OFFICERS SERIES #1: Detaining...

By jindoodle_fairy

28.6K 1.3K 168

Officers Series#1 Status: [COMPLETED] Other than having her dream profession, wealthy love from family and a... More

Detaining Him (Officers Series #1)
Simula
Kabanata 01
Kabanata 02
Kabanata 03
Kabanata 04
Kabanata 05
Kabanata 06
Kabanata 07
Kabanata 08
Kabanata 09
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabatana 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 50
Wakas
Author's Note

Kabanata 49

466 15 0
By jindoodle_fairy

49






---

Namimilog ang mata akong napalingon sa buong paligid. Napahinga ako ng malalim ng wala akong makitang tao. Nakataas ang gilid ng labi ko siyang sinipatan bago mahinang tinulak ang kaniyang balikat. Napangisi lamang siya ng tudo.




"A-ano?!" Nautal pa talaga ako.




"I said..." He took a step forward to close our space again. "I want to talk with your parents. I want us to be more legal."




Bagsak ang panga ko at hindi makapaniwala sa sinabi niya.




"A-agad agad?!"




His eyes is smiling while pouting his lips. "Yeah."




"P-pero... K-kasi..." Jusko! Masiyado akong nabigla!



"Hey... Hey..."




Napatigil ako sa pangangaralgal ng hinawakan niya ako sa magkabilang braso habang matiim at puno ng emosyon na nakatitig sa akin.




"It's okay kung... ayaw mo pa. Willing ako maghintay," aniya at ngayon ay may ngiti sa labi habang naniningkit ang mga mata. "Nabigla ba kita?"




"O-oo..." Pag-amin ko.




Eh kasi naman! Si Papa at si Chrispher? Kinakabahan ako. Kailangan ko kumalma!




"Okay then..." He smiled and intertwined our hands. Napatitig ako sa kamay niyang mainit na nakasalikop na ngayon sa akin.




"I need to make up for that two days I wasted without you. Sorry isn't enough for that so I need to do everything for you. Just tell me. If you want me to stay with you always... I won't decline. I am now your property. I am now your prisoner."




Kasabay ng pagdagundong puso ko ay ang siya namang pag-iinit ng mukha ko. Feeling ko may kung anong sumabog sa kaloob-looban ko!




Bakit magmula no'ng umuwi siya... palagi na lang akong nagiging emosyonal? Iyong tipong kapag nandiyan siya, pakiramdam ko ay gumagalaw ng mag-isa ang buong katawan ko. Ewan ko ba pero hindi parin ako sanay. Para paring bago sa akin ang lahat.




He leaned closer again when he notice me spacing out. Ngayon ay naaamoy ko na ang magkahalong mint at lemon niyang pabango. "Words aren't enough. So please... I am willing to take your punishments. I'll work hard for it. If you want me to explain then I will—"




"There's no need for that..." Para akong nalalasing sa titig niya. Nagpapasalamat parin ako na nakakaya kong magsalita ngayon. Kaloka.




"Then..." I saw how he swallowed hard. His eyes are full of pure intentions.




"Alam ko naman kasi kung ano ang nangyari. Naiintindihan ko naman. Kaibigan mo si Berenice, hindi mo basta-bastang matatanggihan 'yon lalo na't delikado ang kalagayan niya ngayon. Dapat lang na unahin muna natin ang kapakanan niya... p-pero kasi..." Napalunok ako ng mawala ako sa sasabihin. Eh sino ba namang hindi?! Pakiramdam ko ay kada segundo mas lumalapit ang mukha niya sa akin!




"Pero?" He teased.




Nagtatagpo na ang mga mata ko sa gitna!




"B-ba't ba kasi ang lapit mo?!" Inis kong sabi. Hindi ko siya matulak, nagdadalawamg isip ang mga kamay ko!




B-bakit... bakit ba kasi ganiyan siya ka-gwapo kung makapang-asar?! Kainis!




Mahina siyang napatawa bago lumayo sa akin. Inangat niya ang magkasalikop naming kamay papunta sa kaniyang labi. Napasinghap ako ng dampian niya iyon ng mainit na halik.




