Heartbreaks Cure (SIGHTSERIES...

By maritinaajam

559 41 0

SS#2 Lia Amelia Alcazar, a woman who is always confused by things she doesn't understand. Things that confuse... More

PROLOGUE
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FORTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY-ONE
CHAPTER TWENTY-TWO
CHAPTER TWENTY-THREE
CHAPTER TWENTY-FOUR
CHAPTER TWENTY-FIVE
CHAPTER TWENTY-SIX
CHAPTER TWENTY-SEVEN
CHAPTER TWENTY-EIGHT
CHAPTER THIRTY
CHAPTER THIRTY-ONE
CHAPTER THIRTY-TWO
CHAPTER THIRTY-THREE
CHAPTER THIRTY-FOUR
CHAPTER THIRTY-FIVE
CHAPTER THIRTY-SIX
CHAPTER THIRTY-SEVEN
CHAPTER THIRTY-EIGHT
CHAPTER THIRTY-NINE
CHAPTER FORTY
CHAPTER FORTY-ONE
CHAPTER FORTY-TWO
CHAPTER FORTY-THREE
CHAPTER FORTY-FOUR
CHAPTER FORTY-FIVE
CHAPTER FORTY-SIX
CHAPTER FORTY-SEVEN
CHAPTER FORTY-EIGHT
CHAPTER FORTY - NINE

CHAPTER TWENTY-NINE

7 0 0
By maritinaajam

C-29

Sa lahat ng taong hindi ko inaasahan, bakit siya pa?

Bakit ang taong nakita ko, siya ring  taong nagbigay kalituhan sa isip ko.

"Why are you here, Adriel?" I asked unconciously.

Hindi ko maiwasang magtanong dahil sa hindi inaasahan kong pagkikita namin.

Hindi ko maiwasang magulat dahil ang ilang taon na hindi ko nakita, naririto sa harap ko na para bang hindi siya umalis.

"You're not answering my question," he said while smirking.

"Answer my question first, Adriel Rylan Celino."  Pinakatitigan ko siya. "Of all people, bakit ikaw pa ang nakita ko? Anong ginagawa mo rito?"

Hindi agad siya sumagot at tila pinagmasdan muna ako bago dahan-dahang napangising muli.

"Why are you sounds as if karma ang pagkikita natin?" Nagtatakang tanong pa niya.

"Answer me-------"

"Well obviously, it's Claireez birthday." Ngumisi siya. "You know her right?"

Bahagya naman akong lumayo sa kaniya nang mapansin kong masiyado siyang malapit sa 'kin. Agad naman siyang nagtaas ng kilay kung kaya't agad akong umiwas ng tingin.

"Bakit ka lumalayo? Aren't you miss me?" Nagtataka pa kunwaring tanong niya.

Hindi ko siya sinagot at pinakatitigan na lang. Pinagmamasdan ko ang pagbabago ng kaniyang pisikal na anyo ngunit hindi maipagkakailang kung anong pag-uugali ni Adriel noon, hindi kailanman nagbago hanggang ngayon.

"Are you happy to see me?" Aniya habang may seryosong ngising naglalaro sa kaniyang labi.

Hindi ko alam kung bakit naramdaman ko ang dahan-dahang pagsalubong ng kilay ko dahil sa tanong niya. Hindi ko malaman kung bakit pakiramdam ko, nakakainis at sarkastiko ang pagkakatanong niya.

Napansin niya yata ang pagsalubong ng kilay ko dahil sa pagkakunot ng noo niya. Dahan-dahan naman siyang lumapit sa 'kin at hindi naman ako nagpatinag sa puwestong mayroon ako at hinintay ko pa siyang muling lumapit.

"Lia? What's wrong? Ganiyan ka ba masorpres---------"

"You really asking me if I'm really happy to see you?" Sarkastiko kong pagtatanong. "Nagbibiro ka ba? Sa tingin mo magiging masaya akong makita ka't nasa harapan ko?"

