Heartbreaks Cure (SIGHTSERIES...

By maritinaajam

559 41 0

SS#2 Lia Amelia Alcazar, a woman who is always confused by things she doesn't understand. Things that confuse... More

PROLOGUE
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FORTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY-ONE
CHAPTER TWENTY-TWO
CHAPTER TWENTY-THREE
CHAPTER TWENTY-FOUR
CHAPTER TWENTY-FIVE
CHAPTER TWENTY-SIX
CHAPTER TWENTY-SEVEN
CHAPTER TWENTY-EIGHT
CHAPTER TWENTY-NINE
CHAPTER THIRTY
CHAPTER THIRTY-ONE
CHAPTER THIRTY-TWO
CHAPTER THIRTY-THREE
CHAPTER THIRTY-FOUR
CHAPTER THIRTY-FIVE
CHAPTER THIRTY-SIX
CHAPTER THIRTY-SEVEN
CHAPTER THIRTY-EIGHT
CHAPTER FORTY
CHAPTER FORTY-ONE
CHAPTER FORTY-TWO
CHAPTER FORTY-THREE
CHAPTER FORTY-FOUR
CHAPTER FORTY-FIVE
CHAPTER FORTY-SIX
CHAPTER FORTY-SEVEN
CHAPTER FORTY-EIGHT
CHAPTER FORTY - NINE

CHAPTER THIRTY-NINE

4 0 0
By maritinaajam

C-39




Hindi ko napigilang mapatingin sa kaniya, dahilan kaya nakasalubong ko rin ang tingin niyang nakapukol pala sa 'kin.
Napabuntong-hininga na lang ako, iniwas na rin ang tingin ko.






Ngunit kahit hindi na 'ko nakatingin sa kaniya, nararamdaman ko pa rin ang titig niya. May kung ano sa titig na ibinibigay niya at naiilang ako sa paraan na 'yon.







"T-Tara na nga," pag-aya ko na lang sa kaniya. Pasimple ko pang kinurot ang sarili ko dahil sa hindi maipaliwanag na pakiramdam. Bahagya ko pang ipinilig ang ulo ko at pasimpleng humugot ng hangin.







Those words... His words really has something that I couldn't explain. Gusto kong isipin na sinabi niya lang 'yon just for me to understand the situation. Puwede rin naman talagang isipin na nila na hindi na nila ako malalapitan  pa lalo na't sa paraan kung paano ako hawakan ni Adriel.






But on the other side... may kung ano sa sinabi niya na para bang may katotohanan 'yon. It was as if something that he really want to say but he just don't know how to actually say it. Ayokong mag-assume o mag-isip pero pakiramdam ko, 'yon mismo ang gusto niyang iparinig at iparamdam sa 'kin.






Wala na siyang balak bitawan ako? Sa klaseng emosiyon na naramdaman ko sa kaniya nang sabihin niya ang mga salitang 'yon... mas nagiging dahilan para mag-isip ako ng kung ano-ano. Damn it, Lia! Stop over-thinking!







"Ang lalim naman yata ng iniisip mo," narinig kong sabi niya.







Mabilis na lang akong umiling sa kaniya bago nagpaunang lakad. Naramdaman ko rin ang pagsunod niya lalo pa't hawak-hawak pa rin niya ang bewang ko, wala pa yatang balak bitawan hanggang sa makalayo kami rito.






Hindi ko pa naiwasang mapatingin sa gawi ng mga lalaking kanina lang, nakatingin sa gawi namin. Nahagip pa ng tingin ko ang lalaking lumapit sa 'kin kanina, mukhang may bagong natipuhan na.







"Eyes here, Lia," tila seryosong sabi bigla ni Adriel. Mabilis ko namang iniiwas ang tingin ko kaya muli kong nakasalubong ang tingin niya.






"What?" Ang seryoso naman kasi ng tingin niya. Parang sa klase ng tingin niya, mukha akong nakagawa ng malaking kasalanan sa kaniya.






"Hindi mo dapat itinutuon ang tingin mo sa iba," tila nangangaral niyang sabi.






Wala sa sariling napakurap ako. Ano bang sinasabi nito? "Kung ano-anong napupuna mo.   Parang tumingin lang, e..." Tinaasan naman niya 'ko ng kilay. "Don't you dare raise your eyebrow on me! Duh! Mas mataray pa rin ako sa 'yo."