"Ang pula mo na. Para ka nang sasabog," sabay tawa niya.




"Eh sa walang aircon dito?!" Kahiya grabe. Hindi ko talaga napipigilan ang sarili ko.





Nang magsimula siyang maglakad ng marahan ay sinundan ko na lamang siya na parang tuta.




"So... ano 'yong pero?" Hindi pa rin pala niya iyon napapakawalan. Bakit ko pa ba kasi dinugtungan 'yon? Haist.




Kagat labi akong napakamot sa likod ng batok. "H-huwag na... Nakalimutan ko."




"Nakalimutan o ayaw mo lang talaga sabihin?" Kahit hindi ako nakatingin ramdam ko sa boses niya na nakangisi siya ng tudo.




"Iyong pangalawa."




"Ows? Hindi ka marunong magpalusot ah? Haha. Cute mo na naman."




Mas lalo lamang na nag-wild ang lahat ng organ ko sa katawan dahil sa sinabi niya. Nanlalambot din ang tuhod ko dahilan para ngiwian ko siya ng napakalalim.




"Parang tanga grabe," umikot ang mata ko sa ere. Gusto ko na lang na kainin ng lupa at huwag nang iluwa.




Malakas siyang tumawa habang panay ang tapik sa kamay naming magkasalikop. "Okay lang 'yan, 'di naman kita papakawalan. Kapit ka lang ng maigi sa akin."




"Hindi parin tayo bati kaya tumahimik ka na diyan," inis kong sabi, nasa daan lamang ang buong tingin. Hay! Nakakahiya mag-react 'tong katawan ko.




"Oo na, eto naman galit agad," ginatungan pa talaga.




"Hindi ko parin nakakalimutan iyong pagtulak mo sa ak— Hoy!" Halos mapatalon ako sa gulat nang agaran nalang niya akong niyakap ng mahigpit. Namimilog ang mga mata kong tinapik ang kaniyang likod.




"Chrispher?"




"Ayaw na tuloy kitang bitawan," sabi niya na nagdulot ng nakakabaliw na kiliti sa buong katawan ko. Nakakapanindog balahibo ang init ng hininga niya sa leeg ko!

 


Eto ba 'yong sinasabi ng iba na clingy? Bakit ang cute? Nyeta.




"Halata nga," palihim akong napangisi habang sinasabayan ang kilos niya. Imbes na gumalaw ay napahinga na lamang ako ng malalim at pinabayaan ang segundo na magdaan. Marahan ko ring tinatapik ang kaniyang likod at paminsan-minsan ay sinasayaw ang katawan.




"Okay na?" Tanong ko.




"Another minute," he said and tightened his hug more. Tikom ang bibig akong nagbitaw ng malaking ngiti. I close my eyes and felt his warmth more. Susulitin ko na lang muna. Wala namang masiyadong tao dito, eh.




"Ate!"




I flinched when I heard my brothers voice. Nakita ko ang kapatid na kakalabas pa lang ng elevator. Kunot ang kaniyang noo at puno nang pagtatanong sa mga mata. Mas lalo lamang na bumilis ang tibok ng puso ko ngayon dahil na sa kaba.




Natataranta kong itinulak si Chrispher na ayaw namang bumitaw sa akin.




"C-Chris! Nandito kapatid ko!" Puno ng diin kong sabi sa kaniya.




"He'll be my family soon so that's fine," cool niyang sabi.




Paano niya nakakayang sabihin 'yon ng ganoon?! Ako nga rito kulang nalang umusok ang tenga at ilong sa sobrang kaba!




"Ate..." Mariin akong napalunok ng magtagpo ang kilay ni Preston sa sama ng tingin sa akin. Bumuka ang bibig ko sa gulat ng magsimula na siyang humakbang nang mabilis papalapit sa amin.




Napasinghap ako ng agad niyang hinila si Chrispher paharap sa kaniya. Napabitaw si Chrispher sa akin dahil doon. Agarang nawala ang lukot sa mukha ng kapatid ko at nagtataka na ngayong palipat-lipat ng tingin sa akin at kay Chrispher.




"Kuya Chris..."




