Forgotten Seal Of Promises

marisswrites

4.8K 387 6

|| fourth installment of "habit series" || Constantine Dominguez failed his qualifying exam in a course that... Еще

Forgotten Seal Of Promises
Introduction
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Finale

Chapter 22

50 7 0
marisswrites

   

Tumupad ako sa napag-usapan namin ng papa ni Destinee. Hindi ko na ni-contact pa ulit ang anak niya. Pero bukod sa dahilan na 'yon, isa pa kung bakit napagdesisyunan kong dumistansya na nga lang ay dahil malaking parte ng pagkataong kinalimutan niya ang nalaman ko.

Hindi kaya ng konsensya kong magpanggap na walang alam tungkol sa kan'ya pagkatapos nito.

Isang linggo na nang magsimula ang pasukan para sa ikalawang taon ko sa kolehiyo bilang estudyante ng sikolohiya. Nagsasawa na naman akong mag-aral kahit na halos kasisimula pa lang ng panibagong taon. Hindi ko alam kung tama pa bang desisyon ang magpatuloy, wala naman akong makitang purpose nito sa buhay ko.

Hindi ko na rin dinalaw pa ang department nina Solari at Destinee. Hindi ko alam kung hinahanap-hanap ba nila ako pero naikwento ko naman na kay Solari ang tungkol doon—na nahanap ko na nga ang Destinee na hinahanap ko pero wala na siya. Hindi ko na lang sinabi ang totoong pangalan at ang kwento ng pagkamatay dahil sa tuwing naaalala ko, sumisikip ang dibdib ko.

"'Tang ina, nandito ka na naman!" bulyaw ko nang makita si Earl na pumasok sa k'warto ko.

Tumawa siya bago ibinagsak ang katawan sa kama. "Ano ba 'yang ginagawa mo? Abalang-abala ka na naman d'yan!"

"Nag-aaral kasi akong mabuti dito, 'wag mo nga akong igaya sa 'yo na may review at trabaho pero nakukuha pang tumambay dito palagi," sagot ko habang nagsusulat sa yellow paper.

'Tang ina, ah? Pagod na ako! Napakarami naman kasing isinusulat!

Tumawa ulit siya bago bumangon. "Ayain sana kitang uminom sa labas. Bar naman tayo, 'tang ina mo, simula nang napadpad ka sa psychology department, napakadalang mo nang sumama sa amin gumimik!"

Ibinagsak ko ang hawak na ballpen saka sumandal bago humarap sa kan'ya.

"'Wag ngayon, okay?"

Humalukipkip siya. "Palagi na lang 'yan ang isinasagot mo sa akin simula noong inaya kita noong nakaraan! Gusto ko lang namang sumaya ka kahit isang gabi lang, eh."

Umirap ako sa kan'ya. "Kaya kong pasayahin ang sarili ko, Earl! May kamay ako!"

Humagalpak siya ng tawa. "Alak lang ang sinasabi ko, putang ina nito!" Pati ako, natawa na rin nang malakas. "Magpa-party lang, hindi mambababae, hayop ka. Alam kong kahit na anong mangyari, hindi kita maaaya sa gano'ng bagay at hindi ko rin naman gawain 'yon!"

Unti-unting humupa ang tawanan naming dalawa hanggang sa pareho na kaming natahimik. Pumasok na naman sa isip ko ang lugar na pinuntahan ko noong nakaraan na punong-puno ng sagot at katotohanan tungkol sa mga tanong ko sa buhay.

"Ngayon ko lang ulit naalala. Feeling ko talaga, 'yon yung kumalat na chismis noong bago tayo g-um-raduate noong grade ten." Lumingon ako sa kan'ya. "Hindi lang ako sigurado pero may napabalita noon na nagpakamatay two weeks before graduation. Hindi raw ibinurol 'yon kaya hindi man lang nakita ng mga kaklase o kaibigan."

Nagbuntonghininga ako. "Dahil wala siyang kaibigan."

Tumango-tango siya. "Siguro nga." Nagbuntonghininga siya. "Pero close daw sa mga teacher 'yon, ah? Hindi man lang din daw sila nakadalaw doon. Basta naging malaking issue 'yon dati. Nalaman ko lang kasi yung ex ko, doon nag-aaral noon."

Tumawa ako. "Layo ng ex mo, putang ina."

"Nag-transfer siya sa atin noong grade eleven tayo! Tapos siya yung nagkwento sa akin noong ibang detalye. Ang alam ko lang dati, may nagpakamatay pero bukod do'n, wala na."

Tumango-tango ako bago hinarap muli ang mga assignment. "Tama na, 'wag na nating pag-usapan. Nananahimik na siya."

Narinig ko ang pagpalatak niya at ang pagkilos bago muling nagsalita.

