OFFICERS SERIES #1: Detaining...

By jindoodle_fairy

26.8K 1.2K 168

Officers Series#1 Status: [COMPLETED] Other than having her dream profession, wealthy love from family and a... More

Detaining Him (Officers Series #1)
Simula
Kabanata 01
Kabanata 02
Kabanata 03
Kabanata 04
Kabanata 05
Kabanata 06
Kabanata 07
Kabanata 08
Kabanata 09
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabatana 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Wakas
Author's Note

Kabanata 50

585 17 1
By jindoodle_fairy

50






----

"Pa..." Tawag ko ulit sa Papa ko na nakangangang nakatitig kay Chrispher.




Hindi ko masiyadong mabasa kung ano man ang emosyong pinupukol niya pero sigurado ako sa isa. Ang hindi makapaniwala. Iyong tipong isang panaginip lang si Chrispher na ayaw niyang paniwalaan. Kabado tuloy ako.




"A-anong ibig sabihin nito, Ren?" Si Papa na ngayon ay nakatingin na sa akin. Galit ang ekspresyon sa mga mata.




Hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay ni Chrispher na siya naman niyang pinapantayan.




"G-good afternoon po, T-tito..." Si Chrispher na halatang kinakabahan. Gusto ko mang matawa dahil sa itsura niya ay pinigilan ko na lang. Pawis na pawis ang kaniyang noo at parang hihimatayin na ano mang oras.




"Tito? How dare you call me that, Magno?!"




Bumilis ang hininga ko dahil sa sigaw na iyon ni Papa. "Pa!"




Pakiramdam ko kasi eh handa na niyang sugurin si Chrispher ano mang segundo.




"What is this Phoebe?!" Si Papa na ngayon ay humahangos na.




"B-boyfriend ko si Chrispher... Pa." I gulped hard after saying those. Mas lalo lamang na namilog ang kaniyang mga mata. Palipat-lipat na rin ngayon ang tingin niya sa amin ni Chrispher.




"Tito... I'm here to ask for your approval." Si Chrispher.




"My approval?" Singhal ni Papa.




"Yes, Tito—"




"What if I say no?" Si Papa na may paninimbang sa titig. Napalunok ako.




Malakas akong napasinghap. "Papa!"




"What's your relationship with my daughter, again?" Papa's eyes squinted a bit.




Akala ko ay umayos na ang pakiramdam niya at cool na iyon sa akin pero parang nawala iyon ng panandalian.




"I'm her boyfriend, Tito. Girlfriend ko si Ren." Si Chrispher na matiim na nakatitig kay Papa.




"Ren?" Papa's scoffed. "At kailan mo naman siya tinatawag sa pangalang 'yan?!"




Jusko. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin o sasabihin ko ngayon. Alam kong parehas lang rin kami ni Chrispher na kinakabahan pero paniguradong mas grabe ang nararamdaman niya kesa sa akin. Bakit ba naman kasi ganito si Papa sa kaniya? Parang mainit ang dugo noon pa!




"Papa... huwag ka naman pong ganiyan," mahinang maktol ko. Eh sa hindi naman talaga makatarungan itong ipinapakita niya. Ni hindi ko alam kung bakit ganito siya kung mag-init kay Chrispher eh wala namang ginagawang masama ang tao.




Hindi ako pinakinggan ni Papa bagkus ang nakapamewang niyang tinitigan ng malalim si Chrispher. Hayst. Naaawa tuloy ako kay Chrispher.




"Anong magagawa mo sa anak ko kung sakaling papayagan kita sa kaniya?" Aniya sa napaka-striktong tono.




Napabaling ako kay Chrispher na may nag-aalalang mga mata. Pati tuloy ako ay nangati marinig ang tanong na 'yon pero kasi naho-hotseat na si Chrispher.




"I can give her everything. I will do everything for her, Tito."