I grimaced at how my brother smiled so brightly at Chrispher. Tumawa si Chrispher at nakipag-fist bump pa sa kaniya. Parang natauhan siya bigla.




"Relax. Ako lang ang pwedeng yumakap ng ganoon sa ate mo," tumatawa pang sabi ni Chrispher. Palihim akong napangiwi. Ang yabang talaga ng lalaking 'to.




"I'm sorry kuya, hindi kita nakilala agad," si Preston.




"It's fine," Si Chrispher.




Napabaling ulit sa akin si Preston habang nakanguso ang mga labi. "Pupunta ka pala dito, hindi mo sinabi sa akin."




Napakamot ako sa ulo. "Biglaan kasi, eh. Hindi na kita natawagan agad." Ani ko. Nang maalala ko ang sinabi ni Mama na magkasama sila ni Beansey ay agad akong naalerto. "Si Beansey? Magkasama ba kayo?"




Tumango siya at napabaling sa likuran niya, doon sa elevator. "Nasa baba pa ata. Pinauna niya ako, may kakilala pa na kinausap."




Napanguso ako ng medyo naramdaman ko ang inis sa boses niya. Gusto kong matawa pero pinigilan ko na lang. Bakit kaya ayaw pa nilang sabihin sa akin kung ano man ang relasyon nila? Hindi naman ako against doon. Baka need pa nila ng time. Boto naman ako kay Beansey para sa kapatid ko, kahit na ba medyo wild ang babaeng 'yon.




Napabaling ako kay Chrispher at nahuli siyang nakatitig din sa akin. "Ahm... alis na tayo?"




Tumango siya at pinagsalikop ulit ang mga kamay namin. Narinig ko ang mahinang tawa ni Preston dahilan para mag-init ang pisngi ko sa hiya. Napalunok ako at pilit na iniiwasan ang titig ng kapatid.




"Alis na muna kami, Charles." Si Chrispher.




"Sige kuya," ani ni Preston na tumatawa pa rin. Tinanguan ko na lamang si Preston bago sumunod kay Chrispher. Pero hindi pa man kami nakakahakbang ng ilang beses ay tinawag na agad ako ni Preston. Napatigil ako at kunot-noong napabaling sa kaniya.




"Ate!" Tumakbo siya palapit sa amin. "Tumawag sa akin si Papa kanina. Hinahanap ka niya sa akin. Ang sabi niya gusto ka raw niya makausap."




"Bakit daw?"




"Hindi ko alam. Kakauwi niya nga lang daw eh. Akala ko tinawagan ka niya kaya nagdalawang isip ako sa pagtatanong sa'yo," sabi niya.




Hindi kaya... tungkol na ito sa napag-usapan namin?




Kagat labi akong napatango sa kaniya. "Sige, uuwi na rin ako ngayon. Mag-ingat ka, ah."




"Sure, Ate. Ikaw din."




Ako na naman ngayon ang humila kay Chrispher papasok sa elevator. Doon ay kami lang dalawa. Nabasag lang ang katahimikan sa pagitan namin ng magsalita siya.




"So, ahmm... hatid na lang kita doon sa bahay mo?"




I glanced at him. Nanatili ang titig ko sa kaniya ng ilang segundo bago napanguso. Maliit akong nagbitaw ng ngiti.




"Gusto mo ba na sumama sa akin?"




He blinked twice before swallowing hard. He purses his lips before he spoke. "Okay lang ba?"




Humigpit pa lalo ang hawak ko sa kamay niya, mas lalo akong napangiti. "Ipapakilala kita kay Papa."




Parehong namilog ang mga mata niya dahil sa sinabi ko. Bakas ang gulat doon dahilan para mahina akong mapatawa.




"Ayaw mo?" Panunukso ko.




Mabilis siyang umiling habang pilit na pinipigilan ang ngiti. "Of course not. I want it so much. I want his approval."




Nawala ang ngiti ko at napalitan ng pag-aalala. "Paano kung... paano kung h-hindi siya... payag?"




He smirked and lifted up our intertwined hands into his lips. He kissed the back of my hand while staring intently at me.




"Ikaw naman ang pakakasalan ko eh." Ngisi niya.




