Forgotten Seal Of Promises

By marisswrites

4.9K 387 6

|| fourth installment of "habit series" || Constantine Dominguez failed his qualifying exam in a course that... More

Forgotten Seal Of Promises
Introduction
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Finale

Chapter 28

63 6 0
By marisswrites

Destinee and I continued hanging out like we used to inside the campus.

Wala pa kaming napag-uusapan tungkol sa aming dalawa maliban sa magkaibigan kami, pero alam namin sa sarili na hindi lang kami hanggang doon. We'll get there soon but we're taking it slow.

Ayaw ko rin namang maging kami nang may malaki akong itinatago sa kan'ya. Alam kong imposible na sabihin ng papa niya ang katotohanan pero marami namang nakakakilala sa kanila. Ipagdarasal ko na lang na sana, may makapagsabi sa kan'ya balang-araw . . . dahil tulad ng papa niya, isasama ko rin sa hukay ang katotohanang 'yon kung maaari . . . kung ang ibig sabihin naman n'on ay mapananatili siyang okay.

"Sabi ni Earl, birthday mo na raw in two weeks. Anong plano mo?" tanong niya habang kumakain kami ng lunch sa cafeteria.

Ilang linggo na ang nagdaan simula nang magkakilala sila ni Earl at makalaro sa Valorant. Natuto na rin siya ng ibang agent, tulad ni Jett at Viper pero mas gusto niya pa rin si Sage. Natutuwa ako na nag-e-enjoy siya tapos, nabalitaan ko rin kay Solari na hindi naman bumababa ang grades niya. Perfect or almost perfect pa rin ang lahat.

Nagkibit-balikat ako. "Ewan ko pa." Sumubo ako ng pagkain saka nginuya-nguya bago nagsalita. "Baka maghanda na lang ulit sila. Wala naman akong pake doon, basta sila bahala mag-organize ng dinner or party sa bahay, nagdadala lang ako palagi ng bisita."

Ngumiti siya, bahagyang nakahilig sa lamesa sa pagitan namin.

"Sabihan mo ako, ah?"

Tumawa ako. "Oo naman. Kung may ganap sa bahay, dapat, pupunta ka. Kung wala, eh 'di lalabas tayo."

Tumawa ulit siya, bahagyang nawawala ang mga mata, saka tumango-tango. Ang cute.

"Sige, ah! Gagawaan ko talaga ng paraan 'yan."

Pagkatapos naming kumain, inihatid ko muna siya sa department nila bago ako bumalik sa building namin. Sakto naman na sinalubong ako ni Crissa na nagre-review para long quiz namin.

"Jowa mo na?" tanong ni Crissa sa akin nang maupo ako sa tabi niya. Inayos niya ang suot na salamin bago humarap sa akin nang mabuti.

Umiling ako bago kinuha na rin ang bag para mag-review. "Hindi pa."

Tumawa siya. "Ano ba 'yan! Ang bagal mo naman! Matatalo ako sa pustahan niyan, eh!"

Napakunot ako ng noo dahil do'n. Ngumuso siya sa table kung saan magkakasama sina Fely, Topher, Paul at Leslie. Nagkukwentuhan sila habang may mga nakabuklat na aklat sa harap nila. Napailing na lang ako bago tumawa.

"Magbayad ka na sa kanila, hindi ko pa siya magiging girlfriend."

Ngumisi siya bago tinaasan ng kilay saka ipinatong ang kanang binti sa kaliwa. "Hindi pa, pero alam kong malapit na!"

"Bakit? Ano ba ang pustahan n'yo? Kailan ko siya magiging girlfriend ayon sa pusta mo?"

Nangalumbaba siya bago iginalaw-galaw ang kilay. "Any time hanggang birthday mo."

Napailing-iling ako. "Hindi ko siya nililigawan kaya hindi posible 'yan, okay?"

Kumunot-noo siya. "Ano?! After all this time, hindi mo siya nililigawan?!"

Natatawa akong sumagot. "Hindi nga. Bakit ba?"

"Duh! Ako dapat ang nagtatanong niyan! Bakit? Bakit hindi mo pa siya nililigawan? Halata namang gusto n'yo isa't isa." Sumimangot siya.

Ngumiti lang ako nang mapait. "Hindi pa boto sa akin ang papa niya." Tumawa ako nang mahina. "Naiintindihan ko naman. Saka na siguro kami ni Destinee kapag magaan na ang loob ng papa niya sa akin."

Lalo siyang sumimangot kasabay ng pagbuntonghininga bago nagsalita.