Mas nangunot ang noo niya at nagtangka pang lumapit ngunit sa pagkakataong 'to, hindi ako gumalaw sa puwesto ko at hinintay siyang muling kainin ang distansiya namin.

"Did I say something bad?" Naguguluhang tanong niya na ikinangisi ko nang bahagya.

Lumapit pa 'ko sa kaniya upang ipakita sa kaniya ang inis ko dahil naririto siya sa harapan ko. Sinalubong naman niya ang mga tingin ko kung kaya't mas sinamaan ko naman ang pagkakatitig sa kaniya.

"Pagkatapos mo 'kong bigyan ng mga isipin." Bahagya kong itinulak ang kaliwang balikat niya. "Matapos mong pinagulo ang isip ko." Muli ko naman tinulak ang kanang balikat niya. "Matapos mong mawala na lang nang biglaan." Tumingin ako ng masama sa kaniya. "Naririto ka sa harapan ko para itanong kung masaya ba 'kong makita ka? Kung namiss ba kita?!"

Hindi ko napigilan ang pagsigaw ko sa kaniya at hindi ko namalayang napasandal na pala siyang muli dahil sa malakas kong pagtulak sa kaniya.

Masamang tingin akong nakatingala sa kaniya habang naka-awang naman ang labi niyang nakikipagtititigan sa 'kin na animong nagulat sa ginawa ko sa kaniya.

"Alam mo bang ilang linggo akong hindi nakatulog dahil sa mga bagay na sinasabi mo?" Hinampas ko nang bahagya ang kaniyang dibdib na tila hindi naman niya ininda dahil halata pa rin ang pagkagulat sa reaksiyon niya.

"Alam mo bang ilang buwan kang sumasagi sa isip ko dahil hindi ko maintindihan ang mga bagay-bagay na trip mo?!" Muling paghampas ko sa kaniya.

Naiinis ako! Sobrang naiinis ako dahil sa lakas ng loob niyang magtanong sa 'kin matapos niya 'kong pahirapan kakaisip dahil sa kaniya.

Naiinis ako dahil naririto siya sa harapan ko matapos siyang umalis nang walang pag-aalinlangan.

Naiinis ako sa buong pagkatao niya!

"Umiiyak ka," mahinang sabi niya.

Kunot-noo akong napatingin sa kaniya dahil sa sinabi niya. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat habang pinagmamasdan ang mukha ko. Kitang-kita sa mga mata niya ang maraming emosiyon.


"A-ano bang sinasabi mo?" Naiirita kong tanong.


Imbis na sagutin ang tanong ko, dahan-dahan niyang inangat ang kamay niya at pinadapo sa gilid ng mata ko at pasimpleng may pinunasan na mas ikinalaki ng mata ko.

'Shit! Bakit may luha sa mga mata ko?'

"Hindi ko inaasahan na ganiyan pala ang magiging epekto sa 'yo nang pag-alis ko," tila may lungkot na aniya.

Naramdaman ko sa kaniyang boses ang tila paghihinayang. Ang kaninang nakangising itsura niya, napalitan na ngayon ng kalungkutan.

Pinakatitigan niya ako habang unti-unti kong nararamdaman ang pagbaba ng kamay niya mula sa gilid ng aking mata papunta sa aking kamay na nakalapag na pala sa kaniyang dibdib habang prente pa rin siyang nakasandal.

"Kung alam ko lang na ganiyan ang epekto, hindi na sana ako umalis." Dahan-dahan niyang iniangat ang isa kong kamay habang dahan-dahan niya rin inilalagay ito sa kaniyang pisngi.

Nanlalaki ang mata akong napatingin sa kaniya at sinusubukang bawiin ang kamay ko ngunit parang kusang ayaw magpabawi nito at mas piniling pakiramdaman ang pisngi ng taong nasa harapan ko.

