Sawyer Series#1 : 2 hot to ha...

By _croisentoi

10.2K 615 107

"It's rare to meet a man who is straightforward to tell his feelings to a woman he likes." Aj says to herself... More

Disclaimer
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
Epilogue
Author's Note
Special Chapter

29

112 8 2
By _croisentoi

Chapter 29

   Nagising ako dahil sa tunog ng alarm ng cellphone ko, pikit matang kinuha ko ito at pinatay. Hindi agad nakapag-adjust ang mata ko sa brightness ng cellphone ko. May tatlong texts akong natanggap mula kay Andres wala sa oras na napangiti ako.

Andres:
   Done eating. What you're doing?


Andres:
  Are you sleeping na?


Andres:
  Were home. Sleep well, Jade.


Hindi pa tapos ang kilig na nararamdaman ko ng may text na naman akong natanggap mula sa kanya.

Andres:
  Good morning. Are you awake? Let's go to the park, I'll bring fur with us.

Medyo clingy siya a.


Umayos ako nang upo habang nagtitipa ng reply sa kanya.


Ako:
  Just woke up. Sure, papaalam ako kay mama. Good morning, btw.


Andres:
  Fur and I can wait.


Nakangiting iniling ko ang ulo ko. Hindi na ako nag reply sa kanya at naghilamos na. Mamaya na lang ako maliligo, medyo malamig kasi ngayon. Pero sana ay hindi umulan. Pagkatapos kong maghilamos ay kinuha ko ang bag ko para kunin ang suklay ko, nakangiti kong nilabas ang maliit na paper bag. Magugustuhan niya kaya ito? Napahawak ako sa dog tag na suot ko, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ano ang ibig sabibin ng nakasulat dito.


Mabilis kong binalik sa loob ng bag ang paper bag ng biglang bumukas ang pinto, nag-angat ako ng tingin, nakita ko si Alfred na nakasandal sa pintuan habang nakangisi sa akin.

"Hindi uso katok?" tanong ko sa kanya.


"Kumatok ako, hindi mo narinig dahil busy ka."makahulugan na sabi nito, inismiran ko lang siya at inayos na ang bag ko.


" Mag-ama mo nariyan na sa labas, inaantay ka na."nang-aasar na sabi nito.



" Magtigil ka nga,"kunyaring naiinis kong sabi sa kanya. Mag-ama? Bakit ang sarap pakinggan? Mabilis kong iniling ang ulo ko, bakit doon na ako napunta? Shocks!

" Kunyari ka pa e," hindi ko na lang siya pinansin.


Sabay kaming lumabas ng kwarto, agad nagtama ang paningin namin ni Andres na nakaupo sa mataas na upuan, umangat ang kilay nito sa akin iniwas ko ang paningin ko sa kanya. Ang aga ko naman makakita ng anghel.



" Gising ka na pala, kumain ka muna bago kayo pumunta ng park ni Andres," agad kong tinignan si Andres na nakaangat pa rin ang kilay sa akin. Ano bang problema niya?


"Pinagpaalam ka na niya sa akin kanina, igagala nyo daw si Fur." sabi pa ni mama, marahang tumango na lang ako. Hindi ko na pala kailangan na mag-paalam dahil nakapag paalam na siya.


"Ang aga naman ng date nyo," bulong ni Alfred sa gilid ko, mahinang siniko ko siya. Kapag siya narinig ni mama!


"Maupo na kayong dalawa,"


Sinamaan ko ng tingin si Alfred ng hilahin niya ako paupo sa tabi ni Andres, sana pala ay naligo na muna ako. Ang bango ng katabi ko! Bakit ba ang tamad kong maligo?

"Good morning," he said.


"Ah, good morning."nahihiyang sabi ko. Alam ko naman na hindi mabaho ang hininga ko pero nahihiya ako, ang fresh niyang tignan kahit na hindi pa siya naliligo.


Pagkalapag ni mama ng pagkain sa harap namin ay pumirmi ito sa harapan namin.


" Huwag kang masyadong iinom mamaya, Aj." babala ni mama sa akin, alam niya naman iyon.

"Opo," sagot ko.


"She's with me, don't worry." bahagyang nanlaki ang mata ko ng sabihin iyon ni Andres kay mama, gusto ko siyang sikuhin pero nakatingin si mama sa akin. Patay na!

"Alam ko," seryosong sabi ni mama. Patay na!


Pinikit ko ng mariin ang mata ko, nagsimula na si mama na maghugas ng mga hugasan sa lababo.