"Nakakaano lang kasi. Sobrang sipag raw mag-aral n'on. Matalino tapos mabait. Ano kayang nangyari? Bakit ba ginagawa 'yon ng mga tao? Hindi ba sila nanghihinayang sa memories na nagawa nila dito sa mundo? Hindi ba nila inisip ang pamilya at mga kaibigan bago bawiin ang sariling buhay?"

Humigpit ang hawak ko sa ballpen kasabay ng pag-igting ng panga bago ako lumingon sa kan'ya.

"Earl . . . maswerte ka, ako lang ang nakarinig n'yan." Napakunot-noo siya. "Nakalimutan mo bang psychiatrist si Mama? Alam mo namang maselan ang topic na gan'yan sa kan'ya, lalo na't gan'yan pa ang mga sinabi mo."

Mahina siyang tumawa. "Bakit? Nagtatanong lang ako."

"Sa tanong mo kasi na 'yon, parang kinwestiyon mo na rin ang buong buhay nila." Nagbuntonghininga ako. "Hindi ba nila inisip ang pamilya at mga kaibigan nila bago bawiin ang sariling buhay? 'Yan talaga ang tanong mo?" Tumawa ako ng peke. "Karamihan sa mga taong may depression, buong buhay nilang iniisip ang mararamdaman ng mga taong nakapaligid sa kanila. Hindi na nila nagawang isipin kung anong makapagpapasaya talaga sa kanila."

Iniharap kong mabuti sa kan'ya ang inuupuang swivel chair bago pinagkrus ang mga binti. Nakatingin lang siya sa akin habang tahimik na nakikinig.

"Noong nagdesisyon sila na bawiin ang sariling buhay, kadalasan, 'yon lang yung pagkakataong hindi nila pinagtuunan ng pansin ang iisipin ng mga tao sa paligid nila. Sa tagal ng panahon na nakukulong sila sa pag-iisip kung magiging masaya ba o madi-disappoint ang pamilya at mga kaibigan nila, napagod at naubos na ang lahat ng mayro'n sila.

"Kaya noong dumating na sila sa punong ubos na ubos na, doon sila nakagagawa ng desisyon na gano'n kalaki—kasi 'yon ang tingin nilang sagot para hindi na mapagod, masaktan o magdusa nang tahimik . . . nang mag-isa. Yun lang kadalasan ang pagkakataon na nagagawa nila ang pinili nang hindi na makikita o malalaman pa kung nasaktan ba ang mga 'to o na-disappoint sa kanila. Kasi 'yon ang tanging naiisip na paraan ng iba para makalaya—para palayain ang sarili sa lahat."

Nagbuga siya ng malalim na buntonghininga.

"Pero masaya naman ang iba. Masayahing tao naman ang ibang gumagawa n'on. Wala naman sa itsura nila na nagdurusa sila kaya bakit nila gagawin 'yon? Kung nagagawa nilang maging masaya, bakit tinatapos nila ang sariling buhay?" tanong niya matapos ang mahabang paliwanag ko.

Umiling ako. "Hindi lahat ng nakikita mo, totoo. Hindi lahat ng nakikita mo, tama, Earl. Kaya nga sinabi ko kanina na nagdudusa nang tahimik . . . nang mag-isa. Kasi sila lang ang nakakaalam kung anong totoong nararamdaman nila. Sila ang nakakaalam kung gaano na kasakit . . . kabigat . . . kalalim."

Kumamot siya bago muling humiga sa kama.

"Kahit kailan, hindi ko talaga makita yung point n'on. Ang dami namang paraan. P'wede naman silang humingi ng tulong."

Napailing na lang ulit ako bago ngumisi nang bahagya. "Dahil hindi mo naman pinagdaraanan ang mga pinagdaanan nila kaya nasasabi mo 'yan. 'Wag na lang din nating hilingin na maranasan natin dahil hindi maganda sa pakiramdam 'yon, sigurado ako."

Tumawa siya. "Hindi mo dapat pinagtatanggol yung mga gan'yang tao. Para na rin silang pumatay, eh. Sarili nga lang nila."

Muli, napabuntonghininga ako sa inis dahil sa narinig.

"Earl, naririnig mo ba yung sinasabi mo? Kailangan nila ng tulong noon pero walang tumulong sa kanila. Kadalasang naririnig nila, nasa utak mo lang 'yan, kulang ka sa dasal. Hindi 'yon ang kailangan nila. Karamay. Kakampi. Kasama. Yung mga magpapaalala sa kanila ng mga magagandang dahilan para mabuhay pa. Hindi yung kung ano-ano.

"Hindi ko ji-na-justify yung action nila pero gusto ko kasing maintindihan mo na hindi lahat ng tao, kasing mentally stable mo. Maraming nagdurusa nang hindi mo alam. Maraming nasasaktan nang hindi nagsasalita. 'Wag mong i-invalidate ang emosyon na hindi mo pa naman naramdaman."