"Kung alam ko lang na may epekto sa 'yo." Tumigil siya saglit bago pinakatitigan ang mata ko. "Nagkaroon pa sana ako ng rason para gawin ang mga bagay na dapat no'ng una pa lang, ginawa ko na."

Napaiwas ako sa klaseng tingin na ipinupukol niya sa 'kin. Nakaramdam ako ng kaba nang sabihin niya ang mga salitang 'yon. Nagkaroon na naman ng tanong sa isip ko kung bakit niya bigla nasabi ang mga salitang sinabi niya.

"Kung alam ko lang na may epekto sa 'yo...Nagkaroon pa sana ako ng rason para gawin ang mga bagay na dapat no'ng una pa lang, ginawa ko na."

"Kung alam ko lang na may epekto sa 'yo...Nagkaroon pa sana ako ng rason para gawin ang mga bagay na dapat no'ng una pa lang, ginawa ko na."

"Kung alam ko lang na may epekto sa 'yo...Nagkaroon pa sana ako ng rason para gawin ang mga bagay na dapat no'ng una pa lang, ginawa ko na."

Agad akong napailing dahil nagpaulit-ulit sa aking pandinig ang mga salitang 'yon. Nagtataka kong ibinalik ang tingin ko sa kaniya at kahit nanghihina, pinilit kong salubungin ang mga tingin niya.

"A-ano na naman ba 'to? Ano bang ipinupunto mo?" Sumeryoso ang mukha ko. "Bakit may panghihinayang akong nararamdaman sa sinabi mo?"

Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko, nalungkot ako dahil sa hindi niya paggawa ng mga bagay na gusto niyang gawin noon.

'Bakit hindi ka mas naghanap ng mga rason para magawa mo ang gusto mong gawin? Bakit parang may pinagsisisihan kang ginawa noon?'

Patuloy akong nakipagtitigan sa kaniya habang may mga tanong na naglalaro sa aking isipan

'Nagsisisi ka ba dahil umalis ka nang hindi man lang nagbigay ng mga kasagutan sa 'kin?

Posible ba talagang nagsisisi siya dahil hindi niya ibinigay ang mga sagot na kinakailangan ko ring malaman mula sa kaniya?


'O nagsisisi ka dahil hindi mo inakalang magkakagusto ka sa isang kagaya ko?'

Napatigil din ako sa pag-iisip at napaiwas ng tingin nang biglang sumagi sa isip ko ang tanong na 'yon. Nakayuko na lang ako ngayon habang pinipilit alisin ang huling katanungan mayroon ako.

"Nagkagusto ka nga ba talaga sa 'kin?" Wala sa sariling tanong ko na agad kong ikinalaki ng mata dahil sa gulat.

Mabilis akong napaiwas ng tingin dahil sa nasabi ko. Nakaramdam ako nang bahagyang hiya dahil hindi ko napigilang isalita ang tanong na dapat ay nasa isipan ko lang.

"If I hadn’t made you feel what I really feel for you but," he stopped a bit. "When I say, I like you, it's true."

Napanganga akong naibalik ang tingin ko sa kaniya dahil sa sinabi niya. Ayaw ko mang marinig muli ngunit tila sirang plaka na naman nagpaulit-ulit sa aking isipan ang boses niya.

Hindi ko alam kung saan ako hahanap ng lakas para magsalita matapos niyang sabihin 'yon. Hindi ako makatingin sa kaniya dahil pakiramdam ko, tinutunaw ako ng mga tingin niyang 'yon.

Napaigtad na lang ako nang may bigla akong narinig na tumikhim malapit sa 'min. Sinalubong ko ang tingin ni Adriel na seryoso't diretsong nakatingin na sa likuran ko. Mas nagtaka ako nang makita ko ang mabilisang pagngisi niya.

"Babe...."

