Forgotten Seal Of Promises

By marisswrites

4.8K 387 6

|| fourth installment of "habit series" || Constantine Dominguez failed his qualifying exam in a course that... More

Forgotten Seal Of Promises
Introduction
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Finale

Chapter 47

46 5 0
By marisswrites

  
Nang matapos kaming magmiryenda, sumakay na kami sa iba’t ibang rides sa loob ng amusement park. Nawala na yung pangamba ko dahil sa pananahimik niya kanina. Bumalik na siya sa pagiging maingay at masayahin. Mukhang nawala na yung kung ano man ang nakakapagpabagabag sa isip niya.

Lumalalim na rin ang gabi at mukhang uulan na rin. Kailangan na naming umuwi.

“Destinee . . .” Lumingon siya sa akin habang naglalakad. “Uulan na. Uwi na tayo?”

Umawang ang bibig niya bago huminto sa paglalakad saka tumingala. Nakita ko pa ang paglunok niya bago lumingon sa likod. Nang sinundan ko ang tingin niya, nakita ko ang photobooth na gusto kong makita kanina.

Sumaya ang puso ko. Mabuti naman at nandito pa rin ’yon hanggang ngayon.

“Last na. Doon tayo?”

Napalunok ako’t napatitig sa kan’ya. Hindi ko alam kung guilty lang ba talaga ako kaya ko nararamdaman ’to o baka may kakaiba talaga ngayon sa kan’ya.

“Uhm . . . ’di ba m-may picture din tayo sa Dream Park dati? G-Gusto ko ulit ng gano’n d-dito . . .” She looked away.

Nagbuntonghininga ako bago tumango. Hinawakan ko ang kamay niya saka kami naglakad papalapit doon.

“Ipapa-laminate ko ang picture natin dito para hindi na kumupas,” sabi ko nang makarating na kami sa harap.

Hinawi niya ang kurtina saka kami pumasok dalawa. Pareho kaming nakatayo, magkaharap, sa makipot na lugar. Kung dati, kasyang-kasya kami dahil mga bata pa kami, ngayon makipot na sa aming dalawa at . . . mas mainit na sa pakiramdam.

“I-Is this the place where the two of you k-kissed?” she asked. I didn’t answer. “Uhm, y-you and your first l-love.”

Nagbuntonghininga ako. “Bakit mo naitatanong pa ’yan?”

Pilit siyang ngumiti bago humarap sa camera. Naghulog siya ng pera doon saka lumapit sa akin.

“P-Picture na t-tayo.”

Tumango ako at umakbay sa kan’ya. Nag-pose kami ng ilang beses bago namin hinintay na ma-develop ang dalawang picture namin na katulad ng size ng bookmark. Ilang minuto kaming tahimik sa loob at kinakabahan na ako nang dahil doon. Ilang sandali pa, lumabas na ang mga picture namin

Iba na ang design nito. Mas malinaw na rin ang picture pero nandoon pa rin ang retro vibes. Ibang-iba na nga lang ang quality nito ngayon kaysa sa unang picture namin dito.

“Uhm . . . ang ganda.” She smiled at me. “So . . . p-paano? I mean, I want to know how. H-How you and your first love k-kissed.”

Napalunok ako. Ayaw kong ikwento sa kan’ya at ma-trigger ang memory niya. Ayaw kong bumalik ang alaala niya nang dahil sa akin pero bakit siya nagtatanong nang ganito?

May alam na ba siya?

“H-Hindi naman ako yung humalik na una.”

Nag-iwas siya ng tingin, sunod-sunod ang paghinga. “P-Paano? G-Ganito b-ba?”

Pinanood ko ang mga mata niyang namumula na pumikit, saka siya tumingkayad at kumapit sa damit ko bago ako hinalikan. Sa maikling segundong ’yon, bumalik sa alaala ko ang lahat ng nangyari noong gabing una ko siyang nakasama.

Naaalala na ba niya? Paano niya nagawa ’yon nang gano’n ka-accurate?

Nang makalipas ang ilang segundo, bumitiw siya, kasabay ng pagyuko, saka umiyak nang umiyak. Napaawang ang bibig ko.

“D-Destinee . . .”

Hahawakan ko sana siya pero humakbang siya papalayo sa akin, dahilan para mapasandal siya sa dingding.

“A-Ano bang nangyayari?”

Umiling siya nang umiling bago may kinuha sa nakasukbit na shoulder bag saka iniabot sa akin. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita ko ang malinaw na picture namin noong unang beses naming magkita, naka-laminate at malinaw na malinaw pa ang picture.

“H-Hindi ko alam lung bakit nakita k-ko sa bahay ’yan. N-Noong n-nalaman mo bang patay na siya, a-alam mo na rin kung sino talaga siya at ang . . . pamilya niya?”

