(WARNING!More more profanity coming. I warned you.)
Chapter 23
••Hera POV••
"Achoooo!"I sneezed. Punyetang lagnat na toh. Kasalanan to ni Rade eh! Pangalawang araw ko na tong may sakit pero wala parin pinagbago. Mas lumala nga eh.
"Ohhh ate---er,Hera pala..inumin mo na to para mawala kahit papaano yun sakit nang ulo mo..."sabay alok sakin ni West nang tsaa.
Tumango nalang ako sakanya dahil ang sakit din nang lalamunan ko kapag nagsalita.
Uminom ako nang unti at lumakad papuntang cr. Pero hinarangan ako ni Vien.
"Hep hep hep!"
"H-hoo-oray-y?"Hirap na hirap na sabi ko sakanya. Para akong sinapak sa lalamunan nang ilang beses sa sakit.
Binatukan ako ni Vien na sanhi nang pagkahilo ko. Alam kong mahina lang yun pero...fuck!
Narinig ko ang pagsinghap ni West sa likod ko."Vien! Bat mo binatukan? Hera..ano ayos kalang?"
Naramdam ko naman na dinala nila ako uli sa kama at hiniga."Sorry naman! Ang kulit kase eh! Dito kalang Hera...kami na bahala sa mga prof. Okay?"
Kahit nakahiga..pinilit ko mag teleport papuntang closet. Narinig ko ang sigawan nila sa labas kaya kahit masakit ang buong katawan ko..binilisan ko ang paghahanap sa mga kakailanganin tsaka nagteleport papuntang cr.
Napahawak ako sa pintuan at nilock ito. Sana pagkaligo ko mawala kahit papaano.
Pilit nilang kinakatok ang pinto at magteleport pero tinuloy ko padin ang pagligo. Nun matapos ako..dali dali ako nagbihis nang uniform at nagsuot nang hoodie.
Lumabas na ako at nagsuklay.Wala silang nagawa sa katigasan nang ulo ko..kaya blinower nalang ni West yun buhok ko at tinali nang patirintas.
Pinakain naman ni Vien si Emerald dahil sabi ko dadalhin ko sya ngayon. Pumayag naman silang dalawa dahil si Emerald lang ang makakapigil sakin kapag sobra na.
"Mapakakulit mong bata Hera! Naiirita ako sayo at the same time,natutuwa,"bulong bulong ni Vien. Sana nilakasan nya para marinig namin lalo diba.
Inirapan ko lang sya at sumenyas na alis na kami. Kinuha ko si Emerald na nanahimik sa gilid kasi kakainom lang nang gatas.
Nang makadating kami sa classroom ay dere deretso ako sa upuan ko at hiniga ang ulo ko. Binati ako ni Aurs pero ngiti lang na maliit ang ganti ko.Hindi ako nagsalita dahil kada salita ko parang pinupunit ang lalamunan ko.
Nilaro laro nya lang si Emerald dahil napansin nya ata na may sakit ako.
Huminga ako nang malalim at pumikit. Fvck! Parang binibiyak naman ang ulo ko ngayon. Gusto ko umiyak kaso parang ayaw nang mata ko.
"Good morning class!"
Pinilit kong tumayo at makisabay sa pagbati kay prof."Good afternoon,Prof!"
Naglip sync lang ako dahil di pa man ako magsalita..nakirot na agad ang lalamunan ko.
Pinaupo na kami ni sir at nag dimula na syang paalalahanan uli tungkol sa evaluation. Paano ako nito?
Ampusa naman talaga oo. Napahilot ako sa noo nang makaramdam nang kirot sa pag iisip.
Mabilis lang ang oras kaya natapos agad yun mga subject namin.Nanatili lang ako sa upuan ko nun marinig ko yun lunch break.
Feeling ko kase natutumba lang ako kapag tumayo kaya matutulog nalang ako dito hanggang magtime na uli.
"Hera..halika na. Ano pang tinutunganga mo dyan?"Aya sakin ni Aurs.
Umiling lang ako sakanya. May naramdaman akong humawak nang noo ko.
"Shit! Pwede na magluto nang itlog sa noo mo!"Sumama lalo agad ang timpla ko nang marinig ko ang deputang may kasalanan nito.
Hinawi ko yun kamay nya sa noo ko. Pakshet sya. Kung hindi kasi sya nag emo emo sa ulan edi wala akong lagnat.
Sinamaan ko sya ng tingin."F-fuc-k you-u."
Napaubo ako dahil para akong nawalan nang hangin sa sabi ko. Tsk!
Natawa naman ang kumag."What?Di ko naman alam na mahina pala ang resistensya mo,"
Inirapan ko lang sya at binigay si Emerald. Tinanggap nya naman ito. Nagsulat ako sa papel nang sasabihin ko sakanya kasi di ko na talaga kaya yun sakit kapag nagsalita ako.
Pinakita ko sakanya yun sinulat ko.'pakain mo si Emerald at umalis kana sa harap ko dahil nagdidilim ang paningin ko sayo.'
Natawa uli ang gago at lumakad na palayo.
