Forgotten Seal Of Promises

By marisswrites

4.8K 387 6

|| fourth installment of "habit series" || Constantine Dominguez failed his qualifying exam in a course that... More

Forgotten Seal Of Promises
Introduction
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Finale

Chapter 29

66 5 0
By marisswrites

   
Friday of the same week came, it was the university's wash day. Ito rin yung araw na kaunti lang ang subject ng lahat kaya madalas, kung napakaluwag ng teacher sa schedule, hindi na halos magkaklase.

Sa course ko, walang gano'n. Lahat, sinusunod ang oras ng klase pero kapag majority ay humiling ng Friday Break, ibinibigay naman once a month.

At ngayong buwan ng September, unang linggo pa lang, nagamit na kaagad namin sa kaisa-isang subject namin para sa hapon. Uuwi na sana ako pero nakita ko si Destinee sa ilalim ng malaking puno na naghihintay, dala ang laptop bag niya. Napangiti ako bago lumapit sa kan'ya. Ngumiti kaagad siya nang makita ako.

Hindi na ibinalik ni Destinee yung ayos ng buhok niya na nakatirintas sa kanan. Ibinalik na niya sa dati na nakabagsak ang buhok at may clip sa magkabilang gilid. Gusto ko minsan makahinga nang maluwag pero madalas, curious ako sa mga action niya.

"Wala ka nang klase?" tanong ko.

Umiling siya. "Friday Break." She chuckled. "Ikaw?"

Nagkibit-balikat ako bago kinuha ang nakasukbit niyang laptop bag. "Wala na." I smiled. "Uuwi ka na?"

Umiling siya. "Hindi ko sinabi kay Papa na wala na klase kaya hindi niya ako masusundo. Besides, may work siya." Ikinapit niya ang braso sa akin. "But I need to do something sa library. Samahan mo ako?"

Tumawa ako bago ginulo ang buhok niya. "Oo ba. Pero mag-lunch muna tayo sa cafeteria."

Nang magsimula kaming maglakad papunta sa cafeteria, bumitiw na siya sa pagkakakapit sa braso ko. Gusto kong sabihin na ibalik niya, o hawakan na lang ang kamay niya habang naglalakad, pero naalala ko yung sinabi niya . . . hindi ko na p'wedeng hawakan ang kamay niya kasi friends lang daw kami. Hindi na rin niya ako hinalikan sa pisngi ulit simula n'on.

Napabuntonghininga ako.

Nang matapos naming kumain, dumeretso na kami sa library. Nang makarating kami do'n, sakto dahil wala masyadong tao. May ilan man, halos lahat nakatutok sa monitor para mag-cram sa kung ano mang ginagawa nila. Pumwesto siya malapit sa aircon. Naupo ako sa upuan sa harap niya saka ibinaba sa table sa pagitan namin ang laptop.

"Ano palang gagawin mo?" tanong ko nang maupo na kami.

Kinuha niya ang Acer niyang laptop sa loob ng laptop bag saka binuksan. "Magsusulat ng story." Ngumiti siya. "Iba na 'to this time. At kailangan ko ng tulong mo."

Napakunot-noo ako. "Tulong?" Tumawa ako. "Anong maitutulong ko?"

Nagbuntonghininga siya bago nangalumbaba. "Kailangan ko ng back story kung bakit nangyari ang mga nangyayari sa story ko. Sure akong matutulungan mo ako dahil psych major ka."

Napatango-tango ako. Gets ko na. "So, kailangan mo yung mga natutuhan ko sa course namin?" Tumango siya. "Let's see, baka hindi ko pa napag-aaralan yung kailangan mo, eh."

"Wait, ito."

Iniharap niya sa akin ang laptop. Tumambad sa akin ang outline ng story niya na naka-organize mula sa kung anong mangyayari mula sa chapter one hanggang sa dulo.

"Mystery and Thriller ang genre niya this time. There was a serial killer who kills with a pattern. Kailangan nilang mahanap 'yon. Ang problema, si protagonist pala ang killer pero hindi niya rin alam mismo sa sarili niya 'yon."

