kumuha ng pares ng damit at nagsimula ng magbihis.

Sa 9 months na pagstay ko sa Chaussure, puro sa pagpapagawa ng bahay namin sa Tarlac ang kinapupuntahan ng sahod ko. Madalang lang akong mamili ng ng pangpersonal na gamit. Ang cellphone ko nga, di mapapalitan ng touch screen kung di pa ko binigyan ng bestfriend ko. Katwiran ko, mas importante ang load kaysa sa mismong unit.

Pero nagpumilit parin ito na bigyan ako dahil nakakahiya naman daw kung ang assistant ng Boss ng Chaussure ay puchu-puchu ang cellphone. At may mga downloaded apps din daw ito na tiyak na kawiwilihan ko. Di ko mapigilang matawa ng maalala ko ang conversation namin.

(Flash back)

Hawak ko ngayon ang cellphone na nakakahon pa na inabot ni James. Kunot-noo ko siyang tiningnan. "Para saan to?"I asked him.

"Don't tell me Queen, first time mo makakita ng Iphone?"pamimilosopo naman nito.

Kunwa'y ipupukpok ko sa kanya ang kahon, "Timang! Ano ngang gagawin ko dito? Naghihirap ka na ba kaya nagbebenta ka na ng gamit? Wala akong pambayad sayo."sagot ko at binalik sa kamay niya ang kahon pero di nito kinuha.

Isang araw palang ang Iphone na ito sa kanya at kahapon lang niya ito binili. Ang bilis naman yata niyang magsawa?

"Sa'yo yan." balewalang sagot nito at prenteng umupo sa sofa. Nandito kami ngayon sa Apartment ko, at ang aga-aga, nambubulabog na naman siya. Sabagay, Sunday kasi ngayon at dahil siya ang CEO ng kumpanyang ipinundar ay hawak niya ang oras niya.

"Wala akong pambayad sayo. Hanapan nalang kita ng ibang buyer."sagot ko at nilapag sa harap nito ang kahon at nagsimula ng maghanda ng agahan namin.

"Who told you that I'm looking for a buyer? Mukha na ba akong busabos?"anito sabay turo sa gwapo nitong mukha.

"Nope. But you look like a nuts."pangaasar ko.

"Ako? Mukhang 'Mani'?" loko-lokong sagot nito.

Natawa ako sa sinabi niya. Sadyang pilosopo talaga.

"Oo. Kaya kung di mo pa kukunin yan, kakainin na kita." Sagot ko at pinanlakihan ito ng mata.

"Eat me? Oh, sure. My pleasure. Di ako mag-iingay promise."he answered at parang umaktong iaalay ang katawan sa harap ko.

"Sa itsura mong yan? Na-ah... Sorry I changed my mind. Besides, vegetarian ako."I giggled.

"You won't regret it. Come-on. Let's do it!"sabay tapik nito sa hita. Sa tuwing ginagawa niya iyon, di ko mapigilang matawa.

Kinuha ko ulit ang kahon ng cellphone na pinatong nito sa mesa at hinagis dito. Agad naman nito itong nasalo.

"Puro ka kalokohan. Buti pa umuwi ka na. Ang aga-aga nanggugulo ka."pagtataboy ko dito kunwari habang pinipigilan ang pagtawa.

Nakangiti naman itong lumapit at pilit na inabot sa akin ang kahon,"Pakainin mo nalang ako. Tapos, ito bayad ko."

"May cellphone na ako." Balewala kong sagot. Nakasumpong na naman kasi ang pagiging generous nito, at swerte na ako na naman ang napagdiskitahan.

"Sige na Queen, Take it. Para sayo talaga yan."pamimilit nito.

"Sabi ng may cellphone na ko. Di ko kailangan yan. Tapos narin ang birthday ko kaya di mo ko kailangang regaluhan. Saka alam mo naman na di ko hilig ang ganyan. Baka akala nila mayaman ako, ikapahamak ko pa."sagot ko.

"Queen, kahit na nga wala kang ganyan, at gusot-gusot ang suot mo, mukha ka paring mayaman sa sobrang ganda mo kaya wala ka ng magagawa. Saka andito naman ako para protektahan ka kaya di ka mapapahamak. And besides, sayang naman ito kung walang gagamit."pamimilit parin nito.

