Forgotten Seal Of Promises

By marisswrites

4.8K 387 6

|| fourth installment of "habit series" || Constantine Dominguez failed his qualifying exam in a course that... More

Forgotten Seal Of Promises
Introduction
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Finale

Chapter 21

50 6 0
By marisswrites

     
Buong oras na nasa loob ako ng sasakyan ng papa ni Destinee, wala akong ibang ginawa kung hindi ang mag-isip nang mag-isip kung tama ba ang desisyon kong sumama sa kung saan man niya ako dadalhin.

Handa ba akong sundin ang kapalit nito? Handa ba akong layuan siya para lang masagot na lahat ng tanong sa isip ko?

Pero alam ko naman na kahit papaano, tama pa rin ito. Nilalayuan na rin ako ni Destinee. Tutal, wala pa namang nahuhulog sa aming dalawa, hindi pa naman ako nahuhulog sa kan’ya, siguro nga kailangang layuan ko na rin siya.

Baka nga kasi nasisira ko ang pamilya nilang matagal pinaghirapang ayusin ng papa niya.

Kumabog ang dibdib ko nang mag-park siya sa harap ng columbarium. Inasahan ko na ’to . . . na sa mga ganitong klase ng lugar niya ako dadalhin . . . pero hindi ko pa rin maiwasan ang magulat, matakot . . . masaktan.

“Sasabihin ko sa ’yo ang lahat pagkapasok natin sa loob,” sabi niya bago tinanggal ang seatbelt saka lumabas ng sasakyan.

Humugot muna ako ng malalim na paghinga. Paulit-ulit kong kinalma ang sarili bago ako sumunod sa kan’ya sa labas. Nang makita ako, nagsimula na siyang maglakad papasok sa loob.

Umakyat siya sa malapad na hagdanan. Tahimik akong sumunod sa kan’ya habang ang mga tuhod ay halos bumigay na sa panginginig. Nang makarating kami sa third floor, pumasok siya sa loob n’on at tinahak ang daan kung nasaan nakahilera ang mga puting vault na may mga nakaukit na pangalan ng namatay--ang mga nagmamay-ari ng abong nakalagay sa bawat urn sa loob nito.

Huminto siya sa isang vault kung saan may kulay pink na tulips ang mga nakalagay sa gilid nito. Hinagkan niya ang buong pangalan na nakaukit doon.

Desiree Y. Esquivel

Nakalagay din doon na March 23 ito namatay, six years ago. Dalawang linggo bago ang moving up ko noong grade 10. December 12 ang birthday . . . katulad ni Destinee.

“Siya . . . ang kakambal ni Destinee.”

Nagsimulang mag-init ang sulok ng mga mata ko matapos marinig ang kompirmasyon mula sa kan’ya.

“Hindi siya nagkasakit kaya nandito siya ngayon. Hindi siya sakitin. Wala ring ibang tao ang gumawa sa kan’ya nito. Wala siyang kaaway o ano pa man.”

Lumunok ako bago lumingon sa kan’ya. Nasa gilid na ang mga luha at halatang pinipigilan lang ang pagbuhos nito sa bawat paglunok niya.

“Umalis siya nang kusa . . . tinapos niya ang paghihirap na dinanas niya nang mag-isa . . . nang hindi humihingi ng tulong sa kahit na sino man sa amin na pamilya niya.”

Muli, napahugot ako ng paghinga sa narinig. Ibinalik ko ang paningin sa nakaukit na pangalan. Gusto ko rin hagkan pero ramdam ko ang panginginig ng katawan ko dahil sa mga nalalaman.

“Napakabait na bata. Nagpakaate siya kay Destinee kahit na nauna lang siya ng ilang minuto dito noong ipinanganak sila. Akala ko, walang problema ang mga anak ko dahil hindi sila nagsasabi. Oo lang siya nang oo sa bawat hiling namin sa kan’ya. Wala kaming kamalay-malay na pagod na siya.”

Sunod-sunod ang pagbuntonghininga ko. Simula nang pumasok kami rito, hindi pa ako nakapagsalita ng kahit na ano. Kanina  ang tapang ko dahil ang dami kong sinasabi sa harap ng papa niya. Ngayong nandito na ako sa harap ng sagot sa lahat ng tanong ko, hindi na ako makagawa ng kahit na isang salita pa.

