Forgotten Seal Of Promises

By marisswrites

6.1K 404 6

|| fourth installment of "habit series" || Constantine Dominguez failed his qualifying exam in a course that... More

Forgotten Seal Of Promises
Introduction
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Finale

Chapter 51

72 5 2
By marisswrites

 

The following weeks and months, itinuon ko ang atensyon sa pag-aaral nang mabuti. Tama naman silang lahat. Ang tanging magagawa ko lang ngayon para kay Destinee ay tuparin yung pangarap kong nabuo nang dahil sa kan’ya. Kailangan kong mag-aral nang mabuti at maging psychiatrist para kapag kinailangan niya ulit ng tulong sa ganitong pagkakataon, nandoon na ako para sa kan’ya.

Ayaw ko mang aminin pero wala naman talagang permanent cure ang dissociative identity disorder at kung ano pang mayro’n siya. Magiging okay siya . . . magkakaroon ng improvements. Pero hindi malabo na magkaroon pa rin ng episodes na babalik at babalik ang personality ni Desiree sa kan’ya. Everything about her condition will all depend on her—and on how she will handle it.

“She’s finally talking.”

Napalingon ako kay Mama habang kumakain kaming buong pamilya ng hapunan. Kumabog ang dibdib ko nang makitang seryoso siya kahit na sinabi na niya ang magandang balitang ‘yon.

“A-Ano hong sinasabi niya?”

Ngumiti siya nang mapait bago tumingin sa sariling plato. “Na kasalanan niya ang nangyari kay Desiree.” She sighed before looking at me once again. “And then she’ll start crying.”

It’s been two months since she went to that place. Sa loob ng mga panahong ‘yon, nakatanggap din ako ng treatment kay Mama na counselling. For two weeks, pinainom niya rin ako ng antidepressants dahil kailangan ko raw ‘yon. It made me feel better and because of that, I had hopes that Destinee might feel that way—that she might feel better after the treatments and medicine.

Pero wala palang nagbago.

Mama smiled. “Pero magandang sign na ‘yon. She’s starting to open up. Kahit na paulit-ulit lang ang sinasabi niya, at least nakakapagsalita na ulit siya. Small steps mattered too, Constantine. She will get better. Believe in her.”

Alam ko . . . darating din yung araw na magiging maayos siya. Darating din yung araw na aayos siya . . . babalik siya sa kung ano talaga siya. Maghihilom ang lahat ng sugat niya.

Pero sa tuwing naiisip ko na mag-isa siya doon . . . na nandito ako at walang ibang magawa para tulungan siyang mabawasan ang sakit, hindi ko mapigilan na sisihin ang sarili dahil . . . ako naman ang nagsimula ng lahat ng ito.

Kung hindi ko ba siya nilapitan noon, kung hindi ko pinagpilitan na siya yung Destinee na nakasama ko sa amusement park noon, okay pa kaya siya ngayon?

Kung hindi niya nakita sa k’warto ko yung faded picture naming dalawa noon sa photobooth . . . kung hindi ko na lang siya nilapitan ulit at hinayaan na hindi niya ako kilala . . . hindi na sana siya magtatanong tungkol sa picture na nakita niya sa bahay nila.

Kasalanan ko lahat. Kasalanan ko ang lahat kung bakit nasasaktan siya ngayon.

Kasalanan ko kung bakit mag-isa siyang nahihirapan ngayon.

My week became the hardest once again. It’s hard to eat and sleep . . . talk with anyone again . . . kasi alam kong hindi nagagawa ni Destinee ang mga ’yon sa kung nasaan siya ngayon.

Paano ako makakakain kung hindi sita nakakakain nang mabuti ro’n?

Paano ako makakatulog kung alam kong puno ang isip niya ng masasakit na nakaraan sa tuwing gabi, dahilan para hindi siya makatulog?

Paano ako makikipag-usap sa iba kung . . . hindi niya nga magawa ’yon?

“Malapit na ang birthday niya.”

Napaangat ako ng tingin kay Solari. Kumakain siya ng mga prutas na nasa bowl na hiniwa ni Mama. Alam kong miss na miss na rin niya si Destinee at tulad ko . . . wala rin siyang magawa tungkol doon.

“Any plans?” she asked.

I shrugged and went back to studying. “How can I plan something kung hindi pa siya p’wedeng bisitahin ng hindi relatives?” I sighed. “Gustong-gusto ko siyang makita at makausap pero kung makakasagabal ’yon sa tuluyang paghilom niya, maghihintay na lang ako hanggang sa maging handa na siya.”

Nagbuga siya ng malalim na buntonghininga. “Okay, pero remember? P’wede tayong sumulat sa kan’ya. What if magpadala tayo ng sulat kay Tita para iabot sa kan’ya? We’ll just need to be careful sa mga sasabihin natin.”

Nagbuntonghininga ako bago ibinaba ang ballpen sa table saka sumandal. “Paano tayo susulat? Solari, hindi na tayo niya naaalala. Lahat ng pinagsamahan natin, kasama siya, hindi na niya ’yon naaalala. Hindi niya personality yung nakasalamuha natin kaya wala 'yon sa alaala niya.” Napalunok ako kasabay ng pag-iwas ng tingin at pagbuntonghininga. “H-Hindi na niya naaalala lahat.”

Nagbuntonghininga siya bago iniharap ang swivel chair ko sa kan’ya. “I know, pero ikaw? Kilala ka pa niya. Alam kong naaalala ka niya dahil nagkita at nagkasama kayo bago pa mangyari ang lahat ng masasamang nangyari sa buhay niya.”

Napalunok ako. Nakinig ako sa lahat ng sasabihin niya kasabay ng pagkabog ng dibdib ko.