"Siguro nga . . . parehong part ng pros and cons as a psychology student yung pagiging understanding natin sa lahat ng sitwasyon. Tulad ng sa 'yo. Hindi mo magawang pormahan yung babaeng gusto mo nang malaya kasi iniintindi mo yung papa niyang hindi boto at uncomfortable sa 'yo. Sana maintindihan ka rin niya--na ikaw rin ang kailangan ng anak niya para maging masaya."

Ngumiti ako sa kan'ya bilang tugon bago itinuon na ang atensiyon sa pagre-review.

Simula noon, hindi pa rin alam ng papa ni Destinee na madalas kaming magkasama sa loob ng university. Siya na ang nag-initiate na maging maingat kami dahil natatakot siyang magalit sa kan'ya ang papa niya.

Hindi ko naman masabi na gano'n din talaga ang gusto ko . . . kasi alam ko yung katotohanang hindi talaga ako hahayaan ng papa niya na mapalapit sa kan'ya. Naiintindihan ko naman yung takot nito na sabihin ko kay Destinee yung mga nalalaman ko.

Kahit na gusto kong alisin sa kan'ya yung anxiety niya na baka sa akin malaman ni Destinee ang katotohanan, hindi ko naman alam kung paano. Hindi ko alam kung paano siya kauusapin para mapagaan loob niya . . . para mawala yung anxiety niya sa akin.

Nagawa na niyang ipagkatiwala sa akin yung katotohanan sa buhay ni Destinee. Sana, dumating din yung araw na mapagkatiwalaan niya ako sa pagtago nito . . . dahil wala akong balak na ibunyag ang bagay na 'yon.

Nang makauwi sa bahay, wala pa sina Mama at Eunice. Wala rin si Veronica dahil nagre-review para sa boards niya. So, ako lang ang nandito sa bahay. Understood nang wala si Papa dahil uuwi lang naman 'yon nang maaga kapag may nalaman siyang masamang balita tungkol sa pag-aaral ko.

Dumeretso na lang ako sa k'warto para magbihis at maglaro muna. Hindi online si Destinee at Earl kaya naman naglaro na lang ako nang mag-isa. Nang halos 7 p.m. na, tumigil na ako sa paglalaro. Naririnig ko na rin si Mama sa ibaba habang nagdidiwara kay Eunice. Pababa pa lang ako sa hagdanan, rinig na rinig ko na ang mga boses nila.

"Bakit ako ang kinakausap mo?! Eh 'di kausapin mo si Concon! Tanungin mo kung gusto!"

Pumadyak pa ang maarte kong kapatid. "Hindi papayag 'yon, sigurado ako! Kapag ikaw nagtanong, papayag 'yon, 'Ma!"

"Nasaan ba kasi si Veronica?! Gabing-gabi na, ah? Hanggang anong oras ba ang review class n'on? Hindi pa naman nagtatrabaho, eh."

"Ewan ko. Eh sabihan mo na kasi, 'Ma!"

Napabuntonghininga ako bago tuluyan nang pumunta sa kanila sa kusina. Nandoon na rin si Manang at naghahanda sa lamesa.

"Ano ba pinag-aawayan n'yo, ha? Bakit binabanggit n'yo pangalan ko?" singit ko bago humalik kay Mama.

Nagbuntonghininga siya. "'Yang kapatid mo, gusto raw mag-organize ng party dito sa bahay sa birthday mo. Matagal na raw niyang hindi nagagawa dahil madalas dinner o sa labas ginaganap ang mga celebration natin. Gusto mo raw ba?"

Lumingon ako kay Eunice. Nakatingin lang siya sa akin na parang nagpapa-cute. Inirapan ko siya. "Kapag pangit magpa-cute, hindi papayagan."

Tumayo siya kasabay ng paghampas sa lamesa. "Concon, sige na!!!"

Tumawa nang malakas si Mama habang nakapatong ang mga binti sa katabing upuan. Pati kami ni Manang, natawa na rin.

"Bakit ba kasi gusto mo mag-organize ng party?" tanong ko.

Nagkibit-balikat siya. "Unli alak, I guess? And mas masaya, p'wede natin i-invite mga high school friends natin! 'Di ba, classmates tayo?! So, yung friends na i-invite ko, automatic friends mo na rin 'yon!"

Tumawa ulit si Mama. "Ayon pala ang gusto, makalibre sa gastos habang nakikipag-bonding sa mga kaibigan."

Napapailing na lang ako bago naupo sa kabilang upuan sa tabi ni Mama. "Sige, pero ayaw ko ng maraming tao, ah?"

"Yehey! Sige, I will make time for that!"

Lumingon ako kay Mama na tawang-tawa pa rin sa pagiging isip-bata ni Eunice. "Mama, may dadalhin ako. Ipapakilala ko sa 'yo."

Lumingon siya sa akin. "May girlfriend ka na?"

