THE BLACK DEMON'S HEART

By AllukaLuka

270K 6.7K 1.6K

Isang janitress plus delinquent hot guys equals? HMMMM.... Isang pangkaraniwang babae na gagawin ang lahat pa... More

PROLOGUE
PART 1 ~ BANGUNGOT
PART 1.2 ~ HABULIN..
PART 2 ~ TUGISIN
PART 2.2~ WANTED
PART 3~ KUTOB
PART 3.2 ~ PUGAD
PART 4 ~ KUTA
PART 4.2 ~ BLACK DEMONS
PART 5 ~ ISA
PART 5.2 ~ DALAWA
PART 6 ~ PART TIME JOB
PART 6.2 ~ PRANING
PART 7 ~ TULOG
PART 7.2 ~ GISING
PART ~ 8 "S"
PART 9 ~ BISTO
PART 10 ~ TROUBLE
PART 11 ~ XXX
PART 12 ~ BLACK NOTE
PART 13 ~ BAD OMEN
PART 14 ~ PROJECT
PART 15 ~ MY DAY
PART 15 ~ MY DAY PART 2
PART 16 ~ MY DAY-NGEROUS 2
PART 16 ~ MY DAY~NGEROUS 2.1
PART 17 ~ THE END
PART 18 ~ REWIND
PART 19 ~ DEMON'S PARTY
PART 20 ~ CAR WASH
PART 21 ~ MAGAZINE
Part 22 ~ THE LOST MONKEY
PART 23 ~ DEMON'S LAUGH
PART 24 ~ PATAY MOMENTS
PART 25 ~ WEIRD MOMENTS
PART 26 ~ MALAS
PART 27 ~ TATTOO
PART 28 ~ SWIMMING
PART 29 ~ LESSON
PART 30 ~ TABLE MANNER
PART 31 ~ THE LUNCH
PART 32 ~ SHOE
PART 33 ~ FAST-FOOD
Part 34 ~ PHOTO SHOOT
Part 35 '~ DA OTOR ISH BAK!!
PART 36 ~ DEMON'S FOOD
PART 37 ~ INVITATION
PART 38 ~ BETRAYAL
Part 39 - That Girl
PART 40 ~ UNEXPECTED
Part 42.1 ~ The Date
Part 42.2 ~ THE GAME
Part 43 ~ The Visitor
Part 44 ~ RAMDAM
PART 44.2 ~ DONUT
PART 45 ~ IWAS
Author's Note
Part 45.1
Part 46 ~ Opening
Part 46.1
Part 46.2 ~
Part 47 ~ Beginning
PART 48- Her Heart
Part 49.1 ~ The apple
Part 49.2
Part 50 ~ Quest
PART 51 ~ Larawan
PART 52 - Family
PART 53 - Photos
PART 54.1 ~ SONG
PART ~ 54.2 OLD MANSION
PART 55.1 ~ GARDEN
PART 55.2
Part 56 - HISTORY

Part 41 ~ Date with a Demon

2.2K 93 38
By AllukaLuka



May himala. \(*-*)/

Sana mapasaya ko kayo sa maagang paga-update ko. Haha.


This chapter is dedicated to @SuperGirl_29. Thanks for the cover photo. I appreciated it..lab it.. mwah mwaahh... hart hart... :* ;))


Enjoy. ;))


.................


Naestatwa ang dalawa sa narinig. Alam kasi nilang pers time sa kasaysayahan ng buhay ko ang date date na 'yan. Nagsisimula nang kumapal ang mukha ko: nakakahiya. Imbes na mainis ako ay malupit akong kinakabahan. Feeling ko isang malaking trahedya ang kalalabasan nito. Napatakip ako sa mukha bago ko kwinento ang lahat.  



"Kayong mga demonyo kayo, pinapatay niyo talaga ako!" nenenerbyos na sabi ko. Feeling ko nakipaghabulan kami kay Kamatayan sa sobrang bilis niya magpatakbo. Iyong kapit ko sa buntot ng bike ay napunta sa balikat niya, hanggang sa mayakap ko na ang pisting demonyo. Pero ano ha, ano...medyo nag-enjoy ako do'n sa yakap. Mwehehehe. At himala dahil hindi niya ako pinagulong sa highway.