Narinig ko ang palihim niyang tawa bago napapailing na pinakatitigan ako. Tiningnan ko naman siya na may pagmamayabang na ikinangisi rin niya.





"Mataray as always..." Tumango-tango pa siya. "That personality doesn't even change."





Napabusangot ang mukha ko sa sinabi niya. "Huwag kang tumawa-tawa, Adriel. Sa 'yo lang naman ako nagtataray."






Tumango-tango na naman siya. "Yeah... And I'm still very get used to that behavior of yours, Lia..."





Napairap na lang ako sa kawalan sa sinabi niya. 'Yan na naman 'yung mga sabi-sabi niya na para bang matagal na talaga kaming magkakilala.






"Dami mong hanash, 'no? Kanina pa natin inaaya ang isa't-isa pero nandito pa rin tayo, walang usad." Napatampal ako sa noo ko. "Aalis na ba talaga tayo o hindi?"






Pero imbis na sumagot, nginitian lang ako ng loko't inilingan. This man... puro na lang tawa. Mukha ba 'kong nagjojoke? O mas ako 'yung mukhang joke? Ay ano ba 'yan! Kung ano-ano na lang naiisip ko.






Ako na lang ang kusang humila sa kaniya, agad din naman siyang nagpahila. Naramdaman ko pa ang paghigpit ng pagkakahawak niya sa bewang ko nang mapadaan kami sa mga taong nagsasayawan at nagkukumpulan. Pahirapan kami sa pagdaan pero hindi rin nagtagal, nakaraos at tuluyan na kaming nakalayo.






Hindi rin naman ako nagkamali sa naisip ko. Nang tuluyan na nga kaming nakalayo, agad niya rin namang binawi ang kamay niya't tumigil sa paglalakad. Mabilis din naman akong tumingin sa kaniya na may pagtataka.






"Bakit na naman?!" Inis na tanong ko dahil sa pagtigil niya. Hindi ko rin talaga siya maintindihan minsan. Inaya niya 'kong umalis do'n dahil gusto niyang magpahinga na 'ko... Pero hanggang ngayon, hindi pa kami nakakarating sa tinutuluyan namin kahit pa malapit lang naman 'yon sa pinanggalingan namin.






"'Yung ginawa ko't mga sinabi ko..." Nangunot naman ang noo ko. "Hindi mo kailangan lagyan ng malisya 'yon. It was just a way para hindi ka na nila lapitan," aniya bigla, hindi pa makatingin sa 'kin nang diretso.






Napaiwas ako bigla ng tingin sa sinabi niya. Sabi na nga ba't hindi talaga magandang idea 'yung pag-aassume. Bakit din ba kasi ako nag-isip ng kung ano-ano sa ginawa't sinabi niya? Aish!






"W-Wala 'yon..." Ibinalik ko ang tingin ko sa kaniya, sinubukan ko pang salubungin ang tingin niya. "Naiintindihan ko naman na ginawa mo 'yon para isipin nilang wala silang pag-asa sa 'kin." Bahagya akong napatawa sa isiping 'yon na agad niyang ikinataka. "Baka nga nag-aassume lang tayo na ako ang tinitingnan nila. Maraming magandang babae ang nando'n."







Tumaas naman ang kilay niya. Pinagkunutan ko naman siya. "Bakit ganiyan 'yang reaksiyon mo?" 'Yung reaksiyon niya... para bang hindi siya naniniwala sa sinasabi ko. "Alam ko rin naman na napapansin mo rin 'yung mga magagandang babae na grabe kung makatingin sa 'yo."







"Napapansin?" He slightly tilted his head. "I  didn't even look at them." Ngumisi ito. "Iisang babae lang naman ang nakakakuha ng pansin ko."





Napaiwas naman ako ng tingin na mabilis niyang ikinatawa. Napakunot naman ang noo ko't sinamaan siya ng tingin. Sabi na nga ba't hindi talaga maganda magbigay ng mga isipin sa bawat sinasabi niya.






"Huwag kang mahiya. Hindi naman kasi ikaw 'yung tinutukoy ko," nang-aasar na aniya pa.