Prang sumabog ang utak ko matapos marinig ang mga sinabi niya habang binabasa ang mga detalyeng nakasulat doon. Sobrang detailed! Yung rason ng killer kung bakit pumapatay, bakit pinapatay, paraan at oras ng pagpatay, lahat. Pati ang proseso ng side characters para mahuli kung sino ang killer, nandoon din.

May ginawa pa siyang timeline sa ibang part ng document. May mga MBTI at Enneagram pa! Ganito ba talaga magsulat ng isang story o siya lang 'to?

Ganito rin ba ka-organize si Solari?! Parang imposible naman.

Hindi naman nakalagay kung anong parte ng psychology ang kailangan niya pero matapos kong mabasa ang lahat, napagtanto ko na.

"So . . . kailangan mo yung knowledge ko sa . . . Dissociative Identity Disorder?"

She snapped her fingers with a big smile. "Tama! Yan ang other term for Multiple Personality Disorder, 'di ba?"

Tumango ako. "Oo." Tumawa ako. "Sure ka bang sa akin ka magpapatulong? Hindi ko pa kabisado ang topic na 'yan, eh."

Napanguso siya. "Okay lang. You can just lend me some of your notes about it or send me articles related to it na sure na makakatulong sa akin about dito. I can study that." Ngumiti siya bago kinuha ang laptop mula sa harap ko.

Nagbuntonghininga ako. "Gan'yan ba talaga ang proseso para makabuo ng isang novel?"

Bahagya siyang ngumuso. "Kung formal na formal siguro ang writer at sobrang organized, oo." Ngumiti siya. "Hindi naman 'to required. Curious lang ako kung paano magiging takbo ng story pati sa mismong part na may psychology."

Napakunot-noo ako  natatawa. "Huh? Hindi mo pa alam kung paano ang magiging takbo ng story na ikaw mismo ang magsusulat? Pero naka-outline na mula simula hanggang dulo, ah?"

Tumawa siya. "Alam mo, Constantine, outlines are adjustable. Ito lang kasi yung gusto naming mangyari, pero siyempre, depende pa rin sa sitwasyon ang magiging takbo mismo ng story. You know, writing a story, sometimes, is like creating your own research paper. You conduct surveys to confirm your hypothesis. I write stories to find out how my small little prompt will go on and end up being a novel. Some writers don't have any idea about what they are trying to write. And by writing it is their own journey to finding out what it's all about "

Hindi ko man lang napigilan ang pag-awang ng bibig ko dahil sa sinabi niya. Masyado ko yatang ini-small ang writers. Akala ko, basta nagta-type lang sila. Ang hirap din pala n'on, at alam kong hindi ko kaya.

"So, yung mga novel na isinusulat n'yo, usually, isang maliit na prompt lang siya?" She nodded. "Kunwari, nakakita ka ng on-the-spot breakup, p'wede nang prompt 'yon?"

Tumawa siya. "Kapag gumana ang curiosity and creativity at the same time, oo. P'wede ka ngang gumawa ng story dahil lang sa payong na ipinahiram sa 'yo, eh."

Tumawa ako lalo. "Ang galing naman! Ang likot ng imagination mo!" Tinawanan niya lang ako. "Eh, 'yan? Anong prompt mo d'yan talaga? Bakit naisipan mong isulat 'yan?"

Bahagya siyang ngumiti pero hindi ko gaanong nakita dahil nahaharangan ng laptop. Doon din nakatutok ang atensiyon niya dahil nagtitipa siya. Tumingin siya sa akin nang hindi tumitigil ang mga daliri sa pagtitipa.

"Panaginip."

Napakunot-noo ako. "Panaginip? Anong panaginip?"

Nagkibit-balikat siya. "Nanaginip ako noon pa, bago magpasukan this semester. May pinatay daw ako. Pagkagising ko, umiiyak at basang-basa ako ng pawis kahit na ang lakas naman ng aircon."

Tumawa siya pero nawala naman ang ngiti ko sa narinig mula sa kan'ya.