"Lambingin mo si tita," sabi ni Alfred sa akin.


"Magtigil ka," mahinang sabi ko sa kanya.


Pagkatapos naming kumain ay saglit kaming nagpahinga. Si Alfred ang naghugas ng pinagkainan, wala si mama dahil kasama si ate Nena na mamili ng mga kakainin mamaya para sa birthday ng kambal.


"May kukunin lang ako sa kwarto," sabi ko kay Andres.


"Ok," aniya.


Mabilis akong naglakad papunta sa kwarto, binuksan ko ang bag ko at kinuha ang paper bag doon. Ngayon ko na lang ibibigay sa kanya baka kasi kung mamaya ko iaabot ay hindi ko magawa. Kinuha ko ng maayos ang kwintas at nilagay sa bulsa ko.

" Tara,"


Nagpaalam na kami kay Alfred, hindi ko pa nakikita si Tasha na bumababa. Baka naman tulog pa.


"Where's Tasha?" tanong ko, kalalabas lang namin ng gate, inabot niya sa akin ang tali ni fur...nakangiti ko naman itong kinuha sa kanya.


"She's still sleeping. They drink last night." aniya.


"Ah, nalasing. Bakit ikaw? Hindi ka uminom?" tanong ko.


"Just one drink."

Pansin ko na kada may inuman na nagaganap ay isang bote lang ng alak ang iniinom niya.


"High tolerance?" tanong ko, hindi ito sumagot kaya tinignan ko siya mabilis siyang nag-iwas ng tingin. Ngumisi ako.



"Mababa tolerance mo sa alak ano? Kaya isang bote lang ang lagi mong iniinom," sabi ko sa kanya.


"It's not that..."


"Sus, don't deny it." pang-aasar ko. Tumalim ang tingin nito sa akin kaya tumawa ako.


"Hindi naman masamang itanggi atleast nag-eenjoy ka," sabi ko. Umiling na lang siya sa akin.


Pagdating namin sa park ay marami ng bata ang naglalaro, ang iba sa kanila ay may kasamang mga bantay. Dahil hindi naman mainit at maraming nakatambay sa park. May mga ilang kasing-edad lang din namin ang narito, ang iba ay nag jojogging.


Umupo si Andres sa isang bench na malapit sa mga bata, umupo ako sa tabi niya. Kinuha ko si fur at kinandong ito sa kandungan ko. Nakita ko ang ilang babae na nakatingin kay Andres, tingin ko ay kilala na siya dito o silang dalawa ni Tasha.


"Gusto mo bananaque?" tanong ko.


"You're gonna treat me?" tumango ako. "Oo, since it's your birthday, iyon na lang regalo ko." sabi ko sa kanya, ngumiti ito sa akin. Shocks! Minsan ko lang makita ang ngiting iyan kaya dapat ay sulitin ko na!


"Sure,"


Nilapag ko si fur saka tumayo. "Wait here, bibi—



" Sasama ako," aniya sabay tayo din, tumango na lang ako.


Walang customer sa nagtitinda ng bananaque ng makalapit kami. Kahit kumain na ako kanina ay bigla akong nagutom dahil sa amoy ng bananaque. Bagong luto pa!


" Dito kayo madalas bumibili, ano?" tanong ko sa kanya.


"Hmm," sagot niya. Ang tipid talaga, pero 'di bale atleast sumasagot siya.


"Ate dalawa nga po,"sabi ko sa tindera.


" Ito iha o, bagong luto." iniabot niya sa akin ang dalawang bananaque, nakangiti ko itong kinuha saka binigay ang isa kay Andres. Binigay ko na rin ang bayad sa kanya.


" Magkano po mineral water?"


" Kinse ang isa, "


" Dalawa rin po," sabi ko.


"Ako na," sabi ni Andres ng magbabayad ako sa tubig. Nakangiting umiling lang ako sa kanya at inabot na ang bayad.


"Salamat po,"


Bumalik kami sa upuan namin kanina, tinanggal niya ang tali ni fur kaya malaya na itong nakakatakbo sa harap namin. Kampante naman siyang hindi lalayo si fur, may mga ilang aso rin kasi na narito, mga wala ring tali.

"Ang sarap, ano?" tanong ko.

"Yeah," tipid na sagot niya.


