Forgotten Seal Of Promises

By marisswrites

4.7K 387 6

|| fourth installment of "habit series" || Constantine Dominguez failed his qualifying exam in a course that... More

Forgotten Seal Of Promises
Introduction
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Finale

Chapter 46

50 5 0
By marisswrites


 
Weekend came, maaga akong nagising para mag-jogging at mag-gym. Hindi tulad noon na regular ang pagpunta namin dito ni Earl, simula nang makita ko ulit si Destinee, hindi ko na ito naasikaso pa. Medyo nabawasan tuloy ang abs ko.

“Wow, you’re back!” nakangiting banggit ng babaeng instructor sa akin.

Ngumiti lang ako bilang tugon bago ginawa na ang mga routine ko at ang mga dapat i-improve. After all, matagal-tagal akong hindi nakapag-gym. Ilang buwan din.

“Where’s Earl?” she asked.

“Dunno. Why?”

Nagkibit-balikat siya. “Well, curious lang kasi you used to come here together.”

Sinabi ko na lang na busy ito sa trabaho at review class, na alam kong totoo naman, nang matapos na ang usapan. Earl and I still haven’t met yet since my birthday. Isang buwan na rin. Hindi naman na ako galit. Ewan ko lang siya.

Medyo guilty rin ako dahil ako ang dahilan kung bakit sila nagkasira ni Veronica . . . ng ate ko . . . pero tama pa rin naman ako. Kinompirma na rin ’yon ni Veronica mismo kasi itinanggi niya sa akin--sa amin. Kumg mayro’ng may karapatang magalit dito, si Veronica talaga ’yon.

But, oh well. I’m still responsible for everything.

Makalipas ang ilang oras, umalis na ako ng gym at umuwi. Pagkarating ko sa bahay, nanlaki pa ang mga mata ko nang makita si Destinee na nasa kusina namin, kasama si Mama at Veronica.

“U-Uh, Destinee . . .”

Nag-angat silang tatlo ng tingin sa akin. Ngumiti siya nang malawak. Itinukod ni Veronica ang kutsilyo sa sangkalan habang nakatitig sa akin.

“Your girlfriend’s texting you simula pa kanina pero hindi ka sumasagot. Kung hindi pa ako lumabas ng bahay, baka nabulok na ito sa labas.”

Napakamot ako ng leeg bago lumapit sa kanila. “Naiwan ko yung phone, nag-gym ako, eh.”

Umirap si Veronica. “Magdala ka nga ng phone next time!”

Tumawa si Mama na abala sa kung anong ginagawa. “Tama na ’yan. Maligo ka na’t bumaba pagkatapos, Con. Kanina pa si Destinee dito.”

Tumango-tango ako. “Bakit pala nandito ka pa?” tanong ko kay Veronica. “May review class ka, ’di ba?”

Tumango siya. “Mamaya akong hapon papasok. Masama ang pakiramdam ko kanina.”

Tumango ako bilang tugon. Lumingon ako kay Destinee na nakangiti sa akin, mukhang inoobserbahan kami ng pamilya ko. Itinuro ko ang itaas at sinabing babalik kaagad. Tumango-tango naman siya bago ibinalik ang atensyon kay Mama na nagtuturo sa kanila ng iniluluto.

Weird. Parang may iba akong naramdaman. 

Mabilis akong naligo at nagpalit ng damit. Habang naglalagay ng wax sa buhok, may kumatok sa pinto.

“Pasok,” malakas na sabi ko, tutal, hindi naman naka-lock ’yon.

Nakita ko sa gilid ng mga mata na pumasok si Destinee. Marahan niyang isinarado ulit ang pinto bago naglakad sa akin palapit.

“Hi,” she said.

Tinapos ko na ang paglalagay ng wax bago tuluyang humarap sa kan’ya.

“Hi. Sorry, hindi ako nakapagsabing aalis ako ngayong umaga. Akala ko kasi, mamaya ka pa gigising dahil mukhang busy ka kagabi.”