 

Naiinis kong tinanggal ang helmet nang makababa na ako. Hindi ko na pinaabot sa harap ng bahay namin at baka itsismis na naman ako. Isa pa ayokong makita ako nila Val at Nari na may kasamang demon.

 

"Oh yan," asar kong bigay sa kanya. "Salamat po kamahalan," sarkastiko kong sabi. "Nag-enjoy po ako sa death race natin."

 

Tinabi niya ang binigay kong helmet tsaka inalis ang helmet niya. Umalis siya sa pagkakasakay sa bike at humarap sa akin nang may kakaibang tingin. Tila naaliw siya sa pagkakabusangot ko.

 

Hindi pa ba ito uuwi?

 

Ako na ang nagbawi ng tingin nang hindi niya ako inalis sa mga mata niya. Tumikhim ako. "Sige kamahalan aalis na ako. Salamat na lang ulit," naasiwa kong paalam.

 

"Did I tell you to go?" kaswal niyang sabi. Nakapamulsa na siya ngayon. Nilipad ng dumaang hangin ang magulo niyang buhok at otso lang, parang gusto ko pa ng take two, ang lakas ng dating eh.

 

"Hoy." Sinipa niya ang binti ko kaya nabalik ang katinuan ko. "Stop staring at me like you want to eat me rug doll," iritado niyang sabi.

 

Napahawak ako sa binti kong tinamaan. Hindi naman siya ganoong kasakit (na naman) pero hindi pa rin tamang sinisipa na lang niya ako palagi. Imbyernang demonyo 'to.

 

"Tss. Oo kakainin talaga kita pag di naputol yang sungay mo. I-aadobo kita kasama ng mga bulate."

 

Napaporma ako ng kung fu nang bigla siyang gumalaw na parang aatakihin niya ako. Anak ng isda, mapapalaban pa yata ako. Mapapa-ninja moves  pa yata ako.

 

Ang inaakala kong pagatake niya sa akin ay nauwi sa paghatak niya sa braso ko at pinasandal ako sa bike niya: katabi siya.

 

Dug dug...

 

Alam kong kinakabahan ako dahil katabi ko ang hari ng demonyo. Iba ang epekto ng demon na 'to sa akin. Nakakapanindig balahibo na ano..ano.. ano...?

 

Ba't wala akong mahukay na termino sa nararamdaman kong ito?

 

"You're courting me and all that I heard were sweet threats," naguumapaw ang sarkasmo niyang sabi.

 

Nagpanting ang tainga ko sa narinig. Pinaalala pa talaga ang ideyang  siya lang naman ang may gusto. Tss.

 

Napatawa ako nang malakas, iyong nagiinsultong tawa. "Oo nga naman pala, 'nililigawan' kita," pagdidiin ko sa salitang nililigawan. "Pero teka lang wala namang ibang tao para magpanggap ako sa PANLILIGAW ko kuno sayo ah."

 

"So?" Hayan na naman ang tono niya: dead but terrifying.

 

"Seryoso ka talaga lord X?" kambyo ko. "Pwede bang pass na lang ako sa trip mo?"

 

"No."

 

Napahawak ako sa braso niya at niyugyog siya. "Sige na. Maloloka na ako sa pinapagawa mo sa akin eh. Okay na yong alilain mo ako," parang bata kong maktol.

 

"No," matigas pa rin niyang sabi.

 

"Lord X...."

 

Tinapunan niya ako nang nakakatakot na tingin. "Will you stop that rug doll."

 

Nakangusong sinunod ko ang utos niya. Sa isip-isip ko ay tinuloy ko na lang ang bakbakang naudlot kanina at binigyan siya ng three hits at combo.

 

"Uuwi na po ako," nakanguso ko pa ring sabi. Ipatira ko na kaya 'to sa mga tambay dito sa amin? Sa dami ng sunog baga at batang hamog dito siguradong hindi na ito makakalabas ng buhay.

 

Hindi ko narinig ang sagot niya. Payapa siyang nakatitig sa itaas. Nawala ang gusot ng mukha ko. Parang ang aliwalas ng mukha niya, kaiba sa pinapakita niya sa lahat. Sumandal ulit ako sa bike at tumingin din sa kumukurap-kurap na kalangitan. Hindi man ito kasing ningning ng nakikita ko sa probinsya ay napukaw pa rin nito ang damdamin ko. Ang ganda talaga ng langit.