"A-Anong... hindi 'no! Hindi ko iniisip na ako 'yon. Grabe 'to!" Pagtanggi ko kahit pa sa loob-loob ko, nahihiya na 'ko. Ano ba naman 'to?! Ano bang nangyayari sa 'kin?






Ipinagpatuloy na lang namin ang paglalakad, nangunguna pa 'ko, sinadiya na hindi sumabay sa kaniya. Hindi na rin kami nag-usap pa dahilan kaya namayani sa 'min ang katahimikan. Tanging hampas ng alon na lang ang naririnig at ang mga tunog na nanggaling sa musika. Bahagya ko pa dinadama ang buhangin na bawat madaanan ng paa ko.







Hindi rin nagtagal, natanaw ko na rin ang hotel na tinutuluyan naming lahat. Ngunit kusa akong napatigil nang napansin ko si Adriel na tumigil din at para bang may binalingan sa kung saan.






Oo na! Kahit hindi ko siya nakikita, nararamdaman ko naman ang bawat kilos niya. Kahit sinusubukan kong huwag pansinin ang mga kilos niya, namamalayan ko na lang bigla ang sarili ko na pinapakiramdaman siya.







"Your boyfriend is in his room, right?" Bumalik ako sa reyalidad nang itanong niya sa 'kin 'yon bigla.






Kumunot naman ang noo ko. "Yeah... why?" Nakita ko ang pagsalubong ng kilay niya.







"Nothing," sagot niya kinalaunan pero nararamdaman kong nagsisinungaling siya pero ayoko na lang punahin. O baka nag-aassume na naman ako kaya kung ano-ano na naman ang naiisip ko.







"Tara na," aya niya muli sa 'kin. Iniwanan niya pa nang nakakunot na tingin ang kaninang kung saan nakabaling ang tingin niya bago bumuntong-hininga't nagpaunang lakad na.







Nagtaka naman ako sa kinilos niya kaya sinubukan kong tingnan ang direksiyon tiningnan niya. Medyo malayo pa lang, may nakita na 'kong dalawang taong magkadikit. Nakatalikod ito sa 'kin kung kaya't ikinatataka ko kung bakit gano'n ang reaksiyon niya. Sila ba 'yung tinitingnan niya? Ano namang mayro'n?







"Huwag mo na silang tingnan," narinig kong aniya.






"I was just curious. Wala naman akong napapansing kakaiba sa tinitingnan mo." Patuloy ko pa ring pinagmamasdan ang dalawang tao na nasa malayo. Sa tingin pa lang, halatang naglalambingan yata sila. "Geez! Pangalawa na 'to, ah!" Reklamo ko.






Napaiwas naman na ako agad ng tingin sa direksiyong 'yon. Ano bang mayro'n sa gabing 'to? Bakit naman kailangan makita ko pa 'yon? Kahit na malayo, alam kong naghahalikan sila ro'n.






Wala sa sariling napahawak ako sa dibdib ko, bahagyang nawirduhan kung bakit nakaramdam bigla 'to ng sakit, hindi ko alam kung bakit.  Anong nangyari? Bakit parang may hatid na sakit 'yung nakita ko? Hindi ko naman sila kilala 'di ba?






"Anong nangyayari sa 'yo? Hey? Tell me!" Narinig kong sabi pa ni Adriel ngunit parang wala akong lakas na magsalita sa hindi ko malamang dahilan.







Walang paligoy-ligoy akong bumaling muli sa direksiyong kaninang tiningnan ko't nalaman din na wala na ang mga taong nakita ko. Pasimple ko pang inilibot ang tingin ko, nagbabakasakaling makita sila pero nabigo ako.







Bakit ko ba hinahanap? Paniguradong nakalayo na ang mga 'yon.






At ano naman kung nakalayo na sila?






"P-Pasok na tayo," aya ko na lang kay Adriel at ako na mismo ang umiwas ng tingin sa direksiyong 'yon.






Mabigat ang mga hakbang na naglakad ako papasok. Bigla kong naramdaman ang tila pagkawala ko ng gana. Para akong naglalakad sa kawalan. Hindi ko na rin alam kung sumunod ba sa 'kin si Adriel pero hindi ko na siya tiningnan pa. All I need right now is rest... gusto ko bigla'ng magpahinga.







