Heartbreaks Cure (SIGHTSERIES...

By maritinaajam

559 41 0

SS#2 Lia Amelia Alcazar, a woman who is always confused by things she doesn't understand. Things that confuse... More

PROLOGUE
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FORTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY-ONE
CHAPTER TWENTY-TWO
CHAPTER TWENTY-THREE
CHAPTER TWENTY-FOUR
CHAPTER TWENTY-FIVE
CHAPTER TWENTY-SIX
CHAPTER TWENTY-SEVEN
CHAPTER TWENTY-EIGHT
CHAPTER TWENTY-NINE
CHAPTER THIRTY-ONE
CHAPTER THIRTY-TWO
CHAPTER THIRTY-THREE
CHAPTER THIRTY-FOUR
CHAPTER THIRTY-FIVE
CHAPTER THIRTY-SIX
CHAPTER THIRTY-SEVEN
CHAPTER THIRTY-EIGHT
CHAPTER THIRTY-NINE
CHAPTER FORTY
CHAPTER FORTY-ONE
CHAPTER FORTY-TWO
CHAPTER FORTY-THREE
CHAPTER FORTY-FOUR
CHAPTER FORTY-FIVE
CHAPTER FORTY-SIX
CHAPTER FORTY-SEVEN
CHAPTER FORTY-EIGHT
CHAPTER FORTY - NINE

CHAPTER THIRTY

5 0 0
By maritinaajam

C-30

Namutawi sa aming paligid ang katahimikan at tila pinapakiramdaman pa ang isa't-isa. Pasimple pa 'kong sumusulyap sa kaniya na nakatingin lang sa direksiyon kung saan dumaan ang sinakyan ni Claireez.



Napapaisip pa 'ko kung sino ang kasama niya ngunit alam kong nasa mabuting kamay ang kaligtasan ni Claireez, nakakasiguro ako at alam ko ring nararamdaman din niya 'yon.




Agad akong napasinghap nang walang ano-ano'y bumaling siya sa 'kin dahilan para agad kong ikinailang. Naningkit pa ang kaniyang tingin na animong pinag-aaralan ang reaksiyon ko dahilan para agad naman akong mapalunok bago mag-iwas ng tingin.




"Why are you looking at me... li-like that?" Seryoso kunwaring tanong ko ngunit ang totoo, naiilang ako.




Ngunit imbis na sagutin niya, mas naramdaman ko pa rin ang paninitig niya kung kaya't lakas-loob kong ibinalik ang atensiyon ko sa kaniya dahilan para makita ko siyang mas pinagtuunan na nang pansin ang kabuuhan ko bago tumigil ang paningin niya sa gown na suot ko.




Agad akong napalunok dahil hindi na talaga naalis ang tingin niyang 'yon. Napapaisip pa 'ko kung bakit base sa nakikita ko sa kaniya, mukhang may kasiyahan akong nararamdaman at nakikita sa mga mata niya.




"Bakit ba tumitingin ka?" Mabilis kong tiningnan ang gown ko bago ibinalik ang tingin sa kaniya. "Gusto mo bang suotin? Tsh!"




Ngunit tila wala siyang narinig na sinabi ko dahil patuloy pa rin siya sa pagtitig sa suot ko. Pinagkunutan ko na siya dahil naguguluhan na 'ko sa inaakto niya.




"Ano ba? Huwag mo nga 'ko tingnan!" Masamang tingin ang ipinukol ko sa kaniya. "Kung titingnan mo lang ako nang titingnan... mabuti pa't maiwan na kita rito dahil baka hinahanap na 'ko sa loob."




Agad naman akong napabuntong-hininga dahil parang wala lang siyang narinig na sinabi ko. Napailing na lang ako sa iniaasta niya kung kaya't pinili ko na lang na huwag hintayin siyang magsalita at tumalikod na bago nagsimulang maglakad.




"Inaasahan ko nang babagay sa 'yo 'yan," biglang aniya. Agad tuloy akong napatigil sa paglalakad ngunit hindi pa rin ako tuluyang humarap.




"Inaasahan ko nang sa kahit ano pang ipasuot sa 'yo, alam kong babagay talaga sa 'yo," pagdugtong niya pa ngunit hindi pa rin ako humarap.




