The Long Lost Princess

Von cheesepl3ase

88.2K 2.2K 30

In a land shrouded in mystery and legend, a tale unfolds of a long lost princess. Hidden away from the world... Mehr

DISCLAIMER
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Takecare always!
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Epilogue
Thanks guys! keep safe always ⭐🖐️

Chapter 33

1.4K 49 0
Von cheesepl3ase


💥💥💥

[𝐀𝐑𝐈𝐀𝐍𝐀'𝐒 𝐏.𝐎.𝐕]

MABILIS lumipas ang araw kung kaya't ngayon na ding gabi mag gaganap ang ball party, lahat ay busy sa kanilang ginagawa.

Andito lang ako ngayon sa dorm ko nakahiga sa kama at hindi man lang nag aayus, hindi naman kasi pag sasaya ang pinag hahandaan ko kundi ang mangyayari mamaya, sa isang linggong lumipas ay payapa naman ang Academy at talagang pinag handaan siguro ng kalaban ang warning nila samin tsk.

"Hindi ka pa ba mag aayus Ariana, ang lahat ay nasa ball party na, mukhang ikaw na lang ang wala dun sa tantiya ko." Ang sabi ni Hizaku kaya naman tumayo na lang din ako para mag bihis na rin.

Naligo muna ako at pag katapos ay sinuot ko na rin ang damit ko. Isinuot ko din ang binili namin ni Hizaku sa mall na sando at pantaloon. Pag katapos ay sinuot ko na rin ang gown ko.

Ang gown na isinuot ko ay mula pa sa goddesses at ibinibigay daw nila to sakin bilang isang regalo.

Isang makintab na gown ang isinuot ko at isang boots na lang din na kulay itim, alam ko naman kasi hindi yun makikita dahil na rin sa haba ng gown na suot ko. Ayukong mag sandal dahil nga hindi naman pakikipag sosyalan ang gagawin ko dun.

Agad ko na ding inalis ang salamin ko saking mata, kaya ngayong gabi ay makikilala nila ako bilang si Ariana.

Pag katapos kung tumingin sa salamin ay huminga muna ako ng malalim bago nag lakad papuntang arena, doon kasi ginanap ang party.

Bago maka layo ay narinig ko pa ang sinabi ni Hizaku sakin.

'If you need me, Ariana just call me.'

Sobrang kaba ang naramdaman ko dahil na rin siguro sa excitement o di kaya naman sa pangamba na baka marami ang masaktan mamaya.

Hindi pa man ako nakakapasok sa loob ng arena ay rinig ko na ang malakas na tugtog dito sa labas. Ang daming kumukutitap na ilaw na para bang christmas lights.

Huminga muna ako bago pumasok. Pag bukas ko pa lang ng pintuan ay natahimik na ang bawat paligid, nakatingin lamang sila sakin na tila ba hindi inaasahan ang pag dating ko.

"Si Ariana ba yan?"
"Wow, ang ganda niya."
"Mas lalo siyang pumuti."

Ang kaninang tahimik ay umingay ng mag lakad ako, papunta sa kinaruruunan ng royalties.

Nakikita ko rin ang mga mata ng lalaking manyak sa gilid na halos hindi na mapakali matignan lang ako.

"Sino ang may sabi na pwede ka saming mag join?" Taas kilay na sambit ni Finkly, pero hindi ko siya pinansin at tumingin sa stage.

Andito rin ang mga hari at reyna para sa kasiyahan ng Academy. Ang masasabi ko lang sobrang gagara ng mga suot nila, pero mas angat yung sakin dahil kapag naiilawan ang suot ko ay kumikintab ito lalo na kapag gumagalaw ako.

"You're so gorgeous Ariana." Ang sabi sakin ni Tyrone kaya ngumiti ako ng tipid, nag simula na ang sayaw ng kung ano ano at nag simula na din humanap ng partner ang iba't ibang studyante para sa sasayawin nila.

Tumingin ako sa royalties dahil tumayo na rin sila para mag sayaw habang ako ay nakatuon lang ang pansin kay Finkly dahil nararamdaman ko na lalabas na ang hinihintay ko.

"Good evening everyone. I would like to say thank you for preparation for this party, specially to the royalties." Agad naman nag palakpakan ang mga studyante at muling gumiling sa pag sayaw.

"And now let's begin our games." Ang sabi pa ni HM Lance habang nakangiti, tumingin ako kila ama't ina at hindi ko inaasahan na nakatingin rin pala sakin si ina, hindi ko alam pero lumakas bigla ang kabog ng dibdib ko.

"Pwede ba, umalis ka na nga Ariana dito sa party, hindi ka naman bagay dito." Inis na sigaw sakin ni Finkly pero alam kung ako lang ang makakarinig nun dahil sa lakas ng tugtog.