 

"F-falling star!" turo ko sa dumaang bulalakaw. "Baka si Matteo Do na 'yan," kinikilig kong sabi. "Alam mo kung ganung klaseng nilalang ang lalapag dito sa Earth, otso welcome na welcome sila. Iyong mga ti—"

 

"Who's that fucking Matteo Do?" Nahimigan ko ang pagkaasar sa boses niya.

 

"Yah, wag mo nga siyang minumura! Isa siyang sikat at gwapong alien," mataray kong sagot.

 

"Tss. A retard alien like you."

 

"Hindi siya retard, ako l—-"

 

"Shhh." Hinilamos niya ang kamay niya sa mukha ko. "Shut up and make a wish."

 

Inalis ko ang kamay niya sa mukha ko at napatawa. "Bwahahahaha!"

 

Hindi ako makapaniwala na ang isang demon ay naniniwala sa falling star.

 

"Bwahahahahaha!"

 

"Shut up rug doll," namumula na ang mukha niyang saway sa akin. "My sister believed in it."

 

Napatigil naman ako nang mahimigan ko ang lungkot sa huling sinabi niya. Parang biglang nawala ang itim na aura sa kanya. He looks very different; mula sa itim ay nagpakita siya ng ibang kulay.

 

Pinikit niya ang mata niya at nagsimulang humiling ng tahimik.

 

"Don't stare at me. Make a wish," sabi niya habang nakapikit pa rin.

 

Mabilis kong pinikit ang mga mata ko at tinago ang pamumula.

 

Dug dug..

 

Nagiging abnormal na naman ang tibok ng puso ko.

 

Napatagal yata ang pagpikit ng mga mata ko. Isa lang naman ang hiling ko eh, pera. Mwehehehe. Pero dahil sa taong katabi ko ay parang ayoko ng dumilat.

 

Minulat ko ang kaliwang mata ko para magespiya. Hindi na siya nakapikit ngunit nasa langit pa rin ang mga mata niya.

 

Bumilang muna ako ng hanggang tatlo bago minulat ang mga mata. Napatingin ako sa kanya na nakatingin din pala sa akin. Nagiwas ako ng tingin sa di ko malamang dahilan.

 

"Ahh umm.. lord X, uuwi na talaga ako. Sobrang naiihi na ako," palusot ko. Hindi ko na matiis ang napaka-awkward na sitwasyon namin.

 

Nagmartsa na ako na parang robot kahit wala pa siyang sagot. Ramdam ko ang pagsunod ng tingin niya sa akin.

 

"Rug doll," mahina niyang tawag.

 

Napatigil naman ako sa mala-robotic kong lakad. "Y-yes my l-lord?"

 

"3 p.m."

 

Napakamot ako sa baba ko. "3 p.m?" ulit ko.

 

"Change your task tomorrow to a date."

 

"Ha?"

 

"Date."

 

"Ehh?"

 

"Tss. Stupid rug doll. We have a date tomorrow. Damn!" Sumakay na siya sa motor niya at binuhay iyon. Ni hindi na siya nag-abalang isuot ang helmet. "And that Matteo Do, stop thinking about him."

 

Hanudaw?  




Dinaig ni Nari ang sirena ng ambulansya sa lakas niyang tumili. Binato ko siya ng unan na nailagan niya naman.


"Bebe! Isa itong himala!" \(*O*)/


Walang himala. -__-


"Seriously?" Napabukas-sara ang bibig ni Val na parang isda.


"Ay hindi hindi, nagdedeliryo lang ako," sarkastiko kong sabi sa kanila. Nagflashback na ako at lahat-lahat hindi pa rin kayo naniniwala? At excuse me, hindi ko ginusto ito. Wala akong balak na i-date ang hari ng demonyo! >___< Otso!


"Posible bang mai-date mo ang kampon ng kadiliman?" tanong bigla ni Nari. Napaka-clueless talaga ng expression niya.


Nang makabawi si Val ay siya naman ang sunod-sunod ang tanong. Kwinelyuhan niya ako at pinaliguan ng mga tatlong tabong laway. Pagkatapos ng  mahaba niyang litanya na hindi naman pumasok sa tainga ko ay binitawan niya ako. Hinihingal ito sa mistulang pagrarap  niya.