'Ano bang sinasabi niya?'




"Do you like it?" Tila makahulugan niyang tanong dahilan para tuluyan na 'kong mapaharap sa kaniya.





Pinakatitigan kong muli ang kabuuhan ko bago ako nalilitong napatango sa kaniya na agad naman niyang ikinangiti.




"What's up with you ba? Para kang sira!" Sinamaan ko pa siya ng tingin.




"I'm happy na nagustuhan mo ang binigay ko," nakangiting sabi niya.




Agad naman napataas ang kilay ko at wala sa sariling lumapit sa kaniya at nakipagtitigan.




"What do you mean?" Pinaningkitan ko siya. "Are you the one who gave me this?"




Bahagyang nanlaki ang mata niya na tila hindi niya inaasahan sa bibig niya mababanggit ang ginawa niya. Agad siyang napaiwas ng tingin lalo pa't mas pinaningkitan ko pa ang mata ko katitig sa kaniya.




"Woi! Sagot! Bilis! Huwag ka ngang umiwas diyan!" Irita kong sabi sa kaniya na agad din naman niyang sinunod at ibinalik ang tingin sa 'kin.




"Ano? Ikaw ba nagbigay nito?" Salubong na ang kilay na tanong ko.



Agad naman siyang napabuntong-hininga. Naramdaman kong agad sumama ang mukha ko nang makita ko ang dahan-dahang pagtango niya.




"Hanep ka rin 'no? Kinuntsaba mo pa kapatid ko?" Napailing ako. "Kaya naman pala gano'n na lang mga pinagsasabi ng kapatid ko no'ng tanungin ko siya."



"Sorry na." Natatawa pa siya. "I just don't want you to know na ako ang nagpapabigay no'n. Baka kasi kapag nalaman mong ako, baka hind mo suotin."




"Kung malaman mong hindi ko susuotin, malamang magpapadala ka na naman." Napaismid ako. "Style mo rin 'no? Wews."




Napailing na lang siya at ngumiti dahilan para irapan ko na lang siya. Muli na naman namayani ang katahimikan sa pagitan namin at muling pinapakiramdaman ang isa't-isa. Napansin ko ang pagbaling niyang muli sa direksiyon kung saan siya nakatingin kanina.





"I hope that she'll give us a chance to explain everything," mahina ngunit narinig kong sabi niya.




Tumabi naman ako sa kaniya at tumitig din sa tinitingnan niya. Napapabuntong-hininga pa 'ko dahil naalala kong muli ang kalungkutan sa mukha ni Claireez kanina.




"Naguguilty ako," malungkot na sabi ko bigla. Agad niyang ibinaling ang tingin niya ngunit patuloy pa rin ako sa pagmasid sa direksiyong dinaanan nila Claireez.



"Bakit naman?" Nagtatakang tanong niya.



Dahan-dahan naman akong bumaling sa  kaniya na seryosong naghihintay ng sagot sa 'kin.



"You told me the secret a years ago." I stopped. "And I feel like I was also one of the people who... who broke her trust lalo pa't may alam ako sa pagkatao niya na hindi niya nalalaman."




Agad siyang napatitig sa 'kin na animong pinoproseso ang sinabi ko. Nang maproseso niya, agad naman siyang umiling bago napabuntong-hininga. Napayuko pa 'ko nang dahan-dahan kong maramdaman  ang paglapat ng kaniyang palad sa balikat ko.



'I'm sorry, Claireez.'



"You don't have to feel that feeling, Lia." Naramdaman ko rin ang bahagyang paghaplos siya sa balikat ko pero hindi ko na pinuna. "No one even expected this to happen lalo pa't birthday niya ngayon."




"Kahit na, Adriel." Mabilis akong tumingala at sinalubong ang tingin niya.
“I may not know her personally but the fact we talked and the fact that I didn’t say anything I knew about her made me feel even more guilty." I sighed. "Pakiramdam ko talaga... isa ako sa mga taong sumira sa tiwala niya."




Muli na naman siyang napabuntong-hininga bago ako igiya paharap mismo sa kaniya. Napaigtad pa 'ko nang mabilis niya ring inayos ang strand ng buhok ko bago seryosong tumingin sa 'kin.