“Nakita siya ni Destinee sa k’warto, nakalutang ang mga paa habang nakatumba ang upuan sa sahig. Nakatali sa leeg at kisame ang nakikita kong ginagantsilyo niya nang matagal noon. Buong akala ko, gumagawa lang siya ng damit gamit ang sariling design na naisip. Hindi ko alam na matagal na niyang pinaghahandaan ang bagay na ’to.”

Hindi ko na napigilan pa ang pagtulo ng mga luha mula sa mga mata matapos marinig ’yon. Kinagat ko ang ibabang labi at pinanatili ang titig sa pangalan niya.

Desiree . . .

Napakaganda rin ng pangalan mo. Bakit naisip mo pang gumamit ng iba, huh?

“Nang dahil doon, tinakasan ng katinuan ang mama nila. Paulit-ulit niyang sinisisi ang sarili kahit na sinabi naman ni Desiree sa suicide letter na walang dapat sisihin dahil sarili niyang desisyon ’yon.” Huminto siya sandali bago nagbuntonghininga. “Pero hindi ko siya masisi kung bakit gano’n ang naiisip niya dahil paulit-ulit ko rin sinisisi ang sarili ko . . . dahil napakalaki ng pagkukulang ko bilang magulang.”

Iniangat ko ang kamay para hagkan ang mga letra. Kitang-kita ko ang panginginig ng kamay nang ginawa 'yon pero hindi ko na inalintana. Kahit man lang sa pagkakataong ito . . . mahawakan ko ulit siya.

Kahit yung pangalan na lang niya.

“Ilang linggo siyang nakulong sa psychiatric facility dahil paulit-ulit niya rin sinasaktan ang sarili . . . iniisip at umaasang makakasama niya ulit si Desiree kahit sa maikling panahon lang. Para humingi ng tawad sa lahat.”

Hindi ko na napigilan ang paghikbi.

“Hindi lumalabas ng k’warto niya si Destinee sa takot na baka makita niya ulit ang kapatid sa ganoong posisyon. Mahal niya ang kapatid niya higit sa sarili--buhay niya ito--at ganoon din si Desiree sa kan’ya. Kaya noong nawala ang kapatid niya, pakiramdam ko, nawala na rin siya sa akin--sila ng mama nila.”

Patuloy pa rin siya sa pagkwento tungkol doon sa kabila ng mga hikbing lumalabas sa bibig niya. Gustuhin ko mang magsalita, hindi ko kaya.

“Nawala ang lahat sa akin noong panahong ’yon. Pasuko na ako at handa nang sundan si Desiree doon . . . pero binigyan ako ni Destinee ng pag-asa . . . at mabilis kong kinuha ’yon, gaano man katutol ang mundo sa akin, dahilan para umalis kami rito at manirahan sa Manila. Nang dahil do’n, bumalik sa akin ang pamilya ko. Nabuhay kami na parang walang trahedyang nangyari.”

Nagbuga ako ng malalim na buntonghininga bago humarap sa kan’ya.

“Kaya ba sinasabi niyang wala siyang kapatid . . . dahil hindi niya matanggap?”

Lumingon siya sa akin at ngumiti nang maliit kasabay ng pagbuhos ng panibagong mga luha.

“Sinasabi niyang wala siyang kapatid . . . dahil hindi na niya naaalala, Constantine. May dissociative amnesia silang dalawa ng mama niya . . . at wala na akong balak ayusin pa ang bagay na ’yon dahil kapag nangyari ’yon . . . sigurado akong . . . m-mawawala sila ulit sa akin.”

Paulit-ulit akong umiling sa sinabi niya. “Napakamakasarili n’yo.”

“Alam ko. At kung mangyari man na ibalik ako sa nakaraan sa panahong ’yon, hindi ako magdadalawang isip na gawin ulit ’yon . . . dahil ito lang ang paraan para mapanatili sila sa piling ko.”

Nagbuntonghininga ako. “Kailangang malaman ni Destinee ’to. Sa tingin mo, habang-buhay mo ’tong maitatago?”

Nag-iwas siya ng tingin. “Kapag nalaman niya ’to, sa tingin mo, hindi niya gagawin ang ginawa ng kapatid niya? Kakayanin ba ng konsensya mo kung may mangyaring masama sa kan’ya dahil ipinaalam mo ang bagay na ito kung sakali?”