"Eh ano'ng pinagdradrama mo kung palabas lang pala ang lahat?" ani Val na pinapaypayan ang sarili gamit ang kamay.


"First date ko 'to. I'm saving this for the man I want," napapaenglish kong sagot.


"Kawawa ka naman bebe.Parang nightmare ang labas ng first date mo," nakikisimpatyang sabi ni Nari habang hinihimas ang braso ko.


"Damayan mo kaya ako bukas," paawa effect kong sabi.


"Ay tatapusin ko pa pala yung project ko bukas," biglang kambyo ni Nari at pinagpatuloy na ang pagbabasa.


Loko tong babaing to ah.. -.-"


"Ano bang kinakatakot mo? Iyong makasama siya o iyang nararamdaman mo?"


Napalingon ako kay Val. Nakatingin siya sa akin nang mataman na parang inaarok niya ang kaloob-looban ko. Nag-iwas ako ng tingin at nagkutkot ng kamay. "Ah..umm...ay sandali. Tumawag pala si mamu, may raket tayo bukas," sabi ko nang hindi ko masagutan ang tanong niya.


"Nasabi mo na 'yan kanina Synella," taas ang kilay na sagot ni Val. "Kung ayaw mong pumunta di wag. Hindi niya pwedeng diktahan ang buhay mo."


"Pero kasi...."


"Oh yun naman pala, gusto mo ring pumunta," napapailing na sabi ni Val. "Just enjoy your date tomorrow Syn. Kailangan mo ring maranasan ang nararanasan ng normal na dalaga."


So, ako hindi normal? Sabi ko sa isip ko.


Napatango ito. "Sa totoo lang mukha kang autistic," sabi nito na pinalungkot ang mukha.


Aba't nabasa ag nasa isip ko.


Walang pagdadalawang isip na binato ko sa kanya si Spongebaby habang panay ang tawa niya na parang isang kontrabida. Napatili siya sa gulat nang tumama sa mukha niya ang unan ko. Napangisi na lang ako sa reaksyon niya.


"Ikaw na Syn-to Syn-to ka!" nangangalit niyang sabi sabay bato sa akin pabalik si Spongebaby. Ako naman ang parang kontrabida kong makatawa. Malugod kong tinanggap ang pagbabalik ni Spongebaby sa kamay ko habang tumatawa pa rin.


Maya-maya pa ay tumawag na ng back up si Valeria at kinuyog ako ng dalawa kong kaibigan.


Natigilan lang kami sa pagwrewrestling nang may bumabayo sa pintuan namin. Sabay-sabay kaming natahimik. Alas-dyes na ng gabi at wala kaming inaasahang bisita.


Nagkatinginan kaming tatlo. "Nasa ilalim ako," sabi ko.


Inunahan ko na sila dahil magtuturuan na naman kami kung sino ang magbubukas ng pintuan. At dahil nakadagan sila sa akin ay hindi nila ako pwedeng utusan.


"Bahay ko 'to," sabi naman ni Val na umalis na sa pagkakadagan sa akin at humiga sa tabi ko.


Tinuro ni Nari ang sarili. "Ako?" sabi niya.


"Buksan mo na bago pa masira yung pintuan," nandidilat ni sabi ni Val.


Kumaripas siya ng takbo sa takot na masipa siya ni Val. Wala pang isang minuto ay nakarinig na kami ng boses. Bumukas ang pinto at niluwa ang isang maliit na babae na sa itsura ay parang may dadalo sa isang party. May dala itong kulay pink na luggage na basta na lang tinulak sa gilid.


"So init. Ganito ka ba talaga ka-poor Valeria? Walang man lang air-con," maarte niyang sabi.


Napatayo sa gulat si Val. "At anong ginagawa mo sa pamamahay ko Carolina."


Napaupo ako habang sinusundan ng tingin ang bagong dating. Si Nari naman ay nasa hamba ng pinto at nangniningning ang mga mata niya sa paghanga.


Inalis ni  Carolina ang pointed shoes niya at tinapon na lang basta sa gilid. Tinuro niya ang kutson namin. "Ahh, bed."


"Excuse me," hinarang ni Val si Carolina na pa-dive na sa higaan. "At sinong may sabing pwede ka dito?"


