Forgotten Seal Of Promises

By marisswrites

6.1K 404 6

|| fourth installment of "habit series" || Constantine Dominguez failed his qualifying exam in a course that... More

Forgotten Seal Of Promises
Introduction
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Finale

Chapter 11

77 6 0
By marisswrites

   

Dinala ko siya sa restaurant kung saan p'wede naming i-dine in ang isang buong litsong manok. Dahil nauuso na ngayon ang unlimited meat, unlimited chicken wings at unlimited seafoods, hindi na rin nakapagtataka na may mga business owners na magbubukas ng restaurant na mag-o-offer ng ganitong service.

Sa totoo lang, mas masarap pa ngang kumain nang ganito—yung ikaw mismo ang pipiraso ng parte na gusto mo.

Ini-serve na sa table namin ang isang buong manok. May mga slice 'yon sa bawat parte para madaling makuha. Naglagay na rin ng isang pitsel ng iced tea at dalawang baso sa amin dahil kasama ito sa package na in-order ko.

"Thank you," sabi ni Destinee sa mga waiter.

Iniabot ko sa kan'ya ang disposable gloves para maisuot na niya dahil magkakamay lang kami pareho. Nagpasalamat din siya sa akin bago isinuot ang mga 'yon sa kamay niya. Nang matapos kong isuot ang sa akin, nakita ko na parang natatanggal ang sa kan'ya. Siguro dahil sa laki ng size, hindi fit sa maliit niyang kamay.

Nagbuntonghininga ako bago marahang hinawakan ang palapulsuhan niya papalapit sa akin saka ibinuhol ang dulo ng disposable gloves. Ramdam ko ang pagkailang niya sa ginawa ko at hindi ko naman intensyon 'yon. Gusto ko lang naman na maging komportable siya kapag kumain na kami.

Nang matapos, binitiwan ko na siya. Ngumiti siya sa akin.

"Salamat."

Tumango ako. "Kain na tayo."

Tumango siya bago itinuon ang pansin sa malaking manok na nasa harap namin. Pinanood kong umikot ang mga mata niya sa pag-iisip kung anong parte ang kukuhanin niya. Sa huli, ngumiti siya nang maliit bago kinuha ang puwit ng manok.

Napalunok ako kasabay ng pagsikip ng dibdib ko. Alam kong nandito ako para obserbahan siya at masagot ang mga tanong ko . . . pero bakit ganito?

Ito na ba yung sagot na hinahanap ko?

Suminghap ako bago kinuha ang isang drumstick at inilapag 'yon sa plato niya. Nag-angat siya ng tingin sa akin nang nagtataka.

"Ayaw mo?"

Bahagya akong ngumiti sa kan'ya bago kinuha na lang ang pakpak ng manok. "Gusto kong kainin mo ang mga pinakamasarap na parte ng manok, Destinee."

Tulad ng pinangako ko sa Destinee na minahal ko noon . . . na ibibigay ko sa kan'ya ang pinakamasarap na parte ng manok.

"S-Salamat." Tumawa siya nang mahina. "Ikaw lang yata ang gumawa sa akin nito. Palagi mo na lang ginagawa sa akin ang mga bagay na hindi ko pa naranasan. Salamat, Constantine."

Hindi ko na siya tinapunan pa ng tingin. Tahimik na lang akong kumain at inisip nang mabuti ang bawat kilos at linyang binibitiwan niya.

Destinee . . . nasaan ang kapatid mo? Kung hindi ikaw ang hinahanap ko, sigurado na akong yun ay ang kapatid mo.

Napaangat ako ng tingin sa kan'ya nang makita ang isang drumstick ng manok. Ngumiti siya sa akin bago kinuha ang isang pakpak.

"'Wag kang magreklamo. Malasa din naman ang pakpak. Isa rin po sa pinakamasarap na parte ng manok kaya tanggapin mo na yung isang drumstick. Hmm?"

Nang sinimulan na niyang kainin ang pakpak, muling nag-init ang sulok ng mga mata ko. Hindi ko na kayang pigilan ang sarili kong isipin na . . . baka nga may nangyaring hindi maganda sa dating Destinee na nakasama ko . . . kaya sinasabi niya na only child siya.