Hindi ako nakasagot. Nag-iwas ako ng tingin.

“Dadalhin ko sa hukay ’to. Sisiguraduhin kong mamamatay muna ako bago pa nila malaman ang lahat. Marami ka pang hindi alam . . . at hindi ko na ipapaalam pa . . . kaya wala kang karapatang magdesisyon para sa akin tungkol sa pamilya ko.” Humarap siya sa akin. “Kung sasabihin mo ito sa kanila, patayin mo muna ako, bago mo gawin ’yon. ’Yon lang ang paraan para pumayag ako. Hindi isang tulad mo lang ang sisira sa pamilya kong ang tagal kong inayos.”

Matapos kong sabihin ’yon, nagsimula na siyang maglakad paalis, iniiwan akong nakatitig sa buong pangalan ng babaeng, sa maikling panahon, minahal ko nang totoo.

Nanginig ang mga labi ko nang muli kong hinagkan ang ukit ng pangalan niya.

“P-Paano pa kita pakakasalan niyan? Matagal ka na palang nand’yan.”

Matapos kong sabihin ’yon, ipinatong ko ang braso dito, at ang mga mata ko doon, saka hinayaan ang sariling ibuhos ang lahat ng luhang gustong lumabas.

Bakit?

Bakit hindi mo ako hinayaang tuparin ang pangako ko sa ’yo? Alam mo ba, araw-araw akong naghihintay sa tawag mo. Nangako ka, ’di ba? Na tatawag ka at magiging magkaibigan tayo.

Hindi ko sinubukang magmahal ng iba. Hindi ko rin hinayaang may ibang humalik sa labi ko dahil ipinangako ko sa sarili na ikaw lang . . . ikaw lang ang magmamay-ari nito . . . wala nang iba.

Pero paano pa mangyayari ang lahat ng ’to? Hindi ka man lang nagpakita sa akin ulit. Hindi mo man lang ako binigyan ng pagkakataon para makasama ka ulit.

Hindi mo rin nabanggit sa akin ang ilan sa mga pinagdaraanan mo, Desiree . . . kahit na alam ko na sa buong oras na ’yon, naging totoong-totoo ka sa akin.

“Desiree . . .” 

Patuloy ako sa paghikbi at pag-iyak habang tinatawag nang paulit-ulit ang pangalan niya, hindi pa rin binabago ang posisyon magmula kanina.

Desiree . . .

Bakit hindi ka nagkwento ng tungkol sa sarili mo? Bakit puro tungkol lang kay Destinee ang kinwento mo? Bakit ginamit mo ang pangalan niya kung ganito rin naman pala kaganda ang pangalan mo?

Desiree . . .

Minahal kita nang totoo . . . kahit sa mahabang panahon na walang kasiguraduhan kung magkikita pa ba tayo . . . ikaw lang ang naging laman ng puso ko. Pero paano na ako magmamahal ngayong wala ka na?

Paano pa ako maghihintay sa panahon kung saan tutuparin ko na ang pangako ko?

Paano ko pa tutuparin ang pangako kong pakasalan ka kung wala ka na?

“Patawarin mo ako . . .”

Patawarin mo ako kung hindi ko napansin. Sa ilang oras na nakasama kita, hindi ko man lang nakumusta ang kalagayan mo . . . kung may pinagdaraanan ka ba, pagod o nahihirapan ka na ba. Patawarin mo ako sa lahat ng pagkukulang ko.

Desiree . . . minahal kita . . . at patuloy kitang mamahalin kahit nasaan ka pa.

Sana . . . maayos ka na ngayon.

Sana . . . hindi na mabigat ang nararamdaman mo.

At sana . . . dumating ang panahon na magkita ulit tayo--kahit na sa mga susunos na buhay pa, sana makita at makasama ulit kita.

Desiree . . . gusto kong malaman mo . . . isa ka sa pinakamagandang nangyari sa buhay ko.

Sana . . . sa susunod na buhay mo, mas mahal mo na ang sarili mo higit sa lahat.

Medyo madilim na nang lumabas ako ng columbarium. Nandoon pa rin ang sasakyan na sinakyan ko kanina at ang may-ari nito, nakaupo sa hood, naghihintay sa akin. Naglakad ako papalapit doon saka huminto sa harap niya.

“Tapos ka na?” tanong niya.

Tumango ako.

