A Stranger's Heart[Completed]

Autorstwa Queen_Stelle

204 38 1

Truth Pano kung ang katotohanan ang sisira sa inyong pagmamahalan, susugal ka pa rin ba? Mananatili ka pa ba... Więcej

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 3O
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
Epilogue
Special Chapter
Author's Note

CHAPTER 52

1 0 0
Autorstwa Queen_Stelle


ZACK'S POV

Pagkagising ko ay agad akong naligo. Pupunta nga pala ako sa hospital ngayon.

Habang naliligo ako ay di ko mapigilang mapangiti. Manliligaw na nga pala nya ako.

Pagkatapos ay tsaka ako nagbihis. Halos ipaligo ko na rin yung pabango ko sa kabang baka hindi pa ako mabango masyado.

Pababa na sana ako pero narinig kong nag-ring ang cellphone ko. May tumatawag yata kaya agad ko itong tininngnan.

Tsk! Group chat lang pala. Wala na akong nagawa kundi sagutin na lang ito.

"Hello"

"Oh pare, sa wakas nagparamdam ka rin"-Travis

"Natakot kami dahil sa kwento ni Bryce"-Mark

"Nga pala papunta kami sa inyo ngayon. Balak din naming bumisita kay Elle"-Blake

"Salamat sa pag-aalala bud, sige hihintayin ko na lang kayo dito"

"Sige sige malapit naman na eh"-Blake

"Hindi ka na namin tatanongin kong okay ka dahil alam naming hindi. Alam naming nasaktan ka"-Travis

"Okay naman na ako. Yun nga lang sa sobrang pag-aalala kasi.....nabaril sya..pakiramdam ko tuloy parang kasalanan ko"

"Wag mong sisihin sarili mo. Hindi mo kasalanan tsaka diba gusto nyang iligtas ang kuya nya"-Mark

"Sige na, andito na kami sa tapat nyo"

"Agad?"

"Oo tumawag ka kasi ay papasok na kami dito sa subdivision"

"Sige saglit lang"

Toot.toot.toot

Sa pagkakataong yun dali dali kong inasikaso ang mga dadalhin ko sa hospital.

Flowers✔

Chocolates✔

Fruits✔

Siguro yung coffee bibili na lang ako mamaya.

Paglabas ko ng bahay ay nakita ko silang naghihintay doon.

"Bud"...tawag nila. Pero nabaling din agad ang paningin nila sa dala ko.

"Ano yan?"....tanong ni Travis.

"Malamang flowers, chocolates tsaka isang basket ng prutas"....sabi ko.

"Pwede namang basket ng prutas lang ah"...dagdag ulit ni Travis.

Hina mo pre. Hindi mo man lang mahulaan ginagawa ko.

"Ano ba kayo? Di pa ba nyo gets di naman kasi dalaw lang ang punta nyan don eh"...narinig ko namang sabat ni Bryce at tinawanan pa ako ng loko

"Eh ano?"-Mark

"Edi manliligaw"....sabi ni Bryce at nagulat naman yung tatlo--ay di pala dalaw lang. Kalamado lang si Blake eh nakangiti pa nga.

"Manliligaw?"...Oa, sabay pa talaga.

"Oo bakit?"...sabat ko at pinatabi na sila sa daan at isinakay na lahat ng dala ko.

Maski sila ay nagsakayan na rin.

"Sana ol manliligaw, moved on ka na talag pre"...sabi ni Mark with tapik tapik pa sa likod ko. Palagi na lang pagka-moved on ko binabanggit ng mga neto.

"Matagal na"...sabat ko.

"Sayang crush ko pa naman yun"...narinig kong sabi ni Travis kaya gulat akong napalingon. "Joke lang toh naman iba gusto ko noh mas maganda pa kay Ms. S"...sabat nya.

"Maganda kaya si Elle"....sabi ko. Di ko alam pero napangiti ako sa sinabi kong yun. "Wala naman kaming sinabing hindi...kung maka-blush ang binata oh..daig pa blush on ng kapatid ko"....sabat ni Bryce.

"Tsk!"...tumahimik naman na sila at nagmaneho na lang si Blake.

Pagkarating namin ay binaba ko na yung mga dala ko.

Syempre sabay sabay kaming naglalakad papasok.

At alam nyo naman na.

Hindi na mawawala ang tingin ng mga babae sa amin.

Kagagandang binata ba naman namin.

At ayun yung tatlo kindat ng kindat tuloy pati nurse tumitili.

Halos lahat ng makakasalubong namin sa hallway ay di mapigilang mapatingin sa amin.

Pero ako?

Iisa lang ang gusto kong tingnan.

Ang babaeng ngayon ay papalabas ng kwarto nya.

