The Long Lost Princess

By cheesepl3ase

88.4K 2.2K 30

In a land shrouded in mystery and legend, a tale unfolds of a long lost princess. Hidden away from the world... More

DISCLAIMER
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Takecare always!
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Epilogue
Thanks guys! keep safe always β­πŸ–οΈ

Chapter 35

1.5K 42 0
By cheesepl3ase


✨✨✨

[𝐀𝐑𝐈𝐀𝐍𝐀'𝐒 𝐏.𝐎.𝐕]

HANGGANG ngayon ay hindi parin bumabalik si Hunter sa kwarto niya kaya naisipan ko na munang lumabas sa kwarto.

"Ariana, join kana dito!" Ang sabi ni Nathan, nanonood kasi sila kaya wala na akong nagawa kundi ang pumunta na rin sa harap ng pinapanood nila.

Agad kung hinablot ang pagkain na hawak ni Nathan at saka yun kinain kaya ngumawa na parang bata ang lalaki.

"Ang OA mo naman Nathan, pagkain lang yon." Ang inis na sambit ni Hushlee at saka umirap kaya naman bumusangot ang lalaki na tila ba nag tatampo.

"Ganyan kana sakin baby huh, siguro hindi mona ako mahal." Ang sabi pa nito na nakanguso kaya naman sinapok sya ni Maxwell.

"Ang ingay mo langhiya ka." Inis na sambit nito, tumingin naman ako kay Tyrone na seryoso lang na nakatingin sa pinapanood kaya itinuon ko na rin doon ang aking pansin, pero dahil ang boring ng scenes ay hindi ko mapipigilan ang humikab.

Agad kung isinandig ang ulo ko sa sofa at hindi ko namalayan na unti unti na akong pumipikit.

[𝐇𝐔𝐍𝐓𝐄𝐑'𝐒 𝐏.𝐎.𝐕]

ANDITO parin ako sa garden kung saan unang beses kung mayakap si Ariana, medyo humupa na rin ang init na nararamdaman ko, dahil na rin doon kaya naisipan ko nang bumalik sa dorm.

Pero hindi pa man ako nakakarating sa dorm ay parang may mga matang nakamasid sakin.

Hinanda ko na ang sarili ko kung sino man sila, at hindi nga ako nag kamali dahil may nag palabas ng kapangyarihang ang isa sa kanila, they are darkians, hindi pa ba sila nakontento sa laban na nag ganap nung isang gabi tsk.

"Pinatay nyo ang anak ko!" Galit na sigaw ng isa sa kanila, sampo lahat sila pero mukhang siya ang leader.

"Mag babayad kayo sa pag patay nyo kay Finkly." Siya pala ang ama ng walang hiyang babaeng yon tsk.

Hindi ko na siya hinintay pang mag salita dahil wala naman akong pakialam sa mga sasabihin niya pa.

Agad na akong nag palabas ng kapangyarihang apoy, binalot ko sila isa isa sa apoy kung kaya't nag sisigaw sila sa hapdi ng kanilang katawan, hindi pa ako nakontento at agad na rin nag pakawala ng fire blade lahat sila ay pinatamaan ko, kaya naman ay naging abo sila sa ganoon lamang kadali.

Pag pasok ko pa lamang sa sala ay nakita kong nanonood sila ng pelikula, nakita ko rin si Ariana na tulog na, hindi ata nila napansin dahil wala man lang silang pakealam sa lagay ng dalaga.

"Saan ka nang galing kuya?" Ang tanong ni Frylah na hindi ko naman sinagot, kinarga ko na si Ariana papasok sa kwarto ko, kaya kanya kanya silang kantyaw sakin na hindi ko naman pinansin.

Inihiga ko siya ng marahan sa kama at saka kinumutan. Pagkatapos ay pumasok na rin ako sa banyo para maligo. Ang baho ko na, nakakahiya naman na tumabi kay Ariana na ganito ang amoy ko, tsk.

Pag tapos maligo ay tumabi na rin agad ako sa kanya at saka niyakap siya sa may tiyan. Agad ko nang pinikit ang mata ko.

***

"KYAHHHH!! WAHHHH!!" Agad akong napabangon nang wala sa oras dahil sa malakas na sigaw ng babae, at isama mo pa ang malakas nitong sipa sakin dahilan para magising ang diwa ko.

"B-bakit naka hubad ka?" Ang utal utal na sabi ni Ariana kaya napatingin ako sa katawan kung naka hubad nga, pero damit lang naman dahil may short naman akong suot.