Matapos kong sabihin 'yon, tuluyan ko na siyang tinalikuran at nag-focus na lang sa paggawa ng assignment. Para akong nagsasayang ng laway at oras kay Earl dahil alam ko naman na kahit anong paliwanag ang gawin ko sa kan'ya tungkol sa bagay na 'yon, hindi niya maiintindihan hangga't hindi niya pinagdaraanan.

Sana lang 'wag niya ngang pagdaanan. Kaibigan ko pa rin naman siya kahit na nakakainis siya minsan.

Napatingin kaming pareho sa pinto nang makarinig kami ng katok. Ilang sandali pa, pumasok mula doon si Mama na may dalang tray na may bowl na naglalaman ng chopped fruits at dalawang baso ng juice. Ibinaba niya ang mga 'yon sa table ko.

"Miryenda muna ngayong gabi, mamaya na kayo mag-away," natatawang sabi niya bago lumingon sa akin. Ngumiti siya nang malawak na para bang sumingkit na ang mga mata bago ginulo ang buhok ko saka tumalikod at naglakad palabas ng k'warto.

Natawa ako nang mahina pagkatapos. Cute.

"Ano, tara ba?" tanong niya pagkaupo sa bakanteng upuan sa tabi ko saka kumain ng mga prutas gamit ang isang fruit toothpick.

Kumain na rin ako gamit 'yon bago umiling. "May pasok ako bukas. Sa weekend na lang."

"Okay, sabi mo 'yan, ah?!"

Napailing na lang ako bago nagpatuloy sa mga ginagawa.

Noong mga sumunod na araw, sa university, ramdam ko na may sumusunod sa akin. Iba rin yung pakiramdam kapag may nakatitig kaya sigurado akong hindi 'yon basta pakiramdam lang.

Habang naglalakad ako papunta sa parking lot, mabilis akong tumalikod para makita kung sino yung sumusunod sa akin nang lihim. Nanlaki pa ang mga mata ko nang mapagtanto na yung taong iniiwasan ko . . . siya ngayon ang nandito. Halata namang nagulat siya sa ginawa kong 'yon dahil sa biglaang panlalaki ng mga mata.

"H-Hello . . ." Ngumiti siya nang maliit. "K-Kumusta?"

Ramdam ko ang pag-init ng mga mata ko matapos marinig ang boses niya sa unang pagkakataon makalipas ang ilang linggo. Mahigit isang buwan kaming hindi nag-usap at naging ganito kalapit. Parang naninibago ako.

Parang may iba sa pakiramdam ko na nag-uumapaw. Hindi ko alam kung saya ba dahil nakita ko ulit siya . . . o sakit dahil sa katotohanang nalaman tungkol sa buhay niya.

Lumunok ako bago ngumiti. "Ayos lang." Nag-iwas ako ng tingin. "B-Bakit nandito ka pa? Kanina pa dapat ang uwian n'yo nina Solari, ah?"

Ilang sandali siya natahimik bago nagsalita. "Paano mo alam?"

Kumabog ang dibdib ko sa tanong niya kaya naman napabuntonghininga ako. "A-Ahh . . . sinabi sa akin ni Solari yung . . . schedule niya."

Napatango-tango siya. "Ohh . . ."

Matapos n'on, hindi na rin ako nakapagsalita at wala na rin naman siyang itinanong. Nagbuntonghininga ako bago nagpaalam.

"Uhh . . . s-sige, una na—"

"Nabalitaan ko . . ." Napatigil ako sa pagsasalita niya. Bahagya siyang yumuko pero sinusubukan pa ring tumingin sa akin. "Uhh . . . itinanong ko kasi kay Solari kung . . . k-kumusta ka na . . . last week. H-Hindi ka na kasi nagpaparamdam so akala ko . . . nagalit ka dahil hindi ako sumabay sa 'yo na mag-enroll."

Nag-iwas ako ng tingin habang pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko.

"Tapos . . . tinanong niya rin ako kung . . . hindi mo ba nabanggit sa akin. Eh, hindi ko naman alam so tinanong ko kung ano 'yon." Ngumiti siya nang maliit. "N-Nahanap mo na raw yung hinahanap mong Destinee."

Nag-init ang sulok ng mga mata ko nang banggitin niya 'yon. Humugot ako ng malalim na hininga bago lumunok.

"O-Oo." Tumango ako nang marahan. "Alam ko na rin ang mga nangyari nitong nagdaang taon kaya hindi na kami nagkita ulit noon." Nag-iwas ako ng tingin kasabay ng pagkagat ko sa ilalim na labi. "Wala na pala siya . . . matagal na."