Hinarap ko naman si Aurs na nag aalalang tumingin sakin."Bakit may sakit ka?"
Binaba ko ang tingin at nagsulat ako uli sa papel.
'Nagpaulan ako kaya ganto..Kumain kana nang lunch at matutulog lang ako dito.'
"May gusto kabang kainin?"
Tumango ako at nagsulat.'Strawberry sandwich and strawberry milk will do. Thanks :>'
Ngumiti sya saakin at nagpaalam na. Napasulyap naman ako sa upuan nila Vien na umalis na pala sila. Siguro alam nila na matutulog lang ako.
Dahil nga sa sakit ko...nakatulog na ako agad habang nag hihintay magbell.
.
.
.
.
"Hera...gising,"Napaangat naman ang ulo ko para tignan kung sino ang tumatawag sakin.
Si Aurs pala. "Ito na yun milk at sandwich ah? Kakain lang ako saglit promise!" Inilapag nya sa desk nya yun pagkain tapos umalis na din. Gutom na gutom ah?tsk.
Kinain ko iyon nang mabilisan at matulog uli. Para kasing mas mahilo pa ko lalo nun nagtapon ako. Hay gusto ko na matapos toh.
"Hera! Gising na maglelesson na si prof!" Parang kakapikit ko lang ah? What the hell?
Nagmulat ako at medyo nag inat. Sakto naman pagtayo ko ay pagdating ni Prof.
"Afternoon."
"Good Afternoon,Prof!" Di ba sila nawawalan nang energy?
Sumenyas lang sya na maupo na at tsaka sya nagdadada. Amp ang ingay nya.
"Ms Saren?"
Naramdaman ko yun tingin nang mga kaklase ko sakin."Y-yes?"
"Can you read this? Muka kasing inaantok ka sa klase ko."
Oh come on...Tumingin ako sa pinapabasa at ang pusa kahit maikli paniguradong sasakit nang sobra ang lalamunan ko. Napalunok ako at pinilit magbasa nang tuwid. Sana wag ako pumiyok.
Huminga ako nang malalim at binasa."A-ahm...P-potions are-e substances t-that we use f-for not only-y...ahem." tumikhim ako saglit para mawala nang panandalian yun kirot.Fvck ang sakit! "Err...to boast our a-ability but also i-it can do a lot of t-things-s. Like,H-healing someone and cursing-g someone.."
Para akong nabunutan nang tinik nun matapos na ako at nagpatuloy na si prof. Binigyan ako ni Aurs nang tubig."Ayos kalang?"
Tumango lang ako dahil parang naubos ata lahat nang energy ko dun. Natapos naman ang klase at pangatlo na ngayon.
'Unting tiis Hera..malapit na mag uwian. Hold your fucking senses!'
Pumasok at nagdiscuss agad yun isang prof namin dahil nay gagawin daw kami ngayon.
Habang nagpapasa ako ay tinanong nya ako."Ayos kalang ba? Kasingputla mo kasi ang papel na iyong ipapasa."
Ngumiti ako sakanya."A-ayos n-na ay-yos prof-f.."
Nag aalala padin sya sakin kaya tinawag nya si Aurs at pinadala ako sa clinic. Pst kailangan ko lang magpahinga eh. Sumama si Emerald samin at inalalayan ako. My sweet girl.
Tinulungan ako ni Aurs humiga sa kama at kinumutan."Dyan ka lang ah? Bibisitahin ka namin nila Vien mamaya okay? Sige na babalik nako dun..."
Humarap ito kay Emerald."Ohhh Emerald bantayan mo tong bruha na toh ah? Pag makulit,kagatin mo." Tsk. Nagpaalam na sya uli at bumalik na sa klase.
Wala naman akong nagawa at tinawag ko si Emerald papuntang kama at natulog.
.
.
.
Nagising ako sa narinig kong kalabog galing sa taas. Pst. Istorbo. Tumayo ako at tinawag si Emerald. Napahawak ako sakanya nun makaramdam nang hilo.
Pinuntahan namin ni Emerald iyon at sa bakanteng classroom pala iyon. Malalakas ang kalabog na naririnig dun kaya binuksan ko ito.
Sya? Yun lalaki sa may garden ay nandito sa harap ko at nagwawala. Nakita ko yun mga sugat nya dahil sa puting sando nito.
"What are you doing here?"Tanong nya saakin. Saktong narinig ko yun nagiikot na guard na nagche check kung may nag cu cutting ba kaya natataranta akong pumasok at nilock. Lumapit ako sakanya at akmang magsasalita nang nakamoy akong kemikal na parang nasusunog kaya bigla akong nahilo.
Napahawak tuloy ako sakanya. "Hey..are you alright?"
"S-sino ka?"
"I'm Nexan Peter,Herause."
Rinig ko bago ako tuluyan manghina at sinakop na nang kadiliman ang paningin ko.
-------------TO BE CONTINUED--------------
A/N:
■Guys salamat talaga sa 100 likes (fb)! Alam ko parang ang unti lang nun sa iba pero shit para sakin ang laki nun support bilang isang bagong manunulat:> Salamat nang marami🌻
■Thank you for reading! Leave a like,react and comment!