The Love Encounter (Varsity B...

By kotarou-

58.2K 2.8K 129

VARSITY BOYS SERIES #2: THE LOVE ENCOUNTER Content Warning: The Varsity Boys Series features a BL (Boys' Love... More

VARSITY BOYS SERIES #2: THE LOVE ENCOUNTER
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
ARCHER ELLIS
Chapter 61
Chapter 62
Kean Anthony Leondones
Epilogue
VARSITY BOYS SERIES 3: BREAKING THROUGH THE CLOUDS

Chapter 22

819 43 0
By kotarou-

Chapter 22



Pinilit pa ako ni Keano na huwag nang ubusin iyon ngunit hindi ako pumayag. Sayang rin naman kung itatapon niya. Uminom nalang akong maraming tubig pagkatapos.

Pinainom rin niya ako ng gamot pagkatapos. Binilin niyang huwag na akong tumayo pa at magpahinga na lang kaya iyon ang ginawa ko. Natulog lamang ako maghapon, ginising niya lang ako noong tanghali upang kumain at muling uminom ng gamot.

Hapon nang magising ako. Medyo magaan na ang pakiramdam ko at kaunting sakit nalang ng ulo ang nararamdaman ko. Lumabas ako ng silid upang kumuha ng tubig, ayoko na kasing tawagin pa si Keano para magpakuha nakakahiya na! Maghapon ko na siyang naiistorbo.

"I can't dude, walang maiiwan kay Eli rito...Yeah...just tell Claire na hindi ako makakapunta, paki sabi na rin na congrats."

Naabutan ko si Keano na nasa kusina at mukhang may kausap sa cellphone. Hindi niya ako kaagad napansin dahil nakatalikod siya sa akin at nakaharap sa sink. May apron siyang suot, mukang nasa kalagitnaan siya ng paghuhugas.

Nang maibaba niya ang tawag at ibalik niya sa kaniyang bulsa ang cellphone ay duon niya lamang ako napansin.

"Eli! Bakit bumangon kana?" Tanong niya.

"Uh, kukuha sana akong tubig." Sagot ko.

"You should've just called me. Sit down, I'll get it for you." Utos nito saka siya ang kumuha ng tubig sa ref.

Umupo ako sa stool at pinanood siyang magsalin ng tubig sa baso. Inibot niya iyon sa akin.

"Need anything else?" Tanong niya.

Umiling ako. "Thanks...uh, may lakad ka ata?" Hindi ko napigilang tanong dahil na-curious ako sa narinig kong sinabi niya sa kausap niya.

"Uh, it's just a party, thanks giving ng PLUMA para sa mga varsity palyers na nakipag-participate sa magazine nila." Sagot niya.

Muli siyang tumalikod sa akin at humarap sa sink.

Napatango ako. Iyong PLUMA ay ang official publication ng university and yung magazine na tinutukoy niya ay iyong varsity magazine na sa naalala ko ay pinagkakaguluhan ng mga estudyante nitong nakaraang linggo.

"Bakit hindi ka pumunta? Ayos naman na ako." Sabi ko.

Saglit siyang sumulyap sa akin. "Sure you are. Ang kulit mo na e."

Ngumuso ako. "Ayos naman na talaga ko. You should go, para iyon sa inyo, saying kung hindi ka pupunta."

"It's fine, may ibang pagkakataon pa naman. Huwag mo nalang isipin iyon." Sagot niya.

Tumango ako at ininom ang tubig na kaniyang binigay. Pinanood ko lang siya roon hanggang sa matapos siya.

Humarap siya sa akin. "What do you want to eat? Mag-oorder ako." Tanong niya.

Hindi ako kaagad sumagot dahil may naisip ako. Alangan akong ngumiti sa kaniya na ikinunot ng kaniyang noo.

"Uh- pwede bang m-mag luto ka nalang ulit?" Nahihiya kong tanong.

Mas lalong lumalim ang pagkakakunot sa kaniyang noo.

"What? Are you serious? Hindi ba maalat iyong luto ko, gusto mo ulit kumain ng maalat?" Tanong niya.

Ngumuso ako. "Uh, sige huwag nalang." Sabi ko. Sinadya kong babaan ang boses ko.

"Dang it! Fine what do you want to eat?"

Pinigil ko ang pagniti ng malawak nang mapilitan siya. Sabi ko na kaunting pagpapa-awa lang ay bibigay ito.

"Sinigang, gusto ko yung maasim." Sagot ko.

Bumuga siya ng hangin saka tumango. "Fine sinigang, for you." Sabi niya. Natawa nalang ako.

