OFFICERS SERIES #1: Detaining...

By jindoodle_fairy

26.8K 1.2K 168

Officers Series#1 Status: [COMPLETED] Other than having her dream profession, wealthy love from family and a... More

Detaining Him (Officers Series #1)
Simula
Kabanata 01
Kabanata 02
Kabanata 03
Kabanata 04
Kabanata 05
Kabanata 06
Kabanata 07
Kabanata 08
Kabanata 09
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabatana 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Wakas
Author's Note

Kabanata 47

366 18 3
By jindoodle_fairy

!!CHAPTER ADVISORY!!

THIS CHAPTER CONTAINS DEPICTION/STRONG IMPLICATIONS OF THE FOLLOWING:

SUICIDAL
PSYCHOLOGICAL TRAUMA

Reach out for help if:
You or someone you know is experiencing a crisis; you are worried about your friend or a love one; or you need emotional support.

Immediately call your local emergency services. (911) Find an emergency Hotlines.

CRISIS HOTLINE: Globe/TM —0966 351 4518 Sun/Smart/Tnt —0908 899 8727



"Grief is just Love with No Place to go." —Jamie Anderson.




47




---

"Huwag na huwag kang magkakamali nang galaw dahil isang kalabit ko lang nito... babawiin ko ang buhay mo!" Banta ni Berenice sa akin. Ramdam na ramdam ko rin ang panginginig ng kamay niya habang mahigpit na nakapulupot ang kaniyang kamay sa aking leeg.




She sounds like a crazy person. She sounds like a psychopath ready to kill whoever she laid her eyes on. I just stayed still between her arms and calmly think for a possible way to snatch her gun before pinning her down the floor.



Alam kong hindi iyon magiging madali dahil sa nasa gilid ng noo ko ang baril niya.



May malaking posibilidad na kung susubukan kong kunin ang baril niya at pigilan siya ay makalabit niya ang gatilyo. At kung hindi man ako ang matamaan, baka sa ibang tao pa mangyari iyon, mahirap na.



Pansin kong Sig Sauer 9mm ang gamit niyang baril. Maaaring nasa tatlo o dalawang bala lang ang laman no'n dahil sa narinig kong pagkalas niya kanina. Kailangan kong gumawa ng paraan para alisin ang baril sa kamay niya ng walang palya.



I need to calmed her down first too.



I gulped hard. "B-Berenice... pag-usapan natin 'to sa ibang paraan—"



"Shut up! Shut the fuck up!" She screamed through my ears. Pansamantala akong nabingi dahil sa sobrang lakas ng pagkakasigaw niya.



Tiim bagang at pikit mata akong napatigil. Nang dumilat ako ay napatitig ako kay Chrispher. He's fuming so badly.



"Berry..." Chrispher called her in a soft manner.



"You!" Berenice started to trembling desperately. "You betrayed me! You're so unfair Chrispher! You're so unfair!



"Berenice please!" Agad na nagbago ang ekspresyon ni Chrispher. Mayroong inis, lungkot, poot at pag-aalala sa mukha niya pero mas nangibabaw ang pagsusumamo doon. "We've already talk about this. Sinabi ko na sa'yo ang lahat lahat. I know it's not easy for both of us but I still choose to forgive your Dad and your family despite of those horrible things that your family did to us. And I also told you about what I feel towards you. I thought we already made things clear! Why are you doing this now?!"



"C-chrispher!" Berenice cried stubbornly. "W-why can't you just give me a chance? I've done so many things just for you. I-I'm sure you already build feelings for me... right? A-ako na lang... Give me a chance. Just... just this once! Just give a week! I-if it doesn't work..." She sobbed. "Lalayuan na kita... I will leave you. H-hindi na ako mangingialam."



That's fucking hard. Kung nagkausap na pala sila at nagkaayos na dapat ay hindi na niya ito ginawa! Kung pagbibigyan pa siya ni Chrispher babalik at babalik pa rin itong gagawin niya dahil sa patuloy siyang aasa kay Chrispher!



Giving chances to a hopeless person is useless! Hindi iyan gagana.



Berenice needs a psychological action.



"Berry..." Pagod at problemadong napahinga nang malalim si Chrispher. "I already gave the chance to you twice... I already forgave you more than that. K-kung bibigyan pa kita ng isa na namang pagkakataon, paniguradong babalik at babalik na naman ang lahat. I won't give you any chance but... let me help you, okay? This isn't you. Hindi ito ikaw, Berenice."