"Nambola ka pa! Bakit mo ba kasi binili yan kung di mo naman pala gagamitin?"

"Eh kasi sabi nila, maganda daw pang ML yang latest model ng Iphone eh."

"Mobile Legends? Susme King, kailan ka pa natutong mag-ML?"mulagat kong tanong. Kahit kailan talaga may pagka childish parin ito. Natawa tuloy ulit ako.

"Nung isang araw lang. Pamatay oras din habang nagaantay sa photoshoot."nakangiting sagot nito.

Napatawa na talaga ako. Napanood ko na iyon sa balita. Marami na nga daw ang lulong sa larong iyon at mukhang pati ang bestfriend ko ay isa na sa kanila.

"Oh tapos? Di ka nagandahan kaya ngayon, idodonate mo na ito sa iba?"ang mga mayayaman talaga, walang awa sa pera.

"Parang."nakangising sagot nito.

Napailing ako. Sabagay, barya lang naman sakanya ang pinambili nito dito.

James Alexander Ayala was one of the hottest male photographer not only in the Philippines, but also in different countries. He is also being labeled as 'One of the Hottest Bachelor in town'. Bukod din sa pagiging anak ng business tycoon na si Mr. Timothy Ayala, marami na itong achievements sa buhay. At the age of 22, nakapagpundar na ito ng sarili nitong business. Isa pa sa achievements nito ay ang magkaron ng maraming awards ng dahil narin sa husay nito sa napiling larangan. 2nd year college palang kami ay nagsimula na itong magtrabaho nang alukin ito ng isa sa mga judge ng sinalihan nitong competition noon na maging isa sa mga photographer ng modelling agency na pagmamay-ari nito. Nakitaan kasi siya nito ng potential. At doon na nagsimula ang career nito.

Sa totoo lang, kahit na hindi ito magtrabaho ay kaya nitong mabuhay ng maalwan dahil sa yaman ng mga magulang nito, pero ayaw nitong patuloy na sumandal sa mga magulang kaya lahat ng kinita nito sa loob ng tatlong taon ay ipinangpundar nito agad ng sariling business.

Malaki ang pasasalamat ko dito at sa pamilya nito dahil kung hindi din dahil sakanila, hindi ako makakapagtapos ng pag-aaral. Ang ama nito ang nagpaaral sa akin. In short, scholar nila ako. Lucky me.

"Ibigay mo nalang yan sa girlfriend mo." balewala paring sagot ko. Ayaw kong tanggapin kung maaari lang ang kahit anong bagay na inireregalo nito sa akin dahil ayaw kong maisip nito na sinasamantala ko ang pagiging mag bestfriend namin. Mula kasi ng maging magkaibigan kami ay panay regalo nalang ang natatanggap ko mula dito.

Ten years old palang kami ng magkakilala kami ni James. Dating driver ng pamilya nila ang tatay ko, at dahil bunso ako at aminadong papa's girl, malimit akong isama ng tatay ko sa trabaho.  At dahil 'bibo kid' daw ako nung bata ako, nakawilihan ako ng magulang niya. Nang malaman nila na kaedad ko ang anak nila, inalok nila ako ng scholarship. Para narin daw may makasama na ang anak ng mga ito. Doon ay naging classmate ko si James at naging kaibigan.

"Tsk tsk. Edi tinanggap mo din na para sayo nga ito Queen. Ikaw lang naman ang girlfriend ko. Saka, nakakahiya naman kung sa Chaussure ka nagtatrabaho tapos ganyang puchu-puchu phone mo? Paretired na yan oh!" anito saka inagaw ang lumang phone ko, at halos idikit naman sa mukha ko ang kahon ng cellphone na ibinibigay nito.
"Dali na, open it! May mga dinownload akong apps dyan na ikakatuwa mo."nakangising sabi nito.

Napabuga nalang ako ng hangin. Kahit kailan talaga, hindi ako manalo-nalo dito pagdating sa ganitong bagay.

"Ok sige, pero babayaran ko to sa sahod ko!" gigil na sagot ko.

"Kiss lang pwede na. Dali! Yung kasama pati tounge ha!" pang-aasar nito.

