Forgotten Seal Of Promises

By marisswrites

4.8K 387 6

|| fourth installment of "habit series" || Constantine Dominguez failed his qualifying exam in a course that... More

Forgotten Seal Of Promises
Introduction
Chapter 01
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Finale

Chapter 02

117 8 0
By marisswrites

"Wala ka bang nickname?"

Napakunot-noo siya habang kumakain kami ng ice cream. "Bakit?"

Nagkibit-balikat ako. "Lahat naman ng tao may nickname, 'di ba? Tulad ko. Constantine ang pangalan ko pero Con o Concon ang tawag sa akin. Ikaw? Anong nickname mo?"

Umiling siya bago sumubo ng ice cream. "Wala. Destinee."

Tumawa ako nang mahina. "P'wede ang Tin sa 'yo—" Mabilis siyang umiling. "Bakit? Ayaw mo?"

Tumango siya. "Sabi ng kapatid ko, sobrang ganda ng pangalan ko kaya 'wag ko raw hayaan na ibang pangalan ang itawag sa akin kahit na anong mangyari." Ngumiti siya. "Nang dahil do'n, nakahanap ako ng isang bagay na kamahal-mahal sa akin—at 'yon ay ang pangalan ko."

Ngumiti ako bago sumubo ulit ng ice cream. "Tama. Ang ganda nga naman ng pangalan mo. Tatandaan kong mabuti 'yan—pati ang spelling. Hinding-hindi ko kakalimutan."

Tumawa lang siya nang mahina bago ako nagtanong ng panibago tungkol sa kan'ya.

Sa mga oras na kumakain at namamasyal kami sa loob ng amusement park, marami akong nalaman tungkol sa kan'ya. Sabi niya, matalino ang kapatid niya pero siya, hindi. Pero kahit na gano'n, hindi siya nakaramdam ng kahit kaunting inggit sa kan'ya kasi ayaw naman daw talaga niya n'ong nag-aaral.

"Ako rin," sagot ko matapos niyang ikwento 'yon habang naglalakad-lakad kami. Nagtawanan kaming dalawa. "Wala namang nakakatuwa sa pag-aaral lalo na kung masungit pa ang mga teacher."

Tumawa siya. "Palaging sinasabi sa akin ng kapatid ko na minsan, ayaw na niyang mag-aral kasi pagod na siya. Pero palagi din naman niyang ginagawa sa huli." Nagbuntonghininga siya. "Sabi ko nga sa kan'ya, hindi naman niya kailangang pilitin ang sarili niya kung pagod na siya. Ang sarap kaya ng ganito."

Tumango ako. "Tama. Masyadong maikli ang buhay para stress-in ang sarili sa pag-aaral."

Nagtuloy-tuloy pa ang kwentuhan hanggang sa mapunta na kami sa harap ng stage kung saan may nagpe-perform habang maraming tao naman ang nakaupo sa sahig at nanonood do'n.

"Bakit hindi ka nakikisama sa mga kaibigan ng kapatid mo?" tanong ko.

Nagkibit-balikat siya bago nagbuntonghininga. "Hindi ko kayang tiisin yung pagpapanggap nilang kaibigan sila kahit yung totoo, ginagamit lang naman nila ang kapatid ko." Nag-angat siya ng tingin sa akin saka ngumiti nang maliit. "Mas gugustuhin kong mag-isa kaysa makisama sa mga gano'ng klaseng tao."

Tumango-tango ako. "Hindi ka ba nalulungkot?"

"Nalulungkot din." Tumawa siya nang mahina. "Pero sanay na ako. Kahit isang beses sa buong buhay ko, hindi ako naging dependent sa ibang tao. Ang kapatid ko lang ang kailangan ko. Sapat na siya sa akin. Hindi ko kailangan ng maraming kaibigan basta nand'yan siya."

Huminto ako sa harap niya, dahilan para mapatigil din siya sa paglalakad. Nag-angat siya ng tingin sa akin, nagtataka.

"Nandito na ako. Dalawa na kami ng kapatid mo na p'wede mong maging takbuhan kapag nag-iisa ka."

Nakita ko ang bahagyang pag-angat ng dalawang gilid ng labi niya. "Kung magiging kaibigan kita, magagawa mo ba ang mga ginagawa niya sa akin?"