Sa kalagitnaan ng pagkain namin, nagsalita siya.

"Ang lalim ng iniisip mo." Napaangat ako ng tingin sa kan'ya. "May problema ba?"

Bahagya akong ngumiti bago umiling. "Hindi naman. Stressed lang."

Tumango-tango siya bago kumagat sa hawak na manok. "Bukod sa acads, iniisip mo pa rin ba yung friend mo?" Hindi ako nakasagot. "Iniisip mo ba na sana . . . siya ang kasama mo ngayon dito?"

Napaawang ako ng bibig bago umiling. "Hindi." I sighed. "Hindi ko lang maiwasang isipin na, sa tagal naming hindi nagkita, baka may nangyari nang hindi maganda sa kan'ya."

Bahagya siyang napasimangot dahil do'n. "Hindi ko kayang sabihin na hindi naman siguro. Pero hindi rin naman kasi imposible. Pero sana hindi. Sana maayos lang siya."

Itinuloy ko na lang ang pagkain. Hindi ko magawang sumagot sa kan'ya dahil sobrang nauubusan na ako ng pag-asa na siya nga 'yon . . . na yung kasama ko ngayon ang taong hinahanap ko.

Pero sa bawat salitang binibitiwan niya, wala akong mahimigang pagpapanggap. Hindi ko maramdaman ang pagsisinungaling niya . . . at ramdam ko rin na sa lahat ng gusto kong malaman tungkol sa kan'ya, wala siyang tinatago talaga.

"Now that we're talking about her once again, it makes me curious. What did she do to make you love her that much? What made you love her that much?" she asked while chewing the chicken.

Humigop ako sa iced tea bago kumuha ng panibagong parte ng manok.

"Ewan ko." I laughed. "Hindi ko masagot. Basta noong nakita kong hinahabol siya ng mga estudyante, hindi na ako nagdalawang isip na iwanan ang mga kasama ko para tulungan siyang makatakas. Noong nasa loob kaming dalawa ng photobooth at kurtina lang ang tanging harang namin para makapagtago sa makipot na lugar na 'yon, parang ang dami kong nakita."

Uminom rin siya ng iced tea bago nagsalita. "Tulad ng?"

Bahagya akong ngumiti habang nakatingin sa hawak kong manok. "Yung mata niyang parang walang pakialam sa mundo. Hindi ko masabing emotionless siya o malungkot. Yung mata niya na parang tinatamad o naiinip—'yon ang una kong napansin. Tapos, sa ilalim ng kanang mata niya, may nunal siya."

Nag-angat ako ng tingin sa kan'ya. Pinanood ko siyang kumagat sa hawak na manok saka nginuya-nguya ito bago tumingin sa akin. Sa oras na 'yon, nakita ko sa mga mata at nunal niyang nakita ko rin noong panahong 'yon.

"Tapos?"

Napaiwas ako ng tingin bago ipinagpatuloy ang pagkain saka muling nagkwento.

"Pareho kayong may nunal sa kanang mata. Parehong brown na brown din ang mga mata n'yo."

Umawang ang bibig niya bago tumawa. "Ohh, oo nga, 'no? Kaya siguro naisip mo na ako 'yon."

Suminghap ako kasabay ng pag-alala sa sa itsura niya noong panahong 'yon. Kabisado ko dahil sa sobrang lapit namin sa isa't isa. Kaya hirap na hirap akong makalimutan siya.

"Matangos ang ilong niyang may kaliitan." Bumaba ang tingin ko sa labi niya. "At yung labi niyang hindi pa nilalagyan ng pangkulay noon, kulay pink na kaagad. Medyo manipis ang labi niya at . . ."

Nag-angat siya ng tingin sa akin nang tumigil ako. "At?"

"Malambot." I smiled. "Malambot ang labi niya."