Katahimikan ang bumalot sa amin, pinapanood lang namin ang mga batang naglalaro sa gilid namin. Nakangiti kong pinagmamasdan ang mga ito, ang sarap sigurong magkaroon ng kapatid na bata. Ang sarap siguro magkaroon ng kasama, kapag mag-isa na lang kasi ako sa bahay doon sa bicol ay mararamdaman mo talagang mag-isa ka. Kaya madalas ay kila Adelaida ako natutulog, pakiramdam ko kasi ay kapatid ko na rin silang dalawa ni Audrey.


"I have a gift for you," mahinang sabi ko, ang kaba sa dibdib ko ay nagsisimula na namang magparamdam.

"Gift?" halata ang pagtataka sa boses niya.


"Oo, gift." sabi ko sabay pakawala ng mahinang tawa.



"But, don't expect too much a. Wala kasi akong maisip na regalo sa'yo e," wala rin akong perang pambili, dudugtong ko sana.


"As long as it's from you."


Ngumiti ako sa kanya saka kinuha ang kwintas sa bulsa ko, pinagpasalamat kong hindi ito nabuhol. Pinakita ko ito sa kanya.


"Since binigay mo ang dogtag mo sa akin ay papalitan ko," sambit ko.


Tumayo ako at pumunta sa likuran niya, mabilis kong kinabit ang kwintas sa kanyang leeg.


"There, happy birthday." nakangiting sabi ko sa kanya.


Hindi ako nakarinig ng sagot mula sa kanya. Blangko lang ang ekspresyon ng mukha niya. Wait, hindi niya ba nagustuhan? Hindi naman siya mangingitim dahil silver naman siya, allergic ba siya sa silver? Teka...

" You made my day special, Jade." seryosong sabi nito habang nakatingin sa mga mata ko. Kinurap kurap ko ang mata ko. Hindi alam ang sasabihin! Shocks! Ang hilig niya talagang mangbigla.


Nagpakawala ako ng awkward na tawa saka nag-iwas ng tingin sa kanya.


" Akala ko ay hindi mo magugustuhan," sabi ko.

Narinig ko ang pag ngisi niya pero hindi ko siya tinignan. Naiilang ako kapag tinitignan ko siya.


"Thanks for this,"


Hindi kami nagtagal sa park at agad ng bumalik sa bahay nila. Dumiretso siya sa kwarto niya kaya nakangiti akong naglakad papunta sa dining, naabutan ko si Tasha na kumakain. Mahina akong tumawa bago umupo sa tabi niya.


"Anong nangyari sa'yo?" tanong ko sa kanya.


"Don't laugh at me, Aj. Ang sakit ng ulo ko," nakalagay ang kanyang kamay sa kanyang baba, magulo ang kanyang buhok.


"Hindi naman, nagtatanong lang ako." sabi ko sa kanya.


"Hangover,"


"Balak mo bang sirain ang atay mo?" tanong ko sa kanya, natatawa.


"Last ko na mamaya," aniya, tumango na lang ako.


"Happy birthday," nakangiting bati ko sa kanya.


"Salamat,"



"Wala akong regalo sa'yo, so Adelaida and I decided na after ng party mo ay gagala na lang tayong tatlo." sabi ko sa kanya.



"I love that,"excited na sabi niya.


Sinamahan ko siyang kumain. Hinahayaan ko lang siyang sabihin ang mga gusto niyang gawin mamaya sa birthday niya. Paniguradong maraming alak kaya kailangan kong ihanda ang sarili ko, hindi ko man alam kung sino ang mga iniimbitahan niya.


" Dalawang swimsuit ang binili ko, ibibigay ko sa'yo ang isa." aniya.


"Hindi na, may ipapahiram naman si Adelaida sa akin."



"Sige sa'yo na," ngumuso ako sa kanya.


Sanay akong magsuot ng mga ganoong suot. Maraming resort sa bicol, sa bawat okasyon ay laging swimming ang pinupuntahan namin ni Adelaida, nasanay lang naman ako dahil kay Ade. Lagi niya akong pinipilit na magsuot ng swimsuit.


" Sige na nga."


Alas tres pa lang ng hapon ay narito na si Adelaida. Inihatid siya ng driver nila papunta rito, balak nya kasing sumabay mamaya papunta sa resort kung saan gaganapin ang birthday ng kambal.


Tumutulong ako sa paghahanda ng mga kakailanganin mamaya, maliban nga lang sa pagluluto. Kapag nagkaroon ako ng oras ay mag-aaral nga akong magluto doon sa condo. Hindi naman siguro ako pagtatawanan nila Ade kung sila ang magiging food tester ko.

"Lutuin mo daw 'yong shanghai," sabi ni Ade sa akin.


"Ikaw na," sabi ko.