"Tsk, ang arte mo naman akala mo naman kung hindi mo niyakap to kagabi." Ang sabi ko at tumayo na para mag bihis, kita ko rin ang pamumula ng pisngi niya.

"Hindi kita niyakap, baka ikaw siguro ang nakayakap sakin." Inis niyang sabi ag tumayo na pumunta sa banyo, pag labas niya ay basa ang kanyang mukha, nag hilamos siguro siya.

Lumabas na siya ng kwarto at saka pumunta sa kusina kaya sumunod na lang ako sa kanya, hanggang ngayon ay suot niya parin ang damit ko, naka short lang din siya kaya kitang kita ang mapuputi niyang binti.

"Bastos ka!" Ang sigaw niya sa pag mumukha ko, dahil nahuli niya akong nakatingin sa may short niya.

"Wag ka ngang moody wife." Ang sabi ko at saka umupo para panoorin siya sa kanyang gagawin.

"Anong wife, tigil tigilan mo nga ako Hunter." Inis niyang bigkas at nag simula nang mag luto. Ang masasabi ko lang, magaling siyang mag luto dahil amoy na amoy na agad ang niluluto niya.

"Pwede ka nang mag ka anak wife." Hindi niya ako pinansin kaya tumingin na lang ako sa kanya ng seryoso.

Ang ganda niya kahit wala siyang ayus sa kanyang sarili, at kahit anong gawin niya ay nananatili parin ang kagandahan niyang taglay, fuck this feeling I'm so in love with her, tumayo na ako para tulungan siya sa ginagawa niya dahil nakakahiya naman at na alala ko pala na liligawan ko na siya, at ngayon na ako mag sisimulang ligawan siya para makuha ko ang matamis niyang oo.

"Ang akala ko ba panonoorin mo lang ako?" Taas kilay niyang sambit dahilan para mapatawa ako ng mahina.

Napapansin ko rin na hindi na siya masyadong cold. Siguro ay binabago niya na ang sarili niya. Pero sobrang taray at sungit niya parin. Ang daldal niya na rin, hindi tulad noon na halos hindi siya mag salita, at kung mag sasalita man ay sobrang cold.

"Tulala ka na, ano? Ang sabi ko ihain mona ang niluto ko dahil nagugutom na ako." Agad akong nabalik sa sarili ng tapikin niya ako at mag salita ng malakas.

Tulad ng sinabi niya ay hinain ko na ang niluto niyang adobo. Bigla akong napatingin sa ibang royalties ng mag labasan sila sa kanilang mga kwarto at nag uunahan na pumunta dito sa kusina.

"Wow! Ang sarap naman niya." Bigkas na sabi ni Nathan, at agad na kumuha ng plato. Hinayaan kona lamang sila at itinuon ang pansin kay Ariana, na nag sisimula ng kumain.

Kumain na rin naman ako dahil ayukong maubusan ng pagkain. Lalo pa at yung mahal ko ang nag luto.

Pagkatapos kumain ay sila na din naman ang nag hugas, papasok na rin ulit kami sa klase, o mas maiging mag ta-train kami ng mga studyante para sa darating na digmaan.

Bumalik na rin naman si Ariana sa dorm niya dahil nandun ang kanyang mga damit. Ang napag usapan namin ay mag sasabay sabay na lang kami sa pag pasok sa klase.

***

HINIHINTAY na lang namin si Ariana dahil kanina pa ay hindi pa siya dumarating.

"Ang sexy ng nerd na yon bro."
"Liligawan ko na talaga yon."
"Ang ganda niya."

Agad akong napatingin sa tatlong lalaki na napadaan sa kinaruruunan namin kaya narinig ko rin ang sinabi nila, sinong nerd ba ang tinutukoy nang tatlo na yon?

Nasagot lang ang tanong ko nang makita ko ang papalapit na nerd sa amin. Ang suot niya ay pantalon na itim at sando na itim rin, at jacket na itim, naka salamin rin siya ng malaki.

"Tara na." Aya nya saamin pero hindi kami gumalaw dahil hindi naman namin siya kilala, pero nagulat kaming lahat ng mag lakad si Tyrone kasabay nung nerd.

Nakita kung inalis ng nerd ang salamin niya pero hindi ko nakita ang mukha niya dahil naka talikod siya.

"Bakit sumama don si Tyrone?" Ang takang sabi ni Hushlee, kita ko rin na nasaktan si Steffany. Hindi na ako mag tataka dahil alam kung may feeling na din ang dalaga para kay Tyrone.