"So naisip ko, what if habang natutulog ako, may ibang katauhan ang nagigising sa akin tapos hindi ako aware na ako rin pala 'yon pero alter ko lang?" She laughed. "Kunwari, yung normal na ako ay yung mabait. Yung pumapatay ay yung puno ng inggit at paghihiganti. They are two contradicting personality pero yung alter, siya yung suppressed emotions n'ong mabait na ako."

Hindi na ako nakapagsalita pa dahil sa binanggit niya kanina tungkol sa panaginip. Hindi ko alam na naranasan niya 'yon. At sigurado akong may kaugnayan 'yon sa kakambal siya.

"Basically, a story was started because of a prompt and pushed by what ifs and possibilities. Habang dumarami ang what if, nag-i-spark ang mas maraming idea at possibilities hanggang sa makabuo ka na ng isang buong nobela."

Nagbuga ako ng buntonghininga saka ngumiti. "Ang galing n'yo naman, nakakatuwa. Sana mabasa ko rin 'yan tulad n'ong isa."

She chuckled. "You'll like this kasi hindi love story. Konting-konti lang."

Tumawa ako nang mahina. "Hmm, maganda naman, ah? Sabi ko sa 'yo, maganda, eh."

Tumawa siya lalo. "Psh. Sige na, matulog ka muna. Maiinip ka. Gusto ko lang talaga ng kasama kaya isinama kita."

Ipinatong ko ang baba sa lamesa saka pinanood siya. Inilabas ko ang cellphone saka kinuhanan siya ng picture habang seryosong-seryoso na nakatingin sa screen ng laptop. Mabilis naman siyang nag-angat ng tingin nang mapansin ang ginagawa ko.

"Huy, anong ginagawa mo?" 

Ngumiti ako bago ipinakita sa kan'ya ang maganda niyang kuha sa cellphone ko. Mabilis na nagsalubong ang dalawang kilay niya bago sinubukang agawin sa akin ang cellphone.

"Ang pangit-pangit ko d'yan, burahin mo 'yan, Constantine!" pagalit pero mahinahon na sabi niya.

Tumawa ako bago umiling. Ginawa ko pa 'yon wallpaper saka muling ipinakita sa kan'ya. Tumawa siya kasabay ng inis.

"Ano ba, ang pangit!"

Umiling ako. "No, ang ganda nga, eh."

"Constantine! Isa!"

Tumawa ako lalo. "Hindi ka naman nakakatakot magalit, ang cute-cute pa rin, eh."

Mas lalo siyang natawa bago sinubukan ulit hulihin ang cellphone pero kamay ko ang nakuha niya. Napatingin kami pareho do'n.

"Tsk! Ang harot mo kasi."

Tumawa ako nang mas malakas sa narinig, dahilan para mapalingon sa amin yung librarian. Mabilis naming inawat ang mga sarili bago muling tiningnan ang isa't isa. Aalisin na sana ni Destinee ang kamay sa akin pero mabilis kong kinuha ang cellphone gamit ang kanang kamay saka hinawakan ang kamay niya.

Tumingin siya sa akin. "Oops. Bawal sabi."

Ngumiti ako, naghahamon. "Ikaw nauna."

Tumawa siya. "Bitiw na, may gagawin ako."

Umiling ako bago ipinatong ang kanang braso sa lamesa saka ipinatong ang baba doon. Pinagsalikop ko ang mga daliri naming dalawa. Sa pag-awang ng bibig niya, kitang-kita ko ang kaba niya.

"Five minutes. Ang lamig ng kamay mo."

Nag-iwas siya ng tingin. "M-Malapit kasi tayo sa aircon." She cleared her throat. "Pero sige. F-Five minutes. Oorasan kita. 12:32 p.m. na."

Tumawa ako. "Ang daya, 'wag mo nang orasan."

Umiling siya. "Mamimihasa ka."

Muli akong natawa. "O sige na nga, five minutes. Pero sa tabi mo ako uupo."

Tiningnan niya ang katabing upuan kung saan nandoon ang mga bag niya.

"Oh, e-eh ilipat mo ang mga bag ko d'yan."