Binigyan lang siya nito nang matamis na ngiti. "I don't need permission Valeria."


Napatayo na lang ako at lumapit kay Nari na hindi nagbabago ang reaksyon kahit halos magsabunutan na ang dalawa.


"At pwede ba magbihis ka muna!" sigaw ni Val.


"Hah, ganito ako matulog!" ganting sigaw naman ng isa. "Inggeterang palaka."


Nag-usok ang tainga ni Val sa narinig. "Synella! Pakilublob nga ang tyanak na ito sa inodoro."


Eh? Naku naman sinali pa ako.


Ganyan lang mag-usap ang mga iyan. Sanay na kami. Ang totoo mag-best friends sila. Elementary pa lang ay nagbabangayan na ang mga iyan. Hindi ko nga rin maintindihan kung paano sila naging matalik na magkaibigan kung halos magsabunutan silang dalawa kung magkikita. Pero hindi pa naman nauwi talaga sa pisikalan ang lambingan ng dalawa, puro verbal pa lang.


Nakangiting nilingon kami ni Carol na ang bigkas daw sa pangalan niya dapat ay Kerol. Iyong maarteng Carol. ._.)"


"Ohhhhh... Hi Reene!" maarteng sabi niya. Iniwanan na niya ang nagpupuyos na Val at pumunta sa amin. Nginitian ko siya ng matamis tsaka binati pabalik.


"Parang may iba sayo. You look radiant. Parang gumaganda," sensiro niyang sabi. Hinawakan pa niya ang magkabilang braso ko. "I smell man on your sleeve," tudyo niya na nagpalaki ng mga mata ko. "So may nagkamali na?"


Aray. -.-)"


.................


Hindi ako makatulog sa sobrang init at likot ni Carol. Halos sinakop na niya ang higaan. Napatingin ako kay Nari na ang sarap ng pagkakahilik sa may baba ng kutson. Nasipa siya ni Carol hanggang sa mahulog siya sa kutson. Kung kanina ay halos magpatayan ang dalawa, ngayon ay parang ayaw nilang pakawalan ang isa't isa sa pagkakayakap. Nakatitig lang ako sa kisame. Alas dos na ng madaling araw at dilat na dilat pa rin ang mga mata ko. Hindi mawala sa isip ko ang mangyayari kinabukasan. Feeling ko nasa death row ako at kinabukasan ay ang pagbitay sa akin. Magiwan na kaya ako ng liham ng pamamaalam? O kaya i-video ang sarili ko nang sa ganun ay may maiiwan akong patunay na isang Synella Reene Garcia ang nag-exist sa mundong ibabaw.


Napaupo ako bigla.


Ay teka, ano pala'ng isusuot ko bukas?


Ilang minutong blangko ang utak ko at nakatitig lang sa paa ni Carol na dumantay sa binti ko.


Binagsak ko ang sarili ko sa higaan ulit at ginulo ang buhok ko. "Bakit ko pinoproblema iyon?" medyo malakas at asar kong sabi.


"Ang ingay mo naman eh," sabi ni Carol na mukhang naalimpungatan.


Maya-maya pa ay malalim na naman ang paghinga niya. Naitakip ko na lang sa bibig si Spongebaby at nakiramdam. Maya-maya pa ay naglalakabay na naman ang mga galamay ni Carol at kung saan saan na lang parte ako pinapatamaan ng atake niya.


"Ano ba naman 'tong babaing to ang liko—"


"Shhh, sinong malikot?"


Nanigas ako nang sumagot siya. Tulog ba siya o nagtutulog-tulugan lang?


Nagdesisyon na lang akong gumulong pababa—as in out sa higaan. Hindi ko na hihintaying lumpuhin pa ako ni Carol.  Matapos ang ika-1389 na tupa ay humikab na ako. Papasara na rin si mata kaya, goodnight na.


ZZzzzzzz....



...................


Alas dos ng hapon.


Tik tak tik tak, tunog ng orasan.


Meow meow meow meow, ngiyaw ng kuting.


La la la la, sabi ng kanta.


Broom broom broom broom, tunog ng sasakyan.


Click click click click, tunog ng camera.


Chicharon Mani Popcorn! Sigaw ng tindero.