Sabay sabay na sumabog ang nakakakiliting bagay sa kaloob-looban ko nang sabihin niya iyon gamit ang kaniyang seryosong mukha. Habang nakatingala ako sa kaniya ay nagsisimula na naman akong ma-inggit sa mataas at perpektong hugis ng kaniyang ilong lalo na ang taas ng pungay ng kaniyang mga pilikmata. Ang kulay ng kutis niyang parang hindi pa nasisinagan ng araw.




Matagal bago nakapagsalita si Papa at nakikipagtalo pa ng titig kay Chrispher. Pero bago pa man ako tuluyang makapag-salita ay napahinga ng malalim si Papa at pikit matang napahilot sa kaniyang sentido. Napasandal siya sa kaniyang lamesa dahilan para makaramdaman ako ng pag-aalala. Nang akmang lalapit na ako ay itinaas niya ang kaniyang kamay para pigilan ako sa gagawin.




"Phoebe, lumabas ka muna. Gusto kong makausap itong nobyo mo." Aniya na umiiling pa sa kawalan.




Nag-init ang pisngi ko nang sabihin iyon ni Papa. Pakiramdam ko ay payag na siya sa amin kahit na ba na wala pa siyang sinasabi. Nakakatakot palang talaga ang ganito.




Kabado pa rin ako ng sulyapan ko si Chrispher. Paniguradong alam niya na gusto kong magstay at makinig sa pag-uusapan nila pero dahil sa sinabi ni Papa na bawal ay wala na akong magagawa.




Nagbitiw siya ng matamis na ngiti. He leaned closer into my ears and whispered. "I will win this, okay? I love you."




"Phoebe!"




Napatalon ako sa gulat dahil sa sigaw na iyon ni Papa. "Opo!"




Binalingan ko ulit si Chrispher na ngayon ay may ngisi na sa labi. He mouthed 'go' before I slowly loosen my grip on him. I pursed my lips and stared back at my Dad.




"Sige po," nakayuko akong nagpaalam bago binuksan ang pintuan ng kwarto. Tinitigan ko pa pabalik si Chrispher na puno ng siguradong ngiti sa mukha. I closed the door with a heavy feeling inside my chest.




Hay. Sana maging okay din ang lahat. Hindi naman nambubugbog si Papa pero 'yong mga salita niya ang nambubugbog.




Nadatnan ko sa labas si Mr. Carlos na nagbabantay sa labas ng opisina ni Papa. Maliit ko siyang nginitian na siya namang ginawa niya pabalik.




"Kilala niyo po pala si Engr. Magno?" Tanong niya sa gitna ng katahimikan. Napagplanuhan ko narin kasing hindi na lumayo at maghintay na lang kay Chrispher dito sa labas. I smiled and nodded.




"Boyfriend?" Pang-uusisa pa niya.




Nag-iinit ang pisngi ulit akong tumango. Mahina siyang natawa at napahinga ng malalim. "Mabait at talagang maaasahan iyang si Engr. Magno. Nakilala ko siya noong minsan akong napasyal sa America at tinulungan narin ang isang kamag-anak ko na nagpapatayo ng mansion. Siya ang gumawa ng project na 'yon at sobrang ganda ng kinalabasan. Maraming offer sa kaniya doon sa America pero lahat ng 'yon ay ni-reject niya dahil sa may babalikan pa raw siya dito sa Pilipinas. Nakakatuwang malaman na ikaw pala 'yon, Miss."




Mahina akong natawa upang takpan ang pag-iinit ng pisngi. "Naku. Sa dami nga po ng pinagdaanan niya kaunti palang ang napagku-kwentuhan naming dalawa."




"Marami pa naman pong oras Miss. Pero mukhang excited na si Engr. na makuha ka niya ng tuluyan," ani pa niya.




Hindi ko na napigilan pa ang tawa na basta na lamang lumabas sa bibig ko. Para na naman akong teenager na kinikilig dito sa gilid.