Napatigil ako sa elevator. Pipindutin ko na sana 'to nang maunahan ako ng isang kamay sa pagpindot. Wala sa sariling tumingin ako sa taong 'yon kung kaya'y nakita kong si Adriel pala 'yon.







"I'll take you to your room," pagpresinta niya. Hindi naman na ako umangal at hinayaan na lang na siya'ng pumindot.






Nang mabuksan na 'yon, mabigat ang mga hakbang kong pumasok ro'n at wala sa sariling napahugot ng hininga. Tiningnan ko na lang ang reflection ko sa salamin at nakita ko rin si Adriel na nakatitig sa 'kin.







"Stop staring at me, Adriel. I'm okay..." I assured him. Damang-dama ko kasi sa titig niya ang pag-aalala. Nakakatawa pang isipin na kanina lang, ako 'yung nag-aalala na baka hindi niya 'ko pakinggan sa paliwanag ko pero ngayon, siya na 'yung nag-aalala.






Narinig ko ang pagtunog ng elevator, tanda na nakarating na kami sa floor ng room namin. Ako na ang naunang lumabas. Pasimple ko pang sinilip ang pinto ng kuwarto ni Claude. Hindi ko alam kung bakit nagkusang tingin ang mga mata ko. Sa oras na nakalabas ako, itong pintuan na agad ang unang hinanap ng mga mata ko.








"Do you wanna see him there?" I heard Adriel asked. I diverted my gaze at him before I shook my head. Wala namang dahilan para tingnan ko pa siya. It's really late already. Paniguradong nagpapahinga na 'yon.







Nang makalampas na kami sa kuwarto ni Claude at nakarating na kami sa harap ng kuwarto ko, agad akong humarap kay Adriel at binigyan siya ng ngiti.







"Hanggang dito ka na lang. I'll go in na. Thanks," sinserong sabi ko na ikitango rin naman niya.






Tumango rin naman ako sa kaniya at tumalikod na dahil inakala kong hindi na siya magsasalita pa pero nagkamali ako.






"Kung ano man 'yang mga tanong sa isip mo... may mga nakalaang oras para magkaro'n ka na mismo ng sagot na hinahangad mo...."






Mabilis akong humarap sa kaniya ngunit ang likod na lang niya ang naabutan kong papalayo sa gawi ko. Tinawag ko pa ang pangalan niya pero ikinaway niya lang ang kamay niya. Hinintay ko na lang mawala siya nang tuluyan sa paningin ko at bahagya pang napaisip sa sinabi niya bago ako tuluyan nang  pumasok.






Kinabukasan, agad akong nag-ayos ng sarili dahil may plano kaming libutin ang mga lugar na naririto. Mabilis din akong natapos at lumabas na para makasabay sa kanilang kumain ng agahan. Nakasabay ko pa ang pagbukas ng kuwarto nila Molly kung kaya't agad ko rin binati sila.







"Sa'n tayo niyan? Taray ng outfit mo, girl! Iba ka talaga! Ganda oh!" Bahagya pang tiningnan ni Raylene ang kabuuhan ko na ikinatawa ko. "Saan nakakabili ng ganiyang mukha?"







"Sira! Hindi 'to nabibili... inborn 'to," pag-sabay ko pa sa pagbibiro niya.







Mabilis naman niya 'kong tinuro bago pumalakpak. "True girl! Relate rin talaga ako sa sinabi mo," aniya pa na ikinailing ko na lang bago bumaling kay Molly na nakatingin lang sa 'kin.






"Oh? Bakit ganiyan ka tumingin sa 'kin? Manghang-mangha ba?" Pagbibiro ko pa sa kaniya na mabilis niyang ikinangiti't tango.







"Tama si Raylene...Ganda mo talaga!" Pagpuri niya pa na ikinangiti ko na lang.






Nagsabay na kaming tatlo pababa para kumain. Nakita na rin namin ang ilan, pati na rin si Adriel na ngayon ay kausap ni daddy. Ang seseryoso pa ng mukha nila.







Ngunit nang tuluyan kaming makapasok, agad din namin naagaw ang atensiyon ng ilan. Kitang-kita ko pa kung paano dahan-dahang bumaling sa gawi ko mismo ang tingin ni Adriel. Napaiwas naman ako ng tingin sa kaniya dahilan para makasalubong ko naman ang tila may ibang ibig-sabihin na ngiti ni Claude.







