Forgotten Seal Of Promises

By marisswrites

6.1K 404 6

|| fourth installment of "habit series" || Constantine Dominguez failed his qualifying exam in a course that... More

Forgotten Seal Of Promises
Introduction
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Finale

Chapter 06

99 7 0
By marisswrites

   

Napakuyom ang mga kamao ko kasabay ng paglunok. Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, hirap na hirap akong lumingon sa kan’ya. Humugot ako ng malalim na hininga bago sinubukang humarap pero huli na dahil nasa harap ko na siya ngayon. Malayo pa rin ang distansiya namin sa isa’t isa pero kung ikokompara sa kanina, mas malapit siya ngayon.

Mas kita ko na ang mga mata niya . . . ang mga matang pamilyar na pamilyar para sa akin kahit na sinasabi sa akin ng mundo ngayon na hindi talaga siya ‘yon . . . ang taong una kong minahal.

“B-Bakit?” tanong ko.

Lumunok siya bago nag-iwas ng tingin. “Hindi ko alam . . .” Nag-angat siya ng tingin sa akin bago ngumiti ng maliit. “A-Ayos ka lang ba?”

Nag-iwas ako ng tingin kasabay ng pag-init ng sulok ng mga mata ko. Sa tagal kong nabubuhay sa mundo, ngayon pa lang may nagtanong sa akin kung ayos lang ako. Bukod sa nanay ko, siya lang ang nagtanong sa akin ng bagay na ‘yon.

Bahagya akong tumawa bago ibinalik ang tingin sa kan’ya. “Oo naman.” I gulped. “Ikaw? Ayos ka lang ba?”

Ngumiti siya nang bahagya. “Uhm . . . n-nagugutom ako, eh. Gusto mo bang . . . sumama sa akin kumain?”

Bahagya akong napangiti pero hindi ko pa rin maintindihan ang sarili kung bakit palaging may sakit sa loob ko sa tuwing kaharap ko siya . . . sa tuwing kausap ko siya.

Dahil ba . . . umaasa akong siya ‘yon kahit na nilinaw naman na niya sa akin na hindi?

Tumango ako bilang tugon. “Sige . . . saan ba?”

Tumawa siya ng mahina. “Jollibee na lang, ah? Treat ko!”

Nagsimula na kaming maglakad paalis. Lalabas na sana siya sa main gate ng campus nang tinawag ko siya.

“Destinee . . .”

Napatigil siya sa paglalakad at ilang segundo pa ang nagdaan bago siya lumingon sa akin. Nakakunot ang noo niya na para bang may iniisip bago siya tumingin sa akin.

“Uhh . . . ‘wag na tayong maglakad. May dala naman akong sasakyan.”

Umawang ang bibig niya bago tumango saka naglakad ulit papalapit sa akin. Nagpunta kami sa parking lot ng university kung saan naka-park ang sasakyan ko. Pagkarating namin, mabilis kong pinatunog ang sasakyan bago siya pinagbuksan sa shotgun seat.

“Thank you.”

Isinarado ko na ang pinto bago ako umikot saka sumakay sa driver’s seat. Ramdam ko ang pagiging awkward niya nang tumingin ako sa kan’ya bago ko ini-start ang engine saka nagsimulang mag-drive papunta sa Jollibee.

Nakakabingi ang katahimikan sa loob ng sasakyan at pakiramdam ko, mabubutas na ang tainga ko sa kung ano mang nakaririnding tunog ang naririnig ko, pero napalingon kaagad ako sa kan’ya nang magsalita siya.

“Uhm . . . mabuti may sasakyan kang sarili. Hindi ka mahihirapan na humanap ng sasakyan mo tuwing papasok at uuwi.” Tumawa siya nang bahagya. “Mayaman ka siguro.”

Tumawa ako. “Lumang sasakyan ‘to ng mom ko. Nang maglabas siya ng bago, ibinigay niya sa akin ‘to. Hindi kami mayaman. Maganda lang pareho ang trabaho nila.”