Doon pa lang talaga nagtapos ng pag-aaral si Chrispher sa ibang bansa. Sa pagkakaalala ko noong hindi pa sumabog ng tuluyan iyong controversial sa pagitan ng mga Magno at Ignacio at noong hindi pa siya nakakaalis ay papalapit na ang graduation niya sa college. Masiyadong mabilis ang lahat at maski iyon ay hindi na napagtuonan ng pansin. Pero masaya ako na pinagpatuloy parin niya ang pangarap niya sa gitna ng mga nangyari sa buhay niya. I love the way he fought for everything.




I've waited for almost fifteen minutes bago tumunog ang pintuan. Napaayos ako ng tayo nang lumabas doon si Chrispher. Agad akong lumapit sa kaniya ng wala akong emosyong makita sa mukha niya.




Nag-aalala kong hinawakan ng mahigpit ang kamay niya na akala mo naman ay na-display sa freezer sa panlalamig.




"A-anong nangyari?" Saad ko, pilit na hinahabol ang linya ng mga mata niya. Kinakabahan tuloy ako. Pakiramdam ko ay parang may mali.




As I was about to reach for his left cheek he stop my hands mid air. Napatigil ako at hindi agad nakagalaw.




"C-chris..." Napasinghap ako ng agaran na lamang niya akong hinila papalapit sa kaniya at ikinulong sa isang mainit na yakap.




"Hulaan mo nga..." He said in a soft voice.




Ilang ulit akong napakurap dahil sa pagtataka. Napanguso ako at hinayaan siyang isayaw ako ng marahan. Mukhang mali ang hinala ko.




"H-hindi ba siya... payag?" Tanong ko sa paraang nag-aalinlangan. Sana ay hindi.




He sighed heavily and let out a small laugh. "He said that... he'll hunt me if I'll leave you just like what I did before. At sinabi kong... patayin niya agad ako kung sakaling gawin ko nga ulit 'yon sa'yo."




Nagsimulang mag-init ang mga mata ko dahil doon. Mahina kong sinuntok ang balikat niya dahil sa kaba. "Ginulat mo 'ko!"





Malakas siyang tumawa habang hinahaplos ang likuran ko. "Wala ka paring tiwala sa charms ko."




"Heh!"




Kahit na ba nandoon parin si Sir Carlos sa likuran at nakikinig lang sa amin ay parang hindi ako natatablan ng hiya. Natatabunan na ako ng tuwa dahil sa talagang payag na si Papa sa amin. Marami akong gustong itanong sa kaniya. Kung ano ang pinag-usapan nila ni Papa at lahat lahat. Pero uunahin ko muna itong oras na umiiyak ako sa tuwa habang nakatago sa dibdib niya.




Sunod naming pinuntahan ay si Mama. Sinabihan namin siya sa relasyon naming dalawa at nagulat kami ng sinabi niyang doon din naman daw kami hahantong. Nahiya pa ako ng tinanong niya kami kung kailan daw ang kasal dahil sa malapit na akong tumungtong ng trenta.




"Ma... masiyado naman po atang mabilis," nahihiya akong napayuko habang nagpipigil ng ngiti.




"Naku, hindi basehan kung mabilis ba o hindi ang lahat. Ang importante ay naiparamdam niyo sa isa't isa at nasabi ang totoong nararamdaman niyo. Mas mahalaga parin ang koneksyon na meron kayo sa isa't isa na hindi mapapantayan. At tsaka, sapat na iyong taon na nagkawalay kayo para malaman kung hanggang saan ang kaya niyong dalawa. Kampante akong si Chrispher parin sa huli ang dinala mo dito sa bahay dahil talagang malakas ang tiwala ko sa kaniya..." Sabay hagikhik ni Mama na siya namang sinabayan ni Chrispher.




"At tsaka... Ingatan mo sana itong anak ko, Chrispher, iho. Keep her and protect her. I know she's strong and brave pero may pagkakataon pa rin na talagang hindi niya nakakaya mag-isa ang mga bagay bagay. Love her just like how we love and treasure her. Prinsesa 'yan ng Papa niya kahit hindi halata." Hindi ko na rin tuloy napigilang matawa dahil sa sinabi ni Mama.