"Gago! Basta babayaran ko to sa ayaw at sa gusto mo." Hinampas ko naman ito ng unan at tawa lang ito ng tawa.

"Okay—okay."

Binuksan ko ang kahon at sinimulan na niyang ituro sa akin kung pa'no ito gamitin. Dahil aminado akong hindi ako sanay sa touch screen phone, medyo nahirapan ako sa simula. Pero pagkalipas ng ilang minuto, daig ko pa ang bata na tuwang tuwa sa mga downloaded apps na sinabi nito. At ngayon alam ko na kung bakit marami ang nawiwili sa mga  ganitong phone. Kasi, parang ako din ay mawiwili.. haha!

(end of flashback)


Yeah right. James, James, James.

Ano na kayang balita sa iyo? Kumusta ka na kaya?

Unti-unting napalis ang ngiti sa mga labi ko.

7 months na pala ang nakalilipas.

I sighed.

'Stop it Gab.. Baka maiyak ka na naman..'panenermon ko sa sarili ko.

Pero di siya mawala sa isip ko.

'Natatandaan mo pa kaya ako King?'

Natigil ang pagmumuni-muni ko ng makarinig ako ng katok sa pinto. Bigla ko tuloy naalala na may pupuntahan nga pala ako. Nataranta ako kaya dali-dali akong nagpunta sa pinto para silipin kung ito na nga ang boss ko. At di nga ako nagkamali. Andito na nga siya ulit!

Pinagbuksan ko naman ito agad ng pinto.

"Hi Inigo. Pasok ka muna."

Saglit muna niya akong tinitigan bago nagsalita, "Wew! Tama nga ang hinala ko. Tinatago lang ng secretary ko ang kagandahan niya."

I blushed. Simpleng floral blouse lang naman ang suot ko na tinernohan ko ng white short. Wala nga lang akong suot na stockings at wala ring suot na salamin kasi naisip ko na mag-aalaga kami ng bata, baka sagabal kung nakasalamin ako. I just wore my contact lenses.

"Ito, nambola pa. Do you want something to drink?"pag-iiba ko ng usapan.

"Sure. Anything. Mukhang nauhaw ako sa nakita ko eh."nakangiting sagot nito na di parin inaalis ang tingin sa akin.

'My Gosh.. kanina pa nang-aakit tong lalakeng ito. Nasa pamamahay kita, baka hindi kita matantya at magahasa kita Inigo!' bulong ko sa sarili ko.

"Wait lang. Kuha lang ako ng drinks."

Nagtimpla lang ako ng juice at nagprepare ng sandwich.

Pagbalik ko dito, nakita ko itong nakasandal sa sofa at nakapikit. Mukhang pagod na ito pero di parin nababawasan ang taglay nitong kagwapuhan.

Nagmulat ito ng mata ng marinig ang paglapit ko. Ipinatong ko sa harap niya ang miryendang dala ko.

"Pasensya ka na, ito lang ang laman ng ref ko." I apologetically said.

He smiled, and started to eat. "Okay lang. Masarap nga eh. Anyway, matagal ka na bang nakatira dito?"

"Almost, 6 years na."

"You're from Tarlac right?"

I nodded. "Yup."

"So, tuwing kailan ka lang umuuwi? Malayo din ang inyo."

"Every week, I'll make sure na makauwi sa amin kahit saglit lang. Pag wala tayong pasok ng Saturday, Friday night palang umuuwi na ako para kahit papano, makapag stay ako sa bahay ng medyo matagal."sagot ko.

"Sorry. Hindi ka nakauwi sainyo ngayon." Nakalabing sabi nito.

"Ang drama nito. Ayos nga yung may overtime at Saturday duty, doble sahod." Biro ko.

"At may libreng sexy scenes." Ganting biro naman nito na ikina-ubo ko.

"Haha! Sorry, sorry! Ang cute mo kasing asarin eh." He said while laughing.

"K—kasi naman eh. Kalimutan nalang natin lahat yun please!"pakiusap ko. Hindi ko makuhang makatingin dito sa sobrang hiya!

'Nakita nga nya lahat! Hindi lang kili-kili kundi maging ang melon at flower ko kitang-kita nya kanina! Pero, natuwa naman kaya sya na nakita nya?' Piping tanong ng malanding isip ko.