“She still knows you. She might have forgotten that you were her boyfriend. She might have forgotten what you two shared for the past couple of months . . . but I’m sure that she never forgot the first time that the two of you met.”

Nag-init ang sulok ng mga mata ko bago nag-iwas ng tingin sa kan’ya saka nagbuntonghininga.

“Paano ka naman nakakasigurado?”

Muli, iniharap niya ulit sa kan’ya ang swivel chair ko para magkaharap kaming dalawa.

“Dahil hindi mo siya nakalimutan. Dahil pinanatili mo siya sa isip at puso mo sa loob ng maraming taon kahit na wala kang balita sa kan’ya. Dahil . . . mahal mo siya noong araw pa lang na ’yon . . . hindi ba?” Napalunok ako nang makita ang pangingilid ng mga luha niya. “At alam kong gano’n din ang ginawa niya.”

Nagbuntonghininga ako. “P-Paano ka naman nakakasigurado na . . . gano’n din siya?”

Ngumiti siya nang maliit. “Sabi mo  naka-laminate yung picture n’yong dalawa noon, hindi ba? Ibig sabihin, alam niyang kukupas ’yon sa paglipas ng panahon . . . at ni-laminate niya ang picture n’yo dahil ayaw niyang mangyari ’yon.”

Mabilis na pumatak ang luha ko pero pinunasan ko rin kaagad ’yon saka bumalik sa ginagawang assignment.

“Paano kung desisyon nitmya talagang huwag makipagkita sa ’yo kaagad, Con? November kayo nagkita sa amusement park. March namatay si Desiree. May apat na buwang pagitan para makipagkita siya sa ’yo pero hindi niya ginawa. Sa halip . . . ni-laminate niya yung picture na para bang alam niyang hindi kayo magkikita nang matagal at ayaw niyang makalimutan ang mukha mo.”

Hindi ako nagsalita. Tumawa siya nang mahina.

“Paano kung may nangyari pang iba sa loob ng apat na buwan na ’yon? Con, hindi ko alam pero ang sigurado lang ako, kilala ka niya. Kilala ka pa niya. Kaya kuhanin mo yung pagkakataong ito para iparamdam sa kan’ya na nand’yan ka pa rin . . . na lumipas man ang panahon simula noong unang beses kayong nagkita, hanggang ngayon, mahal mo pa rin siya. Sabihin mo lahat. Sigurado akong . . . makakatulong ka sa kan’ya.”

***

Katulad ng sinabi ni Solari, gumawa ako ng sulat para kay Destinee. Hindi ko alam kung paano magsisimula dahil ang hirap ng sitwasyon namin. May alaala ako sa nagdaang buwan kasama siya pero siya, wala. Lumipas ang buong weekend na hindi ako nakagawa ng letter. Parang hindi ko mahanap yung tamang salita na dapat sabihin sa kan’ya.

Hanggang sa naisip ko . . . naisip kong magkwento.

Magkwento ng mga bagay na nangyari pagkatapos naming magkita sa amusement park. Mga bagay na tungkol sa akin . . . mga bagay na magpapakilala tungkol sa akin.

Mga bagay na sa tingin ko . . . tamang salita lamang bilang unang sulat ko para sa kan’ya.

Lunes ng umaga, bago pumasok, kumatok ako sa master’s bedroom. Pinagbuksan ako ni Mama.

“Oh, Con, anak? May kailangan ka?” tanong niya habang sinusuklay ang buhok.

Lumunok ako bago iniabot sa kan’ya ang envelop na naglalaman ng sulat na ginawa ko para kay Destinee sa buong weekend ko.

“’Ma . . . gusto ko sana makarating ’to kay Destinee. Ayos lang ba? P’wede n’yo namang basahin yung laman para makasigurado kayong hindi siya mati-trigger. G-Gusto ko lang iparamdam sa kan’ya na nandito ako.”

Kinuha ni Mama ang envelop saka ngumiti sa akin. Hinawakan niya ang pisngi ko saka hinagkan ito ng hinlalaki niya.

“Nagtitiwala ako sa ’yo, anak. Alam mo na kung ano ang dapat at hindi dapat isulat dito. Hmm?”

Ngumiti ako. “M-Malapit na rin ho kasi yung birthday niya. Gusto ko sanang tuparin yung pangako ko noon . . . na magse-celebrate kami nang magkasama . . . kahit sa sulat lang. Sana sa birthday niya, ’Ma, p’wede ulit akong sumulat.”

Ngumiti ulit si Mama saka tumango-tango. “Oo, anak. P’wedeng-p’wede. Basta magsabi ma lang ng kailangan mo, ha?”

Ngumiti ako bago yumakap sa kan’ya. “Salamat . . . ’Ma. Alagaan n’yo hong mabuti si Destinee.”

Tinapik niya ang likod ko. “Inaalagaan namin sita nang mabuti kaya wala kang dapat ipag-alala, okay?”

Tumango ako bilang tugon. Kumalas ako sa yakap bago humalik kay Mama saka nagpaalam na papasok na.

Continue Reading

You'll Also Like

4.9M 147K 48
If you're looking for the ugly duckling who turned into a swan, then you got the wrong book. Les' best friend, Dee, just got rejected by the love of...
423K 9.8K 54
Marami man ang humadlang kay Emilia at Jethro. Hindi nila hinayaang matapos ang lahat para sa kanila. Sa una palang alam na nilang hindi tamang umibi...
14.5K 1.1K 23
What inspired you to write One Promise? You see, when I was young, life was tough. I grew up with a broken family. I never felt the love I wanted all...
390K 17.7K 22
Maia Celine Zorales vowed to never cross paths with Finley Angelo Suarez again... which was hard considering that they are attending the same school...