Nanlalaking mata akong napahiwalay kay Adriel na hindi namin namalayang magkalapit pa rin pala kami. Napatingin ako kay Adriel ngunit seryoso pa rin siyang nakatingin sa likuran ko.

"What are you guys doing?" Walang emosiyong sabi ni Claude na ikinalunot ko nang bahagya.

Dahan-dahan akong lumayo pa kay Adriel bago humarap kay Claude na kasalukuyang salubong ang kilay ngayon. Mabagal akong lumalapit sa kaniya habang may kaba sa aking dibdib.

"B-babe--------------"

"The party already started." Pasimple siyang tumingin sa aking likuran. "Sumunod ka na lang," aniya bago wala nang sabi-sabi akong tinalikuran.

Masamang tingin pa ang ipinukol ko kay Adriel na nagkibit-balikat pa. Ngumisi ito sa 'kin ngunit hindi ko na pinatulan dahil mas pinili ko na lang pumasok.

"I'm happy to see you, Li," sigaw niya na bahagya kong ikinatigil at lumingon sa kaniya bago sinamaan ng tingin.

Hindi naman na siya pa muling magsalita kung kaya't tinalikuran ko na siya at tuluyang pumasok na sa loob.

Inilibot ko ang aking paningin para hanapin ang mga kasama ko ngunit bahagya akong nahirapan dahil mukhang maraming mga tao ang imbitado.


"Lia! Here!" Agad akong napalingon sa pinaggalingan ng boses.

Dahan-dahan akong lumapit at agad na nginitian si Raylene na siyang tumawag sa 'kin. Nakita ko pa si Molly na kinakausap ang date niya habang tahimik na nagmamasid naman sa 'min si Claude dahilan para bahagya akong mapabuntong-hininga bago lumapit sa kaniya.

"Your parents was looking for you," seryoso pa ring sabi niya.

"G-ganoon ba?" Inangat ko ang tingin sa kaniya na agad na tumango. "Nasaan sila?"

Tumingin naman siya sa 'kin bago bumaling sa isang direksiyon dahilan para sundan ko 'yon at sakto namang nakita ko ang magulang ko na busy na nakikipag-usap. Umupo na lang ako sa puwesto namin at pinagmasdan ang bawat nadadaanan ng mata ko.

"May we all welcome our celebrant tonight... Ms. Claireez Laurel Delaez! Please give her around of applause!" Biglang anunsiyo ng host dahilan para magsipag-linungan kami bago tumayo.

At doon namin nakita ang isang napakagandang babae na naglalakad sa gitna. Napapangiti ko siyang pinagmamasdan papalapit ngunit nawala ang kaninang ngiting mayroon ako nang bigla kong makita si Adriel na siya palang umaalalay kay Claireez. Agad ko siyang sinamaan ng tingin nang mapatapat siya sa puwesto namin, agad akong kinindatan bago ngumisi na mas ikinasama ng tingin ko.


"I didn't expect him to see here... Hey Adriel!" Biglang sabi ni Raylene na agad naman siyang binalingan ni Adriel at nginitian.

Wala sa sarili akong napalingon sa likuran ko kung nasaan si Claude. Bahagya pa 'kong napalunok nang makita ko sa itsura niya ang magkasalubong niyang kilay habang sinusundan ng masamang tingin ang dinaraanan ni Adriel.

'Gosh! Nakita niya ba 'yung ginawa ni Adriel?'

"Why he seems like he's so enjoying to see you here, Lia," biglang sabi ni Molly.

Napapakunot-noo akong bumaling sa kaniya ngunit wala sa 'kin ang paningin niya kung hindi nasa paningin nila Claireez na kasalukuyan na ngayong nasa gitna ng stage at nagpapasalamat.

"Who?" I asked curiously.

"Adriel." Bumaling siya sa 'kin. "He even winked and smirked at you."

Muli akong napatingin kay Claude na nakaiwas ang tingin sa 'min ngunit alam kong nakikinig din. Now I know that even him, napansin niya ang ginawang 'yon ni Adriel.

