Kenque University(completed)

By RushanleiDryst

3.3K 123 4

Welcome to Kenque University! More

N O T E
P R O L O U G E
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
S P E C I A L N O T E
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Explanation
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Announcement
Special Chapter I

Chapter 53

14 0 0
By RushanleiDryst

●●LEARN TO RESPECT REPLY BOX POLICY. WAG PAKALAT KALAT PLEASE.●●

Chapter 53

••Hera POV••

Pagtapos umalis ni Nexan ay agad nadin akong natulog muli at sobrang aga nagising. Nakalimutan kong pakain sila  Emerald kagabi kaya pinapakain ko na sila ngayon.

Nakaharap lang ako sa bintana habang pinagmamasdan ang unting unti pagpasok muli ng mga estudyante.

"Heraaaaaa!"

Aga aga may bwisit hay. Nagtungo ako sa pinto upang pagbuksan si Rade ng pinto. Ngiting ngiti ito sakin habang may hawak na maliit na kahon. Pinapasok ko sya dahil mukang hindi pa sya nakakapagpahinga.

"Kakabalik mo lang?"

Umupo ito sa upuan na parang may ari ng bahay bago sumagot.

"Medyo" sabay halakhak na parang baliw. Bigla itong tumayo at hinila ako palabas.

"S-Saglit hoy! Malamig sa labas." awat ko dito habang inaalis ang kanyang kamay sa braso ko.

Tumango lang ito kaya dali dali akong nagsuot ng jacket at nilock ang pinto.

"Saan ba tayo pupunta? Mag aala sais palang oh..."

"Sa taas may ibibigay ako sayong pasalubong,"

Napatingin ako bigla dito at ngumiti ng maliit. Sa buong buhay ko, ngayon na lang ako muling nakaramdam ng sabik.

.
.
.

"Tsaran!"

Binigay nya sakin ang isang bracelet. Simple ito tignan ngunit mukang napakasakit nito sa bulsa.

"Ano ito Rade? Mukang mamahalin... Hindi ko matatanggap."

"Bakit? Binili ko yan para sayo!" Ngiting ngiti nitong sabi.

"Pero--" mabilis nyang nahablot ang pulseras at kinabit sakin.

"Ohh diba bagay sayo, ang galing ko talagang pumili."

Napailing nalang ako at pinagmasdan ito. Makinang ito pag natatamaan ng liwanag, parang bituin. Ang ganda.

"Nagustuhan mo ba?"

"Alen?"

"Ako."

Napailing ako sa sagot nya dahil wala nang ginawa kundi magbiro.

"Oo naman, nagustuhan ko ang munting regalo mo. Salamat."

Ngumiti ito ng malawak. "Walang anuman, Hera. Suotin mo yan mamaya sa sayaw natin ha? Gusto ko ipagyabang mo" sabay tawa.

Natawa din ako habang pinapanood ang araw na unting unti na tumaas. Napatingin ako kay Rade na mukang tanga na nakangangang nakaharap sa araw. Nilagay ko ang kamay ko sa buhok nito at mahinnag tinapik.

"Ayos lang yan, Rade." Napatigil ito sa pagnganga at tumingin ng deretso sa mata.

"Hindi ko maintindihan?"

Inalis ko ang kamay ko sa ulo nya at lumapit bago ituro ang mata nya.

"Iyon mga mata mo, parang napakadaming gusto sabihin."

Natawa ito at hinawakan ang mata. "Ano kaba inaantok lang siguro ako,"

"Yun lungkot ang pinaka nangingibabaw, ok ka lang ba?"

"Oo naman... Baka pagod lang ako sa byahe. Tara baba na tayo,"

Tumango na lamang ako at sumunod sa paglabas.

Ngunit nakita ko talaga sa mata nya ang lungkot habang nakatitig sakin.

Pagkababa namin ay hinatid nya lang ako sa pinto at nagpaalam bago lumakad palayo. Pumasok nako sa loob at inilapag sa lamesa ang pulseras bago tinitigan. Masasabi kong maganda talaga sya, akala ko nun una ay simple lang ito pero napakaganda nito.
(I'll drop the photo below :) credits to the owner.)

Naisip ko ay wala papala akong maiisuot para sa gaganapin mamaya pero baka mag aya naman sila kaya naman, mamaya nalang ako titingin. Bumalik ako sa higaan at inisip ang mga pangyayari nitong mga nakaraan. Napakabilis nang oras, it feels amazingly unreal.

Hindi ko namalayan ang pagkatok nila Vien, pagpasok at hinahatak nako palabas.

"Excited nako!" Sigaw ni Vien sa mismong tenga ko. Sinamaan ko lang ito ng tingin pero ngumiti lang ito.

Nagsalita si West na nasa gilid ko. "Hera, sinong kapatner mo mamaya? Inaya ako ng kaklase namin na gwapo woooohhhhhhh,"

Natawa naman ako ng bigla syang gumiling giling at halatang excited mamaya.

"Si Rade."

"AYIEEEEEEEEEEEEE"
"YIEEEEEEEE NAOL!"

Kinurot kurot nila ang braso ko at kinikiliti ang bewang ko. Mga baliw. Hinawi ko lang ang kamay nila at pumasok na sa loob ng pagkukunan ng susuotin mamayang gabi.