Hindi ko na naman siya ma-contact kagabi kaya inisip ko na baka gano’n na naman ang nangyari . . . na bumalik siya sa kung ano talaga siya . . . sa mga pagkakataong hindi niya ako kilala.

Ngumiti siya. “Maaga akong gumising. Sorry kagabi, maaga yata akong nakatulog.” She chuckled. “Ikaw una kong naisip kanina kaya pumunta kaagad ako sa ’yo.”

Ngumiti ako bago siya hinila para yakapin. “Miss mo kaagad ako?”

Tumawa siya bago yumakap pabalik sa akin saka tumango. “Oo. Sobra.”

Hinigpitan ko ang yakap sa kan’ya. Nanatili kami s aganoong posisyon ng ilang minuto bago siya nagsalita ulit.

“C-Constantine . . .”

“Hmm?”

Hindi siya kumilos. Naramdaman ko na lang ang mahihinang tapik niya sa likod ko.

“M-Mahal mo ako, ’di ba?”

Napabuntonghininga ako bago bago kumalas sa yakap para tingnan siya, pinananatili ang mga kamay sa balikat.

“Mahal na mahal, Destinee. Bakit mo naman naitanong ’yan?”

Umiling siya bago ngumiti. “Hindi ko rin alam. N-Naisip ko lang bigla.”

Ngumiti ako bago hinawakan ang magkabilang gilid ng mukha niya.

“Hindi ba’t sabi ko naman sa ’yo? Kahit na ano o sino ka pa, patuloy pa rin kitang mamahalin.”

Unti-unting namula ang mga mata niya bago muling yumakap sa akin.

“I love you, Constantine.”

Nang itinanong niya sa akin ang tungkol do’n, binagabag ako. Hindi ko alam kung anong pumapasok sa isip niya at itatanong niya ’yon, pero matapos niyang sabihin na mahal niya ako, natahimik na ulit ang loob ko.

Sakto rin dahil hindi ko itinuloy ang planong pagdalaw kay Desiree para humingi ng paumanhin sa mga pagkakamali ko . . . pati sa mga sinabi ko noong nakaraan na akala ko, siya ang nakasama ko sa amusement park. Pupunta pala si Destinee ngayon at kung sakali man na itanong niya kung saan ako nanggaling, hindi ako makakapagsinungaling.

Bukas na lang ako pupunta kay Desiree.

“P-P’wedeng . . . humingi ng favor?”

Marahan akong kumalas sa yakap saka ngumiti sa kan’ya. “Ano ’yon?”

Bahagya siyang ngumiti. “G-Gusto kong pumunta sa . . . a-amusement park.”

Napatigil ako matapos marinig ’yon. Nagsimula na rin kumabog ang dibdib ko sa biglaan niyang paghiling sa akin n’on. Hindi ko alam kung bakit . . . kung anong mayro’n . . . pero kinakabahan talaga ako.

“S-Sige. Saan mo ba gusto? Sa pinuntahan nating huli?” tanong ko, pinipilit ang sarili sa pagngiti.

Umiling siya. “S-Sa . . . Laguna.” 

Napalunok ako kasabay ng mas lalong pagbilis ng tibok ng puso ko. Ngumiti siya.

“M-Matagal na kasi akong h-hindi nakakapunta d-doon . . . at g-gusto ko sanang bumalik n-nang . . . k-kasama ka.”

Hindi ako makapagsalita. Sa lahat ng hihilingin niya sa akin, ito yung bagay na kailanman hindi ko inasahan.

Naaalala na ba niya? Kung oo . . . bakit ganito? Kung naaalala na niya kung sino talaga siya, siguradong babalik siya sa panahong hindi niya ako kilala.

Pero ano bang alam ko?

“K-Kung ayaw mo, o-okay lang naman. Kung hindi ka pa handang bumalik d-doon--”

Napakunot-noo ako. “A-Anong ibig mong sabihin?”

Kinagat niya ang ilalim na labi bago nagsalita. “K-Kasi, ’di ba? D-Doon mo nakilala yung . . . f-first love mo?”

Nag-iwas siya ng tingin saka may hinanap sa side table ko. Kinuha niya ang burado nang litrato namin saka iniabot sa akin.