"Molly, hindi lang naman tayo ang kakilala niya sa puwesto na 'to," pagsali ni Raylene na bahagya kong ikinahinga. "Besides, nakalimutan mo na ba? He once a playboy. Malay ba natin kung may natipuhan siya or what." Inilapat ni Raylene ang palad niya sa kanang balikat ko. "And if ever man... so what if  si Lia 'yung kinindatan niya? Lia doesn't even care anyway, right Lia?"


Mabilis akong napatango at bumaling kay Claude na nakatingin na rin pala sa 'kin. Nginitian ko naman siya na agad din niyang sinuklian.

Nakatuon na lang ang atensiyon ko sa sinasabi ni Claireez. Hindi ko na lang hinayaan tumingin sa lugar kung nasaan si Adriel. Kahit pa alam ko't nararamdaman ko na siya ang kanina ko pang nararamdaman na tumitingin sa 'kin.

"You're gorgeous as always, tita. Do you want to join us?" Narinig kong pagpuri ni Molly dahilan para bumaling ako sa kanila at agad din naman nagtama ang paningin namin ni mommy.

"I've been looking for you, Lia." Lumapit siya sa 'kin. "Someone wants to meet you." Bumaling si mommy sa gawi nila Raylene. "You guys can come rin."

"Ay naku, tita! Kayo na lang po since I'm not that confident to talk with people I didn't know." Ngumiti ito at bahagyang bumaling sa 'kin. "Isama mo si Claude. Pagkalat mo na boyfriend mo 'yang kumag na 'yan," pagbibiro niya pa na ikinatawa namin at ikinailing na lang ni Claude.

Bumaling naman ako kay Claude at tinanguan na niya 'ko, senyales na pumapayag siya. Nagpaalaman muna kami saglit sa mga kaibigan ko bago ako igiya ni Claude habang nakasunod kami kay mommy na papunta sa direksiyon ng mga taong ipapakilala niya.

Nakangiti pa 'kong bumabati everytime na may nakikita akong kakilala or nakakakilala sa 'kin o sa 'min. Patuloy lang na ganoon ang scenario hanggang sa makarating kami sa pupuntaham namin.


"Aiza!" Pagtawag ni mommy sa isang babaeng eleganteng nakangiti sa kaniya.

Sumunod naman kami habang may ngiting sumisilay sa aming labi. Nakita ko pa si Claireez na nakangiting nakatingin din sa 'kin kung kaya't nginitian ko rin siya.


"Oh! She must be your daughter, right?" Bumaling ako sa babae na nakatingin na sa 'kin ngayon kung kaya't nginitian ko siya at inilahad ang kamay ko.



"Thank you for inviting us po. I'm Lia Amelia po," pagpapakilala ko sa kaniya.

Inabot naman niya ang kamay niya sa 'kin habang may tilang nagkikinangan sa mga mata niya habang nakabaling sa 'kin.


"I know you, iha... noon pa." Mas ngumiti pa ito na ikinangiti ko na lang din.


Bumaling naman ako sa gawi ni Claireez na nakangiti pa ring nakatitig sa 'kin. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya at inilahat din ang aking kamay na agad niya ring inabot.

"Hi Claireez! I'm Lia Amelia. Nice to meet you!" Nakangiti ko pang sabi habang nakikipag-kamayan pa rin habang nakangiti.

""It's nice to meet you too." Bumaling ito sa aking katabi.  "You must be her boyfriend?"

Ako na ang kusang bumitaw sa pakikipag-kamay at dali-dali namang inabot ni Claude ang kamay niya kay Claireez.


"I'm Claude, Lia's boyfriend," pakilala pa nito.


Tumango-tango naman si Claireez bago nakangiting bumitaw sa pakikipag-kamay bago bumaling sa likuran niya dahilan para bumaling din kami ro'n.