"You guys are here na pala," nakangiting sabi sa 'min ni mommy. "Umupo na kayo't kumain so you guys can do your plans na."







Sabay naman kaming tumango't mabilis na lumapit sa upuan. Nang makita ko ang bakanteng puwesto, agad akong lumapit ro'n. Uupo na sana ako ngunit naudlot nang may mga kamay na bigla'ng sumulpot sa upuan.






"Ako na," sabay na sabi nila bigla, sabay ding hinila ang upuan. Nagtataka naman akong bumaling sa kanilang dalawa bago napapailing na naupo.







Naramdaman ko naman ang pag-alis nila sa magkabila'ng gilid ko. Ngunit hindi rin nakaligtas sa 'king tingin ang mapanuring tingin ng mga taong kasama namin dito.







Namayani ang katahimikan sa 'min. Hindi ko na lang pinansin pa 'yon. Binigyan ko pa ng ngiti si Claude bago kumain. Nagpatuloy ang katahimikang sa paligid namin hanggang sa matapos kaming kumain at makaalis na kami para mamasiyal.







Ilang oras na ang nakakalipas, nagawa na naming libutin ang mga lugar na napakagandang pagmasdan. Ang worth it ng mga itong tingnan. Nakita ko pa ang batong nakita ko no'ng nakaraan and I heard also something that Adriel also told me.





"Maaaring sa batong 'yan nakaukit ang pangako ng dalawang tao..."






And as what I've learned about the big stone... Ang mga letrang nakasulat ro'n... was actually the promises that made of the two people. A two people who's actually promised to each other that they'll stay each other side 'till the end no matter what.






But the thing that I didn't expect the most... ay 'yung nalaman ko ngang natupad no'ng isa ang pangako niyang mananatili siya sa tabi ng mahal niya but the other one didn't do the promise because that person left... permanently.







Wala sa sariling napaiwas lang ako nang saktong tumama ang sikat ng araw sa mukha ko. Mabilis kong inangat ang kamay ko para iharang 'yon sa mukha ko.







Ngunit mabilis na nakabalik ang tingin ko nang may parehong payong na tumabon sa sinag ng araw. Mabilis akong tumingin muli sa gilid ko at 'yon... nakita ko na naman sila Adriel at Claude na kapwa may hawak na payong.







"Ano bang ginagawa niyo?" Tiningnan ko ang payong na humaharang sa init ng araw. "Tiyaka... sa'n n'yo nakuha 'yang payong na 'yan? Wala akong napansin na dala niyo 'yan kanina."






Mabilis naman silang nagkatinginan at hindi nakaligtas sa 'kin ang kanilang masamang tingin. Ipinagkrus ko ang braso ko at tinaasan sila ng kilay pareho. Nakita naman nila agad ang tingin ko kung kaya'y mabilis din silang umiwas ng tingin at pareho ring sinara ang payong binuksan nila.






"Umayos kayo, ah!" Banta ko pa dahil hindi ko nagugustuhan kung paano sila magtinginan.






Iniwan ko na sila at sumabay na lang sa paglalakad nila Raylene. Tiningnan naman ako ni Molly bago tiningnan din ang dalawang lalaking nasa likuran.







"May problema?" Nabasa kong aniya sa 'kin na agad kong inilingan.






Lumipas muli ang mga sandali, napagpasyahan naming lahat na maligo na't lumangoy. Ang iba naman ay nagpapahinga dahil habang nililibot namin ang lugar, sila naman ang naliligo rito.






Masaya kaming nagtatampisaw sa tubig nang maramdaman ko bigla ang kamay ng kung sino na humawak sa bewang ko. Napatalon ako sa gulat at hindi napigilang mapalayo.







"Claude! Ano ba! Ginulat mo 'ko." Humawak pa 'ko sa dibdib ko dahil sa kaba. Akala kung sino.






"Hot," tila wala sa wisyong aniya habang nakatingin sa 'kin.







"Sira! Huwag ka nga rito!" Utos ko dahil naiilang ako sa klaseng tingin na ipinupukol niya sa 'kin.