Lumingon ako sa kan'ya. "Tulad ng?"

Tumingin siya sa akin at tuluyang ngumiti. "Kaya mo bang ibigay ang balat ng fried chicken mo sa akin? Kung bibili ba tayo ng isang buong litsong manok, ibibigay mo ba sa akin ang magkabilang drumsticks?"

Tumawa ako bago huminto sa paglalakad. "Ibibigay ko lahat ng masarap na parte ng manok sa 'yo. Kahit na pwet ng manok na lang ang matira sa akin, ayos lang! Basta mapatunayan ko sa 'yo na totoo ang intensiyon ko—na gusto kitang maging kaibigan."

Bahagya siyang tumawa. "Nagbibiro lang naman ako." Lumingon siya sa parte ng amusement park kung saan maraming tao, naghihintay ng fireworks display. "Pero yung kapatid ko, palagi niyang kinakain ang pwet ng manok. Sabi niya paborito niya 'yon." Tumingin siya sa akin at bahagyang umiling. "Pero hindi ako naniniwala."

Napakunot-noo ako. "Bakit naman?"

Nagkibit-balikat siya habang bahagyang nakalabi. "Ibinibigay niya sa akin ang mga 'yon kahit gusto niya rin kasi alam niyang gusto ko 'yon. Pinagkakasya niya ang sarili sa natitirang masarap na parte ng manok kasi alam niyang walang may gusto n'on." Nagbuga siya ng malalim na buntonghininga. "Gano'n siyang tao. Ibibigay niya ang gusto ng mga tao sa paligid niya kahit na gusto niya rin naman 'yon. At ako, walang ibang ginagawa kung hindi tanggapin lahat ng 'yon."

Hindi ako makapagsalita kasi hindi ko alam kung ano ang dapat sabihin. Masyadong nilang mahal ang isa't isa bilang magkapatid. Hindi ako maka-relate dahil kaming tatlo ng mga kapatid ko, palagi lang namang nag-aaway. Pero sila, yung buhay nilang dalawa, halos nakadepende na sa isa't isa—lalong-lalo na siya.

Ngumiti ako bago hinawakan ang magkabilang mukha niya. "May nagagawa ka naman. Pinaparamdam mo sa kapatid mo na nand'yan ka lang palagi sa kan'ya."

Tumitig siya sa akin matapos kong sabihin 'yon. Nakita ko ang paglunok niya at ang pagbaba ng tingin niya sa labi ko. Pati tuloy ako, nagawa 'yon. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang tumingin ulit siya sa akin. Ilang sandali pa, pumikit na ako at yumuko kasabay ng paghalik sa labi niya.

Hanggang sa narinig namin ang putukan ng fireworks sa langit . . . kasabay ng pagpapalitan ng halik ng mga labi naming dalawa.

***

Hindi ko mapigilang matawa nang mapait nang matapos kong makita ang resulta ng qualifying exams, ang pangyayaring 'yon kaagad ang naalala ko. Sa lahat ng bagay na maaalala ko sa ganitong sitwasyon, 'yon pa? Bakit ba hindi ko makalimutan 'yon? Baka nga nakalimutan na niya ako.

Nang dumating si Papa no'ng gabi, siguradong alam na niya ang resulta ng QE ko kaya naman inihanda ko na kaagad ang sarili ko nang magkaharap kami. Isang malakas na suntok ang natanggap ko mula sa kan'ya oras na makalapit siya sa akin.

"Calixto!" sigaw ni Mama bago ako dinaluhan para tulungang tumayo. "Ano ba?! Sa tingin mo ba gusto ng anak mong hindi makapasa do'n?!"

Bayolenteng nagbuntonghininga si Papa. "Paanong hindi babagsak 'yan, puro computer ang inaatupag! Hindi nag-aaral! Ano bang gusto mong gawin sa buhay, Constantine?! Yung mga kapatid mo, makakapagtapos na, ikaw, kailangan mo ngayong mag-shift!"

Napalunok ako bago nagbuntonghininga. "'Wag n'yo na lang ho akong pag-aralin. Magtatrabaho na lang kaagad ako."