"Baka naman mag ka kilala silang dalawa?" Ang sabi naman ni Samantha.

Pero lahat kami nagulat nang lumingon samin ang babae at kumindat, walang iba kundi si Ariana.

"What!?"
"Ariana?"
"Si Ariana at ang nerd ay iisa?"

Ang gulat na sambit nila, maging ako ay nagulat din dahil dun. Kung ganon matagal nang alam ni Tyrone na si Ariana at ang nerd ay iisa?

"Pwede ba mag explain ka nga Ariana about dito?" Ang sabi ni Samantha na hindi mapigilan ang sarili.

"Bakit?" Ang nag tatakang sambit ni Ariana, huminga ako ng malalim dahil sa mga nangyayari, feeling ko anytime ay may malalaman pa ako na iba pa.

"Ariana, ikaw at ang nerd noon na nakalaban ni Finkly ay iisa?" Ang sambit naman ni Maxwell, kaya tumango lang si Ariana bilang sagot.

"Pero bakit kailangan mong mag panggap bilang nerd." Ang sunod na tanong naman ni Steffany.

"Hindi na mahalaga yon, kasama na yon sa plano ko. Para mawala ang babaeng yon." Ang matigas niyang sabi dahilan para matigilan sila, at this time ako naman ang nag tanong.

"Matagal na ba itong alam ni Tyrone?" Seryosong aniya ko, tumango lang si Ariana at nag simula na ulit mag lakad.

"Hindi na mahalaga kung nag panggap man akong isang nerd. Dahil sa ikabubuti nyo rin naman yon." Ang sabi niya sa seryosong boses.

"Ariana, kailangan daanin natin sina ama't ina sa head master office, tiyak na nag hihintay na sila sayo." Ang sabi ni Tyrone, kaya tumango lang si Ariana, naka sunod lang kaming iba pa.

Pag dating namin sa head master office ay si Tyrone na ang kumatok, at bumukas. Pumasok sila habang kami ay naka sunod lang.

"Andito ka na pala Ariana." Ang sabi ni tita Athena, tumango si Ariana pero kita ko ang lungkot sa kanyang mata, para din siyang nangungulila.

"Are you okay Ariana, bakit ang lungkot mo ata ngayon." Ang sabi ulit ni tita Athena pero nanatiling nakatingin lamang si Ariana sa mga mata ni tita.

"I just want to thank you, dahil niligtas mo ang asawa ko." Ang sabi ni tita at ngumiti, kita ko ang pag landas ng luha sa kanyang pisngi na agad niya ding pinunasan.

"Q-queen Athena, can I hug the both of you?" Ang sabi ni Ariana, namamaos din ang boses niya habang nakatingin kay tito Kredaurus.

Ngumiti si tita Athena at tumango, sabay silang yumakap kay Ariana.

"Thank you Ariana for saving my life." Ang seryosong saad ni tito Kredaurus na agad naman ikinangiti ni Ariana.

"Welcome King Kredaurus." Kita sa mata ni Ariana ang kalungkutan na hindi niya kayang ikubli.

"Maraming salamat sa pag liligtas sa aming lahat. Lalo na sa asawa ko. Thank you dahil na realize namin na hindi si Finkly ang anak namin, sobrang excited lang akong mayakap ang anak ko. Dahil sa tagal na panahon na hindi kami mag kasama sobrang na ngungulila na ako sa kanya." Ang sabi ni tita Athena na ikinatango ni Ariana.

"Karangalan kung mailigtas kayong lahat dito Queen Athena, dahil iyon ang tungkulin ko, kaya ako ipinanganak dito sa mundo." Ang sabi ni Ariana, hindi agad nakapagsalita si tita Athena kung kaya si tito ang sumagot kay Ariana.

"What do you mean by that Ariana?" Ang seryosong saad nito, umiling naman si Ariana.

"Wala po, King Kredaurus." Pagkatapos ay nag paalam na rin naman si King Kredaurus at Queen Athena, dahil may tungkulin pa raw sila sa palasyo, habang kami naman ay nag lalakad papuntang klase.

"Good morning class, ngayon ay napag desesyonan ng mga guro na, ang mga royalties ang mag iinsayo sa mga studyante sa nalalapit na digmaan, kasama si Ms. Ariana sa pag insayo ng studyante, dahil isa siya sa kilalang magaling dito sa Academy." Ang sabi nang guro, kakapasok pa lang namin ng bigla itong sumulpot sa unahan.