"I will, Tita. I'll make sure to keep her safe and secured. Hindi ko lang rin po eto sasabihin, sisiguraduhin kong ipaparamdam ko sa inyo na hindi kayo nagkamali sa akin." Si Chrispher na habang sinasabi iyon ay nasa akin ang buong atensyon. Puno iyon ng sensiridad na animo'y sa akin lang umiikot ang buong mundo niya.




Sa dami nang nangyari sa amin, sa dami ng mga nagtangkang humadlang sa amin, nagpapasalamat parin akong sa isa't isa parin ang uwi namin. Mahirap man paniwalaan ang lahat pero alam kong mananatili parin sa amin ang mga sugat na iyon. Pero ano man ang mga nangyari noon, wala akong pinagsisihan, dahil nandoon ang mga alaala kung paano kami lumaban at kung paano namin napatunayan ang pagmamahal namin sa isa't isa.




Mabilis na dumaloy ang panahon at parang kidlat lamang sa akin ang tatlong linggo na kung saan ay araw na nang promotion ko bilang pulis. Nakaupo ako sa harap ng malaking stage ng Manila hotel habang nakangiting nakatitig kay Chief Manulo na naghahanda sa kaniyang speech para sa pag-anunsyo ng gagantimpalaang pulis ngayong taon. Katabi niya si General Orosa na isa sa mga importanteng panauhin ngayong araw.




Labis din ang kaba sa puso ko dahil nandito si Papa, Mama, Preston at ang kaibigan kong si Beansey na panay ang punas sa luha na akala mo naman ay nasa harap na ako ng altar at ikakasal na. Kailangan ko siyang bigyan ng batok mamaya sa pagiging OA niya.




Si Chrispher naman ay kanina pa wala dito. Ilang ulit ko nang iniikot ang paningin sa buong paligid pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya. Masiyadong maraming tao dito sa hall at nagkalat ang media kaya rin siguro hindi ko siya nakikita. Sayang nga lang dahil wala akong cellphone na dala. Nag-aalala man ako ay pinilit ko pa rin ang sariling ituon ang buong atensyon sa harap ng stage dahil iyon ang kauna-unahang utos niya sa akin kung sakali daw na ma-late siya sa pagpunta dito.




Katabi ko si Chief Artienza, Lupin at ibang kasamahan na paparangalan ngayong araw. Hindi ko rin mapigilan ang kaba ko lalo na nang kasama namin ngayong araw ang Vice President ng bansa at ang ibang opisyal na nasa matataas na antas sa gobyerno. Natutuwa ako at the same time kinakabahan talaga sa lahat.




Mahinang natawa si Lupin ng makita niya ang malikot kong kamay na kanina ko pa hindi mapigilan. "Relax. After party daw tayo mamaya pagkatapos sabi ni Arwen. Kanina pa nga sumusulyap dito at parang mas excited pa sa atin."




Ininguso niya si Arwen na prenteng nakaupo sa stage at gwapong gwapo sa kaniyang uniporme habang katabi ang Vice President at parehong may malalim na pinag-uusapan. Mahina akong napatawa at inilingan na lamang ang kaniyang sinabi.



Dalawang dahilan lang ako kabado, ang speech ko mamaya at ang hindi ko pa nakikita na si Chrispher. Saan naman kaya nagsuot ang isang 'yon?




Sa loob ng tatlong linggong nagdaan nagkakahiwalay lang kami kung oras na nang trabaho. Kapag oras na nang pahinga ay daig pa namin ang tuko kung magkasama. Since that day that we received my parents approval, hindi na niya pinakawalan ang chansang ipakita sa akin ang bahay na ipinatayo niya na malapit sa dalampasigan. Sobrang ganda na akala ko ay makikita ko lang ang mga ganoong klase ng bahay sa larawan. Hindi ko akalaing makikita ko iyon mismong harap ko. He told me that it is one of his gift apology. Hindi ko tuloy mapigilang mapaiyak ng mga panahong 'yon, lalo na rin noong pinakilala niya ako sa Mommy niya, si Tita Rose.