Mariin kong naipikit ang mga mata nang sabay sabay na hikbi ang pinakawalan ni Berenice. This is so bad. Asan ba kasi sina Martin at bakit ang tagal nila makapunta dito?!



Mabuti na lang ay wala masiyadong tao. Magdadala lang iyon ng malaking gulo at commotion.



As a police officer, I need to be calm in this kind of situation. Isang maling galaw ko lang paniguradong magdudulot iyon ng masama sa lahat. Nakakainis lang dahil sa nabablangko ang isip ko!



"Y-you can't... you can't help me. Wasak na wasak na ako Chris! Wala nang natira sa akin!" Her pained cries made my heart ache. Paniguradong malaki ang pinagdadaanan niya ngayon. She's been clouded by her feelings.



Depression can control someone and might lead to do dangerous things like this. Sisirain no'n ang pag-iisip ng tao. Kakainin ng iba't ibang emosyon ang biktima nito upang makagawa ng bagay na delikado dala ng kaniyang poot at galit o iba pang masasakit na emosyon.



In this kind of state, she need to be treated. She needs rehabilitation dahil nasa malalang stage na siya nito. I need to think fast. Think! Think!



"P-patay na ang Daddy ko Chris!"



Namilog ang mga mata ko dahil sa narinig. I saw how Chrispher did the same reaction pero alam kong siya ang mas nagulat. Para siyang binagsakan ng langit at lupa lalo na nang mas grumabe pa ang iyak ni Berenice. Mas lalo ring humigpit at dumiin ang pagkakabaon ng baril sa gilid ng aking noo kaya hindi na naman ako nakagalaw. Pakiramdam ko ay mag-iiwan iyon ng sugat sa akin.



"He died and Mom almost took suicide!" Her painful sobs gets more louder and louder. "W-wala nang matitira sa akin... H-hindi ka ba... Hindi ka ba naaawa sa akin?!"



Damn. Hindi basihan ang awa para pagbigyan ka nang isang tao.



"B-berry..." Chrispher's voice trembled. "L-let her go... please. I'll help you—"



"Damn you!" Nangagalaiting sigaw ang binitawan ni Berenice. "All this time itong babaeng 'to pa rin ang iniisip mo?! Why are you so cruel to me?! I ask for a chance but you won't give it to me! Bakit ba gustong gusto mo itong babaeng isa sa mga taong pumatay sa Daddy mo?! Sa Daddy ko?! Wake up Chris! Wake up!"



"Wala siyang kasalanan sa mga nangyari sa mga magulang natin Berry! Tito Macias killed Dad and Tito was shot by General Villegas! Walang kinalaman si Ren dito kaya please! Just please let her go... P-pakawalan mo na siya...  please." Chrispher pleaded.



"Villegas is a Police officer and this bitch too! You should despise them Chrispher! Iisa lang ang mga prinsepyo nila! Please... C-chrispher intindihin mo rin ang nararamdaman ko!"



Naramdaman ko ang unti-unting paghina ng pagkakadiin ni Berenice sa baril. Napatitig ako kay Chrispher at ganoon pa rin ang ekspresyon niya. Puno nang pag-aalala at takot ang mga mata niya na nakatitig sa akin. I slowly form a smile and eyed him in a way of saying "I'm fine".



I need to do my moved. Masiyado nang natatagalan.



"Kahit isang police lang ang mapatay ko!" Malademonyong humagikhik si Berenice. "Tsaka lang tatahimik ang kaluluwa ko. I can now avenge my father! And it's hitting two bird with one stone because this person!" Napaigik ako nang hinigpitan niya ang pagkakasakal sa leeg ko. "Y-you love this woman, right?"



"B-Berry... please..." Si Chrispher. He shook his head pleadingly.



"I'd rather die than let anyone else be with you!" Malakas niyang sigaw na halos sumakop sa byong espasyo ng basement.



Nang alam ko na ang susunod niyang gagawin ay malakas kong tinulak ang kamay niyang may hawak na baril. She shrieked when I grab her other hands tightly. Napasinghap ako nang makita kong itinutok niya ang baril sa sarili niya.



Dumagundong ang puso ko sa sobrang kaba.



"Huwag!" Mabilis akong tumalon para abutin ang kamay niya at pigilan siya sa maaari niyang gawin.



Sabay kaming napahiga sa mismong sahig. Nauna ang ulo niya dahilan para mawalan siya ng lakas, pero hindi pa rin niya nabibitawan ang baril. Masyadong malikot ang katawan niya at hindi ko akalaing may kalakasan din pala siya.