Kusang gumalaw ang kamay ko upang paluin siya sa kaniyang balikat. Maski ang ngiti ko 'di ko na mapigilan.




"Ang lakas mo ah?" Hindi ko mapigilang mapatawa dahil sa may kung ano ring kiliti na umaapaw sa kaloob-looban ko.




Sobrang kakaiba at sarap sa pakiramdam. Iyong tipong kahit anong pilit mo sa sarili mong hindi mapangiti ay mapapahiya ka na lang dahil sa hindi mo magawa. Ibang klase talaga.




Hanggang sa tumigil na ang elevator at nasa basement na kami ay hindi parin kami naghihiwalay. Bago kami tuluyang lumabas ay pinag-suot ko muna siya ng mask para makaiwas sa maaaring problema.




Kailangan parin namin mag-ingat lalo na't hindi parin fully na napaparusahan ng batas si General. Pero sigurado na naman kami na mabubulok siya sa kulungan dahil sa dami ng mga maling gawain niya. Pero hindi parin natin alam ang takbo ng utak ng tao.




Iginiya niya ako sa kaniyang sasakyan. Tumigil kami sa isang puting Honda Accord. Bagsak ang panga kong hinimas ang hood ng magarang sasakyan niya sobrang nakakaakit ng mata.




"Bagong model 'to 'di ba?"




"Yup!" He grinned.




Pinagbuksan niya ako ng pintuan sa passengers seat at hindi na ako nagdalawang isip pa na pumasok doon. Maski ang loob bagong bago! Pero ang mas kinaganda pa doon ay ang bango ni Chrispher na siyang lumulukob sa loob ng kotse.




Nang makapasok na siya ay wala sa sarili kong hinila ang seatbelt at inayos sa sarili. He did the same before starting the engine. Hindi na rin naman kami nagtagal doon at bumyahe na rin kami paalis.




Napanguso ako ng dumapo ang tingin ko sa kaniya, panay ang pamamawis niya sa noo at tungki ng kaniyang ilong. Palihim akong napangiti.




"Kinakabahan ka ba?"




He nodded. His adams apple move up and down like a rhythm. "Sobra." He chuckled.




I cackled before reaching out for his right hand who's resting on his lap. Nakanguso niya akong tinitigan.




"Parang kanina ikaw 'yong gustong-gusto na makilala si Papa, ah?"




"Yeah. I want it, it's just that... I'm a bit tense."




Bahagya kong pinisil ang kamay niya. "Mabait naman 'yon si Papa. Pero minsan talagang nag-iinit ang ulo. Huwag kang mag-alala, kasama mo naman ako. Tayong dalawa parin ang bumubuo ng desisyon natin kaya... huwag kang matakot."




When our eyes met the strange spark lightened up between us again. Butterflies started to fly all over my stomach. Eto ang palagi kong nararamdaman sa tuwing nagtatagpo ang mga mata namin. Palagi kong nararamdaman pero feeling ko mas lalong lumalala habang tumatagal.




"Yeah... I won't." He said almost a whisper.




I just let out a smile and relaxed my body on the seat. Ngayon ay ayaw nang mawala ang ngiting 'yun sa akin. Hanggang sa makarating kami sa mismong subdivision at sa mismong gate ng bahay ay hindi parin nawawala ang ngiti ko.




Sabay kaming bumaba ng sasakyan. Sinalubong kami ni Manong guard at pinagbuksan ng gate. Binati ko pabalik ang guard na bumati ng magandang hapon sa amin. Tinanong ko rin kung talagang nandito na ba si Papa at sinabi niyang kakarating pa lang daw.




Hinila ko si Chrispher papunta sa loob ng bahay ng walang pagda-dalawang isip. Doon naman sa sala ay nadatnan namin si Mama.




Her eyes widened. "Anak..." Napatigil siya sa pagsasalita nang lumipat tingin niya sa lalaking nasa likuran ko. "Chrispher?!"




Ngumiti si Chrispher bago kumaway. "Hello po, Tita."




Mama gasped and walked fast to Chrispher. She immediately hugged him which made me chuckle.




