No Strings Attached

By Zmnth26

7.1K 73 0

WARNING: MAKALAT ANG MGA CHARACTERS! WAG TUTULARAN! THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS AND SENSITIV... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Epilogue
Special Chapter 1
Special Chapter 2

Chapter 4

316 3 0
By Zmnth26

ITINAPON ko sa teresa ang upos ng aking sigarilyo. Nakaubos ako ng one stick kakapanood sa malumanay na pakikipag-usap ng tatay ko sa ibang tao.

"Ma'am pwede na po kayong pumasok, tapos na po ang meeting ng Papa niyo." Paalala sa akin ng kanyang sekretarya.

Tinanguan ko ito at nginitian. "Salamat."

Pagpihit palang sa seradura ng pinto ay rinig ko na ang tawanan sa loob. Nahinto lang iyon noong kapwa sila mapalingon sa akin.

"Pa," I blurted out. Alam na niya ang ibig sabihin niyon.

"Job well done, Nero. I am proud of you." Aniya sa kaharap na binata. May pagtapik pa siya sa balikat nito.

Nalukot ang aking noo noong  pasimple akong sulyapan ni Nero. Kinibitan niya ako ng balikat, as if he was saying 'well'. As if he smells the jealousy I felt.

"I'll catch up with you tomorrow, young man!" Pahabol ni Papa noong magpaalam ng umalis ang lalake. Saka lamang muling pumormal ang kanyang mukha noong mapag-isa na kami sa loob ng kanyang opisina. Doon niya lamang ako binalingan. "Why are you here?"

Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa, alam kong ayaw niya rin magkaroon ng mahabang conversation sa akin.

"I need money."

"For?"

"Tuition."

Enrollment na para sa next semester. Huling semester na iyon kaya medyo malaki ang babayaran. Kung hindi lang naubos ang pera ko sa midyear class ay hindi ako manghihingi ng pera sa matandang ito.

Ngayon ko pinagsisisihan ang mga back subjects ko. Kung wala siguro ako ng mga iyon ay wala akong hahabulin na subject para on time makagraduate. HIndi rin siguro ako mapipilitan humingi ng tulong sa matandang ito.

"Tuition? Para saan?" Parang hari siyang umupo sa kanyang swivel chair. "Para sa walang kabuluhan mong kurso?"

Ah, nandito na naman po tayo.

"Sinabi ko na sayong hindi kita papakielaman sa mga desisyon mo sa buhay, pero hindi ko sinabing susuportahan kita. May pagkain ka, damit, at bubong na matitirhan. Do as you please, ikaw ang humanap ng sarili mong kapalaran--"

"Kailangan ko ng suporta pinansyal!" Ibinagsak ko ang dalawa kong kamay sa desk na nakapagitan sa aming dalawa. "Responsibilidad mo yun sa akin bilang ama."

"Leison!" Namula sa galit ang kanyang mukha. Ito ang unang pagkakataon na nagsalita ako sa kanya.

Well, he earned that shit.

Hindi ako nagmamalabis. In fact, I didn't say a word noong inanunsyo niya na kay Nero ipapasa ang Ravaje's. Ni-hindi na ako nag-eexpect ng ano pa man mula sa kanya.

"Ngayon nalang ako hihingi ng suporta mula sayo. Isang semester nalang gagraduate na ako, pagtapos niyon maghahanap ako ng trabaho. Aalis ako sa poder mo at hinding-hindi na ako magpapakita sayo."

Mataman siyang tumitig sa akin. Kapwa matigas ang aming anyo. "It's Ravaje's or nothing."

Nakipagtagisan ako ng tingin. Nang makitang hindi na magbabago ang isip niya ay mapakla akong napangiti.

"It seems like I don't have enough reason to stay then." Aniko, pagkatapos ay isinurrender lahat ng susi na meron siya sa akin.

Hindi na ako lumingon noong lumabas ako sa kanyang office. Kung pwede lang isauli ang buhay at apilyedo na galing sa kanya ay baka ginawa ko na.



"MISS, isang cocktail!"

"Sir, lasing na po kayo."

"May pangbayad naman ako!"

Napailing si Leison. Imbes ibigay ang order nito ay kinawayan niya ang bouncer at pinadampot ang lalakeng ayaw magpaawat sa pag-inom.

Ang bilis ng panahon. Parang dati ay isa siya sa mga party people sa dance floor, ngayon ay isa na siya sa mga bartender na nagbibigay inumin sa mga dati ay nakakasayaw niya. May mga lasing pa siyang naeencounter, yung iba nang-aaway, nanlalandi, at ang iba naman ay nagpapacomfort sa kanya. Ilang babae na rin ang naligtas niya mula sa mga lalakeng nahuhuli niya  sa aktong may hinahalo sa inumin nito.

So far ay naeenjoy naman niya ang kanyang trabaho.

Napalingon si Leison nang isang grupo ng maiingay na kalalakihan ang dumating. Nagtatawanan at nag-uusap ang mga ito noong pumwesto sa bar counter.