Halos mabasag ang boses ko nang sabihin 'yon.

Masyado pa akong bata noong makilala ko si Desiree at maikling panahon lang 'yon. Para sa iba, wala akong dahilan para masaktan, magluksa o iyakan ang isang taong hindi ko naman nakita sa loob ng nagdaang maraming taon.

Pero sa mga taong hindi ko siya nakikita, siya lang naman ang iniisip ko. Araw-araw kong iniisip na sana, balang-araw, magkita ulit kami. Walang panahon sa mga nagdaang taon na nakalimutan ko siya . . . kaya nga nasasabihan akong bakla dahil ayaw ko raw magpahalik sa mga naging ex-girlfriend ko.

Yung dahilan ko ro'n . . . siya. Si Desiree. Kasi pag-aari niya 'yon. Sa kan'ya lang 'yon . . . at guilty ako nang hinalikan ko ang kapatid niya—si Destinee—dahil lang naalala ko siya.

"S-Sorry, Destinee. Sa mga pagkakataong inisip ko na ikaw nga ang hinahanap ko. Sa mga oras na pinilit kong ikaw 'yon—na related kayo sa isa't isa—I'm sorry. I'm sorry for all the troubles I've caused you. I'm sorry for almost doubting the life you lived just because I thought I know better. I'm really . . . really sorry." Tumango-tango ako kasabay ng pagpilit ng ngiti. "I'm not going to bother you anymore."

Mabilis na namula ang mga mata niya kasabay ng pag-ipon ng mga luha sa gilid nito.

"A-Ayos lang . . ." Tumawa siya. "N-Naiintindihan ko naman."

Humakbang siya papalapit sa akin pero napahakbang ako palayo na nagpatigil sa kan'ya. Tumango siya nang marahan at paulit-ulit.

"I . . . I'm sorry din for how I treated you the last time we were together. I'm sorry for telling you hurtful words and for neglecting you whenever you want to talk. I'm sorry."

Tumango ako bago nagbuntonghininga.

"It's okay, kasalanan ko naman. I'm being pushy about something na hindi naman dapat. Mali ko 'yon. You don't need to be sorry." I gulped. "U-Una na ako. Ingat ka palagi."

Patalikod na ako para maglakad ulit papuntang parking lot nang mapatigil sa pagsasalita niya.

"H-Hanggang dito na lang din ba tayo, Constantine?"

Ni hindi ko magawang lumingon dahil natatakot ako sa makikita ko. Alam ko na nalulungkot siya. May pinagsamahan kami at gumaan ang loob namin sa isa't isa. Kaya ngayong dumidistansya na ako, alam kong nahihirapan din siya . . . tulad ko.

"Dahil ba napatunayan mo nang hindi ako 'yon—hindi ako related sa hinahanap mo—titigilan mo na ako? H-Hanggang dito na lang din ba ako?"

Pumikit ako nang mariin bago nagbuntonghininga saka humarap sa kan'ya.

"Ito yung tamang gawin, Destinee. Hindi tama yung panggagambala ko sa 'yo tungkol sa mga bagay na hinahanap ko."

Lumunok ako bago nagbuntonghininga.

"Mas tama 'to . . . kaya hanggang dito na lang ako."

Kinagat niya ang ilalim na labi bago tumango kasabay ng pagpatak ng luha.

"O . . . Okay." She sighed. "Pero . . . okay lang ba na ako yung unang tumalikod at maglakad palayo?"

Marahan akong tumango bilang tugon. Muling pumatak ang mga luha niya kasabay ng mas lalong paglukot ng mukha, bago tuluyan nang tumalikod at naglakad palayo sa akin. Napabuntonghininga ako habang pinanonood siyang papalayo na nang papalayo sa akin.

Mas tama 'to . . . kasi kapag nalaman mo ang tungkol sa malaking parte ng buhay na kinalimutan mo . . . baka tuluyan ka ngang mawala sa buhay ko—namin ng pamilya mo.

Продолжить чтение

Вам также понравится

Amidst the Season (Symbol #1) EMCEE

Подростковая литература

1K 208 32
Kevin Lorenzo, a secretive but faithful man, has to go through his worst in order to to live his best days with the woman he chose to be with. (07/16...
Domingo #3: Crush Me Back Micayyy

Подростковая литература

4.5K 245 31
Bryan Arellano is her first crush and love. Her cute and tiny little heart beats only for him. In her early age, she knew it was love even when the f...
2.4K 551 32
When they met, Elliezabeth Mayumi seems like she already found the missing half piece of her life. REGENERATE BAND SERIES 1 [08-14-20]
2.1K 191 34
Coming from a fresh heartbreak, Carla Andrea Mariano meets Buen Lavi Alcantara, her sister's best friend who happened to be her ex-bestfriend's ex-bo...