I pinned her left hand and tried to stop her from moving by sitting on her stomach. Mabilis din namang lumapit si Chrispher at pinigilan ang kamay ni Berenice na may dalang baril.



"Let me go!" She screamed.



Nang natanggal ni Chrispher ang baril sa kamay ni Berenice ay agad akong nagdesisyon sa sunod na gagawin. Hindi siya titigil kung hindi ko siya papatulugin. I need to do this. Kagat labi ko siyang tinitigan.



Behind those fearless eyes and expression, there's Berenice hiding in pain and crying for love and attention.



"B-berenice... I'm sorry..." I murmured.



I saw how her eyes widened and was about to shout again. I snap the back of her neck causing for her to loss her consciousness in just a second. This is one of the safe sleep method na pinag-aralan ko noon. Matutulog lang siya ng ilang minuto. I hope na kapag magising siya, hindi siya magwala o gumawa na naman ng ibang bagay, dahil talagang mapipilitan kaming dalhin siya sa psychiatrist. She's now in her critical state. Hindi ito pwedeng balewalain.



She almost took herself! Kung hindi ko iyon napigilan paniguradong mababaliw ako sa isiping hindi ko siya nailigtas.



Kailangan namin siyang dalhin sa hospital. Kailangan namin ng makakatulong para sa kaniya. 



"C-Chris..." Napatigil ako nang makita ko kung gaano siya ka-miserable.



Mahigpit siyang nakasabunot sa sariling buhok at sobrang dilim ng ekspresyon. Guilt and sadness mirrored on his face.



"Fuck!" Napasinghap ako ng malakas niyang sinuntok ang sahig na semento.



"Chris!" Mabilis akong napatayo at hindi na nagdalawang isip na mahigpit siyang yakapin. Hinawakan ko ang dumudugo niyang kamao at pinermi sa kaniyang tiyan.



Natahimik siya sa balikat ko at hindi gumalaw. Nanatili kami sa ganoong posisyon. Ako na nakayakap sa kaniya at siya na nakaupo sa sahig. Hindi na rin ako nagsalita pa nang maramdaman ko ang unti-unting pagkabasa ng damit ko sa bandang dibdib. He's crying but with no voice.



"Funny..." He said.



"C-Chris..."




"I'm funny..."



"T-tayo na. Dalhin natin si Berenice sa hospital..." Hindi niya ako pinatapos.



"I... I did it again..." The way he grinned his teeth is so strong. I could already hear it. I sighed heavily.



"W-wala kang masamang ginawa okay? Tumayo na tayo—"



Nagulat ako nang siya na mismo ang tumulak sa akin palayo. Sa lakas ng pagkakatulak niya sa akin ay tumilapon pa akom Namimilog ang mga mata akong napatingala sa kaniya. Ni hindi man lang niya ako tinitigan pabalik.



Tumibok ang puso ko sa kakaibang pakiramdam. Para akong nakikiliti sa masakit na paraan. Para ako mababasag. B-bakit ayaw niya akong tingnan? B-bakit niya ako tinulak?



"C-Chris..." Nanginig ang boses ko nang hindi niya ako ulit pinansin.



Dire-diretso lamang siyang lumapit kay Berenice at agad itong binuhat sa kaniyang braso. The way he carried her is so smooth and careful. He even... he even kissed her forehead.



Napaatras ako. Nanginig. Hindi ako makahinga habang nakatitig sa kaniya... sa kanila. Sobrang sakit din ng dibdib ko na para akong nalulunod.



Parang tumigil sa pagtibok ang puso ko nang makita ko kung paano tumulo ang luha niya habang naaawang nakatitig kay Berenice.



No... H-he just concerned. W-wala iyong ibang ibig sabihin. Phoebe huwag kang mag-isip ng iba!



Hanggang sa dumating sina Martin at sinisigaw ang pangalan ko at nagtatanong kung ano ang nangyari. Nanatili akong nakatitig kay Chrispher na buhat buhat si Berenice at punong-puno ng emosyon sa mukha.



Wala ako sa sarili. Para akong patay na nakalutang sa ere. I can feel my finger tips getting cold. Kahit anong payo ko sa sarili na wala lang 'yon ay nalulusaw ako ng sakit.



"Inspector! O-okay ka lang?" Si Martin na humahangos pa at punong-puno ng pag-aalala sa mukha.



Doon ko lang napansin na wala na si Chrispher doon sa kinatatayuan niya kanina. Hinanap ko siya sa buong paligid pero wala na sila doon. Nawala ba ako sa sarili ko?