"Paano ka matuto niyan, Aj?" aniya, hindi ko siya pinansin kaya sa huli ay si Alfred ang nagluto ng shanghai. Bineletan ko si Ade ng magtama ang paningin namin.


"Marami ba ang pupunta?" tanong ko kay Tasha.



"Hindi naman, sila Tricia lang naman at tayo,"


"Walang kaklase nyo?" tanong ko.



"I don't know kay Andres, baka pumunta si Sharmaine." napahinto ako sa ginagawa ko ng marinig ang pangalan niya.


"You know her?" tanong ni Tasha sa akin.


"Hindi," sagot ko, nagpatuloy ito sa ginagawa niya.



He invited her? Sabagay, magkaibigan sila...magkaibigan nga ba? Ano ba iyan! Bigla tuloy akong nawalan ng gana. No, Amarine Jade, huwag kang magpapakain sa selos.


Alas singko na nang hapon, tapos na ang mga niluto nilang pagkain. Nakahanda na ito para dalhin sa resort. Inihanda ko na rin ang mga gamit ko, sa condo na kasi kami didiretso dahil malapit lang ang resort doon.


"Aalis na kami ma," paalam ko kay mama, nagpapahinga na ito.



"Sige, mag-iingat kayo." humalik ako sa pisngi ni mama bago kunin ang bag ko.


"Sige po,"


Isang backpack ang dala ko at dalawang paper bag. Nakalagay na sa van ang mga pagkain na dadalhin pati ang ang ilang kailangang dalhin. Ihahatid kami ng parents nila Tasha doon kaya dalawang van ang gagamitin, ang naunang van ay puros gamit at pagkain lang laman.


"Akin na," kinuha ni Andres ang dalawang paper bag na
hawak ko. "Salamat," sagot ko.


Nakita ko ang kwintas na binigay ko sa kanya, bagay naman sa kanya. Ano kayang regalo ni Sharmaine sa kanya? Paniguradong mamahalin dahil mayaman iyon e, hindi ko maiwasang isipin. Bakit ba kasi pupunta iyon?


"Kanina ka pa wala sa sarili, ayos ka lang ba?" bulong ni Ade sa akin.


"Oo naman," sagot ko.


"Ready na ba kayo?" tanong ni tito Andrew sa amin.



"Yes dad," sagot ni Tasha.



"Tara na,"



Binuksan na nila ang pintuan ng van, nasa harapan ang mag-asawa. Naunang pumasok si Tasha, tumabi sa kanya si Ade, tatabi na sana ako ng unahan ako ni Alfred. No choice ako kun'di ang umupo sa likod, umupo sa tabi ko si Andres. First time ko siyang makakatabi talaga sa sasakyan.


"Excited?" tanong ni Andres sa akin.


"Medyo, ikaw ba?" tanong ko. He would be, darating si Sharmaine.


"Na-ah, I rather staying in my room with you." mahinang sabi nito habang nakatingin sa akin, kinagat ko ang ibabang labi ko saka nag-iwas ng tingin sa kanya. Ang galing niya talagang bumanat!


Dahil hindi naman trapik ay wala pang isang oras ng makarating kami sa resort. Private resort ito. Nagsisimula ng dumilim ang kalangitan, malamig na rin ang simoy ng hangin.


"Huwag magpapasobra sa inom a," sabi ni tita amy sa amin.


"Yes mom," sabi ni Tasha.



"Andres, bantayan mo ang kapatid mo, alam mo naman ito." sabi ni tito Andrew kay Tasha, ngumuso si Tasha sa daddy niya.


"Dad," nakangusong sabi nito.


"I know dad,"


Niyakap silang dalawa ng mommy nila, pati ang daddy nila ay nakisama na rin. Napangiti ako habang nakatingin sa kanila. Ano kaya sa pakiramdam ang buo ang pamilya? Ano kaya sa pakiramdam ang may tatay? Iyong tatay na yayakapin ka, kakamustahin ka, 'yong tatay na laging nagpapaalala sa'yo. Ano kaya sa pakiramdam?


"Mag-iingat kayo a, kung may problema dito ay huwag kalimutang tumawag sa bahay," sabi ni tita Amy sa amin.


"Sige po,"


Inantay na muna namin na makaalis ang van bago kami pumasok sa loob. Agad binati ng babaeng sumalubong sa amin ang dalawa. Muling kinuha ni Andres ang paper bag na hawak ko, pati ang bag ko ay gusto niya ring siya ang magbitbit.


"Kaya ko," sabi ko.