Sabay silang pumasok habang humahalakhak ng malakas na umaalingawngaw sa buong paligid kaya nagtago ako sa mga mahahabang bestida.

"Hoy Hera nakikita ko iyan sapatos mo wag kang magtago," Tawang tawa na bigkas ni Vien.

"Tara na at pumili, ang ingay nyong dalawa."

Nagkunwari akong pumipili ng damit kahit ang interes ko naman ay lumilipad. Lakad doon, lakad dito. Kahit saan wala akong mapili dahil satingin ko ay wala naman bagay saakin.

"Hera ano? Balak mo bang matulog dito? Maghahapon na oh wala ka pa rin napipili hay nako!" hinatak ako ni Vien papunta sa listahan ng mga kukuha. Nakita ko ang hawak nyang kulay pula na may mahabang manggas hanggang siko. Silk ang tela kaya ang ganda sa mata. Habang nakita ko ang kay West na kulay kahel na hinaluan ng dilaw. Habang tinititigan ko ito ay napagtanto ko na ang dilaw pala ay sikat ng araw. Ang kalahati ng araw ay nasa gilid kaya maganda ito tignan. Nakakamangha.

Tila nabalik ako sa reyalidad ng tinawag ko ni Vien. Tumingin sakin ang naglilista habang pababa sa talampakan.

"Sundan mo ako." sinenyasan ako ni Vien na sundan sya at ginawa ko nalang para matapos na.

Dumating kami sa silid kung saan marami pang nakabukod at nakalaylay na magagarang suotin.

Handang may hinahanap sya ay nagsalita ito. "Base sa kulay at mata mo, masyado kang mysteryoso na babagay talaga sa kulay ng iyong mata..." at bigla itong tumingin sakin "berde, napakagandang kulay." tumingin na uli ito.

"Ito!" May bitbit itong kulay puti na lalagyanan. Isinabit nya ito sa harap ko bago buksan.

"woah..."

"Nakakabighani diba?" Napatango nalang ako dahil nakakatula ang ganda nito. Ang pinaghalong berde at munting munti na bahid ng ginto.

"Osige hija, kunin mo na at humayo na kayo.... Maghanda na kayo para sa mamaya at paibigin mo ang iyong kapares."

"Hindi ho. Kaibigan ko ho iyon kapareha ko... Sige ho, paalam na."

Medyo may kabigatan ang susuotin ko mamaya buti na lamang ay nalaman kong may tagabitbit pala kaming kasama.

"Tara dali aayusan ko kayo!" Pumunta kami sa aking silid dahil daw mas madaming klorete sa muka at mga alahas na maaaring isuot. Pinaligo muna nila ako habang inaayusan ni Vien si West dahil si West ang mag aayos samin dalawa.

Nakapalit nako habnag sila ay busy pa den. Kumatok ang tagadala ng damit namin, agad naman akong nagpasalamat bago ito isarado. Kusang bumaba ang mga damit sa kama.

"Hera ikaw na! Lika na dito bilis!"

Pumunta nako dun at hindi ko na namalayan ang tagal ng oras dahil buong hapon ako nakatulala habang sila ay inaayusan ako. Pagtapos nila maglagay ng kung ano ano sa muka ay pinaalis na nila ako at pinapalit. Buti nalang tinuruan ako ng naglilista kanina sa pagbuhol ng tali, pati ang tali sa kapa. Ang panahon ay hindi na gaano ang lamig pero malakas pa rin ang hangin kaya kailangan ay makapal ang kapa na dala.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at maganda talaga ang damit, pati ang kapa na binigay ay bagay. Sinuot ko ang binigay ni Rade kanina bago lumabas sa bihisan.

"WOW ANG GANDA MO GAGO!"
"IKAW BA TALAGA IYON KAIBIGAN NAMIN?"

Tinusok pa nila ang pisngi ko at sabay na tumili. Napailing ako sakanila.

"Tara dito Hera, tatalian kita..." nakita ko ang mga maliliit na bulaklak sa isang basket at inilagay ni Vien ito isa isa habang si West ay sinuot sakin ang kwintas na napili nya para sakin. Ako pala ang nahuli dahil nakita ko ang mga suot at ayos nila ay halatang kanina pa tapos.

Ang maputing kulay ni Vien ay bumagay sa kulay dugo na gown hanggang sahig. Hapit ito sa katawan kaya kita ang kurba. Si West naman ay nangingibabaw ang kanyang kayumangging kulay. Ang buhok nito may bahid ng dilaw na mas nagpatikad sa presensya nya at talagang bumagay ang kulay sa kanyang personalidad.

---------------------------TO BE CONTINUED--------------------------

A/N:

🧭Photos are not mine, credits to google image and pinterest!

🧭Thank u for reading! Like, Comment and React down below!

🧭Stay hydrated and keep safe, Te amo💋

Continue Reading

You'll Also Like

11.3M 507K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...
1.9M 183K 206
Online Game# 2: MILAN X DION
877K 58.6K 33
Discovering an abandoned town in the middle of a forest, Odeth is transported to a time when the ghost town was alive, but as someone else--Olivia Va...
20.9M 766K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...