"Look at me, Lia." Utos niya na agad ko namang ginawa dahil  bahagya pa akong umiwas sa tingin niya. "As what I've said, hindi natin inaasahan ang nangyari. Besides, tama ka sa sinabi mo noon... na sabihin sa kaniya hangga't mas maaga pa pero anong ginawa namin? Pinatagal pa namin."




"Because you’re just afraid of the possibilities that the secret you know could affect your relationship with her, ” I pointed out.




Suddenly, I remembered his reaction when we were talking about the secret a years ago. Kitang-kita ko ang takot at pangamba sa mukha niya. I even felt how scared he was that time. I even saw how upset he was that time.




"Pero nangyayari na ang kinakatakutan ko." He sighed. "She's mad at us... She's mad at me. I.. I broke her trust. I broke my promise to her."




Nakaramdam naman ako ng lungkot dahil sa sinabi niya. I wonder kung anong balak nilang gawin. We all know na sa ganitong sitwasiyon, mahirap magpaliwanag kay Claireez dahil nakakasiguro akong hindi pa tuluyang napoproseso ang lahat.



Muli niyang ibinalik ang tingin niya sa direksiyon kung saan dumaan sila Claireez. Hindi na lang ako nakapagsalita at napabuntong-hininga na lang. Muling namayani ang katahimikan sa pagitan namin hanggang sa may naisip akong tanong na gusto kong sagutin niya.




"Ano nang plano mo?" Biglaang tanong ko dahilan para mapakunot-noo siyang bumaling.





"I know I told you that you should give her time to think." Pinagmasdan ko pa ang bawat reaksiyon niyang seryoso. "But what's actually your plan?"




Agad naman bumalatay sa mukha niya ang kalituhan na animong kahit siya, hindi niya rin alam kung anong gagawin niya. Napatingin pa siya sa itaas upang makapag-isip bago dahan-dahang napabuntong-hininga.




"Sa ngayon?" Napapaisip pa niyang sabi. "Ang totoo, hindi ko rin alam."



Tumitig na lang ako sa kaniya bago tatango-tangong umiwas ng tingin sa kaniya.




'Ano kayang puwede kong maitulong para makapagpaliwanag man lang siya? Sila?'




Pinakiramdaman ko siya dahilan para maramdaman ko ang kalungkutang bumabalot sa katawan niya.




"Ang nakikita ko lang plano sa ngayon ay ang humanap ng tiyempo para makapagpaliwanag sa kaniya. I want to explain my side, our side... at kung ano mang maging resulta after kong magpaliwanag, tatanggapin ko," malumanay sa sabi niya.




Agad akong muling napabaling sa kaniya ngunit patuloy pa rin siyang nakatingin sa itaas na animong iniimagine ang posibleng pangyayaring magaganap kapag nagpapaliwanag na siya.




"Iintindihin ko siya sa kung ano mang nararamdaman niya." Ibinaba niya ang kaniyang tingin dahilan kaya nagkasalubong ang tingin namin. "Iintindihin ko lahat-lahat at maghihintay ako hanggang sa kaya na niya rin kaming intindihin at patawarin."




Pinakatitigan ko na lang siya bago dahan-dahang ngumiti na ikinangiti rin niya. Bahagya ko pang iniangat ang kamay ko para haplusin ang likod niya, ipinaparamdam na magiging maayos din ang lahat.




I have so many things that I want to tell him para lumakas kahit papa'no ang loob niya. But it looks like the only thing that he needs right now is the person who will listen to him.




A person who will give the comfort that he wants and he needs.




"Nakakaabala yata ako," agad kong narinig na salita mula sa aming likuran.




Nagtataka akong napatingin kay Adriel na seryoso nang nakatingin sa kawalan bago bumuntong-hininga bago walang ano-ano'y humarap sa nagsalita dahilan para humarap na rin ako.




"Get inside. It's cold here, Celine," biglang seryosong sabi bigla ni Adriel.




Pasimple kong tiningnan ang kabuuhan ng taong nasa harapan ko simula sa paa hanggang paakyat sa ulo ng babaeng nakatingin sa 'min ngayon. Nagtataka pa 'ko dahil mukhang pamilyar ang mukha niya na animong nakita ko na siya somewhere.