"A-asan sila... Martin?" Naiiyak ako na hindi ko alam.



"Kakaalis lang nila. Pinasakay ko na lang sila sa kotse ni Axon para madala sila nang mabilis sa hospital." Mahinahong aniya habang may nag-aalalang tingin sa akin.



Hindi ako sumagot. My mind was too clouded. Parang sasabog ang puso ko sa iba't ibang emosyon.



A-anong... Anong nagawa ko? Chrispher...



Inalalayan ako ni Martin papunta sa kotse ko. Hawak niya ang susi na naiwang nakabitin sa kotse. Hindi ko man siya masiyadong tinititigan ay napapansin ko naman ang palagian niyang paglunok at pagsulyap sa akin.



Hanggang sa tuluyan na siyang nagmaneho paalis ng basement. Tahimik ako at nasa kawalan ang titig.



"I-Inspector... N-namumutla ka..." Sabi niya.



Hindi ko siya pinansin. Narinig ko na lang ang marahas niyang singhap ng unti-unti nang tumulo isa-isa ang luha ko sa mata.



"I-Inspector..."



"T-tinulak niya 'ko..." Pati hikbi ko ay 'di ko na rin napigilan. Sobrang sakit at sikip ng dibdib ko na kung hindi ko pakakawalan ay para akong sasabog.



Walang ibang pumapasok sa isip ko kung hindi ang mga nangyari kanina. Pabalik-balik iyon sa isip ko. Hinanap ko ang mga dahilan kung bakit siya nagkaganoon.



Dahil ba sa ginawa kong pagpapatulog kay Berenice? D-dahil ba sa nasaktan ko si Berenice? Dahil ba sa hindi ako napatay ni Berenice?! Mababaliw ako kakaisip kung ano at kung saan! Hindi ko na alam!




"N-nagalit siya sa akin... N-naguguluhan ako sa dahilan..." I used my left palm to cover my eyes. My sobs is really painful. Ang kamay na siyang pinantabon ko sa mata ay ramdam ko ang panlalamig.



Alam kong nakakahiya dahil sa isa sa kasamahan ko pa sa trabaho ang nakakita sa ganito kong sitwasyon. Ni minsan 'di ako umiyak ng ganito sa harap nila kaya sobrang nakakapanlumo. Pero wala na akong pakealam. Tao lang din naman ako. Sa ngayon isasantabi ko na muna ang prinsepyo ko. Dahil ang sakit at hindi ko na kakayanin kung hindi ko ilalabas.



Gusto ko siyang makita... gusto ko siyang makausap. Pero natatakot ako. Naiinis ako.



"I-ihatid mo na lang ako pauwi, Martin," ani ko nang nahimasmasan na ako mula sa pag-iyak. Pero nandoon pa rin 'yong sakit kahit na pakiramdam ko ay naubos ko na ang luha ko sa mata.



"S-sige..." Aniya.



Nanatili ang titig ko sa labas. Binuksan ko nang kaunti ang bintana ng kotse para naman makalanghap ako ng sariwang hangin. Mas mabuti na rin 'yon para naman tumuyo ang luha ko sa mata at pag-uwi ko ay baka makita pa nina Mama. Ayaw kong mag-alala sila sa akin.



Matagal-tagal din bago kami nakarating sa bahay dahil sa sobrang traffic ng umaga. Maraming mga motorista ang papunta sa mga trabaho kaya nastock kami sa kalsada. Mabuti na rin itong natagalan dahil para hindi masiyadong mamaga ang mata ko pag-uwi.



Nauna akong bumaba nang kotse. Pinilit ko ang sariling ngumiti sa harap ni Martin kahit na halata sa itsura niya na hindi siya naniniwala sa ipinapakita ko.



Nang akmang bababa na siya ay kinatok ko nang malakas ang pintuan. Napatigil siya at napatitig sa akin.



"Dalhin mo na ang kotse ko, Martin."



Namilog ang mga mata niya at nataranta. "Naku huwag na, Inspector. Kaya ko namang maglakad papuntang gate ng sub tsaka tatawag na lang ako ng taxi..." Aniya.



Mabilis akong umiling at tikom ang bibig na nakangiting tinapik ulit ang kotse.



"Malayo ang gate tsaka alam kong may pupuntahan ka pa. Pakisabi na lang kay chief na masama ang pakiramdam ko. Hindi ako makaka-attend sa korte. Nandoon naman si Lupin kaya walang problema. Pakisabi rin na mag-ingat sila ah." Nang akmang tatalikod na ako ay agad niya akong tinawag. Napatigil ako at napabaling ulit sa kaniya.