"I'm happy that my son finally want to settle things with you. Akala ko ay puros kwento na lang siya sa akin tungkol sa'yo, iha. I'm really glad that I finally meet you. I'm sure natutuwa rin ngayon si Dad," naiiyak na sabi nito habang mahigpit na nakahawak sa aking mga kamay, tinutukoy niya ang pumanaw na ama ni Chrispher. Her beauty shined more perfectly in her red dress attire.




Matamis akong napangiti at pinantayan ang nakakapagpagaan niyang hawak sa akin. "Huwag po kayong mag-alala. Aalagaan ko po ang anak niyo hanggang sa hindi na kami makalakad na dalawa," I chuckled.




"I'll detain him. Gagawin ko po iyon sa sarili kong paraan. Ako na po ang bahala," sabay naming pinagsaluhan ang masaya naming halakhak na nagbigay ng panibagong lakas at koneksyon sa isa't isa.




"It is an honor to be with you today. And I have to tell you, a promotion ceremony is something very special. I've had the real joy attending graduation ceremonies when we see men and women start their careers with an extraordinary police force. But a promotion ceremony is an indication of what years and years of hard work and commitment lead to." Napangiti ako ng mapabaling sa akin si Chief Manulo na may ngiti sa mga labi.




"It came with a lot of devotion, a lot of hard work, constant learning, constant improving. With many obstacles and challenges it is prove that the heart of every police officers is much stronger in many possible ways. And for me, that is not a small achievement. It is a profound achievement." He continued.




Malakas na palakpakan ang lumikom sa buong hall. Palakpakan ng mga taong alam ang tagumpay at hirap ng lahat ng paparangalan sa araw na ito.




"And today, I'd like to acknowledge our new Chief Police Inspector that showed us strength and braveness through her heart and actions. She prove her best that inspired many citizens in our country. I've said it the day that I had the honor of appointing her in our department. She's the finest police Inspector there is. Let's all give our applause to Chief Inspector Phoebe Narine Valerino."




Kaniya-kaniyang palakpakan at ang namumutawing hiyaw ni Beansey ang umalingawngaw sa buong paligid. Hindi mawala-wala ang ngiti ko habang tinatahak ang daan papunta sa stage kung asan si Chief at General Orosa na naghihintay sa akin.




Pormal akong nakipag-kamay sa kanilang dalawa bago humarap sa dagat ng tao. Hindi mapantayan ang magkahalong kaba at saya sa puso ko habang nakatitig sa lahat ng taong naniniwala sa kakayahan ko bilang Pulis.




Humawak ako sa magkabilang gilid ng podium habang pinanatili ang propesyunal na tindig sa harap ng maraming tao. Puno ng ngiti sa labi akong nagsalita sa lahat.




"Ahm... First of all, I want to thank my parents and my fellow police officers for giving me this chance to be acknowledge and to achieve this long time dream. I couldn't make it here if its not with the help of them for giving me motivations to do my job well. I've had the toughest days that sometimes I couldn't imagine. It's not easy. My companions, friends and family are witnesses of all my hardships. And it is a blessing for me to gain this love from all of you..." I paused to take deep breaths. "I... now Chief Inspector Phoebe Narine Valerino is very grateful for all of the highest officials and to my loving parents, friends, peers for this promotion I obtained today. I promise I will appreciate it with all my heart. Thank you so much."




Nakakabinging palakpakan ang agad kong natanggap. Masaya ulit akong nakipag-kamay sa mga matataas na opisyal bago sinimulan ang oath naming mga pulis na magsisimula na sa panibagong ranggo.




"Anak! I'm so proud of you!" Naiiyak na salubong ni Mama sa akin ng yakap habang may dalang plastik na bulaklak na nakalagay sa bouquet.




Mahina akong natawa at niyakap siya pabalik. Sunod kong niyakap ay ang kapatid at si Beansey.