Ngunit imbis na pakinggan niya ang sinabi ni Adriel, agad akong napatigil sa pagsipat sa babaeng nasa harapan ko nang dahan-dahan niya 'kong tapunan nang nanunuri ring tingin.




The way she stares at me, it feels like there is something that she wants to confirm.



'Grabe naman makatingin 'to.'




"You must be Lia?" Naninigurong tanong pa nito. "Of course you are!" Natawa pa siyang nang bahagya. "Atlast! Nagkita na rin tayo."



Dahan-dahan siyang lumalapit sa 'kin habang ako naman, nalilitong hinihintay siyang papalapit. Hindi ko pa naiwasan ang sarili kong mapatingin kay Adriel na seryoso ring hinihintay ang babaeng papalapit sa 'min.




"Stop being hardheaded, Celine. Get inside," seryoso pa ring sabi ni Adriel.




Ngunit hindi ko maiwasang magulat nang dahan-dahan siyang tumigil mismo sa harap ni Adriel bago dahan-dahan ding napangisi.




"I didn't know that you still cared for your  ex?" Sarkastikong aniya bigla dahilan para magulat ako.




'So... she's the ex? Kaya pala familiar siya sa 'kin because this girl infront of me is actually Adriel's ex?'



Pinagmamasdan ko sa harapan ko ang bawat reaksiyong nakikita't nababasa ko sa mukha ni Celine.


"Don't think too much." Napatingin naman ako kay Adriel. "It's just that... It's my responsibility to take care of you because you're here at our party."



Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanila. Nararamdaman ko ang tensiyon sa pagitan nila. Nakakaramdam ako na sa mga oras na 'to, kailangan ko silang iwan.



"Where are you going?" Biglang tanong ni Adriel nang mapansin niyang aalis ako.



Tumigil muna ako bago tumingin sa kanilang dalawa bago napapabuntong-hininga.



"Maybe you should guys need to talk about something. I'll go back inside na lang." Ngumiti ako sa kanila. "So if you don't mind, Adriel... papasok na 'ko------------"




"No!" Agad ko naman siyang pinagkunutan. "I'll go inside with you." Bumaling siya kay Celine. "If you don't want to get inside, go take care of yourself."




Nahihiya pa 'kong tumingin kay Celine na masama na ang tingin kay Adriel. Iniwanan ko na lang siya nang mapagkumbabang ngiti bago ko namalayan na hinihila na pala ako mismo ni Adriel papasok sa loob.




"Stop looking at her, Lia." Utos nito nang mapansin niyang naiwan ang tingin ko sa babaeng nagngangalang Celine.



"Seems like she wants to tell you something, Adriel." Inilipat ko ang tingin sa kaniya. "Why don't you give her a chance?"




Agad napatigil si Adriel sa paghila sa 'kin dahilan para mapatigil din ako. Bahagya pa 'kong nagulat nang matitigan ko siyang muli, may lungkot na sa mga mata niya. Pinagmamasdan ko siya habang nasa kawalan ang paningin niya.




"W-What's wrong?" Nag-aalala kong tanong.




Agad naman siyang umiling bago nagbigay ng ngiting alam kong pilit lang.




"She didn't even give me a chance to explain before." Sumeryoso ang tingin niya. "So I don’t think she deserves to be given a chance either. "




Hindi ako agad nakasagot dahil sa sinabi niya. Tila may pinanghuhugutan siya sa sinabi niya. Now, napapaisip ako kung ano ba talagang nangyari sa relasiyon nila.





Tumingin  siya sa 'kin at dahan-dahang napangisi bago niya 'ko iwanan at talikuran. Napapailing na lang akong pinanuod muna siya na maunang pumasok bago mabagal na sumunod naman ako papasok sa loob.




"Where have you been?" Nag-aalalang tanong sa 'kin ni mommy nang makapasok na 'ko.




Ngunit imbis na sumagot, agad hinagilap ng mata ko si Adriel at hindi naman ako nabigo dahil kasalukuyan siyang nakikipag-usap sa magulang at kaibigan niya.




"How's he?" Biglang tanong sa 'kin dahilan para mapatingin ako kay Claude.




Napayuko pa muna ako sa pagkailang bago salubungin ang tingin niya. Ngunit nang napatingin ako sa kaniya, sa ibang direksiyon nakatuon ang paningin niya.