Martin's worried gaze stayed on his face. I felt a sudden discomfort.



"I-Inspector..."



Mahina akong tumawa para ipakitang okay na ako. Kahit na alam kong mahirap iyong paniwalaan. "Sige na. Sekreto na lang natin 'tong nakita mo sa akin ngayong araw. Okay lang ako."



"Huwag kang mahihiyang tawagan ako o kami Inspector kung may kailangan ka. Handa kaming puntahan ka dito. Magsabi ka lang sa amin." Sinabi niya iyon sa paraang takot na baka umiyak na naman ako ulit.



Napakadali niyang basahin.



Nagbitaw ako ng maliit na ngiti at lumayo na sa kotse. Kinawayan ko siya habang may malaking ngiti sa labi. "Sige na. Mag-ingat ka. Tatawagan na lang kita kapag may itatanong ako tungkol sa mangyayari sa korte mamaya."



He swallowed hard before nodding. Kumaway pa ako ng panghuling beses bago tuluyang tumalikod. Dire-diretso akong pumasok sa gate at tinanguan lang ang guard na bumati sa akin ng magandang umaga.



Hindi ko maramdaman ang lamig ng hangin, maski ang magandang tanawin sa harap ng bahay namin dahil sa nagsabay-sabay na namang nagsulpotan ang mga alaalang nangyari sa akin kanina lang.



Sa tuwing iniisip ko na talagang galit si Chrispher sa akin, parang pinipiga ang puso ko. Lalo na no'ng ginawa niyang paghalik sa noo ni Berenice. Nakakabaliw isipin at hanapin ang dahilan kung bakit siya naging ganoon sa akin. Mas lalong sumasakit ang pakiramdam lalo na dahil talagang hindi ko alam ang rason niya kung bakit siya nagkaganoon! Hindi ko na alam.



"Ate..." Si Preston nang madatnan ko siya sa gitna ng hagdanan. Mukhang pababa na siya.



Nakasuot siya ng terno na polo at shorts. Ayos na ayos ang porma at parang may date na pupuntahan.



Tumango lang ako at mas lalong yumuko. Natatakot akong baka makita niya ang itsura ko. Hindi ko na naman kasi napigilang umiyak. Nagpasalamat ako nang nalagpasan ko siya at hindi siya nagtanong pero nang biglaan niyang hinila ang braso ko para patigilan ay tsaka pa ako kinabahan ng tudo.



Namilog ang pareho niyang mga mata nang makita ako ng buo. Agad na bumalandra ang galit sa itsura niya.



"M-may... may nangyari ba ate?" Tanong niya.



"Wala." Tinanggal ko ang kamay niya sa braso ko bago humakbang ulit papunta sa taas. Pero itong makulit kong kapatid ay sinundan pa ako hanggang sa harap ng kwarto ko.



"Si Kuya Chrispher na naman ba?"



Natigilan ako dahil sa tinanong niya. Napahigpit ang kapit ko sa doorknob at hindi agad nakapagsalita.



Naguluhan ako kung bakit pangalan ni Chrispher ang agad na lumabas sa bibig niya. Ganoon ba ka obvious na si Chrispher nga ang dahilan? Ha!



"Ate..."



"Hindi. Iwan mo na muna ako. Gusto kong mapag-isa." Matigas kong sabi bago tuluyang pumasok sa loob ng kwarto. Hindi na rin naman niya ako pinigilan pa.



Wala sa sarili kong sinarado at inilock ang pinto para walang makapasok sa kwarto ko habang nagmumukha pa akong miserable.



Nanghihina ang tuhod akong lumangoy sa kama at doon ay unti-unting binuhos ang sakit na nagsisimula na namang mag-alab sa akin.



"N-nakakainis ka... Chrispher." Sambit ko sa kalagitnaan ng hikbi.

Continue Reading

You'll Also Like

182K 4.4K 29
Dahil hindi lahat ng bidang babae ay perfect. Sa istoryang ito, ipapakita ko na sa bawat bitch sa mga istorya ay may karapatan din na lumigaya. Hang...
8.6K 1.6K 57
Katerina Grace Miranda is the prettiest student in NEO high school history, she was known for her beauty, her personality, and her friendship with th...
32.2M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...
460K 8.9K 37
"It was such a disgrace for me and my family that you are bearing our family name!" Pam Venice Lopez-Espiritu, a martyr wife. She is a loving, unders...