Tumango-tango siya. “Ahh, anong trabaho nila?”

Bahagya akong ngumiti. “Corporate lawyer ang tatay ko. Psychiatrist naman ang nanay ko.”

Naramdaman ko ang paglingon niya matapos kong sabihin ang huli. “Wow, talaga? Dito ba siya nagwo-work?” I nodded. “P’wedeng . . . malaman kung anong name ng mom mo?” Tumawa siya ng mahina. “May hinahanap kasi ako. Hindi ko lang matandaan kung sino ‘yon dahil sa tagal ng panahon.”

Napakunot-noo ako. “Sino? Ano ba yung hinahanap mo? Mariella Dominguez ang pangalan niya.”

Kumamot siya sa ulo bago ibinalik ang tingin sa daan. “Dating psychiatrist ni Mama ang hinahanap ko. Kaso hindi ko na matandaan ang pangalan kasi mahigit five years na rin ang nagdaan. Medyo bata pa ako no’n at hindi ko na masyadong tanda ang itsura pero baka maalala ko kapag nakita ko ulit siya.”

Nang makarating kami sa Jollibee, naghanap na muna ako ng p’wedeng mapag-parking-an. Mabuti na lang at may umalis na isang sasakyan kaya nakahanap kaagad ako. Nag-park na muna ako doon bago sumagot sa sinabi niya.

“Bakit mo siya hinahanap?”

Sumagot siya habang tinatanggal ang seatbelt. “Para magpasalamat.”

Nauna na siyang lumabas sa akin ng sasakyan. Lumabas na rin ako at sabay kaming pumasok sa loob. Dahil walang space sa ground floor, inakyat pa namin ang hagdan para maghanap ng bakanteng table doon. Mabuti at marami-rami dito. Nagmadali siya sa paglalakad nang makita na may vacant table sa tabi ng glass wall.

“Ako na ang o-order. Anong gusto mo?” tanong ko nang makaupo na siya.

Umiling siya. “Ako na. Treat ko nga, ‘di ba?” She chuckled. “Tutal, ako naman ang nag-aya sa ‘yo dito.”

Umiling din ako bago nagsalita. “Ako na. Gusto mo ba ng chicken? Rice meal o spaghetti?”

Nangalumbaba na muna siya bago nagsalita. “Spaghetti na lang with chicken. Kahit na anong part, okay lang. Tapos, iced tea ang drinks.” Ngumiti siya. “Thank you.”

Tumango ako bago muling naglakad pababa para um-order. Dahil puno sa ground floor, maraming nakapila at dalawang counter lang ang bukas kaya naman pumila pa ako ng ilang minuto bago nakuha ang order. Bumalik na ako sa itaas dala ang food and drinks. 

Nakita ko siya na nakatingin sa labas habang nakahawak sa labi. Ilang sandali pa, bago ako tuluyang makalapit sa kan’ya, lumingon siya sa akin kasabay ng pag-alis ng kamay doon saka ngumiti. Inilapag ko ang mga pagkain sa table bago ibinaba ang tray sa isang bakanteng table.

“Thank you! Sabi ko, ako ang may treat, eh. Kain na tayo.”

Naupo na ako at magsisimula na sanang kumain nang may maalala matapos kong makita ang balat ng manok. Mas okay sana ito kung thigh o leg part dahil naalala ko yung kwento dati ng Destinee na nakasama ko noon pero sapat na pala ang balat ng manok para maalala ko ulit siya.

Nagbuntonghininga ako bago tinanggal ang balat ng manok saka inilagay ‘yon sa plato niya. Kita ko ang gulat sa kan’ya dahil sa ginawa ko pero hindi nagsalita. Nagsimula na akong kumain pero siya, nakatitig pa rin sa balat ng manok.