Tumango-tango siya habang ngumunguya. "I see. Magkamukha nga siguro kami base sa pagkaka-describe mo sa kan'ya. Pero feeling ko, mas maganda siya sa akin." She chuckled. "Nag-aayos lang ako kaya ako maganda ngayon. Pero kung i-describe mo yung friend mo, parang napakaganda niya sa paningin mo kahit na hindi pa siya nag-aayos noon."

Bahagya akong ngumiti. "Kung gagawin mo sa 'yo yung buhok na katulad ng sa kan'ya, baka makumbinsi na talaga akong ikaw siya." Pilit akong tumawa.

Pati siya, natawa na rin. "Paano ba ang ayos ng buhok niya?"

Suminghap ako at inalala ang tawag sa ayos ng buhok niya. "Hmm, tirintas? Nakatirintas ang buhok niya at nakapatong sa kanang balikat."

Tumango-tango siya. "Hindi ko gagawin 'yan. Baka isipin mo nga na ako talaga siya." She laughed. "So, bukod d'yan, ano pang nagustuhan mo sa kan'ya?"

Inubos ko na ang hawak na manok bago pumiraso ulit. Malapit na naming maubos pero feeling ko, kaya pa namin kumain ng isa pa kaso, medyo madilim na.

"Mahal niya ang kapatid niya. Nakadepende ang buhay niya dito."

Napanguso siya. "Hmm? Paano?"

"Galit siya sa mga kaibigan ng kapatid niya. Sabi niya, ginagamit lang ng mga ito ang talino niya. Dahil doon, hindi na rin siya nakikipagkaibigan sa kahit na sino kasi para sa kan'ya, sapat na ang kapatid niya at hindi niya kailangan ng iba."

Nagbuntonghininga ako.

"Dahil doon, ginusto kong maging malapit sa kan'ya—na maging magkaibigan kaming dalawa. Kasi, may sariling mga kaibigan ang kapatid niya. Hindi sa lahat ng oras, nandoon ito para sa kan'ya, 'di ba? Tulad noong araw na nakita ko siya. Mag-isa lang siya at walang kasama dahil ayaw niyang makisama sa mga kaibigan ng kapatid niya. Ramdam ko rin ang pagiging totoo niya sa sarili kaya mas lalo kong . . . nagustuhan na makilala siya."

Tumango-tango siya na parang naintindihan na ang gusto kong iparating.

"I want to be that person who will be with her all the time . . . so that she'll never have to be alone like that, more so, in a happy place where everyone is having fun. I want her to have fun too without limitations."

She nodded repeatedly before sipping on her iced tea. "And she didn't give you a chance to do that because you two never met again." She smiled at me. "Kaya sa akin mo ginagawa . . . hoping that you'll feel that void inside you . . . kasi kamukha at kapangalan ko siya."

Hindi lang 'yon . . .

Ang dami n'yong similarities and at the same time . . . and dami n'yo rin differences to the point that it's already confusing me. I don't know what to believe anymore.

"Will it make you feel better if I let you treat me like this continuously?" she asked.

My forehead creased. "What do you mean?"

She smiled. "I will let you treat me the way you wanted to treat her but promise me to get over it . . . and you'll soon see who I really am, not who you are reminded of." She sighed. "Because as much as I wanted to be that person you're looking for, hindi talaga ako 'yon. I have my own memories in the past and you were not part of it. So, the least thing I could do for you is this . . . to make the pain and longing you feel lessen."

Napalunok ako at hindi makapagsalita. Tinanggal na niya ang disposable gloves sa mga kamay bago tumayo.

"Maghuhugas na ako ng kamay. I'm already full and it's getting darker already. Kailangan ko nang umuwi."

Napatango ako bago sinubukang ubusin ang natitirang kaunting manok sa table habang naghuhugas siya ng kamay sa handwashing area. Pagkabalik niya, paubos ko na rin ang pagkain kaya naman mas binilisan ko pa. Nang matapos, tinanggal ko na ang disposable gloves at nagpunta sa handwashing area para maghugas ng kamay.

I have my own memories in the past and you were not part of it.