“Tumupad ka sa napagkasunduan, Constantine. Hindi mo hahayaang malaman ng ibang tao ang nalaman mo kanina, lalo na ang pamilya ko.”

Tumango ulit ako bilang tugon.

“At lalayuan mo ang anak ko.”

Tumango ulit ako at nag-iwas ng tingin. Nagbuntonghininga siya bago tumayo nang maayos.

“Ihahatid na kita kung nasaan man ang sasakyan mo.”

Nag-angat ako ng tingin pero hindi ko pa rin magawang tingnan siya nang deretso. 

“P’wede n’yo ho ba akong iuwi?” Lumunok ako kasabay ng muling pag-init ng sulok ng mga mata. “Hindi ko ho yata kayang magmaneho.”

Marahan siyang tumango bago ako pinagbuksan ng pinto sa harap. Nang makasakay, ikinabit ko kaagad ang seatbelt saka niya isinarado muli ang pinto. Ilang sandali lang din, nakasakay na siya sa tabi ko. Ini-start niya ang engine bago nag-drive paalis.

Wala akong ganang itinuro sa kan’ya ang daan pauwi hanggang sa makarating na kami. Kita ko pa ang pagtataka sa kan’ya habang tinitingnan ako at ang bahay pero wala na akong gana pang kwestiyunin ang lahat.

Sa dami ng nalaman ko kanina, pagod na ako.

“Salamat ho. Mag-iingat ho kayo sa pagmamaneho.”

Matapos kong sabihin ’yon, lumabas na ako ng sasakyan saka pumasok sa loob ng bahay. Pagod ang buong katawan ko kahit na wala naman talaga akong ginawa. Ang gusto ko na lang ngayon, matulog . . . at hilingin na sana, mapanaginipan ko man lang si Desiree.

“Concon! May part-time job na ako habang nagre-review!” masayang balita ni Eunice sa akin oras na makapasok ako sa loob.

Tumigil ako sa paglalakad bago humarap sa kan’ya na kumakain ng hiniwang mga prutas ni Mama sa lamesa. Tumawa siya bago lumapit sa akin.

“An’yare sa ’yo?” Humagalpak siya ng tawa. “Busted ka talaga?!”

Muling nag-unahan na naman ang mga luha sa paglabas mula sa mga mata ko, dahilan para mapatigil siya. Tumingala ako at ipinikit nang mariin ang mga mata bago hinayaang lumabas ang mga hikbi sa bibig, saka hinila siya para yakapin nang mahigpit.

“C-Con . . .”

Hindi ako nagsalita. Hinayaan ko lang ang sarili na umiyak habang yakap ang kapatid kong walang ibang alam gawin kung hindi pagtawanan ang kamalasan ko sa buhay.

Pero alam ko . . . sa pagkakataong ito, hinding-hindi niya pagtatawanan ang nakikita niya ngayon.

“Anong nang--”

Hindi na naituloy pa ni Mama ang sasabihin, siguro napagtanto na hindi na siya dapat magtanong pa dahil walang sasagot sa kan’ya.

Humigpit ang yakap ko kay Eunice nang maramdaman ang pagtapik niya sa likod ko nang marahan. Lalo akong naiyak.

“T-Tama ka.”

’Yon lang ang sinabi ko . . . pero humigpit ang yakap niya sa akin. Sa dalawang salitang binitiwan ko . . . alam kong naintindihan na niya ako.

Tama siya . . . dahil nagsisinungaling ang isa sa kambal.

Tama siya . . . dahil wala na nga ang isa.

At tama siya . . . na iiyak ako kung tama siya.

Tama siya . . .

Tama nga siya.

Continue Reading

You'll Also Like

416K 4.5K 9
The romance writer meets his heartless match. Sa dinami-rami ng babaeng nagkandarapa sa kanya, mai-in love na lang siya, sa bitter pa. Sa dinami-rami...
2.1K 191 34
Coming from a fresh heartbreak, Carla Andrea Mariano meets Buen Lavi Alcantara, her sister's best friend who happened to be her ex-bestfriend's ex-bo...
6.9K 274 37
Dubbed the 'Ice Queen of Southeast Asia', Isla Lorenzo's dream is to become the first-ever Filipino figure skater to win the gold medal in the Winter...
1.5K 181 13
He was once my best friend, and I fell in love with him. Now that we are strangers, I still love him. The first person I felt a fast connection with...