“B-Bakit . . .” hindi maituloy na tanong niya habang nasa manok pa rin ang paningin.

“May pinangakuan ako dati na gagawin ko ang lahat para maging kaibigan lang siya.” Ngumiti ako ng maliit bago sumubo at nginuya ang manok. “Kasama doon ang pagbibigay ng balat ng manok sa kan’ya. Naalala ko lang bigla kaya naisip kong gawin sa ’yo.”

Matagal siyang hindi nagsalita. Hindi pa rin siya gumagalaw at pinananatili ang titig doon. Ilang sandali pa, nag-angat siya ng tingin sa akin. Napatigil ako nang makita ang pamumula ng mga mata niya.

“T-Thank you . . .” sabi niya bago nagsimulang kumain.

Napalunok ako. “U-Umiiyak ka ba?”

Nag-angat siya ng tingin sa akin kasabay ng pag-awang ng bibig. “H-Ha?” Umiling siya. “H-Hindi. Bakit naman ako iiyak?”

Nagkibit-balikat ako. “Mukhang iiyak ka na kanina, eh.”

“Ahh . . .” Kumamot siya ulit sa ulo kasabay ng mahinang pagtawa. “Hindi ko alam. Stress lang siguro. Baka natuwa lang ako kasi ikaw yata ang unang nagbigay ng balat ng chickenjoy sa akin.” She laughed before eating her food. “Thank you, Constantine.”

Sumakit na naman ang loob ko sa narinig sa kan’ya. Isang sampal na naman ang ginawa sa akin ng realidad.

Hindi nga siya ang Destinee ko.

Nang matapos kaming kumain, nagpahinga kami sandali bago napagdesisyunang umalis na. Habang naglalakad papunta sa parking lot, nagsalita ako.

“Gusto mo na bang umuwi? O baka may pupuntahan ka pa? Ihahatid na kita.”

Umiling siya. “Wala na. Baka hinahanap na rin ako ni Mama.” She smiled. “Thank you for coming with me.”

“Ihahatid na kita pauwi.”

Umawang ang bibig niya bago umiling. “Huwag na! Medyo malayo ang bahay ko. Sayang ang gas.”

Ngumiti ako bago inilahad ang braso para ituro ang daan sa kan’ya papunta sa sasakyan ko.

“Ayos lang. Tara na.”

Kumamot siya sa leeg bago ngumiti. “Thank you. Babawi ako sa ’yo next time.”

Nang makarating kami sa sasakyan, pinatunog ko ito bago siya pinagbuksan sa shotgun seat. Nagpasalamat ulit siya bago ko isinarado ang pinto saka umikot para sumakay sa driver’s seat.

“Saan tayo?” tanong ko pagka-start ng engine. Ikinabit ko na rin ang seatbelt.

“Uhm, malapit sa Immaculate Conception Academy. Ituturo ko na lang sa ’yo.”

Tumango ako bago humawak sa likod ng inuupuan niya habang nakatingin sa likod. Nagsimula na akong magmaniobra. Napatingin ako sa kan’ya nang maramdaman ang titig niya. Mabilis niya ’yon binawi saka tumikhim.

Nang tuluyan nang nakaalis sa pinagpa-park-an, nagsimula na akong mag-drive paalis.

“Ang layo mo pala, bakit dito ka nag-aral?” tanong ko nang tuluyan nang makaalis sa Jollibee.

Tumawa siya ng mahina. “Sa ICC ako nag-aral noong first year. Na-dissolve ang course namin kasi super konti lang kaming naka-enroll doon. Kaya nag-transfer ako dito since hindi naman daw dissolved. May bus din naman na dumederetso dito kaya medyo convenient na rin.”

Tumango-tango ako. “So, sa ICA ka nag-high school?”

Tumango siya. “Oo. Doon ako buong junior high school ko.”

Napakunot-noo ako. “Eh noong senior ka?”