Hindi ako makasagot. Hindi ko inasahan na makikita ko pa ’to ngayon sa kan’ya. Hindi ko rin akalain na tama ko magmula pa kanina . . . na may kakaiba akong nararamdaman sa kan’ya.

“Constantine . . . bakit nasa bahay ko ’yan?” tanong niya ulit, nakatingin nang deretso sa akin ang luhaang mga mata.

Napalunok ako. “Destinee . . .”

Tinabig niya ulit ang mga kamay kong gusto siyang hawakan. Umiling siya bago muling nagsalita.

“May . . . kapatid ba ako? Huh?”

Hindi ko man lang naitago ang katotohanan matapos niyang itanong sa akin ’yon. Napaiwas kaagad ako ng tingin at hindi makapagsalita dahil alam ko na oras na gawin ko ’yon, malalaman niya lahat. Kasi hindi ko kayang magsinungaling pagdating sa kan’ya.

“Sino si Desiree?”

Mabilis akong napalingon sa kan’ya. Sunod-sunod ang hikbi niya habang nakatitig pa rin sa akin.

“S-Saan mo ba nakuha ’yan--”

“Si Desiree ba yung nasa picture? K-Kapatid ko ba siya?”

Hindi ako makasagot. Sinisigawan na niya ako habang umiiyak pero hindi ko pa rin magawang sumagot. Hindi ko kaya.

Bakit umabot kami sa ganito?

Nagulat ako ng pinaghahampas niya ako sa dibdib habang paulit-ulit na sinisigawan.

“Magsabi ka ng totoo! May kapatid ba ako?! Si Desiree ba itong nasa picture?! Si Desiree ba ang sinasabi mong first love mo!”

Pinigilan ko ang mga kamay niyang humahampas sa akin saka siya inalog-alog.

“Destinee! Hindi!”

Umawang ang bibig niya. “A-Ano?”

Lumunok ako. “Hindi si Desiree ang nasa picture. Hindi si Desiree ang first love ko.”

Marahan siyang umiling habang humihikbi. “A-Ano?”

Kinagat ko ang ilalim na labi kasabay ng pag-iwas ng tingin. Nagbuntonghininga ako bago muling ibinalik ang tingin sa kan’ya saka nagsalita.

“K-Kapatid mo si Desiree  . . . pero ikaw ang nasa picture. Ikaw ang first love ko. Ikaw ang nakasama ko noon dito.”

Mas lalo siyang lumayo kasabay ng pagsinghap sa narinig mula sa akin. Umiling siya nang umiling habang nakatitig sa akin, hindi makapaniwala sa mga naririnig.

“Hindi . . . kapatid? P-Paano ako m-magkakaroon ng kapatid? Wala akong naaalala na may kapatid ako. At papaanong a-ako ang makakasama mo dito? I-Ipipilit mo pa rin ba yung pilit mong sinasabi noon na a-ako yung babaeng nakasama mo kahit na h-hindi nga kita naaalala?! W-Wala rin akong kapatid! H-Huwag mo akong lokohin. N-Nagtanong lang ako p-pero hindi mo kailangang k-kompirmahin kung h-hindi ’yon ang t-totoo.”

Mariin kong ipinikit ang mga mata ko nang naglakad siya palabas ng photobooth. Sumunod ako sa kan’ya at hinawakan ang kamay niya para pigilan siya. Humarap siya sa akin kasabay ng pag-alis niya sa pagkakahawak ko sa kamay niya.

“S-Sabi ni daddy, w-wala raw siyang kilalang Desiree n-noong tinanong ko siya! Kaya imposibleng . . . imposibleng may kapatid ako. I-Imposible.”

Nagbuntonghininga ako. “Destinee . . . uwi na tayo.”

Nangilid ang mga luha niyang muli. “Si Desiree . . . b-bakit mo sinasabing . . . k-kapatid ko siya, huh? O-Only child ako.”

Tumango-tango ako para lang mapakalma na siya. “O-Oo. Sige. U-Uuwi na tayo.”

Umiling siya nang umiling. “H-Hindi. B-Bakit namatay si Desiree? Nalaman mo ba kung b-bakit siya namatay? May sakit ba siya? B-Bakit mo sinasabing kapatid k-ko siya kung w-wala akong alam tungkol sa k-kan’ya?”

Nag-init ang sulok ng mga mata ko. Humakbang ako papalapit sa kan’ya pero muli siyang humakbang papalayo sa akin kasabay ng pagsinghap. Napunok ako kasabay ng pagtulo ng mga luha ko.

“Sabihin mo na lang yung totoo! Bakit namatay si Desiree! Yung sinasabi mong kapatid ko! Bakit?!”