"How's Adriel?" Pagtatanong muli nito bago dahan-dahang ibinaba ang tingin sa 'kin.




Agad naman akong napakibit-balikat bago napabuntong-hininga. Naalala ko na naman ang itsura niya kanina. Naramdaman kong muli ang kalungkutan niya. Naalala kong muli kung paano siyang napaluhod habang pinamasmasdan papalayo ang sasakyang sinakyan ni Claireez.




Wala sa sarili akong napabaling muli sa direksiyon kung nasaan nakapuwesto sila Adriel ngunit agad naman akong napaigtad nang biglang pagtingin ko, agad  nagtama ang tingin namin.




"He must be upset right now. Mukhang hindi rin siya okay." Naramdaman ko ang pagbaling niya. "Ano o mas magandang tanong ay... sino? Sino kaya ang makakatulong sa kaniya para maging okay siya?"




Agad naman akong napatitig kay Claude dahil sa hindi ko inaasahang sasabihin niya. Base sa tanong niya, nararamdaman ko naman ang sinseridad niya.




Ngunit pakiramdam ko, sinasabi niya rin ang mga salitang 'yon dahil may mas gusto pa siyang sabihin sa 'kin.



"I think... we need to go?" Biglang sabi ni daddy dahilan para sabay-sabay kaming mapatingin.




"Paalam muna tayo sa kanila." Bahagya pang itinuro ni mommy ang puwesto kung nasaan sila Adriel.




Sabay-sabay naman silang sumang-ayon at wala na lang sa sarili akong sumabay at sumunod sa kanila habang hindi ko inaangat ang tingin ko.





Nang tuluyan na kaming makalapit, agad kong inangat ang ulo ko dahilan para muling magsalubong ang tingin namin ni Adriel.



"Everythings gonna be alright, Aiza." Napabaling ako kay mommy. "She'll understand it naman. Just give her some time to process everything."




Tumango-tango naman ang mommy ni Adriel bago niya kami ngitian. Ngumiti rin kami bago sabay-sabay na nagpaalam. Pasimple pa 'kong sumulyap sa gawi ni Adriel bago pasimple ring tinanguan na ikinatango rin naman niya.




Kasalukuyan na kaming bumabyahe. Naghiwalay-hiwalay na kami nila Raylene, Molly at Claude dahil kasama ko naman ang family ko't habang sila naman ay magkakasama sa iisang sasakyan.




Tahimik naming binabagtas ang daan, walang kahit na anong ingay kung hindi ang bawat sasakyan na naririnig namin sa labas. Napapailing na lang din talaga ako sa mga pangyayaring hindi namin lahat inaasahan. Nakakalungkot lang sa parte ni Claireez na nalaman niya pa 'to sa mismong kaarawan niya.



"Nagkausap na ba kayo ni Adriel?" Pangbabasag sa katahimikan ni dad habang seryoso pa ring nagmamaneho.




Naramdaman ko ang pagtingin sa gawi ko ni mommy na nasa unahan. Ngumiti na lang ako sa kaniya bago dahan-dahang napatango.





"We talked but not that much." I stopped. "But after what happened tonight... I felt how upset he is right now."




Narinig ko naman ang pagbuntong-hininga ng magulang ko. Napatingin na lang ako kay Lea na bahagya nang nakahiga sa lap ko dahil nakatulog na sa byahe sa sobrang pagod.




"That was so unexpected, right hon?" Bumaling pa si mommy kay dad na agad tumango. "I feel worried to Claireez. Birthday pa naman niya and yet, ganito pa ang nangyari."



"Claireez needs a time to think at alam kong alam na rin naman nila 'yon," biglang sabi pa ni daddy.




Muling namutawi ang katahimikan hanggang sa tuluyan na kaming makarating sa bahay. Nakita ko pa ang bukas na ilaw sa loob, tanda na gising pa si 'nay Sarah.




"Bakit napaaga naman yata ang uwi niyo?" Bungad na tanong ni 'nay Sarah nang makapasok na kami.



Sumenyas naman muna si daddy sa 'min habang karga-karga si Lea. Napatango na lang kami bago siya umakyat upang ihatid ang kapatid ko sa kuwarto nito.