Natkibit-balikat siya. “Sa Manila na. Magaling naman na si Mama noon pero last year lang kami umuwi ulit dito noong maayos na maayos na talaga siya.”

Naalala ko ang kinwento ni Solari. Hindi raw sinabi sa kan’ya ni Destinee kung anong naging sakit ng mama nito. Kung magtatanong kaya ako, sasagutin kaya niya?

“Uhm, nabalitaan ko na nag-stop ka raw for two years.” Tumawa ako nang mahina. “Sorry, pinatanong ko kay Solari.”

Ngumiti siya. “Ayos lang. Wala namang problema.” She laughed. “Oo, kailangan ako ng mama ko.”

I gulped as I held the steering wheel tighter. “P’wedeng malaman kung . . . anong naging sakit ng mama mo?”

Matagal siyang natahimik nang dahil doon. Naramdaman ko ang paglabas ng pawis sa noo ko sa katahimikan na namagitan sa amin matapos n’on. Babawiin ko na sana ang sinabi ko nang magsalita siya.

“Major Depressive Disorder and Post Traumatic Stress Disorder. Kaya may hinahanap akong psychiatrist na gusto kong pasalamatan.” Lumingon siya sa akin at ngumiti. “Siya ang unang nagbigay ng pag-asa kay Mama—ng pag-asa sa akin.”

Sabi ni Mama, isa sa madalas na sanhi ng pagkakaroon ng depression ay big traumatic events. Yung mama ni Destinee, para magkaroon ng MDD at PTSD, sobrang lala siguro ng pinagdaanan niya. Ayaw ko na rin magtanong dahil wala naman ako sa lugar para alamin ’yon. Pero ngayon, naiintindihan ko na kung bakit isinakripisyo niya ang pag-aaral para alagaan ang mama niya.

Bilang isang psychology student at anak ng isang kilalang psychiatrist, alam kong hindi simple ang pagkakaroon ng mental illness kaya ngayong nalalaman ko ang mga bagay na ’to kay Destinee, hindi ko maiwasang malungkot para sa kan’ya.

“Ang tapang mo para isakripisyo ang sarili mong pag-aaral para sa mama mo.” Ngumiti ako sa kan’ya. “Proud ako sa ’yo.”

Tumitig siya sa akin matapos kong sabihin ’yon pero wala na siyang binanggit. Nagbuga ako ng malalim na buntonghininga saka ngumiti.

“Mahahanap mo rin ang hinahanap mo, Destinee, kapag naalala mo na kung sino ba siya. Tutulungan kita na maipaabot ang pasasalamat mo sa kan’ya.”

Narinig ko ang malalim na pagbuntonghininga niya. Ibinalik na niya ang tingin sa daan.

“Sobrang bait mo.”

Napalingon ako sa kan’ya nang tuluyan saka binagalan ang pagda-drive. Lumingon din siya sa akin. Nakaramdam ako ng kaba dahil doon kaya ibinalik ko ang tingin sa daan at bahagyang binilisan ang pagpapatakbo. 

Ilang saglit pa, nagsalita ulit siya.

“Yung sinasabi n’yo ni Solari na . . . kamukha ko. P’wede ko bang malaman kung sino ’yon?”

Continue Reading

You'll Also Like

15.4K 409 37
Tanner Adler was born into a CPA family. He's wealthy and a man of the serious sort. His family's businesses will soon be in his hands. A fourth-year...
50.9K 2.6K 32
Nang lumabas sa bookstore ang bagong libro ni JB Tomlinson, Sasha, as an aspiring writer, was pretty much devastated upon realizing that the famous w...
108K 3.5K 32
Free-spirited, rebellious and slightly bad girl slash cosplayer Princess Leia or Preia meets the neat-freak, all-serious, smart and handsome Lance Au...
1.1M 23.7K 51
After getting kicked out from her dorm, Kat moves into her twin brother's house where she finds herself dealing with AJ, his brother's best friend...