Pagpasok namin sa loob ay hindi ko maiwasan ang mamangha, napapalibutan ng ilaw ang gilid ng pool. Hindi ba delikado iyon? Agad kong nakilala ang mga naroon na, ang mga pinsan nila pati ang mga kaklase ni Andres na nameet ko ng isama niya ako nakaraan.


"Hi, Aj." nakangiting sabi ni Trisha sa akin.


"Hi,"


Pumwesto kami sa isang mesa, inilapag ko ang bag na dala ko sa ibaba. Nilapag naman ni Andres ang dalawang paper bag ko sa gilid ko. Tumulong akong ayusin ng maayos ang mga pagkain sa gilid. Hindi na makausap ang dalawa dahil pinupuntahan nila ang mga bisita nila.


"Ang dami naman nilang kaibigan," sabi ni Ade sa akin, kaming dalawa na lang ang naiwan dito na nag-aayos. Si Alfred kasi ay inasikaso ang inumin para sa mga bisita.


"Mayaman e," sabi ko.



"Ang gwapo ng mga pinsan nila, halata sa lahi e." sabi niya pa, sinulyapan ko ang mesa ng mga pinsan nila. Ngumiti sa akin si Charlotte ng magtama ang paningin namin, tumayo ito ay naglakad palapit sa amin.



"Ahm, Ade. This is Charlotte, Charlotte this is Adelaida, my cousin." sabi ko, inilahad ni Charlotte ang kamay niya sa harap ng pinsan ko.



"Hi, nice meeting you," nakangiting sabi nito.



"Nice meeting you, too." sabi naman ni Ade.



"Best friend ako ni Andres, pero wala kang dapat ibahala sa akin para sa pinsan mo. Hindi ko trip ang yelo na 'yon." sabi nito.


"Charlotte," sabi ko. Ngumuso ito sa akin.


"Waiting for someone?" tanong ni Ade.



"Ahm yeah, you know Hudson? Pinsan nila Andres?" Umiling si Ade sa kanya, dumapo ang tingin ko sa entrance. Saktong kakapasok lang ni Hudson doon, sinalubong siya ng dalawa.


"He's here," sabi ko kay Charlotte.


Bigla naman itong nataranta, "Omaygash, mahigit isang linggo kaming hindi nagkita. How do I look?" tanong nito sa amin, natawa kami ni Adelaida.


"You look pretty,"


"Talaga?" tumango ako.



"See you later, aasikasuhin ko lang ang aking lovelife," hindi na nito kami inantay na makapagsalita at basta na lang kaming tinalikuran.



"Lahat ng pinsan ni Andres ay gwapo, pero mas nakakalamang siya." sabi ni Ade sa akin, tinignan ko naman ang mga pinsan ni Andres. Si Tasha lang ang nag-iisang babae, wala ba silang pinsan na babae? They look protective...'yong mga tingin nila kay Tasha.


" Kawawa naman si Casper, "sabi ng katabi ko.


Ngumiti ako kay Andres ng magtama ang paningin namin, kinausap nito si Tasha. Umayos ako ng tayo ng makitang papalapit siya sa pwesto namin.


" Solo time..."Hindi ko pinansin si Ade ng sabihin niya iyon, tinawag nito si Alfred ng makita. Ngayon ay ako na lang tuloy ang mag-isa dito habang inaantay ang papalapit na si Andres.


Agad napawi ang ngiti sa labi ko ng harangan ni Sharmaine si Andres, napansin ko ang hawak nitong maliit na paper bag, mapait akong ngumiti saka tumalikod para ipagpatuloy ang ginagawa ko.


She's here and that means...


Mabilis kong iniling ang ulo ko, ano naman kung narito siya? Hindi dapat ako magpaapekto.

Continue Reading

You'll Also Like

17M 653K 64
Bitmiş nefesi, biraz kırılgan sesi, Mavilikleri buz tutmuş, Elleri nasırlı, Gözleri gözlerime kenetli; "İyi ki girdin hayatıma." Diyor. Ellerim eller...
691K 2.6K 65
lesbian oneshots !! includes smut and fluff, chapters near the beginning are AWFUL. enjoy!
Riptide By V

Teen Fiction

324K 8.3K 117
In which Delphi Reynolds, daughter of Ryan Reynolds, decides to start acting again. ACHEIVEMENTS: #2- Walker (1000+ stories) #1- Scobell (53 stories)...
4.6M 137K 52
After her mother's death Lilith gets a new legal guardian, her older brother. With no knowledge of having four other older brothers, Lilith is send...