Nag-init ang buong katawan ko nang dahil do'n, sumabay pa yung hiyaw ni Eunice na nang-aasar. "Ayiee! Malandi ka talaga, Concon!!!"

Tumawa ako. "Hindi. Kaibigan ko pa lang 'yon."

"Oh! Ito ba yung si Destinee Mae?!" singit ni Eunice, dahilan para lumingon ulit ako sa kan'ya.

"Tanga! Destinee lang ang pangalan sabi n'on!"

Humagalpak si Eunice. "Oo na, niloloko lang, eh. Affected much 'to!"

Napapailing na lang ako talaga. Ang aarte ng mga kapatid ko.

"Oh, eh 'di dalhin mo. Ipakilala mo sa amin itong friend mo." Ngumisi pa si Mama. Ang cute talaga. "Ang ganda ng pangalan, ah? Tadhana." She chuckled.

Napangiti ako. "Iba naman ang spelling. Hindi Y ang dulo. Double E."

Natigilan si Mama sa sinabi ko? "Destinee? D E S T I N E E?" tanong niya. Tumango ako. Lumunok siya. "May kakilala rin akong gan'yan. Anong apelyido?"

"Esquivel. Destinee Esquivel."

Para namang naubos ang dugo sa mukha niya dahil sa sinabi ko. "E-Esquivel?" Nag-iwas siya ng tingin saka pilit na tumawa. "A-Ang daming E ng full name niya, ah?"

Pilit siyang tumatawa pero ako, hindi ko magawa. Hindi ko maiwasang isipin na baka may alam si Mama tungkol do'n pero parang sobra naman na sa coincidence 'yon?

"Bakit naman gan'yan reaction mo?" Tumawa ako. "Parang 'di mo naman gusto, 'Ma."

Nangalumbaba si Eunice. "Kaya nga, 'Ma. Bakit namumutla ka?"

Napalingon ako sa kan'ya. Napansin niya rin pala. Ibig sabihin, hindi ko 'to guni-guni lang.

"May ano ba, 'Ma?" kinakabahang tanong ko.

Lumingon siya sa akin saka ngumiti. Ginulo niya ang buhok ko kasabay ng pagsasalita. "Wala, anak. May naalala lang akong pasyente noon, pero iba naman 'yon." Inialis na niya ang kamay sa ulo ko saka muling ngumiti sa akin. "Dalhin mo siya rito. Gusto ko siyang makita, hmm?"

Naguguluhan man sa reaksyon ni Mama, tumango at ngumiti na lang ako. Pagkatapos n'on, saktong dumating naman si Veronica. Tumingin siya nang masama sa akin bago lumapit.

"Hoy!"

Napakunot-noo ako. "Ano?"

Lumunok siya, kasabay ng pangingilid ng luha, bago ako hinampas nang malakas sa ulo.

"Aray! Inaano ka ba?!" bulyaw ko.

"Stop! Being! Nosy! With my life!"

Matapos niyang sabihin 'yon, tuluyan na siyang umiyak, kasabay ng pag-walkout niya. Nang lumingon ako kay Mama at Eunice, pareho silang masama ang tingin sa akin.

"Wala akong ginagawa do'n! Hindi ko nga kinakausap dahil busy sa review niya!"

Napailing-iling si Mama. "Hindi ko naman nakikita 'yang bata na 'yan masyado kaya hindi ko rin alam kung ano nang nangyayari sa buhay niya. Baka pagod. Hayaan mo na muna siya."

Masama ang loob kong naglakad papunta sa living room saka nahiga sa couch bago binuksan ang TV.

'Tang inang 'yan, hirap ng napapaligiran ng mga babae. Masyadong mga emosyonal. Pero tama si Mama, baka pagod lang at ako ang unang nakita kaya sa akin nailabas ang inis.

'Tang inang buhay 'to, hindi man lang magawang magalit kasi naiintindihan lahat.

___

This chapter is dedicated to applepesalbon. Thank you so much for supporting and voting my stories! I hope you're enjoying your stay. God bless! <3

Will continue dedicating chapters again to every reader who'll make a presence in my notification box. :D

-mari

Continue Reading

You'll Also Like

2.4K 551 32
When they met, Elliezabeth Mayumi seems like she already found the missing half piece of her life. REGENERATE BAND SERIES 1 [08-14-20]
32.3K 1.1K 23
[HIGHEST RANKING: #60 in ChikLit] Aggie Tongco and Porter Aguirre's simple love story. Started: June 13, 2017 Ended: July 07, 2017
1.1K 16 1
Crescent Park Series #2 She's bad at love-that's the only reason Consuelo can think why all the boyfriends she had broke up with her. At nang makabal...
1.5K 181 13
He was once my best friend, and I fell in love with him. Now that we are strangers, I still love him. The first person I felt a fast connection with...