"Na-miss kita, iho!" She let go. "Kamusta ka na? Ang tagal nating hindi nagkita, ah?"




"Oo nga po, eh. Maraming nangyari pero thankfully nakaya ko ring tapusin." Si Chrispher.




"Si Chacey? Kamusta rin? Naku! Maupo muna kayo." Hinila ni Mama si Chrispher papunta sa sofa. Binitawan ko ang kamay niya dahilan para mapatingin siya sa akin.




"Diyan ka na muna, ako muna ang kakausap kay Papa." Ani ko at napabaling kay Mama.





She raised a brow, confused. I smiled. "Ma, pupuntahan ko na muna si Papa."




"H-ha? P-pero anak hindi ko pa siya nakakausap tungkol sa..." Hindi ko na siya pinatapos.




"Ma okay lang po," hinalikan ko siya sa pisngi. "Ako na ang bahala."




She let out a worried expression before nodding. Alam kong nag-aalala din siya din siya sa maaaring mangyari. Napatango ako bago bumaling kay Chrispher. Seninyasan ko siyang pupunta na bago tuluyang tumalikod.




Takbo at lakad ang ginawa ko hanggang sa makarating sa mismong harap ng opisina ni Papa. Ang kulay antique brown pa lang na pintuan nito ay talagang nakakakaba na tingnan. Mararamdaman mo na agad ang aura na nagmumula sa loob.




Nagpakawala ako ng malalim na hininga bago kumatok. Pinagbuksan ako ng sekretarya ni Papa na si Sir. Carlos na sampung taon lamang ang tanda sa akin. Nakasalamin eto at naka-suit.




"Good afternoon, Miss Phoebe." He greeted. I greeted back before asking for my father.




Itinuro niya ang kwarto kung saan nagbibihis si Papa.




"Maghihintay na lang muna ako dito," ani ko bago itinuro ang sofa.




"Okay po," he bowed his head before going out from the room, pero bumalik ulit na nakasilip sa pintuan. "Miss, gusto mo po ba ng juice, kape o tea?"




I smiled and shook my head. "Huwag na. Salamat."




He nodded and closed the door. Naiwan ako sa tahimik na opisina ni Papa. Inilibot ko ang tingin sa mala-modern na opisina. Matagal narin pala akong hindi nakakapasok dito. Masiyado na akong nalunod sa trabaho kaya hindi na rin ako masiyadong nakakabisita dito.




Mabilis akong napatayo mula sa pagkakaupo sa sofa nang makita ko si Papa na kakalabas lang ng isang kwarto. Nakasuot na ngayon ng simpleng polo at shorts. Pambahay na pambahay ang datingan. My father still have his masculine features. Mataas at may matikas na pangangatawan. Kahit na masiyadong busy sa trabaho ay alam kong hindi parin niya nakakaligtaan ang pag-eehersisyo.




"Pa..." Inangat niya ang kaniyang kamay upang patigilin ako sa pagsasalita. Napayuko na lamang ako at hinintay siyang makaupo sa kaharap kong sofa.




"Upo ka," utos niya. Tumango ako at umupo. Panay ang kagat ko ng labi habang palipat-lipat ang tingin.




"Nandito ka para tuparin ang pangako mo, tama?" Aniya.




Mariin akong napalunok bago napatango. Ayaw kong mag-angat ng tingin sa kaniya. Naninikip ang dibdib ko.




He groaned. "Well, I'll give you a chance..."




Mabilis kong inangat ang tingin sa kaniya. Gulat at puno ng pagtataka ko siyang tinitigan. "Po?"




"Give me a reason why I should let you do your job as a Police Officer. I will not accept unclear reasons from you. You should do your best to explain it to me."




Nanginig ang parehong labi at kamay ko dahil sa narinig mula sa kaniya. Nahihirapan na naman akong iproseso ang lahat! Nagkahalo-halo na agad ang nararamdaman ko!




"P-pa..."




"I'll give you five minutes to speak—"




"Dahil pinaghirapan ko ang pangarap kong 'to, Pa."




He nodded and flick his fingers for me to proceed. Shit. I'm too clouded!