Inalog-alog ko ang utak ko. Gusto kong isemento ang tainga ko nang wala na akong marinig. Ultimo tulo ng tubig sa kabilang kanto ay naririnig ko na yata. Bigla-bigla na lang na lumakas ang pandinig ko o masyado lang akong sensitibo ngayon at nakikiramdam sa mga bagay-bagay? O feeling ko masyadong mabagal ang oras at napapansin ko na ang lahat?


"What does the fox say?" kanta ni Carol. Binato siya ng unan ni Val.


"Manahimik ka nga," asar niyang sabi. "Kanina ka pa nambubulahaw."


Binato rin ni Carol pabalik ang unan. "Inggeterang palaka!" Hindi pa nagkwekento si Carol kung bakit siya nagtitiis sa munti naming dampa.


Pinagpatuloy ko na ang paglalakad at pumasok na sa kwarto. Alas diyes na ng magising kaming lahat.


                  

Binuksan ko ang cabinet at naghalungkat ng maisusuot. Ito na 'yon: Date with a demon.


Bwahahahahahaha!


Nilingon ko ang cellphone ko. Wala akong balak na sagutin iyon pero wala din akong balak mamatay ngayon. Hindi ko na kailangan pang tignan kung sino ang tumatawag dahil nakikita ko na ang itim na aurang bumabalot sa cellphone ko.


"Hello," walang gana kong sagot.


"I'll pick you up," sabi lang ng demon sa kabilang linya at pinatay na.


"T-te..."


Naestatwa ako sa narinig. "S-sunduin niya ako?"


Otso! Hindi 'to pwede. T^T


D-in-ial ko ang number niya at pinidot ang call button.  Hindi siya maaring makita ng mga kaibigan ko. Ayokong makapatay sina Valeria at Nari. Siguradong pagtutulungan siya ng dalawa. At pagnangyari iyon mas lalong malulugmok ako sa impyerno kasama na sila. Okay na iyong ako na lang ang pagtripan nila.


Otso ang tagal komonek. -__-


 

"You only have............."



Ay...



Wala pala akong load. ._.)"



.......



"Hindi ba kayo matutulog?" tanong ko sa mga kaibigang kong kanya-kanyang pose habang nanonood. Si Valeria na nakataas ang dalawang paa sa mesita, si Nari na nakayakap sa dalawang binti at si Carol, esti Kerol na nakasalampak sa sofa habang kumakain ng chocolate.


Sabay-sabay nila akong nilingon. "Hindi ko pa nga napupunasan yung laway ko, tutulog na naman?" sabi ni Nari sabay dampi sa gilid ng bibig niya.


Napakamot ako sa baba.


"Hoo! Ang init ng panahon noh." Pinaypay ko ang kamay ko sa mukha ko. "Magsiligo na kaya kayo. Iyong sabay-sabay. Masaya 'yon."


Binigyan nila ako ng tingin na parang nababaliw na ako.


"Bago ba yang brand na natira mo Synella?" patamad na tanong ni Val.


"Hindi iyong dati pa rin." -__-



Tss..Makalayas na nga. Aabangan ko na lang siya sa labas kahit pa tirik na tirik ang araw. T^T


"Syn excited ka sa date mo noh?" tudyo ni Valeria.


"Hindi ah," defensive kong sagot.


"Really? May date ka Syn?" hindi makapaniwalang sabi ni Carol.


"Tama! Date sa isang demon," sabi naman ni Nari na mukhang tuwang-tuwa pa.


"O.M.G!" maarteng sabi ni Carol. "I thought she's going to the farm."


Napahagikgik ang dalawa.


"No offense meant Syn. But look at you..." nanlalaki ang mga matang sabi niya. "Kulang na lang ay straw hat and you're ready to plant the palay na."


Napangiwi na lang ako sa komento niya. Nakatupi kasi ang laylayan ng dark blue na jeans ko. Ganun din ang stripe long sleeve na kulay pula at itim na pinatong ko sa puting spaghetti strap shirt.


"Magkaiba tayo ng fashion Kerol," sabi ko na lang na hindi rin ako kombinsido.