So . . . ano nang gagawin ko? She made it clear to me that she wasn't the person I was looking for. She made it clear to me a lot of times. Ano pa bang dapat kong gawin?

Nang bumalik ako sa table namin, nakahanda na siyang umalis. Ngumiti siya sa akin kaya naman inaya ko na siyang umalis. Binayaran ko na muna sa counter ang nakain namin bago kami tuluyang lumabas.

Nang makasakay kami sa sasakyan at nagsimula na akong mag-drive, wala na ulit nagsasalita sa amin. Sa totoo lang, nahihiya na ako kasi alam ko naman sa sarili ko na hindi talaga ako ganito—hindi ako tahimik at hindi ako awkward kasama.

Sa dami ng gumugulo sa isip ko ngayon, hindi ko na maintindihan ang sarili ko at kung bakit ganito ako ngayon.

Nang makarating kami sa harap ng bahay niya, madilim na talaga. Habang tinatanggal niya ang seatbelt, nagsalita siya.

"Oo nga pala, can we exchange numbers?"

Napalingon ako sa kan'ya nang dahil do'n. "Huh?"

She smiled before handing me her phone. "We can call each other. So I can properly introduce myself to you. At para mas makilala mo rin kung sino talaga ako, at hindi sa kung ano lang ang naaalala mo sa akin."

Tumango ako bilang tugon bago iniabot sa kan'ya ang cellphone bago kinuha ang sa kan'ya. Ni-type ko ang number sa phone niya bago ibinalik sa kan'ya. Gano'n din siya.

"What should I save as your name? Constantine? Concon? Or simply Con?" she asked.

Nagkibit-balikat ako. "Constantine." I smiled. "Ikaw? Anong isi-save ko? Destinee? Destin? Or . . . Tin?"

Mabilis siyang ngumiwi bago umiling nang paulit-ulit. "Wala. Destinee. Nicknames are not really necessary for me. Itinanong ko lang sa 'yo kasi baka hindi ka comfortable na tawagin ka sa name mo since, sabi ni Solari, ayaw mo raw 'yon." She chuckled.

Tumango-tango ako. "Why is that not necessary for you?"

Nagkibit-balikat siya. "Our names are our identities. We should keep it the way our parents named us." She smiled. "At isa pa, may nagsabi rin sa akin na sobrang ganda ng pangalan ko kaya . . . 'wag ko raw hayaan na ibang pangalan ang itawag sa akin kahit na anong mangyari."

Muling bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ang pamilyar na pamilyar na linyang 'yon. Magsasalita pa lang sana ako para magtanong sa kan'ya nang makita na lumabas na siya ng sasakyan. Kumaway siya sa akin bago pumasok sa loob ng gate nila.

Nang tuluyan na siyang nawala sa paningin ko, isinandal ko ang ulo sa headrest at hinayaang tumulo ang mga luha nang tahimik.

Masisiraan na yata ako ng ulo sa sobrang gulo ng isip ko.

Sino ka ba talaga, ha?

Pero sa huli, sa kabila ng dami ng pagkakatulad nila . . . alam kong hindi ko p'wedeng ipilit sa kan'ya ang pakiramdam kong tama dahil ilang beses na niyang nilinaw sa akin na hindi siya ang hinahanap ko.

Hindi siya ang Destinee ko . . . pero pinaparamdam niya sa akin na parang oo.

Continue Reading

You'll Also Like

942K 39.9K 53
{ Constantine Series: Book 1 } "I love you. Do you hear me? I said, I love you..." - After getting rejected by his long-time crush, Cryd Constantine...
4.7K 220 25
Mara Afable finds it tough to entertain new people in her life after realizing she only has few months to live. *** Mara Afable has been fighting the...
45.5K 956 43
Ekaanta is a nobody in their school at ang gusto lang niya ay mag-aral ng maayos at tahimik, pero hindi niya inaasahan na sa dinami-rami ng estudyant...
6.2M 97.4K 49
Have you experienced fangirling over someone? Napapangiti ka rin ba tuwing nakikita mo siya sa TV? Natutuwa ka rin ba kapag naririnig mo ang boses ni...