"Pa... pwede ba akong magtanong?"




He raised a brow with a serious expression. He sighed. "I only permitted you to give me a better reason for me to allow you with that job of yours."




"Pa... Anong mararamdaman mo kung mawawala lahat ng pinaghirapan mong kompanya?"




Nagsimulang tumalim ang titig niya sa akin. "Phoebe."




"Pa... paano kung malugmok tayo? Paano kung lumubog tayo sa hirap? Paano kung mawala maski katiting ng pinaghirapan mong isalba noon? Anong mararamdaman mo?"




"You dare to mock me?!" He growled furiously.




"Pangarap lang 'yun, Pa. Pero hindi rin basta-basta ang mga sakripisyo ko para lang matupad 'yon." I said pleadingly. It's true. Mahirap i-give up ang bagay na pinaghirapan mo.




"So? What're you trying to say to me?"




"Pa..." I gulped hard. Inipon ko lahat ng lakas na meron ako para matitigan siya ng diretso. "A-alam kong napag-usapan na natin 'to noon. Nakapagdesisyon na rin tayo pareho... p-pero, Pa. Ayaw ko talaga 'tong pakawalan."




The way he gritted his teeth and clenched his jaw made me feel so doleful.




"A-ayaw ko pong tumigil sa pagpu-pulis." Dugtong ko pa. Pero kahit na ano man ang kahahantungan ko ngayon, tatanggapin ko.




Marahas siyang napabuga ng hangin. "Minsan narin kitang pinagbigyan noon, Phoebe. At alam mo kung ano ang nangyari, 'di ba?"




Mariin kong ipinikit ang mga mata. Alam ko na ang susunod...




"Sinuway mo ako! Do you know how much I worried about you?! Your mother! Your brother! Muntik na akong atakehin sa puso nang malaman kong nabaril ka! Hindi mo alam 'yong takot ko sa maaaring mangyari sa'yo! I have so many what if's inside my head! What if you got shot in the head?! What if you got shot in your chest?! Paano kung isang araw malaman na lang namin na nasa morgue na ang katawan mo?! Sa tingin mo?! Importante pa rin ba sa'yo ang mga pag-aalala namin?! You didn't know because you're too focus with that dream of yours! Bulletproof can't help! Helmet can't help! Special gears can't help, Phoebe! Hindi natin alam ang daloy ng panahon! Mas gugustuhin kong maunang mamatay kesa sa mga anak ko! Gusto ko pa kayo makitang magkapamilya! Gusto ko pa makita ang mga apo ko! Ayaw kong mawala kayo sa akin!" Just hearing him shout those words is so painful. My chest is throbbing so hard that I can't resist.




Nagsimulang tumulo ang luha ko sa mata. Basta na lamang silang nagsilabasan ng hindi ko man lang napapansin.




"So now, Inspector Phoebe Valerino!" He shouted with full of grief on his voice. "Sa anong dahilan kita bibigyan ng chance para pagbigyan diyan sa propesyon mo?!"




Tanging hikbi ko na lamang ang naisagot ko sa kaniya. Hindi ko alam... naguguluhan na ako ng tudo... Wala akong lakas magsalita... Anong gagawin ko? Ano ang dapat kong sabihin? Did I deserve father's chances?




"P-pa..." I cried harder than before. Hindi ko na alam ang sasabihin ko. Nauunahan ako ng nararamdaman ko.




"Phoebe!" Padabog siyang naglakad papalapit sa akin. Hindi pa man ako tuluyang nakakaangat ng tingin ay mahigpit na niyang yakap ang bumungad sa akin.




Mas lalo lamang na nag-init ang puso ko dahil sa ginawa niya. Mas lumakas pa ang iyak at hikbi ko nang maramdaman ko ang yakap niya na puno ng pagmamahal sa akin.




"Tama na... huwag ka na umiyak, hmm?" He caressed my hair in a very soft manner.




"Pa..." Marami na akong nagawang mali sa kaniya. Marami na akong kasalanan na nagawa sa kanila. Nagu-guilty at naguguluhan na ako sa nararamdaman ko.




"Ayaw kong makita na umiiyak ka, Ren. Patawarin mo si Papa." His voice is as soft as feather.