"Excuse me, ikaw ang dapat umalis sa party na ito, dahil simula pa lang hindi ka na belong dito." Cold ko ring aniya dito dahilan para mainis siya.

"Pasalamat ka at nandito sina mom and dad dahil kung wala sila baka matagal ka ng patay." Tumawa lang ako ng malademonyo.

"Ide gawin mo ang gusto mo kong kaya mo, bakit natatakot kang malaman nila na isa ka ngang darkians?" Malakas at cold ko ring sabi. Biglang nahinto ang tugtog kung kaya natahimik ang lahat.

Nag siupuan na rin ang lahat nang kanina ay nag sasayaw.

"What are you doing Ms. Ariana to my daughter?" Ang cold na sabi ni Ina dahilan para matigil ako, ito yung kahinaan ko. Yung pinapamukha nila na anak talaga nila yang babaeng yan, pero dahil ayukong masira ang plano ko ay nag patuloy ako bilang isang matatag, dahil ngayong gabi na ito. Sisiguraduhin kong hindi na sisikatan pa ng araw ang peke na to.

"I'm sorry to interrupt you Queen Athena." Ang garalgal na boses na saad ko, nakita ko naman sa gilid na mata ko ang pag ngisi ni peke, dahilan para mas lalo akong mainis tsk.

"Please respect my daughter Ms. Ariana." Walang emosyon nitong saad.

"Queen Athena, do you really believe that Finkly is your truly daughter?" Cold ko ring sabi dito dahilan para matigilan siya, tumayo na rin si ama para siguro pag sabihan ako.

"I have evidenced Ariana, and that's my birthmark." Ang maarteng sabi ni Finkly dahilan para matawa ako.

"Then show me your evidenced Finkly." Cold ko ring sabi. Ngunit isang malakas na sigaw ang bumalot sa arena.

"Enough!" Isang cold at walang emosyon na saad ni ama dahilan para matigilan ang lahat, pero hindi ako nag patinag at sinuklian din sila ng malamig na tingin.

"Who are you to say that to may daughter!" Ang galit pa niyang sabi sakin.

"King Kredaurus Kief Demonnah, gusto ko lang maka siguro na totoong siya ang anak nyo, at kung papayagan nyo. Can you please show me Finkly your birthmark and your elemental powers." Walang emosyon kung sabi dito, ang bigat na rin ng dibdib ko, feeling ko ano mang oras lalabas ang kapangyarihan ko sa katawan ko.

Ganito ako magalit, hindi ko kayang kontrolin ang sarili ko. Pero hindi ko pwedeng ipakita sa kanila yun. Hindi pa ito yung tamang oras.

"Nahihibang ka na ba Ariana, pwede ba tumigil ka na." Ang galit na sigaw ni Frylah dahilan para mapatingin ako sa kanya.

"Pwede na kayong bumalik sa dorm nyo students." Ang sabi ni HM Lance.

"Hindi, hindi sila aalis hanggat hindi nila nalalaman ang totoo." Ang inis kung sigaw at nag teleport sa tabi ni Finkly at saka siya hinawakan sa kamay at napunta kami bigla sa stage, nag karoon na rin ng barrier saming dalawa para walang makapigil sa gagawin ko sa kanya.

"NGAYON, MAKIKITA NYO ANG TOTOONG PAG KA TAO NG WALANG HIYANG PEKE NA TO!"

Agad nag kagulo ang lahat dahil dun, pinipilit na rin nilang basagin ang barrier, pero hindi man lang yun nabawasan.

"Pwede ba Ariana tumigil ka na sa ginagawa mo, at kung andito ka para guluhin kami, umalis ka na lang." Galit na sigaw ni Hunter, dahilan para tumulo ang luha ko pero agad ko yung pinunasan.

Tumingin ako kay Tyrone at kita ko ang pag aalala sa mukha niya, marami na rin ang nag bubulungan.

"Sigurado akong mamamatay ngayon si Ariana."
"Princess is too powerful."

Inilabas ko na ang espadang noon ay nakuha ko, nagulat ang lahat ng King and Queen dahil dun marahil ay hindi nila inaasahan na nasa akin ang espadang ito.

"Now Finkly be ready for you last breath." Iwinasiwas ko na ang espadang hawak ko sa kanya dahilan para masugatan siya.

Nag palabas naman siya ng kapangyarihan poison kaya nag bulungan ulit ang mga studyanteng nanonood saamin.

"Bakit may poison na kapangyarihan si Princess Crystaliah?"
"My ghod I saw how she used her power and why she have a dark power?"