Mabilis naman siyang tumango bago tiningnan pa ang parte ng leeg ko na agad kong tinakpan. Alam ko namang hindi makikita 'tong marka ko dahil waterproof naman 'yung ginamit kong pantakip dito.







"S-Stop looking at me like that." Umiwas na lang ako't lumapit na lang sa mga kaibigan ko. Nakita ko pa ang pag-ahon ni Claude at binigyan niya pa 'ko ng tingin.








Lumipas ang ilang minuto... napatingin pa 'ko sa gilid ko kung nasaan si Raylene dahil kinalabit niya 'ko.







"May napapansin ako," bulong na aniya sa nakakunot kong mukha.







"A-Ano 'yon?" Wala sa sariling napahawak ako sa leeg ko, iniisip na baka 'yon ang napansin niya.







Pasimple siyang tumingin sa harapan kung saan parehong wala sa tubig si Adriel at Claude. Tumingin din naman ako ro'n at pinaningkitan kung may kakaiba ba sa kanila ngunit parang wala naman.







"Hindi ko alam na close sila." Tinuro niya ang dalawang nag-uusap. "Tingnan mo naman... mukhang nagbibiruan pa sila."






Pinagmasdan kong mabuti ang bawat kilos nilang dalawa bago mabilis na nanlalaki ang matang bumaling kay Raylene.






"Mali ka... hindi sila nagbibiruan!" Tiningnan naman niya muna ako nang may pagtataka bago tumingin sa gawi nila Claude na nanlalaki na ang mata.







"Fuck! Anong nangyari?" Nalilitong tanong niya bago dali-dali at sabay-sabay kaming umahon para puntahan sila Claude at Adriel.







"Itigil niyo 'yan!" Malakas na sigaw ko sa kanila ngunit parang wala pa rin silang narinig.






Napatingin ako sa paligid at nakita na rin ang mga taong nanonood. Nang tuluyan kaming makaahon, mabilis akong lumapit sa kanila at pilit na pinaghiwalay sila. Bahagya pa 'kong nakonsensya dahil napalakas yata ang pagkakatulak ko kay Adriel.






"Ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo!?" Galit na tanong ko sa kanilang pareho. Nakita ko pa ang tila sugat sa labi ni Adriel. Napapikit na lang ako, hindi inaasahan na magsusuntukan sila rito.





"Why don't you ask your boyfriend? Siya ang nagsimula!" Ramdam ko kung gaano kagalit ang boses niya habang nakaturo ngayon sa nagpupumiglas pa ring si Claude.






"Anong ako? Ikaw ang unang nanuntok!" Pagdepensa naman ni Claude sa sarili, patuloy pa rin sa pagpupumilit na kumawala.







"You gave me a reason to, jerk!" Adriel reasoned out.






Naguguluhan ako. Bakit ba sila bigla'ng ganito?  Ano bang pinag-awayan nila? Grabe! Sa ganitong klaseng lugar pa talaga?! What the hell is wrong with these people!







"Why are you so affected! Huh?" Tila mayabang pang tanong ni Claude.







Wala sa sariling napabitaw ako kay Claude nang tanungin niya 'yon. I don't know why but the moment I heard his question, para bang hindi ko magugustuhan ang kung ano mang isasagot ni Adriel sa tanong.






"Gusto mo bang sabihin ko kung ano 'yung sinabi mo?!" Tila nanghahamon pang tanong ni Adriel kay Claude dahilan para mapatingin ako sa kaniya't nakita ang mabilis na pag-iwas ng tingin niya.







"Why am I? Dahil sa klase ng pananalita mo, binabastos mo mismo sa harapan ko 'yang girlfriend mo!" Sabi ni Adriel at mabilis na tumayo.






Nagtataka't nagulat naman akong napatingin kay Claude sa narinig. Binabastos?






"What do you mean?" Tila malamig na tanong ko habang nakatingin na kay Claude.






"H-Huwag kang makinig sa kaniya," pagpilit pa ni Claude pero mas nakadagdag sa 'kin 'yon para mas malaman na mukhang totoo 'yung sinasabi ni Adriel.






"He was just telling me what happened last night," seryosong aniya na ikinalaki ng mata ko bago tila nagugulat na napatingin kay Claude.





W-Why? Bakit mo sinasabi ang bagay na dapat sa 'ting dalawa lang?






"L-Lia..." Claude was about to touch me pero umiwas ako.