Sa puntong ito, napapatingin na sa amin ang mga tao sa paligid pero mukhang wala siyang pakialam doon. Kitang-kita ko sa mga mata niyang luhaan ang desperasyon na malaman ang totoo . . .  mula sa akin.

Lord, bakit sa akin naman? Alam mong hindi ko kaya. Ang daming nakakaalam ng katotohanan sa likod ng pagkatao niya, pero bakit ako ang ginawa mong paraan para matunton niya ang katotohanan?

“D-Destinee . . .” my voice broke as I took a step forward. She took a step back immediately. “Destinee . . .”

“Sabihin mo yung totoo!” sigaw niya. “Ako ba? Huh? Ako ba ang may kasalanan?!”

Mabilis akong umiling. “H-Hindi . . .”

“Bakit hindi mo na lang sabihin kung ano yung nangyari?! Bakit namatay siya?! Bakit?!”

Napayuko ako kasabay ng malalim na pagbuntonghininga.

“S-She died by h-hanging herself.”

Suminghap siya kasabay ng pagtakip ng bibig habang umaagos ang mga luha.

“S-She died by . . . s-suicide.”

Naibagsak niya ang mga kamay na kanina’y nasa bibig.

“I’m sorry.”

Matapos kong sabihin ang huli, bumagsak siya sa sahig nang mawalan ng malay. Naihulog niya rin ang mga picture naming dalawa mula sa photobooth.

“Destinee!!!”

May mga taong tumulong sa akin na mabuhat siya. Isinakay ko kaagad siya sa kotse ko at mabilis na nag-drive papunta sa pinakamalapit na hospital. Nang makarating, dinaluhan kaagad siya ng mga nurse at doctor na naka-duty habang ako, hindi makalma sa waiting area.

Tinawagan ko si Mama para sabihin ang mga nangyari.

“Concon, anak?”

Mabilis na nabasag ang boses ko matapos marinig si Mama. Narinig ko ang pagpa-panic sa kan’ya nang dahil do’n.

“Anong nangyayari?! Nasaan ka?! Nasaan kayo ni Destinee, anak?! Bakit ka uniiyak, huh?” nag-aalala at sunod-sunod na tanong niya.

“Mama . . .” I cried more. “Alam na ni Destinee lahat. Alam niya ang tungkol kay Desiree . . . bago pa siya pumunta sa akin kanina. Alam niya.”

Narinig ko ang pagsinghap ni Mama. Ilang sandali pa, kung ano-ano nang tunog ang narinig ko na para bang may ginagawa siya.

“Kailangang malaman ng papa niya. Pupuntahan ko siya, anak.”

Nagbuntonghininga ako. “K-Kuhanin ko na lang yung number, ’Ma. Ako na ang kakausap. Ipapaliwanag ko sa kan’ya lahat.”

Nagbuntonghininga si Mama. “Pupunta na lang ako kung nasaan kayo.”

Matapos kong ibigay sa kan’ya ang pangalan ng hospital kung nasaan kami, pinatay na niya ang tawag. Na-receive ko na rin ang text ni Mama na number ni Sir Alejandro kaya mabilis ko siyang tinawagan. Sandali lang din ang lumipas dahil sinagot niya kaagad.

“Hello . . .”

Napalunok ako. “Sir . . . s-si Constantine ito. P’wede ho ba kayong pumunta sa address na ibibigay ko sa inyo dito sa Laguna?”

Nang matahimik siya, na-imagine ko ang pagkunot-noo niya. “Bakit?”

Kinagat ko ang ilalim na labi bago sumagot. “N-Nandito si . . . Destinee.” Muling nag-init ang sulok ng mga mata ko. “Kailangan niya kayo.”

Matapos kong sabihin ’yon, natahimik siya. Hindi na siya nagsalita na para bang alam na niya kung anong nangyari . . . hanggang sa tuluyan nang namatay ang tawag.

Tahimik na lang akong naghintay sa waiting area habang naghihintay ng balita tungkol kay Destinee.

Continue Reading

You'll Also Like

544K 9.3K 27
(𝐋𝐔𝐂𝐊𝐘 𝐃𝐮𝐨𝐥𝐨𝐠𝐲 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝟏) Siya si Vanessa Alcantara, ang magiging "Lucky Date" for one day ng super sikat at pinagkakaguluhang pop star...
3.4K 1.5K 34
What's inside your mind?
32.3K 1.1K 23
[HIGHEST RANKING: #60 in ChikLit] Aggie Tongco and Porter Aguirre's simple love story. Started: June 13, 2017 Ended: July 07, 2017
732 255 13
👩‍❤️‍👨 Published under Ukiyoto Publishing: Magkasintahan Volume 28 Kate and Nate are best of friends. Parehong sawi sa pag-ibig noong subukang pasu...