Tumango ako bago tumayo, hindi binibitiwan ang kamay niya. Dahil do'n, napatayo na rin siya. Nakasunod siya sa akin habang inililipat ko ang mga gamit niya sa p'westo ko kanina, hanggang sa pareho na kaming nakaupo nang magkatabi.

"May four minutes ka pa."

Umiling ako. "Five pa rin 'yon, may ginawa ako, eh."

Tumawa siya. "Ang daya mo, ah?"

Ngumiti lang ako sa kan'ya hanggang sa natahimik kami sa mga sumunod na minuto.

"T-Two minutes," she said. "May . . . tanong pala ako."

Lumingon ako sa kan'ya, mahigpit pa rin ang hawak sa kamay niya. "Ano yun?"

She gulped. "B-Bakit friends lang tayo kung . . . gusto mo namang hawakan ang kamay ko?"

Napalunok ako kasabay ng marahan na pag-iwas ng tingin. Pilit akong ngumiti sa kan'ya.

"Kasi . . . hindi pa boto sa akin ang papa mo."

Umirap siya, natatawa. "Hindi naman kamay ni Papa ang hahawakan mo, why does his opinion matters to you?"

Ngumiti ako. "Kasi papa mo siya. Buhay ka niya. At lahat ng opinion ng mga taong bumuhay sa 'yo, mahalaga sa akin."

Tumango-tango siya. "Paano yung opinyon ko?" Hindi ako nakasagot. "Hindi mo ba gustong marinig?"

Napalunok ako kasabay ng mabilis at malakas na kabog ng dibdib ko.

"G-Gusto. Ano ba yun?"

Ngumiti siya. "I want to always hold your hand, too. I want to kiss you goodbye whenever you drive me home." She gulped. "I want to . . . to claim what you told me that was already . . ." She looked away. ". . . mine."

The moment she said that, we looked at each other's eyes and at that second, she closed her eyes. I leaned forward and gave her something she has always owned the moment we did it.

Oras na maglapat ang mga labi namin, humigpit ang hawak niya sa kamay ko. Nang iginalaw ko ang labi, narinig ko ang mahinang pagsinghap niya bago lumayo. Napalunok ako't kinabahan nang dahil do'n.

"D-Destinee?"

Nakatulala siya sa harap ng monitor, parang hindi ako naririnig.

"Destinee . . ." I sighed. "G-Galit ka ba?"

Mabilis siyang lumingon sa akin. "H-Huh?" kunot-noo niyang tanong. Ilang sandali pa, mabilis siyang umiling. "H-Hindi!"

Ibinalik niya ang paningin sa harap ng monitor bago bumitiw sa kamay ko.

"T-Tapos na yung f-five minutes. I . . . I'll get back to work." She nervously smiled at me. "You can take a nap beside me. Gigisingin na lang kita kapag tapos na ako, hmm?"

Hindi ko alam kung may mali ba akong nagawa pero isa lang ang sigurado ako. May iba siyang naramdaman no'ng oras na 'yon na hindi ko maipaliwanag. Para siyang nagulat base sa singhap niya kanina pero hindi ko naman alam kung para saan. Medyo natataranta rin siya base sa nakifa kong pagmamadali niya kanina.

Pero ang importante . . . alam kong hindi siya galit sa akin ngayon. Napabuntonghininga na lang ako.

Tumango ako at ngumiti sa kan'ya bilang tugon.

Continue Reading

You'll Also Like

39.1K 2.1K 55
• Part of WattpadRomancePH's Romantic Bliss RL • Wattys 2021 Shortlist Baguio Series #1 Mary Shella Matias is a simple cashier in a department store...
416K 4.5K 9
The romance writer meets his heartless match. Sa dinami-rami ng babaeng nagkandarapa sa kanya, mai-in love na lang siya, sa bitter pa. Sa dinami-rami...
4.9M 146K 48
If you're looking for the ugly duckling who turned into a swan, then you got the wrong book. Les' best friend, Dee, just got rejected by the love of...
33.5K 1.6K 34
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...