Tumawa nang peke si Papa. "Sa tingin mo, may magandang trabaho kang mahahanap kung hindi ka nakapagtapos ng college?! Hindi rin ako papayag na magkakaroon ako ng anak na hindi nakapagtapos kaya ayusin mo ang buhay mo at mag-isip ka na ng panibagong kurso, Constantine! 'Wag mong ubusin ang pasensiya ko kung ayaw mong tuluyan na kitang itakwil sa pamilyang ito!"

Nakahinga ako nang maluwag nang dumeretso si Papa sa k'warto dala ang bag niya na puno ng readings para sa mga kasong hinahawakan. Lumapit sa akin si Veronica at Eunice. Pinunasan ni Eunice ang dugo sa gilid ng labi ko habang si Veronica naman ay inabutan ako ng baso na may lamang malamig na tubig. Mabilis kong ininom 'yon at inubos ang laman.

"Alam mo na, ha?" sabi ni Veronica. "Pasok sa kanang tainga, labas sa kaliwa."

Napailing na lang ako bago tinungo ang hagdanan para bumalik sa k'warto.

Sa totoo lang, totoo naman ang sinabi ni Papa. Hindi naman talaga ako nag-aaral kaya hindi ako nakapasa sa Qualifying Exam. Noon ko pa kasi sinabi sa kan'ya na ayaw kong mag-college muna at bigyan ako ng oras para mapag-isipan kung anong course ba ang gusto kong kuhanin kasi, sa totoo lang, wala talaga akong gustong pag-aralan. 

Sa takot niya na ma-delay ako sa college, pinilit niya akong kumuha ng Engineering kahit na wala naman akong alam do'n. Ang nangyari tuloy, nag-aksaya siya ng pera sa tatlong taon na pinilit niya akong mag-aral ng kurso na hindi ko naman gusto.

Wala rin naman talaga akong pakialam kahit bumagsak sa QE. Ayaw ko rin namang pagpatuloy na pag-aralan yung mga bagay na wala naman akong interes sa simula pa lang. Gusto ko lang naman sa computer ay maglaro at hindi gumawa ng kung ano-ano.

Nang matapos ang semester na 'yon, palagi lang akong nakakulong sa k'warto at naglalaro ng Valorant dahil wala naman na akong ibang gagawin dito sa bahay. 'Yon lang naman. At least, hindi ako adik sa alak, sigarilyo o drugs! Dapat nga magpasalamat pa sila kasi hindi naman pariwara ang buhay ko!

Sa kalagitnaan ng summer break, may kumatok sa pinto ng k'warto ko habang naglalaro ako. Ilang sandali lang din, narinig ko na ang pagbukas n'on. Sa hakbang palang niya, alam ko na kung sino 'yon.

"Mama, hindi nga ako mag-aaral."

Nagbuntonghininga siya. "Subukan mo lang, anak! Isang sem lang! Hindi kita pipiliting ituloy kung hindi mo talaga magugustuhan."

Nagbuntonghininga ako nang matapos ang nilalaro. Buti na lang, Spike Rush lang ang nilaro ko kaya mabilis natapos. Humarap ako kay Mama.

"Alam mo bang nagsasayang ka ng pera sa akin?" Tumawa ako. "Ako na nga ang tumatanggi na pag-aralin n'yo para makatipid ka, eh."

Humalukipkip siya. "Alam ko kasi na hindi mo lang alam kung anong course ang gusto mong kuhanin at na-stuck ka sa course na hindi ka naman interesado kaya ngayon, lalo kang nahihirapan." Ngumiti siya bago humawak sa magkabilang braso ko. "Isang sem lang. Kung hindi ka magiging interesado dito, hahayaan na kita sa gusto mo."

Muli akong nagbuntonghininga. "Anong course naman ang ipapakuha n'yo sa akin ngayon?"

She smiled. "The study of the human mind and its functions. Psychology."

Napairap ako kasabay ng mas malakas na pagbuntonghininga. "Ayaw kong magtrabaho sa 'yo, Mama. Hindi mahaba ang pasensiya ko para kumausap ng mga mentally and emotionally unstabled person, 'Ma."

Tumawa siya bago ako hinampas. "Hindi naman kita pipilitin na tapusin ang course kung ayaw mo, Constantine!" Umirap ako nang marinig ko na naman ang pangalang 'yon. "Subukan mo lang. Tingnan mo lang kung magiging interesado ka sa pag-aaral ng isip ng tao. Hmm? Isang sem lang, anak. Promise, hindi kita pipiliting tapusin 'yon. Maniwala ka kay Mama, okay?"