Isang babaeng muling nagpatibok ng puso ko.

Isang weird na babaeng mahilig sa baril at pana

Isang babaeng walang takot kahit ikamatay nya pa basta't ligtas ka.

Ang babaeng pumana sa puso ko, naunahan pa si kupido.

"Elle"...tawag ko at napatigila naman sya sa paglalakad.

Yung braso nya ay may mga gasa pa rin kaya naman dali dali kong pinahawak kina Travis yung mga dala ko at inalalayan sya.

Nasa garden kaming lahat at nakaupo kami isang hilera at kaharap namin sya.

"Elle, kumusta ka"...panimula ni Blake at nilingon naman sya nito.

"Ayos lang ako, salamat, bat di kayo pumasok?"...tanong nya pero si Travis na ang sumagot.

"Alam namin yung nangyari, syempre hindi man tayo close pero nag-alala pa rin kami"

"Grabe ngang pag-aalala ni Zack sayo. Halos ipasira nya sa akin yung computer mahanap lang lahat ng cctv footage non"...sabi ni Mark kaya naman gulat akong napatingin sa kanya saka naman tinakpan nya ng kamay nya ang kaniyang bibig.

"Salamat sa inyo, sa tulong nyo"...saad nya.

"Ah...maiwan na muna namin siguro kayo"...sabi ni Bryce kaya naman tinanguan ko na sila at nagsi-tayuan na silang tatlo para iwan kaming dalawa dito.

"Kumusta?"....panimula ko. Hindi ko kasi alam ang sasabihin ko sa kanya.

"Okay lang ako"...sabi nya sabay tingin sa akin.

"Ah nga pala, flowers for you"....sabi ko sabay abot ng isang boquet ng iba't ibang uri ng bulaklak. May rose, tulips at iba pa.

"Sus, nagabala ka pa, pero salamat, ang gaganda ng mga bulaklak"...puri nya at napangiti naman ako kung pano nya tingnan ang mga bulaklak.

"And your favourite coffee"...inabot ko ulit sa kanya ito at masaya nya naman itong tinatanggap.

"Simula na ba ng panliligaw mo ngayon?"...napaka-diretso naman nitong babaeng toh.

"Hindi pa ba?"....tanong ko at inilapag naman nya ang mga yun sa gilid nya.

Dahan dahan syang tumayo at naglakad papalapit sa akin kaya naman di agad ako nakagalaw sa kinauupuan ko.

Umupo sya sa tabi kaya naman gulat akong napatingin sa kanya.

"E-elle"....mahinang tawag ko ngunit tumitig lang sya sa akin.

Hanggang sa unti-unti nyang hinawakan ang kamay ko.

"Zack ayaw ko ng patagalin pa ito. Baka kasi mawalan ako ng chance na sabihin sayo toh. Zack...."

"Gusto kita, gustong gusto kita---".....hindi ko na mapaigilan pa.










Tsup!

Hindi ko na kaya pa, parang sasabog na ako kaya naman pinutol ko na ang maaaring sasabihin nya at siniil ko sya ng halik na sya namang kanyang ibinalik.

Ilang segundo din ang itinagal non at marahan ko syang binitawan at niyakap. Nahihiya ako sa ginawa ko.

"Kailangan mo ba talaga akong halikan sa ganitong moment?"....biro nya habang magkayakaoa kami kaya lalo kong itinago ang mukha ko sa balikat nya.

"Hindi ko alam sasabihin ko, nakakahiya"....sabi ko na nagtatabon ng mukha pagkatapos ko syang yakapin.

"Tandaan mo manliligaw pa lang kita pero humahalik ka na"....pabiro nyang sabi at natawa naman ako.

"Sorry.."...sabi ko at nagtawa lang sya sa akin. Grabe tong babaeng toh hindi man lang naiilang.

"Tara na, balik na rayo sa kwarto ko, baka andun na sila kuya eh"...sabi nya na ikinakaba ko lalo.

"Oh ano tara na, diba sa kanila ka naman naunang magpaalam manligaw sa akin"...bulong nya kaya lalo akong kinabahan.

"Tara na"...at inilahad nya sa akin yung kamay nyang may gasa. Inabot ko naman yun at naglakad na kami pabalik.

ELLE'S POV

Naglalakad kami sa may hallway at naramdaman kong humihigpit ang hawak ni Zack sa kamay ko.

Natawa na lang ako ng bahagya. Medyo nahihiya ako sa kanya dahil sa kanina.

Napakagat tuloy ako sa labi ko. Kinikilig din naman ako. Tao pa rin ako noh.

Pagkapasok namin ay sakto ngang nandun sina mommy at sila kuya kasama sina Bryce pati si Thalia.