"It's a long story to tell." Ngumiti naman si mommy sa 'kin bago bumaling kay 'nay Sarah. "I'm tired already. We'll talk about it some other time. Good night!"



Hindi na kami sumagot sa sinabi ni mommy at pinanuod na lang siyang umakyat para makapagpahinga. Nang mapabaling ako sa gawi ni 'nay Sarah, kitang-kita sa mukha niya ang pagtataka.



"Aakyat na po ako't magpapahinga." Ngumiti ako."Getting late already, 'nay. Take a rest na po."



Tumango naman siya sa 'kin bago ngumiti. Ngumiti na lang din ako bago ako tumalikod para umakyat na't magpahinga.



Nang makarating ako sa room ko, sakto namang may mensaheng dumating sa 'kin. Napapakunot-noo akong napatingin sa phone ko bago wala sa sariling kinuha 'yon.



Mas napakunot ang noo ko nang mapansin kong number lang ang nakalagay kung kaya't nagtatako ko pang binuksan ang mensahe.




From: 09458123410

I had fun talking to you kanina. Get rest now. Good night, Li.



Agad kong nakilala kung sino ang nagtext sa 'kin base na rin sa pangalang tinawag niya sa 'kin.


To: 09458123410

I hope you feel better even just a little. I'll assure you that everythings will be fine, okay? Good night too, Celino.



Napabuntong-hininga pa 'ko bago ko pangalanan ang numero niya. Hindi ko naman na hinintay pa ang reply niya dahil kusa na rin akong nagpahinga't naligo bago tuluyan akong nilamon ng antok.




Kinabukasan, tanghali na rin ako nagising dahil sa sobrang pagod kagabi. Mabuti na lang dahil walang pasok ngayon kaya nakatulog ako nang mahaba. Sinikap ko pang icheck ang mga gamit para sa school ko nang mapansin kong paubos na ang mga gamit ko lalo na ang sketch pad ko kung kaya't nagdesisyon na lang akong bibili mamaya.



"Free kaya today 'yung mga 'yon?" Tanong ko pa sa sarili ko patungkol sa mga kaibigan ko.



Sinubukan kong idial ang mga numero nila ngunit hindi nila sinasagot. Napakibit-balikat na lang ako dahil mukhang pagod din naman sila kaya kahit tanghali na'y malamang, tulog pa ang mga 'yon.





"I'll just go alone na lang. Konti lang din naman ang bibilhin ko," pagkausap ko pa sa sarili ko.





Nag-asikaso na lang ako ng sarili bago ko mapagdesisyunang bumaba. Napakunot-noo pa 'ko nang mapansin kong walang tao akong nadatnan sa baba.




"Nasaan sila?" Nagtataka ko pang tanong bago dunmiretso sa dining area upang tingnan ang pagkaing nakatakip na nagustuhan ko naman.




Nagsimula na lang akong kumain dahil ayokong abutin nang hapon sa mall dahil lang sa pamimili. Inituon ko na lang oras ko sa pagkain at hindi na inisip kung nasaan ang mga kasama ko. Nang tuluyan na 'kong natapos, nag-iwan na lang ako ng note sa ref bago ko mapagdesisyunang umalis na.




Ilang minuto lang naman itinagal bago 'ko narating ang mall. Hindi na ko nagpaligoy-ligoy pa't hinananap na ang NB. Hindi rin naman ako natagalan sa paghahanap at agad na pumasok para magsimula nang mamili.




Kinukuha ko't hinahanap ang mga bagay na kailangan ko para sa pag-aaral ko. Nakatuon lang ang buong atensiyon ko sa paghahanap nang walang ano-ano'y bigla na lang ako makaramdaman nang kakaiba.





'May nakatingin o nakamasid ba sa 'kin?'




Pasimple kong hinayaan ang sarili kong naglibot ng tingin habang kunwaring abala sa paghahanap ng mga gamit ko. Hindi ko pa maiwasang kabahan nang mapansin kong ako lang ang mag-isang nakapuwesto kung nasaan ang gawi ko.



Hindi na lang ako nagpahalatang nagmamadaling pumili ng kahit anong bagay na hindi iniisip kung ano-ano ang nakukuha ko. Pasimple akong nagmamadali hanggang sa mabayaran ang mga pinamili ko. Mukha pa 'kong tangang pinapakiramdam ang paligid ko.