Pinaikot niya ang mga mata at kitang kita ang pagkadismaya sa maganda niyang mukha. Mga dalawampung minutong lait at pangaral pa ang natanggap ko sa tatlo bago ako tumakbo palabas. Ngunit bumalik ako ulit  para ayaing samahan ako. Mas maganda yatang ipabugbog ko na kay Val at Nari ang hari ng demonyo. Nagsisimula na kasi akong nerbyusin sa di ko malamang dahilan.


Ngunit sa kasamaang palad ay walang planong sumama kahit isa man sa kanila dahil mukhang boring, walang kwenta, at nakakatakot na nilalang ang kasama ko.


Naka-labing-isang hakbang na ako nang napatigil ako. Otso, masama 'to. Nagsisimula ng pagpawisan ang katawan ko. Napakagat labi na lang ako tsaka mabilis na bumalik sa bahay.


"Hindi nga kami sasama eh," kuros ng tatlo pagkabukas ko ng pinto.


Kahit nahihirapan ay nagawa kong kamutin ang baba ko. Hindi naman ako bumalik para pilitin pa sila.


Napahawak ako sa tyan ko.


"Lalabas na si Darna," impit kong sabi bago tinakbo ang banyo.


Sabay-sabay silang napatakip ng ilong nang may kumawalang gas.


"Yak Syn ang baho!"



.................



Success! \(*-*)/


"Kay gaan gaan ng feeling!" kanta ko habang nagsasabon ng kamay.


Napaigtad ako nang may kumalabog sa pintuan.


"Hoy Synella hindi ka pa ba tapos sa pagpapalabas kay Darna?" sigaw ni Val.


"Tapos na po! Pinadala ko na sa ibang mundo. Muahahahaha!" sigaw na sagot ko rin. At bakit ba ako nakikisigaw eh kahit hinga ko lang ay maririnig na mula sa labas.


Paglabas ko ay nagkukumahog na pumila ang tatlo.


"Ako na," sabi ni Val.


"Bilisan mo," sabi naman ni Carol.


"Yieeee!" sabi naman ni Nari.


Ano bang nangyayari sa mga mata 'to? Ba't parang natataranta sila?


"May pupuntahan kayo?" nagtataka kong sabi.


"Yep," kinikilig na sabi ni Carol.


Napatango-tango na lang ako.


Ay otso!


Naalala ko ang date ko. Patay!


Hinawakan ako ni Nari sa balikat. "Bebe, relax ka lang." *-*)/


Napangiti na lang ako nang pilit tsaka nagpaalam.


"Sasamahan ka namin Syn kaya wag ka ng magmadali," matamis ang pagkakangiting sabi ni Carol.


"Anon'ng nakain niyo?" Hindi na yata mauubos ang pagtataka ko.


Bumukas ang pinto at niluwa ang ulo ni Val na  bumubula ang ulo. "Kelangan mo ng taga-bantay."


Sabay na napatango ang dalawa. Takang lumakad na ako papunta sa sala. Napapakurap-kurap na lang ako. Nagbanyo lang ako tapos naiba na ang ihip ng hangin. Nakasinghot lang sila ng utot ko nagbago na desisyon nila?


Otso yung cellphone ko. Nakalimutan ko pala. Mabilis kong tinahak ang kwarto namin. Napalingon muna ako sa sala bago pumasok sa loob.


Natigilan ako.


Binuksan ang pinto.


Lumingon sa sala.


Pumasok ulit.


Binuksan ko ulit ang pinto.


Liningon ang sala.


At.....


Anak ng demonyo!


"Hi fishy!"


Hindi lang isa...dalawa.. o tatlong demon...


"Kamusta si Darna?" nakakalokong sabi ni C.


Tumawa silang lahat maliban kay U na parang robot, kay S na nagmamasid sa paligid at sa hari na walang emosyon.


Kumapal ang mukha ko sa sinabi ni C. Otso, sinadya iyon ni Valeria. Lechugas!


Kaya pala nagbago ang mga isip. At bakit kompleto sila? Yung totoo date ba talaga 'to? -___-




...................>>>>>>>>


Ay naku disappointed yata ang bida. Tsk Tsk.


At himalang sinipag si otor. Haha XD


Spread the demon's love guys! \(*-*)/


Jaa...


............>> szhanmehh ^^v



Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 130K 34
What Sidra Everleigh wants, Sidra Everleigh gets-or at least that was the rule before she found herself trapped and alone with a shy Japanese guy in...