"Don't worry medyo malabo yung salamin ng shower room kanina kaya hindi ko masyadong nakita." Todo na ang ngiti nito na lalong ikinagwapo nito.

Inirapan ko lang ito kaya tumawa naman ito uli.

"Anyway, alam kong kanina mo pa gustong itanong. Si Lily ang nagpalit ng damit mo kasi narinig ka nya na nagrereklamo sa suot mo. Tapos nakita din nya yung blood stains, akala nya may nangyari sa atin pero nang sinabi kong wala, naisipan ka nalang nyang bilhan ng napkin kasi baka nga may monthly period ka daw. Kaya yun. End of story" Maikling kwento nito at kitang-kita ang pagpipigil nitong tumawa.

"Hala! Di ko naman na dapat itatanong eh! Pinaalala mo na naman!" Biglang pumasok sa isip ko yung panaginip ko na may kausap akong babae, pero hindi gaanong malinaw. Mukhang si Lily nga iyon. Dagdag na naman sa embarrassment moment ko! Pati sa kapatid nya nakakahiya ako!

"Haha! Wag ka na mahiya! Sobrang cool ng kapatid kong iyon kaya for sure wala lang din sakanya iyon. Next time siguro hindi na ko maglalagay ng ganoong inumin sa ref natin sa pantry. Loko-lokong Alfred yun, hinaluan pa yata ng kung anong alak kaya sobrang tapang ng effect sayo."

"Change topic na tayo sir!!!"nakapikit na sagot ko. Alam kong ang pula pula ng mukha ko ngayon.

"Oo na, oo na. Di na kita aasarin." Malapad ang ngiting sagot nito. "Maiba ako, kung every week ka umuuwi sa pamilya mo, di ka ba napapagod mag-commute?"

Nakahinga ako ng maluwag ng ibalik nito sa pamilya ko ang topic.

Umiling ako. "Hindi naman masyado. Natutulog lang naman ako sa byahe." sagot ko.

"You're family are lucky to have you." I saw fondness in his eyes.

"Mas maswerte ako sa kanila. Pag nakita mo sila, malalaman mo kung bakit."nakangiting sagot ko. I'm proud of my family. Sobra. Kahit na simple lang ang buhay namin, masaya kami.

"I'm looking forward to meet them."anito.

Sa sinabi nito ay bigla akong na-excite.
"Tamang tama, fiesta sa amin next Saturday. Uwi ako nun, baka.. G—gusto mong sumama?"pagbabakasakali ko. Dala parin yata ng epekto ng nainom ko kaya biglang kumapal ang mukha ko. Alam ko kasi na busy ito kahit week end.

Babawiin ko na sana ang sinabi ko ng bigla itong sumagot. "Sure. Ikaw naman may hawak ng schedule ko. Clear all my schedule that day and on the following days. Oras narin siguro para makapag unwind ako"

"Talaga? Sama ka?" medyo gulat na tanong ko dahil hindi ko inasahan na papayag ito.

Natawa ito. "Mukha ba akong nagbibiro? Aba, swerte ko na nga at naimbitahan ako, madalang lang akong maka-attend ng fiestahan kaya ako pa ba ang tatanggi? Anyway, wala ng bawian yan ha?"pagbibiro nito na ikinatawa ko.

"Oo naman." Pero bigla akong natigilan kasi hindi ko alam kung paano ang magiging set up namin sa pagbyahe.

Tila nabasa naman nito ang nasa isip ko, "Ihahatid kita. Sabay na tayong magbyahe after office."

"Totoo?" Gulat uli na tanong ko.

Tumango naman ito at malapad na ngumiti. "Ayaw mo ba?"

"Di no. Okay lang. Para narin makatipid ako sa pamasahe."muli ay biro ko na ikinatawa nito.

'OMG, my boss is coming!' Masayang bulong ko sa sarili ko.

Continue Reading

You'll Also Like

7.5M 211K 46
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
250K 4.4K 23
Dice and Madisson
65.9K 2.5K 33
In the heart of the bustling city, amidst the inviting aroma of freshly brewed coffee, unfolds a tale of chance and concealed truths. Meet Aeiou Zeph...