"Pa... I'm... I'm so s-sorry..." Crying is the only way I want to do right now. Masiyadong masakit na pakiramdam ko ay mauubusan ako ng hininga kakaiyak.




"I'll give you another chance, but I want you to work only in the office. I don't want you to join any raids or dangerous cases. Iyon lang ang gusto ko sa chance mo na ito, Phob. Wala na akong ibang magagawa." He said with authority.




"Yes, Pa. H-hindi ko na talaga uulitin, promise," I sobbed.




"Aasahan ko 'yan sa'yo." He said before planting a soft kiss on my forehead.




I am still indeed Daddy's girl. Ang pangit pakinggan pero talagang hindi ko maipagkakailang nandoon parin ang bond na meron kami ni Papa noong bata palang ako hanggang ngayon. Masiyado nang maraming sakit ang naibigay ko sa kanila, sisiguraduhin ko na ngayong hindi ko siya bibiguin.




Nang medyo humupa na ang luha ko sa mata ay tsaka ako nakangising nag-angat ng tingin sa kaniya.




"Pa... May ipapakilala po ako sa'yo," I smiled, still hugging him.




Tumaas ang kaniyang kilay bilang pagtatanong. "Sino?"




Mahina akong napatawa bago pinunasan ang luha ko sa mata. Bumitaw ako ng dahan-dahan. "Hintayin mo 'ko, Pa. Dadalhin ko siya rito."




Kunot-noong itinagilid ni Papa ang kaniyang ulo. Bakas ang pagtataka sa itsura niya dahilan para mapatawa ako. Mabilis akong lumabas sa kaniyang opisina at tumakbo papunta sa sala kung asan si Chrispher. Nang madatnan ko siya ay nandoon parin siya sa sala habang nakatitig sa sahig at parang malalim ang iniisip.




"Chris!" Tawag ko sa kaniya dahilan para mabilis siyang mapatayo. Agad na kumunot ang kaniyang noo ng makita ang itsura ko. Alam kong namamaga na ngayon ang mata ko. Nakakahiya.




"What happened?" He asked in a worried tone.




Tumawa lamang ako bago siya tuluyang hinila. "Tayo na."




Sumunod lamang siya sa akin ng walang ibang tanong. Mabilis kaming nakarating sa harap ng opisina ni Papa. Bago ko iyon binuksan ay tinitigan ko muna siya ng maigi.




"Gusto mo ba makaharap si Papa?" I asked.





"Y-yes... I'm ready." He swallowed hard.




Mahina akong napatawa bago pinisil ang kaniyang kamay. "Pwede pa tayong umatras—"




"Hello no. Not gonna happen," he immediately retorted. Kahit na alam kong parang gripo na nang tubig ang pawis niya sa noo. I giggled silently.




"Okay. Pasok na tayo." Sabi ko at walang ano ano'y binuksan ang pintuan.




I don't know, but I feel so confident this time. Nadadala ako sa gaan ng pakiramdam ko. I know Papa will understand. I know he'll be fine.




"Pa..." Tawag ko sa nakatalikod na si Papa. When he turn his way to us, his eyes immediately widened in surprised.




"Chrispher Magno?!" He exclaimed.









----
A/N: Two chapters to go. Isasabay ko na ang update ng Chapter 50 at Wakas!😍🦋 Thank you so much for holding on to my first Officers Series installment!🥺 I love you so much!

I hope to I hear your insights/thoughts about this story. Huhu it is very important to me😭❤️ Again, thank you!

Continue Reading

You'll Also Like

49.2K 1.5K 53
Wife Series #2: Danger Resurrection When you have a heart without a home, and love is the only thing that makes you strong, will you fight for your l...
29.7M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
1.4M 30.1K 50
Missy.. My bestfriend's daughter na lumaki sa aking pangangalaga. Ang sanhi para hiwalayan ako ng aking boyfriend. Ang sanhi para itakwil ako ng sari...
12.5K 725 22
Danielle Sandoval was living in accords to her ideals. It was all smooth sailing for her, until she met Leo, a single dad with piercings and tattoos...