"Whiskey for my brothers please." Ani isang binata na kabilang sa grupo-- na agad ding natigilan noong mapalingon sa kanya. "Whoa, Lei?!"

It was Marc. Amusement was written on his face.

"I didn't know that you work here!"

"Kakastart ko lang last month."

"Who is she?" Usisa ng mga kasama ni Marc. They are checking her out.

"Oh," Natauhan naman si Marc na tila nakalimutan na may mga kasama. "She's Leison... my classmate. Lei, meet my brothers. Mga kagrupo ko dati sa bboy dance."

Ngumiti siya at tumango sa mga ito.

"Nice to meet you, Leison! You can join us if you want. We don't bite."

"Oh no, the lady is working, Jaeo, Shooo!" Pabirong tinaboy ni Marc ang mga kaibigan.

Saglit lang sila nakapag-kamustahan ni Marc, nalaman niyang despidida ng isa sa mga kaibigan nito kaya ito maraming kasama ngayon.

Marc usually go to clubs and bars alone. Nagsosolo lang ito sa bar  when he's onto girl hunting. Walang  duda  na sa bar sila unang nagkakilala.

It was a tiring night.  Maraming customer ang dumagsa. Dumagdag pa ang stress niya sa ingay at baho ng paligid. For God's sake! Hindi niya akalain na darating ang araw na mauumay siya sa bar na paborito niyang tambayan dati!

"What  a fucking midnight." Hinihilot ni Leison ang sariling balikat.

Kasalukuyan siya ngayong naglalakad pauwi, tapos na ang shift niya at may pasok pa siya bukas. Nang mapadaan sa parking lot ay agad siyang napahinto nang may maramdamang presensya sa kanyang likuran.

It was a familiar scent.

"I thought you got home." Ani Leison, at sinulyapan ang anino nito. Tama siya. Si Marc nga, the one and only.

Dinig niya ang paghakbang nito palapit.

"Obviously, I waited for you."

Hinapit nito ang kanyang bewang, dahilan upang mapasandal siya at magdikit ang kanilang katawan. Her butt bump into his bulge. She heard him groaned.

"You look sexy in your uniform, Lei... Do you know how bad I fought the urge to pull you somewhere private while watching you in that bar counter?"

Napairap siya. So si Marc lang pala ang naramdaman niyang nakasubaybay sa kilos niya habang nagtatrabaho kanina.

Hinarap niya ang lalake.

"Balot na balot ang suot ko."

Ngumiti ito at pinagmasdan ang kanyang mukha. "Well, you look hot in every clothes you wear."

"Hmm, asan na yung mga kasama mo--"

Hindi na niya natapos ang kanyang sinasabi noong kabigin nito ang kanyang batok at lunurin siya sa isang mapag-angkin na halik.

Tangina talaga ng lalakeng to!

"Marc!" Ang kamay niya na tumulak sa dibdib nito ang nagpapreno sa  binata. "Baka makita tayo dito ng manager ko!"

Marc chuckled. Natilihan siya noong bigla siya nitong buhatin patungo sa sasakyan na tila kanina pa rin nag-aabang sa kanya. Isinakay siya nito sa backseat at muling pinagsawa ang labi sa kanya.

She held his nape as they were kissing and dry humping. Marc was leaving a lot of mark on her neck and chest.

Pababa na ang kamay nito patungo sa kanyang kuwan nang bigla ay pigilan niya ito.

"Lei!" Inis nitong saad noong mag-angat ng tingin sa kanya.

"Not in your fucking car again, Marc." Huling beses na doon sila nagquickie ay muntik pa silang maaksidente dahil sa malakas na pag-alog ng sasakyan. Umuulan niyon kaya dumulas ang gulong pababa sa matarik na kalye ng Mt. Samat.

"Alright! In your damn place then!" Nagmamadali itong nagtungo sa driver seat at inistart ang makina. Itinuro niya naman ang daan patungo sa  bago niyang tinutuluyan, ngunit pagdating doon ay tuluyang naunsyami ang kanilang plano...

Nasalo ni Marc ang lumipad niyang sapatos, ngunit agad din itong napangiwi noong hindi napaghandaan ang lumilipad niyang panty. Sapul ito sa mukha at shoot iyon sa ulo ng binata.

Hindi, hindi sila nagstripping tease, hindi sila naglalaro, at mas lalong hindi nawalan ng gravity...

"Magbabayad naman ako sa upa, Manang Hilda!"

"Ay hindi, umalis ka nalang! Kuryente nga hindi mo pa nababayaran, pang-upa pa kaya? Pasensya na Leison, nangangailangan lang ako ng pera, mag-ingat ka nalang. Abuloy ko nalang sayo yung higit isang buwan mong pagtira dito."

"Ang sama naman ho ng bibig niyo!"

Kumumpas lang ang kamay  ng matanda at tumalikod na sa kanya.

Napamura siya at napasabunot sa inis. Ang inaasahan nilang mainit na gabi ay nauwi sa paghahakot ng kanyang mga gamit.

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 37.7K 61
WATTYS WINNER When her fiancé ends up in a coma and his secret mistress, Halley, shows up, Mary feels like her world is falling apart. What she does...