"Ang ibig nyo pong sabihin sir ay, pati si Ariana ay mag iinsayo ng studyante?" Ang paninigurong saad ni Hushlee dahilan para barahin naman ni Nathan.

"Oo nga yun na nga ang sinabi mag tatanong pa." Nang iinis na saad nito.

"Ang gago mo rin Ei no? Nag tatanong lang naman ako. Tsk." Inis na sabi ni Hushlee, haynakung dalawa na to, tsk panigurado magiging mag jowa to.

"Ano yan! Ano yan huh, baka kayo mag katuluyan?" Pang iinsulto naman ni Samantha dahilan para mainis lalo si Hushlee.

"Shut up guys, yes ngayon na kayo mag sisimula, dahil ano mang oras ay pwedeng  lumabas na ang pulang buwan, yun na lamang marahil ang hinihintay ng darkians para sumugod satin kasama ang Dark King." Ang seryosong aniya at saka tumingin saamin ng deretso, napatingin naman ako kay Ariana na seryoso lang din na nakikinig.

"Ang pulang buwan ay siyang nag sisilbing lakas ng darkians, dahil nagiging malakas sila kapag lumalabas ang red moon. Ang white magician naman ay ang silbing lakas natin ay ang normal na sikat ng buwan, kung kaya napili ng darkians na sumugod kapag red moon dahil panigurado, mahina tayo sa paningin nila. Lalo pa ngayon dahil hindi pa natatagpuan ang totoong prinsesa." Ang mahabang salaysay nang guro, sana nga maging maayos parin ang lahat pag katapos ng digmaan. Ayukong may masawi, isa man sa mga importante saking buhay.

Pagkatapos nang napag usapan ay lumabas na ulit kami sa klase. Ang mga studyante ay nag tipon sa labas ng building.

"Lahat naman siguro ay alam nyo na ang gagawin nyo?" Ang malakas na sabi ng isa sa guro dito sa academy habang naka harap sa maraming studyante.

Nag hiyawan ang mga studyante dahil dun.

"My ghod, sana si Prince Hunter ang mag insayo sakin."
"Oo nga excited na ako!"
"Ayieee, ako kahit sino na lang mag insayo sakin."

Bulungan nang mga studyante tsk.

"Ang royalties ang pipili ng gusto nilang turuan mag insayo, o kaya naman ay kayo na ang bahala na pumili ng gusto nyong mag insayo sainyo, para maging komportable kayo." Ang sabi ng guro, kaya ganon nga ang ginawa ko, ako na mismo ang pumili ng gusto kung turuan.

Ayuko kasi sa masyadong papansin na babae kaya puro lalaki ang pinili kung turuan tsk.

Humanap na rin ako nang lugar na pwede kaming mag insayo. Yung lugar na magiging komportable ang mga tuturuan ko.

"Before we start I want to introduce yourself with me." Ang seryosong ani ko sa mga ito, kaya nag simula na silang mag pakilala.

Bali, twenty lahat ang tuturuan ko. Tsk, masyado pa naman akong tamad para mag turo hayst.

|𝐄𝐍𝐃 𝐎𝐅 𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐇𝐈𝐑𝐓𝐘 𝐅𝐈𝐕𝐄|

Continue Reading

You'll Also Like

89.2K 1.1K 30
What happen's when the most feared woman of night raid become's obsessed with someone? absalute hell for her rival's.
114K 4.6K 43
(This is not machine translated!) (Starts from chapter 241.) A guy in his late twenties one day wakes up in someone else's body and realises he's gon...
1.9M 47.6K 50
She's Elyzelle Blythe Delevigne. She's a Gangster Queen and a Mafia Princess. She's cold. She's merciless. She's brutal. She's always wearing an...
83.6K 2.4K 19
Warning: 18+ ABO worldα€€α€­α€― α€‘α€α€Όα€±α€α€Άα€›α€±α€Έα€žα€¬α€Έα€‘α€¬α€Έα€•α€«α€žα€Šα€Ία‹ α€…α€­α€α€Ία€€α€°α€Έα€šα€‰α€Ί ficα€œα€±α€Έα€™α€­α€―α€· α€‘α€•α€Όα€„α€Ία€œα€±α€¬α€€α€”α€Ύα€„α€Ία€· များစွာ α€€α€½α€¬α€α€Όα€¬α€Έα€”α€­α€―α€„α€Ία€•α€«α€žα€Šα€Ία‹