Natigilan si Finkly dahil sa narinig na usap-usapan, kita ko rin ang pag ka gulat sa mata ng royalties at King and Queen.

"M-mom, d-dad help me please." Ang naiiyak na sabi niya na alam kung acting lang para utuin na naman sila.

"You're not my daughter!" Hindi maka paniwalang sabi ni Queen Athena.

Agad tumingin sakin ng masama si Finkly kaya nginisihan ko siya, bigla na ring nag labasan sa kung saan saan ang mga darkians.

"Arrrghh walang hiya ka, masyado kang kontra bida sakin." Inis niyang sabi at biglang nag pakawala ng isang green power, isa iyong lason na kayang pumatay kung tatamaan at hindi ka agad magagamot, at dahil ayuko naman na masyadong mag pagod pa ay bumulong ako sa hangin.

'DoLor'

Kita ko ang sakit sa kanyang mga mata, at hindi niya na rin na pigilan pa ay sumigaw siya dahil sa sakit, hindi pa ako nakontento ay agad ko ng tinusok ang kanyang tiyan. Biglang lumabas doon ang itim na usok.

Naging yelo na rin ang katawan niya at habang ang ulo niya ay unti unti nang naging abo. Pinunit ko na rin ang suot kung gown, at saka iyon iniwan sa stage habang nag aapoy.

Agad nawala ang barrier saming dalawa, kaya napatingin na rin ako sa iba na nakikipaglaban na sa darkians, maging ang King and Queen ay tumulong na rin sa pag laban.

Wala na rin akong sinayang na oras at agad na din tumulong para mamatay agad ang maraming darkians.

"Ice blade!"

Bumulusok ang isang matalim na yelo sa kinaruruunan nang sampong darkians, at dumaan iyon sa bawat leeg nila kung kaya't mabilis silang naging abo.

Kita ko ang papalapit na darkians sa likuran ni ama kung kaya't wala na akong sinayang na oras kundi ang yakapin siya sa likuran. Nagulat siya pero wala na akong magagawa kundi ang hintayin ang pag tama ng matalim na pana saking likuran.

Ramdam ko ang pag tama ng pana kaya unti unti na akong kumalas sa pag kakayakap ko kay ama. Bago ko ipikit ang aking mata ay kita ko pa ang pag salo sakin ni Tyrone.

"Please, Ariana... wag kang pipikit." Ang malakas na sabi niya pero hindi ko na kayang labanan pa, kaya kusa nang pumikit ang aking mata.

[𝐓𝐘𝐑𝐎𝐍𝐄'𝐒 𝐏.𝐎.𝐕]

SOBRANG naiinis ako ngayon dahil sa sari-saring masasakit na salita ang sinabi nila Hunter kay Ariana.

Andito kami ngayon sa clinic para malaman kung ano ang kalagayan ni Ariana, habang ang royalties ay walang imik sa tabi.

Pag katapos kasi ng labanan sa pagitan ng darkians at white magician ay agad ko nang dinala si Ariana sa clinic at hindi ko namalayan na sumunod pala sila.

Biglang pumasok si Hizaku, ang alaga ni Ariana sa clinic. Ginagamot si Ariana ng tatlong nurse dito sa clinic dahil hindi kaya ang isa o dalawa lamang ang gagamot.

"Mukhang okay na rin naman si Ms. Ariana kaya wala na kayong dapat alalahanin pa." Ang sabi ng isang nurse, kaya naman na pahinga ako ng maluwag.

Agad akong lumapit kay Ariana para sana hawakan siya ngunit na alala ko pala na naka bantay sa kanya si Hizaku, kaya ang ginawa ko ay naupo na lamang sa silya malapit sa higaan ni Ariana at saka tumingin kay Ariana.

Ang dami ng naging sakripisyo ni Ariana para saamin, noong una niligtas niya na si Steffany pangalawa ay ako, at sumunod naman si ama, siguro nga ay hindi lang namin nakikita ang halaga ni Ariana, I'm so proud of her, dahil sa kabila ng lahat ng pinag dadaanan niya ay nanatili siyang matatag.

Hindi ko na napigilan ang mapahikab kaya unti unti akong yumuko sa kamang hinihigaan ni Ariana at saka ipinikit ang aking mga mata.

It's already 1:39 AM at sa tingin ko ay hindi ko na kaya pang pigilan ang antok ko.

***

AGAD kung minulat ang mata ko nang maramdaman ko ang sinag ng araw saking mukha, napatingin naman ako kay Ariana na hanggang ngayon ay tulog parin.

Tumingin naman ako sa royalties at kita kung nag siksikan sila sa sulok habang natutulog. Tsk, pwede naman kasing umuwi na lang sila sa dorm pinahirapan pa nila ang mga sarili nila.