"Ang taray girl! Pahiram ng outfit ha? Ang hot mo kasi tingnan eh," sabay halakhak ni Beansey at hinihila pa ang manggas ng damit ko.




"Ikaw nga diyan eh, parang galing sa fashion show ng Prade. Nang-iinggit ka lang yata eh." Ani ko habang pinapasadahan nang tingin ang suot niyang pink bodycon dress.




"Bolera!" Sabay kaming nagtawanan na dalawa.




Sunod kong binalingan si Papa na tumitikhim na ngayon sa gilid at ayaw namang tumingin sa akin. May nakikita ako sa mata niyang guilty at halong tuwa. Nakakapanibago.




"Pa!" Tawag ko sa kaniya sabay angat ng pareho kong kamay sa ere, pahiwatig ng paghihintay ko ng yakap galing sa kaniya.




Nangunot ang noo niya at natatawang napangiwi.




"Papa!" Tawag ko ulit at mas lalong nilakihan ang pagkakabuka ng kamay.




Natatawang kinalabit siya ni Mama bago siya naiiling na lumapit sa akin at kinulong ako sa isang mainit na yakap.




"I'm so proud of you..." He murmured. The way he said those is too emotional. Ayaw kong maiyak pero parang nagsisimula na naman ako.




"Thank you, Pa..." Tanging nasabi ko habang pinanatili ang luha na huwag mahulog ng tuluyan.




My happiness is overflowing. Sobrang sarap sa pakiramdam na pinagbigyan ako ni Papa. I will make sure na hindi ko kailanman sisirain ang pangako ko sa kaniya. I will do my duty as a police officer in the office now. Sapat na sa akin ang experience na meron ako noon. Sa ngayon, uunahin ko na naman ang mga magulang at buong pamilya ko.




"Si Chrispher po ba?" Daglian kong tanong ng talagang mapansin ko na wala parin dito ang lalaking kanina ko pa hinahanap.




"Omy! He called me pala na nasa labas siya naghihintay. Hindi na daw siya nakaabot dahil sa traffic," si Beansey. "Let's go!"




Napasinghap ako sa gulat ng agaran niya akong hinila. Pero tumigil din dahil may isenenyas na hindi ko maintindihan sa mga magulang ko at kay Preston.




"Hoy, ano 'yon?" Kunot-noo kong tanong sa kaniya.




Humagikhik lamang siya at hindi ako pinansin. Nagpatuloy lamang siya sa paghila sa akin hanggang sa makarating kami sa hall na kaharap ang entrance. Doon ay nagtataka akong napatitig sa hiyawan ng mga tao na para bang may artista na inaabangan. Nasa magkabilang gilid ang mga media at puno ng ngiti na nakatutok sa amin ang mga camera.




"Anong meron? May artista ba?" Tanong ko sa kaniya na patuloy na humihila sa akin. Mabuti na lang ay immune na ang paa ko sa heels na suot ko ngayon.



Hindi niya ako pinansin. Mas lalo lamang na kumunot ang noo ko nang may mga iseninyas na siya sa paligid. Kumabog ang dibdib ko sa gulat nang parang magic na nagsipunta sa gilid ang mga tao dahilan para magmukhang binigyan nila kami ng daan na dalawa palabas. Napaka-dramatic naman nito. Haha.




"Hoi, anong meron?" Pangungulit ko ulit sa kaniya. Pero tulad kanina ay hindi niya pa rin ako pinansin pero para naman siyang kiti-kiti na hindi mapakali. Bumabalik na naman tuloy ang kaba ko lalo na nang marami nang cellphone at camera ang nakatutok sa amin.




Nakangiti at naluluha na hinalikan ni Beansey ang aking pisngi bago bumulong. "The spotlight is yours, babe. Be happy okay?"




Umangat ang gilid ng labi ko dahil sa sinabi niya. Naguguluhan ako dahil napakalalim ng ibig sabihin no'n. She let go of my hand not letting me to speak to her again. Iniwan niya ako sa gitna ng dagat ng tao na parang ako ang pinaka-importanteng tao ngayong araw.