"The fuck! Kinakabahan ako," wala sa sariling bulong ko.




Pasimple akong tumitingin sa bawat direksiyon hanggang sa makarating na 'ko sa parking lot. Agad kong naramdaman ang kaginhawaan ko nang makarating ako sa harapan ng sasakyan ko. Napapailing na lang ako habang hirap buksan ang pintuan dahil medyo mabigat ang dala ko.





"Lia Amelia?" Biglang pagtawag sa 'kin dahilan para mapatigil ako sa pagbubukas ng pintuan ko.





Nakaramdam ako ng kaba sa hindi ko malamang dahilan. Sa klase ng pagtanong niya, tila sigurado na siyang ako nga si Lia pero kinakailangan pa rin niyang maniguro.




Naramdaman ko ang unti-unting paglapit ng isang bultong lalaki. Hindi ko pa maiwasang mapasinghap nang makita ko ang lalaki sa salamin ng binata ng sasakyan ko na may hawak na kung ano.




'What the fuck is that?'



"Hindi mo man lang ba ako haharapin?" Tila malungkot na tanong pa nito dahilan para maramdaman ko ang paglunok ko.





"S-sino ka?" Kinakabahang tanong ko ngunit nakita ko ang pagngisi niya sa salamin ng binata ng sasakyan ko dahilan para mas kabahan ako.




Hindi ko ipinahalatang kinakabahan ako. Pasimple rin akong tumitingin sa bawat gilid ko, nagbabakasakaling may makita akong tao na maaaring makatulong sa 'kin para makalayo sa taong nasa likuran ko.





"Nararamdaman ko ang takot mo, Lia," tila natutuwa pang aniya dahilan para mapalunok ako.




"Anong kailangan mo sa 'kin? Pilit pinapalakas ang loob na tanong ko.




Nakita ko ang pag-iling niya bago dahan-dahang may dinukot sa kaniyang bulsa na agad mas ikinakaba ng katawan ko.




"A-anong gagawin mo? Bakit ka may kutsilyo?" Natatakot na talagang tanong ko habang bahagya pang naninikip ang dibdib ko.



Imbis na sumagot, narinig ko ang biglaang pagtawa niya dahilan para kilabutan ako bigla. Napaigtad pa 'ko nang maramdaman ko ang tila malamig na bagay na nakatutok sa tagiliran ko dahilan para mas kabahan ako't pagpawisan.




"Wala pa ma'y pinagpapawisan ka na," rinig ko pang sabi nito at agad naman akong nagulat nang may ibang boses ang narinig kong tumawa.




'Hindi lang iisa o dalawa! Anong gagawin ko?'



"Ano ba kasing kailangan niyo!" Pilit pinapalakas ang loob ko pa ring tanong na mas ikinatawa na nila.




Napapikit ako dahil naramdaman ko ang unti-unting pangingilid ng luha sa mata ko.



Nararamdaman ko ang unti-unting paglamon ng takot sa katawan ko.



Nararamdaman ko ang unti-unting pagsakit ng ulo ko.




"Hulihin niyo ang mga 'yan!" Biglang sabi ng isang pamilyar na tinig dahilan para magkaroon ng pag-asa ang sarili ko bago dahan-dahang napadilat.




Nangingilid ang luhang nagulat pa 'ko sa taong hindi ko inaasahan na muling makikita ko.





Hindi ko inaasahan na ang taong sumigaw ay ang babaeng nakausap ko no'ng araw na nakilala ko si Teresa.




"Are you okay? Nasaktan ka ba nila? Sinaktan ka ba nila?" Sunod-sunod na tanong niya at naramdaman ko ang bahid ng pag-aalala niya.




Doon na kusang tumulo ang luha ko sa mga tanong niya. Dahan-dahan naman siyang lumapit bago dahan-dahan din akong yakapin na ikinagulat ko.




"You should be careful, Lia," bulong pa nito. "You're so important to them so please... be safe."



✓Vote
✓Comment
✓Thank you!
✓See you sa next update!

_-----_-------_------_-----_-----_----_-----_-----_----_-_

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...