Napadako ang tingin ko sa bumukas na pinto.

"Bumili na ako ng makakain ni Ariana para pag gising niya ay kakain na lang siya." Ang sabi ni Hunter sa seryosong boses, tumango na lamang ako at tumingin kay Ariana. Pero ganun na lang ang gulat ko ng makita ko ang pamumutla niya.

"What's wrong with Ariana?" Ang kinakabahang sabi ko at hinawakan ang kamay niya, mabuti na lang hindi nagalit ang bantay niya.

"Anong nangyari, akala ko ba magaling na siya?" Ang nag tataka ring sabi ni Hunter, tumawag na rin siya ng nurse.

Agad na rin nagising ang iba pang royalties dahil sa ingay na likha namin.

"May natirang lason sa katawan niya." Ang sabi ng nurse na tumingin kay Ariana ngayon.

"Pero ang akala ko ay okay na siya?" Inis na sabi ko.

"May naiwan na lason sa katawan niya, at hindi agad namin yon napansin dahil siniguro na namin na okay na siya. Pero nakakagulat dahil ganito ang nangyari. Hindi ko rin kayang ma ubos na ilabas sa katawan niya ang lason." Ang sabi nito kaya napasapo na lamang ako sa sarili kung noo.

"I want to try, heal her." Ang sabi ni Hunter at saka lumapit kay Ariana. Itinampad niya ang kamay niya sa katawan ni Ariana, bigla naman yun nag liwanag.

"Ano ba kasing nangyari Tyrone?" Takang saad ni Maxwell sa gilid ko. Tumingin ako kay Ariana at saka bumuntong hininga.

"Hindi ko rin alam dahil pag gising ko ay sobrang putla niya na." Napadako ang tingin ko sa babaeng royalties.

"Mas mabuti pang umuwi na muna kayo sa dorm, kailangan pang mag bihis nina  Frylah." Tumango naman siya at sinabihan ang mga ito.

Napatingin ako kay Hunter na napaupo sa silya, mukha kasi siyang nag hihina.

"Congrats, okay na siya." Ang sabi ng nurse at ngumiti, napatingin ako kay Ariana na unti unti nang bumabalik ang kulay niya. Ang pag daloy ng pulang dugo sa katawan niya ay ayus na din.

"Mag papahinga lang ako. First time kung gumamot kaya nanghihina ako. Isa, nung isang araw ko lang na discover ang ganitong ability ko." Ang sabi ni Hunter na agad kung ikinatango.

"Sige, mag pahinga kana muna." Nawala na siya sa paningin ko kaya tumingin ako kay Hizaku.

"Ikaw na munang bahala dito Hizaku babalik na lang ako maya maya." Umalis na rin muna ako sa clinic at pumunta sa cafeteria para mag almusal.

Pag pasok ko pa lang sa cafeteria ay nag titili na naman ang babaeng nakakakita sakin at kung ano ano pa ang sinabi.

Hindi ko na lamang pinansin at saka nag order nang pagkain at nag simula na rin kumain.

***

AFTER kumain ay pumunta na ako sa dorm para maligo at mag bihis, pag katapos ay bumalik na rin naman agad ako sa clinic.

Laking gulat ko ng maabutan ko sina ama't ina sa tabi ni Ariana, marahil ay nag papasalamat sila at kinukumusta na rin ang dalaga.

Mamaya kasi ay babalik na rin naman agad sila sa palasyon.

"Tyrone, na isip namin ng iyong ama na aalis kami pag nagising na si Ariana, we want to thank her." Ang sabi niya at tumingin muli kay Ariana, hinayaan ko na lamang dahil siguro nga okay na din yon.

Alam ko rin na pag nagising siya ay hihingi ng sorry ang royalties sa kanya, sana din ay maging maayos na ulit ang samahan namin kapag nangyari yun.

|𝐄𝐍𝐃 𝐎𝐅 𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐇𝐈𝐑𝐓𝐘 𝐓𝐇𝐑𝐄𝐄|

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

11K 273 12
A story of a missing princess, Is she can go back to here real world? Can she manage to leave the place that she grows up? Can she accept the faith t...
35.3K 1.4K 57
She's an assassin. Playing with fire is her thing. A queen without a king. Her life will change because of a mission. The past that already forgotten...
586K 19.2K 166
Genre: Space, Doting, Farming, Time travel, Healing Alternative: 空间之农家女是团宠 Author: 小糊涂大仙 Synopsis: Xu Linyue from the 21st century crossing over with...
1.9M 47.6K 50
She's Elyzelle Blythe Delevigne. She's a Gangster Queen and a Mafia Princess. She's cold. She's merciless. She's brutal. She's always wearing an...