Sabay sabay ulit na naghiyawan ang mga tao sa likuran ko dahilan para kumabog ng tudo ang puso ko sa magkahalong emosyon. Takip ang bibig akong dahan dahan na gumalaw upang tingnan ang taong hinihiyawan ng lahat sa kilig at tuwa. At nang makita ko nang tuluyan si Chrispher na may dalang malaking bouquet ng bulaklak na alam kong iyong plastic at tela at napakagwapo ng porma ay parang nanghina ang tuhod ko. Nagsimulang manubig ang mga mata ko nang tuluyan na siyang makalapit sa akin. Inabot niya sa akin ang bulaklak bago ako dinampian ng matamis na halik sa labi.




"A-ano 'to?" Tanong ko habang mariin na nakatitig sa kaniya.




Mahina siyang tumawa bago kinuha ang kamay ko na nakahawak sa binigay niyang bouquet. He kissed it passionately before kneeling in front of me. Namilog ang mga mata ko sa sobrang gulat. Parang hinahabol ng kabaya ang tambol ng puso ko sa sobrang bilis.




"C-chris..."




"Alam kong ikaw iyong klase ng babae na ayaw sa mga magagara at magastos na surprise, pero talagang hindi ko mapigilang gawin ang bagay na alam kong importante at mag-iiwan ng malaking alaala sa'yo, sa atin. Gusto kong maalaala mo na... sa araw na ito, August 13... ako na si Chrispher Magno, lumuluhod sa harapan mo, Inspector Phoebe Narine Valerino at nangangakong pagsisilbihan, aalagaan, poprotektahan... mamahalin... ibibigay ang lahat... paiiyakin ka sa tuwa at ilalayo ka sa ano mang lungkot at sakit... kapalit ang pagpapakasal sa akin..."




Isang singsing ang dinukot niya sa kaniyang bulsa. Nakapaloob iyon sa kukay asul na maliit na box. Sabay sabay na tumulo ang luha ko sa mata at napuno ng init ng nararamdaman ang puso ko nang makita ko ang pinakamagandang singsing na nakita ko sa buong buhay ko.




His Adam's apple move up and down as he spoke the last remaining words. "Will you take me as your husband, Chief Inspector Phoebe Valerino?"




Sa sobrang pag-uumapaw ng emosyon ko sa katawan ay hindi ko na napigilan ang hikbi na naging dahilan para hindi ako makapagsalita. Natatalo ng tibok ng puso ko ang lahat ng emosyon na namumutawi sa akin.



His eyes are full of passion, love and sincerity. Those emotions that is hardly be taken away from him... is expressing in front of me.



I will never regret everything when it comes to him, because all this hardships is just a test for us to conquer. And as the answer of that is this...




"Yes... I will marry you, Chrispher."




Hindi ko pa man tuluyang natatapos ang mga salitang iyon ay pinuno na nang hiyawan ng lahat ng tao ang buong hall. At bago man ako tuluyang sinunggaban ng yakap ni Chrispher ay nakita ko pa ang maliit na butil ng luha na kumawala sa kaniyang mata.




"I love you, Chief Inspector Phoebe Narine Valerino," he whispered as he excitedly made his way into my lips.




"I love you the most, Jose Chrispher Magno."




We sealed our pledge with a passionate kiss and with the people who witness our promise of eternity. This may not be the end but I'll make sure to never let him go.

Continue Reading

You'll Also Like

1.7K 516 33
© All Rights Reserved COMPLETED✔️ Started: May 23, 2022 Ended: September 9, 2022 Green card means soft. Blue card means mild. Red card means... DIE. ...
3.4K 156 37
Que Ramirez's normal life takes a turn when she suddenly started receiving creepy messages and chats from an unknown stalker.
3M 105K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...
62.9K 929 52
She's a head turner. Madaming lalake ang nag kakandarapa kay nina, yet she still doesn't know how men looks at her. Not until her boss made a move t...