Sa huli, wala akong ibang nagawa kung hindi ang mag-enroll ulit sa university kung saan ako unang nag-aral. Matagal ko pang pinag-isipan 'yon kaya naman patapos na ang enrollment period ng BS Psychology nang mag-enroll ako. Pagkarating ko sa eskwelahan, akala ko kaunti lang ang mag-e-enroll ngayon dahil patapos na. Marami pa rin pala. Nakita ko rin na kasabay ng schedule namin ang BA Literature at may iba pang courses na hindi ko na binasa pa.

Habang nakapila sa cashier para magbayad ng tuition fee, napalingon ako sa tumatakbong babae, mukhang may hinahabol o may nakalimutan—basta nagmamadali. Napakunot-noo ako dahil pakiramdam ko, nakita ko na siya. Pero dahil nga sa pagtakbo, hindi ko masyadong nakita ang mukha niya.

Lumipas ang oras, natapos na akong mag-enroll. Nakapagpa-ID na rin ako at nakakuha na ng certificate of enrollment kaya naman sigurado akong tuwang-tuwa na naman si Mama nito dahil natupad na naman ang gusto nila bilang magulang.

Napabuntonghininga ako.

Dahil wala pang pasok, hindi pa open ang parking lot para sa lahat kaya yung kotse ni Mama na ako na ang gumagamit, nasa labas naka-park. Sa sobrang takot ko nga, ilang beses kong pinupuntahan 'yon sa labas dahil baka mamaya, nagasgas na o may bumutas na ng gulong.

Habang papunta ako sa pinag-park-an ko, napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang pamilyar na boses.

"Papa!"

Napalunok ako bago lumingon sa pinanggalingan n'on. Nakita ko ang babaeng mabagal na tumatakbo papunta sa lalaki na nakasandal sa sasakyan. Yumakap siya dito habang ang lalaki ay humalik sa ulo niya. Nakabagsak ang medyo kulot na buhok ng babae kaya naman hindi ko nakita ang mukha niya. Nakalimutan ko ang tawag sa kulot na ito pero ganito yung ginagawa ni Veronica kay Eunice, eh.

Mermaid ba 'yon? Ewan!

"Tapos ka nang mag-enroll, anak?" tanong ng lalaki.

Tumango ang babae. "Opo. Tara na?"

Tumango ang lalaki bago pinagbuksan ito sa shotgun's seat. Nanlaki ang mga mata ko nang oras na sumakay siya sa sasakyan, nakita ko ang mukha niya. Humakbang ako papalapit dito pero napatigil din nang marinig ang pagtunog ng makina.

Hindi ako p'wedeng magkamali. Siya 'yon.

Mahigit limang taon na ang nagdaan. Sa tinagal-tagal ng panahon, bakit ngayon lang ulit kita nakita?

Natatandaan mo pa kaya ako . . . Destinee?

__

Hi!

Since tapos na ang Love At The Coffee Shop, I can finally write this story continuously! I've been waiting for this day to come—to finally write it freely! I'm really excited because I, myself, has no idea how this story is gonna go.

Sabay-sabay nating tuklasin kung paano tatakbo at magtatapos ang story ni Constantine at Destinee! Excited na talaga ako! xD

Sana magustuhan ninyo. <3

Continue Reading

You'll Also Like

2.1K 191 34
Coming from a fresh heartbreak, Carla Andrea Mariano meets Buen Lavi Alcantara, her sister's best friend who happened to be her ex-bestfriend's ex-bo...
6.9K 274 37
Dubbed the 'Ice Queen of Southeast Asia', Isla Lorenzo's dream is to become the first-ever Filipino figure skater to win the gold medal in the Winter...
544K 9.3K 27
(š‹š”š‚šŠš˜ šƒš®šØš„šØš š² ššØšØš¤ šŸ) Siya si Vanessa Alcantara, ang magiging "Lucky Date" for one day ng super sikat at pinagkakaguluhang pop star...
732 255 13
šŸ‘©ā€ā¤ļøā€šŸ‘Ø Published under Ukiyoto Publishing: Magkasintahan Volume 28 Kate and Nate are best of friends. Parehong sawi sa pag-ibig noong subukang pasu...