Ako na ang nagturo sa kaniya ng mga dapat niyang gawin. May mga kulang pa na sangkap kaya naman kinailangan niya pang bumaba upang bumili.

Nang makabalik siya ay nagumpisa na siyang magluto. Nanduon lamang ako na sa mesa at pinanonood siya. Ilang beses ko siyang pinaalalahanan na magingat sa kutsilyo dahil noong unang beses siyang maghiwa ay nahiwa rin ang kamay niya.

"Patikim ako." sabi ko.

"Wait." Kumuha siya ng sabaw at marahang hinipan iyon.

"Mainit, be careful." Paalala niya.

Dahan-dahan kong hinigop ang sabaw roon. Napangiti ako nang malasahan ang eksaktong alat, asim at linamnam ng sabaw.

Nagtumbs up ako sa kaniya. Malawak naman siyang ngumisi. Maging siya ay hindi makapaniwala sa masarap niyang luto ng sinigang. Ang sabi pa niya ay iyon ang paborito niyang ulam ngayon, pangalawa na lang ang tinola.

"Keano, salamat nga pala." Sabi ko sa kalagitaan ng pagkain.

"Para saan?"

"Sa pag-aalaga sa akin ngayong araw, salamat."

Umiling siya.

"You don't have to say thank you. Ginawa ko iyon dahil gusto ko. I want to take care of you." Sagot niya na labis ikinabaliw ng buo kong sistema.

Napatitig ako sa kaniya. Hindi alam kung anong sasabihin. Bakit? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit kahit alam kong walang laman ang bawat salitang iyon ay bakit tila may bigat iyon na sa akin?

Alangan akong ngumiti at tumango sa kaniya. Dahan –dahan akong nagiwas ng paningin sa kaniya at sa pagkain nalang ibinaling ang mga mata.

Kinabukasan ay naging okay naman na ako. Wala si Keano maghapon sa condo dahil may training raw siya, pero dumating naman si ate Aila kaya may kasama ako.

Hindi pa nga umalis si Keano hanggang hindi nakakadating si Ate dahil gusto raw niyang masigurong may kasama ako. Para siyang tatay!

Inihatid din ni Flynn sa condo ang lectures na namiss ko dahil sa isang aarw kong pagliban sa klase. Iyon ang inatupag ko sa dalawang araw na walang pasok.

Naging maayos naman ang mga sunod na araw. Si Keano ay malimit nang nag pipresentang mag luto, lagi niya akong tinetext na intayin ko siya at siya ang magluluto. Kahit na ilang beses na rin siyang na hiwa ng kutsilyo.

Ayaw naman niyang magpapigil kaya naman hinahayaan ko nalang siya. I just stood there and watched him. I don't know but I always find myself smiling for no reason while watching at him. I am amazed how fast he learn how to work in the kitchen. I could say he's doing very well in his new found passion and top of that that apron suits in him very well though.

Thursday afternoon nang magkaroon ng suspension ng klase ang university dahil sa paparating na bagyo raw. Ginamit namin iyong pagkakataon upang pumunta sa condo ni Yuri at gawin ang group requirements namin.

"These people, are so lame!"

Iritadong sabi ni Stella habang nag scroll sa kaniyang cellphone.

Kumunot ang noo kong tiningnan siya.

"Ano ba 'yon?' Tanong ni Maico sa kaniya.

"Here, may lumabas na article about sa bagong basketball player ng university na si Jasper Felix at kay Ryu Perez, iyong campus journalist? Meron daw silang secret relationship." Paliwanag Stella.

"And these piece of shits are keep on sending hate messages on Ryu on the comment section. Seriously what's wrong with these people?" Pagpapatuloy niya.

"Huwag mo na kasing basahin 'yan ma-stress ka lang sa mga taong makikitid ang utak." Sabi ni Yuri saka inilapag ang isang bowl ng french fries sa coffee table.

Inabutan naman ako ni Allen ng tubig na ipinapakuha ko sa kaniya. "Thanks." Sabi ko.



Kasama nga pala namin siya ngayon dito sa condo ni Yuri. At kanina lang ay inamin nila sa amin na sila na raw. Hindi naman na kami nagulat dahil pansin naman namin ang pagiging malapit nila sa isa't isa noon pa man.

"I just don't get it why such kind of relationship is still big deal until today? My goodness!" Patuloy pa rin siya sa pag sasalita.

"We have different beliefs, Stella." Maikling tugon ni Flynn sa kaniya na hindi naman na alis sa laptop ang paningin.

"Exactly! That is why I don't understand why these people keep on sticking their nose on the things that doesn't concern them. Tsk. Screw them! " Sabi niya.