Papalapit na sana si Thalia ng mapansin nya ang mga kamay naming magkahawak. Bibitaw sana si Zack pero hinigpitan ko ang hawak sa kanya.

Maski sila mom at dad nagulat.

Sorry ma, pa,

"Okay ka na ba?"...tanong ni Thals.

"Oo naman tsaka magiging ganito ba ako kung hindi ako okay?"....sabi ko na ikinapanatag nilang lahat.

Ng maupo ako sa kama ko ay tsaka lang kami nagbitaw ng mga kamay, inayos nya pa ang kumot na nasa tabi ko sinisiguradong komportable ako kaya naman nginitian ko sya.

"May tao po dito para sabihin ko sa inyo"...sabat ni Thalia at agad namang napalayo si Zack sa akin.

"Zack can we talk outside?"...biglang sabat ni dad kaya naman napatingin kami sa kanya.

Tumingin muna sa akin si Zack bago tuluyang lumabas. Halatang kabado sya kaya naman nginitian ko na lang sya, sinisiguradong hindi naman sya bubugbugin ni dad.

Pagkalabas nila ay iilan na lang kaming natira. Yung tatlong kaibigan ni Zack, si Blake, si Mark at Travis tapos sina Thalia, mom at kuya.

"Ah, labas ho muna kami"...sabi ni Mark at tinanguan na lang sila ni Mommy.

"Alam na ni lolo"...panimula ni kuya. Alam ko namang sasabihin nila ito kay Lolo. "Ang alin?"...tanong ni mom, shocks andito nga pala si mommy kaya agad kong pinanlakihan ng mata si kuya.

"A-ah...yung kalagayan mo bunso, alam na ni lolo and he is very worried of you"....sabi ni kuya. Haysss..muntik pa kaming mabisto.

"Kelan ka madi-discharge?"...tanong ni Thals na ngayon ay nakaupo sa tabi ko. "Sabi ng doktor okay na daw bukas"...sabi ko at hinawakan nya naman ang kamay ko.

"Mabuti naman"....tanging nasagot ni mommy. "Gusto nyo bang kumain?"...dagdag ulit ni mommy wala na kaming nagawa kundi tumango na lang.

"Sige baba muna ako"...paalam ni mommy at tinanguan na lang namin sya.

"Elle gagawin mo talaga toh?"...di mapakaling sambit ni Thalia at napatango na lang ako.

"Pero bakit? Di mo ba alam, maaari kang mapahamak! Atsaka birthday mo yun teh para sabihin ko sayo!"...pagalit ni Thalia.

"Alam ko, Thals no need to lecture me. Pinag-isipan ko na toh okay"...sabi ko.

"You're not going alone then"...ngayon ay si kuya na ang sumabat.

"Pero mas delikado yun kuya"...saad ko. "Anong gusto mo hah? Mag-intay kaming bumalik ka na ano? May bangas, blood all over your body. You want us to see that? Whether you want it or not, I'll be your back-up"...sabi ni kuya.

"Okay...I'll plan it"...sabi ko at napanatag naman silang dalawa.

"Ahem....nga pala, official na ba?"..pag-iiba ng topic ni Thals. "Official ang alin?"..tanong ko.

"Sus kunwari pa oh, tinatanong ko kung kayo na"...sabi nya.

"Nanliligaw pa lang"...sabat ko.

"Hehe...kala ko kayo na"....sabi nya ulit at gusto oa sana akong asarin pero pinanlakihan ko na lang sya ng mata.

Maya maya ay natahimik kami lahat. Ako ay pinagmamasdan ko lang sila.

Si kuya, nagbabasa ng dyaryo. Tsk! Mukhang oldies, Si Thalia naman nagbabalat ng mga prutas.

Habang pinagmamasdan ko sila ay napaisip na lang ako sa mga bagay bagay. At nagpapasalamat ako sa mga bagay bagay na yun dahil mahal na mahal nila ako.

Napatigil naman ako sa pag-iisip ng marinig kong nay magtunog na cellphone.

Tiningnan ko yung akin pero hindi. Si Thalia tiningnan yung kaniya pero hindi.

Kay kuya pala.

"Hello"

Sandali kaming natahimik pero biglang lumapit si kuya sa akin at inilipat ang tawag.

Bago ko abutin ay tinanong ko muna kung sino yung tumatawag.

"Si Lolo"...saad nya kaya naman natahamik na lang ako at dahan dahang inabot ang cellphone ni kuya at nilagay sa tainga ko.




To be continued...

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

43.5K 2.1K 29
- refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbidden. 05 | 15 | 24
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
2.8M 53.6K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
110M 3.4M 115
The Bad Boy and The Tomboy is now published as a Wattpad Book! As a Wattpad reader, you can access both the Original Edition and Books Edition upon p...