Hindi ko maipaliwanag ang sakit sa isiping pinagkakalat niya ang pribadong pangyayari sa pagitan namin. Hindi ba't dapat sa 'min lang 'yon? Bakit ganito?






"Okay fine!" Naluluha akong napatingin kay Claude. "That's true. Ininis ko siya..." Nakita ko ang pagbaling ni Claude kay Adriel na may ngisi sa labi. "But I just did that to see how would he react!"






Hindi ako makapaniwalang napatitig sa kaniya.  He just did what? He just did tell what happened last night just because he just want to see how would Adriel react?






Wala sa sariling napadapo ang palad ko sa mukha ni Claude na labis ikinagulat ng mga nakakita, lalo na'ng mga taong kakilala namin.







"You just want to see his reaction? Para sa'n?!" Malakas na tanong ko sa kaniya. "Hindi mo kailangan ipaalam 'yung muntik nang mangyari kagabi just because you want to see kung ano ang magiging reaksiyon o gagawin niya!"







"Tinatanong mo 'ko kung para sa'n? Simple lang naman, e... para mapatunayan na may gusto sa 'yo 'yang gagong 'yan!" Napatigil ako nang bahagya nang malakas niya rin akong sigawan pabalik.






Nagulat ako sa bigla'ng sigaw niya. Tila ba nawala lahat ng mga salitang gusto kong sabihin sa kaniya dahil sa malakas na sigaw niya.






"Hindi mo siya kailangang sigawan! Anong klase kang boyfriend?!" Bigla'ng salita naman ni Adriel at nagulat na lang ako nang malakas niyang tinulak si Claude.







"Gago ka, ah!" Mabilis na tumayo si Claude at aastang susugod nang pigilan siya ni Molly. "Ikaw ang may kasalanan kung bakit nagkakaganito 'yung relasiyon namin, e... Bakit ka ba kasi bumalik! Ano bang gusto mong gawin!"







Kitang-kita ko ang tingin niyang halatang naninisi. Bakit ba siya umaakto nang ganito? Hindi naman siya lasing pero sa ginagawa niya... mukha siyang nakainom.







"I have a lot of plans to do... pero maraming sagabal... at isa ka na ro'n, Claude." Naramdaman ko pa kung gaanong nakaka-asar ang klaseng tonong ginamit ni Adriel. "At ano naman kung bumalik nga 'ko dahil sa kaniya? I just know that you don't deserve her."







"At ikaw, oo? What a joke!" He sarcastically laughed a little. "You're trying to steal her from me, huh? Do you want to compete with me?! Do you fucking think that she'll like you?!" Napailing pa 'to. "She's so fucking inlove with me and so am I. We almost did it! So you should fucking stay away in the picture!"






"Shut up!" Sinusubukan kong pakalmahin ang sarili ko. Hindi ko na talaga nagugustuhan kung anong lumalabas na salitang  kay Claude. "You should atleast think na may iba pang tao na nandito--------"







"I never tried to compete with you, Claude," he cut me off. Mabilis akong napatingin sa kaniya. "And I never tried stealing her even if I want and I can to." Natatawa siyang napailing pa. "Pero sa ipinapakita mo? Binibigyan mo 'ko ng dahilan para gawin ang mga bagay na dapat noon pa lang, ginawa ko na.






Napatitig ako sa kaniya habang pinapakinggan ang mga salita niya. Hindi man nga lang din ako natinang nang balingan niya 'ko ng tingin.







"But I still respect her relationship with you even you're a jerk," he said seriously before he diverted back his gaze to Claude.







"But listen, Claude..." Lumapit siya nang bahagya kay Claude. "Try to do the things that will hurt her... I wouldn't think twice na gawin ang lahat para ikaw naman ang makalimutan niya..."






Mas napatitig ako sa sinabing 'yon ni Adriel. Sa huling mga salitang sinabi niya, naramdaman ko bigla ang sakit na ipinaparamdam no'n.





"Nagpapatawa ka ba-------."







"Do you think this is a joke?" He cut him off... "Well... Try me, Claude... Fucking try me..."





✓Vote
✓Comment
✓Thank you!
✓See you sa next update!

_-----_-------_------_-----_-----_----_-----_-----_----_-_





Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.2K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...