"Chill ka lang okay? Masyado kang apektado dyan." Sabi ni Maico na natatawa.

Sina Jasper Felix at Ryu Perez ay kilala sa university. Si Jasper ay dahil sa bago itong member ng basketball team habang si Ryu naman ay dahil sa pagsusulat nito sa publishing org.

Sila ang nagsulat ng Varsity Magazine.

"How about you guys, what's your thoughts about this?" Pagkuwa'y tanong sa amin ni Stella. Tinutukoy nito ang issue nina Jasper at Ryu.

"Para sakin, ayos lang. I mean, ano namang magagawa natin kung gusto nila ang isa't isa hindi ba?" Sagot ni Yuri na sinanayunan ni Allen.

"How about you, Maico?"

"Uh, same. It's their choice that doesn't concern us." Balewalang sagot ni Maico.

"How about you Flynn, what's your thought about same sex couple?" Baling nito kay Flynn.



Huminto si Flynn sa pagtataype.

"I think gender should be the least matters when you start genuinely liking someone..." panimula nito. "...so I think whatever relationship it is as long as the intention is pure and the feelings are real, it's valid. Regardless of who they are and what they are."

Hindi ko maiwasang mapatitig kay Flynn habang nagsasalita siya. Hindi siya madaldal na tao, pero kapag nagsalita siya parati siyang may punto. I can't help it but to admire his perspective.

Sumulyap siya sa akin at tipid na ngumiti. Ngumiti rin ako pabalik.

"Aww. That's wonderful. How about you Eli?" Sakin naman nabaling ang kanilang mga atensyon.

"Uh, I think Flynn is right. As long as there is a genuine feelings, you don't hurt others and you are both happy, there's nothing wrong with that." Sagot ko.

Ngumiti naman si Stella at tumango.

"Fuck genders and norms!" Sabi niya na amin namang ikinatawang lahat.

Mabilis na dumating ang midterm exam. Hindi gaya noong prelims ay kaunti lamang ang lesson ngayong midterm at hindi ganoon kahirap ang mga topic. Medyo marami lang paper works and reporting.

"Eli, do you have any plans this term break?" Tanong sa akin ni Keano habang nag-aagahan kami.

Saglit ko siyang tiningnan at nang makitang nakatingin rin siya sa akin ay mabilis akong nagiwas ng mata. Hanggang ngayon, hindi pa rin nawawala ang pagiging maligalig ng dibdib ko sa tuwing nagtatama ang mga mata namin.

Hindi ko alam ano bang nangyayari sa akin.

"U-uh, balak kong umuwi sa probinsya. Para rin makabisita kay Mama sa undas. Bakit?" Sagot ko.

Lihim kong kinagat ang aking dila dahil sa pagkakautal sa aking pagsasalita.

"Uh. Well you know, Lou is a part of an NGO, that supports teenagers who's a victim of bullying and experiencing depression this year they are organizing a recreational booth camp for them. They are short of volunteers, so she asked me to invite you." Sabi niya.

Muli akong napatingin sa kaniya at saglit na napatigil sa pagkain. Napaisip ako sa ideyang, mag volunteer sa ganong klaseng gawain.

Na-excite ako ngunit naisip ko ang plano kong paguwi sa probinsya. Bigla akong nagdalawang isip.

"Don't worry, it's only a three days and two night camp. It'll start by this coming weekend. Makakauwi ka bago mag-holiday." Sabi niya.

Mukhang nabasa niya ang naglalaro sa isipan ko. Kung weekend ito magsisimula, makakauwi ako ng martes, Siguro ay pwede ko naman hatiin iyon. Gusto ko rin kasi makatulong sa mga kabataang gaya kong nakakaranas ng bullying.

"Uh, s-sige." Sagot ko.

He smiled. "That's settled then."

Lagi kong nakikitang ngumingiti si Keano pero nitong mga nakalipas na araw, parang may kakaiba sa mga ngiti niya. I don't know if it's just me or he's smile is really brighter than before.

Teka...ano ba itong mga sinasabi ko? Tsk.



Umiling ako at ipinagpatuloy ang pagkain. Baka mawirduhan pa sa akin si Keano. 

Continue Reading

You'll Also Like

7.7M 220K 50
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
52.6K 2.3K 44
VARSITY BOYS SERIES #1: THE SPARKS OF OUR STARS Content Warning: The Varsity Boys Series features a BL (Boys' Love) theme, which includes romantic r...
3.7K 252 17
In the heart of a close-knit town, where love and support flowed like a gentle river, lived a transwoman named Asia. She was a beacon of warmth and k...