“S-Siya. K-Kaya okay lang kung h-hindi muna. B-Baka hindi ka pa okay bumalik. N-Naiintindihan ko kasi m-mahirap yung sitwasyon mo . . . kasi hindi kayo ulit nagkita bago siya m-mawala.”

Namula ang mga mata niya matapos ’yon sabihin. Gusto ko na lang siyang yakapin at sabihing mali siya . . . na nandito siya ngayon sa harap ko . . . pero ayaw kong maging selfish. Ayaw kong maging dahilan para magulo lahat ng pilit inaayos ng papa niya . . . kahit sa maling paraan . . . mapanatili lang buhay at maayos ang pamilya niya.

“Ang importante naman sa akin, ako na ang m-mahal mo ngayon, ’di ba?” dagdag niya.

Nagbuntonghininga ako bago ibinaba ang picture sa kung saan niya ’yon kinuha.

“Ikaw ang mahal ko, Destinee . . . at pupunta tayo sa amusement park kung gusto mo, hmm?”

Umawang ang bibig niya kasabay ng pangingilid ng luha. Pumikit siya kasabay ng pagpatak ng mga ito bago kumapit sa damit ko saka ako hinalikan. Hinawakan ko ang panga niya para daluhan ang mga halik na ibinibigay niya sa akin.

Lumabas din kami ilang saglit para kumain ng lunch. Maligaya naman silang nagkukwentuhan ni Mama at Veronica sa hapag-kainan kaya kahit papaano, nabawasan yung kaba ko kanina. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip niya at nag-aya siyang pumunta doon pero wala namang mali. Hindi naman siguro mali na dalhin ko siya ro’n.

Natatakot lang ako na baka makaalala siya bigla.

Pero marami namang ibang p’wedeng makapagpaalala sa kan’ya ng nakaraan, wala naman din siyang naaalala hanggang ngayon.

Nang matapos kami kumain, saglit kaming nag-stay sa bahay bago kami umalis. Nagpaalam naman kami kay Mama kaya kahit siguro gabihin kami ng uwi, walang magiging problema.

Sa kalagitnaan ng byahe, nagtanong ako. “Bakit pala naisipan mong magpunta do’n?”

Mula sa panonood niya sa labas, lumingon siya sa akin saka ngumiti.

“Gusto ko lang makita. Ilang taon na noong huling punta ko ro’n.” Nag-iwas siya ng tingin pagkatapos.

Napatango-tango ako. Kahit ako, curious din kung ano na bang itsura n’on. Gusto ko rin malaman kung . . . nandoon pa ba yung photobooth.

Sana nandoon pa. Para p’wede kaming magpa-picture ulit ni Destinee . . . kahit na hindi na niya naaalala yung una.

Sa loob ng tatlong oras na byahe namin, hindi siya gaanong nagsasalita kaya naman hindi mawala ang pangamba ko. Parang ang lalim ng iniisip niya at hindi ko magawang basahin kung ano ’yon.

Nang makarating kami at makapag-park, iba ang titig niya sa lugar. Mahigpit ang pagkakakuyom niya sa mga kamao habang malalim ang paghinga.

“D-Destinee . . .” pagtawag ko sa kan’ya nang makalabas na rin ako ng sasakyan. Lumingon siya sa akin. “O-Okay ka lang ba?”

Umawang ang bibig niya, nagtataka sa sinabi ko, bago tumango at ngumiti. Hindi na rin nakakuyom ang mga kamao niya.

“Oo . . . okay lang ako.”

Matapos n’on, nagbayad na kami ng entrance fee saka kumain dahil nagutom sa mahabang byahe.

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 23.6K 50
After getting kicked out from her dorm, Kat moves into her twin brother's house where she finds herself dealing with AJ, his brother's best friend...
234K 5.2K 68
I know that someday, one day you'll find me...
6.2M 97.4K 49
Have you experienced fangirling over someone? Napapangiti ka rin ba tuwing nakikita mo siya sa TV? Natutuwa ka rin ba kapag naririnig mo ang boses ni...
629K 15.9K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya AΓ±asco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...