Agad muling nawala ang aking ngiti sa labi nang makita ko si Adriel na prenteng nakatingin sa 'kin. Hindi ko napigilang mapataas ng kilay na agad naman niyang ikinangisi.


"Mukhang magkakilala na yata kayo," tila sigurado pang sabi ni Claireez dahilan para bumaling na lang ako sa kaniya at ngitian siya bago tumango na lang.


Bahagya pa 'kong nagtagal para makipag-usap sa kamag-anak ni Claireez bago niya 'ko hinila sandali at mahinang itinutulak papunta sa table na sa tingin ko'y okupado na nila. Nakangiti pa 'ko hanggang sa makaupo kami.


We're just talking some things na posibleng pag-usapan namin. Mabilis niya ring pinapasalamatan ang mga taong bumabati sa kaniya sa tuwing may napapadaan sa gawi namin.


Ngunit lumagpas ang tingin ko sa kaniya nang mapunta ang paningin ko sa kaniyang likuran kung saan nakatayo si Adriel na nakatingin mismong diretso sa 'kin habang umiinom.


Umiwas na lang ako ng tingin at kumuha na lang ng drinks na mayroon sa table habang dahan-dahan kong iniinom


"You know what, Lia? Kung hindi ko lang alam na taken ka na..." Napabaling ako kay Claireez. "Ilalakad sana kita kay kuya."


Agad nanlaki ang mata ko at dahil umiinom ako, bahagya pa 'kong napaubo dahil sa gulat tungkol sa sinabi niya.


"H-hey! Are you okay?" Nag-aalala pang pagtatanong ni Claireez.


Agad naman akong tumango at nang makarecover, agad ko siyang hinarap na may nagtatakang tingin.


"Bakit mo naman naisipang ilakad ako sa kaniya?" Naiilang ko pang tanong.


Pasimple naman siyang bumaling sa likuran bago nakangiting ibinalik na ang tingin sa 'kin.


"You're his type, ideal type to be exact." Tumatango-tango pa 'to na tila sigurado.



"I-I don't think so? I once saw him flirting with woman before and I'm sure na malayong malayo ako sa type niya," nakangiting sabi ko.


"But those woman that he was flirting with... hindi naman pangseryoso 'yon." Ngumiti na naman siya at bahagya pang hinawakan ang kamay kong nakapatong sa table.


"Kanina no'ng naroro'n tayo. I noticed you guys na nagpapalitan ng tingin as if... well, I don't know how to explain it but as if you guys had past before." Nagkibit-balikat pa 'to.


Naiilang ko naman siyang tiningnan at nginitian bago ko siya ilingan, tanda na mali ang kung anong iniisip niya.

Well... his kuya confessed his feelings before pero mahirap pa rin paniwalaan.


Wala sa sariling napatingin naman ako sa gilid niya ngunit agad nangunot ang noo ko nang may dalawang lalaking tila tinitingna ang puwesto namin. Nang sundan ko ang tingin nila, namamangha akong napatingin kay Claireez.


"Claireez, napapansin ko kasing kanina ka pa tinitingnan ng dalawang lalaki sa likuran mo." Ininguso ko pa ang gilid niya na agad niyang nilingon.



Ngunit nang bumaling ang tingin niya sa 'kin, nakasalubong na ang kaniyang kilay na bahagya kong ikinangisi.


"It's not what you think okay?" Pagdedepensa niya na agad kong ikinangisi.


Pinakatitigan ko pa ang dalawang 'yon at mas napangiti nang mapansin na ang lalaking isa ro'n ay si Primo.



"Huwag mo na lang silang pansinin," seryosong sabi ni Claireez na ikinakibit-balikat ko na lang.


Nang mapansin ko ang tila lumilingang ulo ni Claude, agad akong tumayo at nagtaas ng kamay bago bumaling kay Claireez.


"Pupunta na muna ako sa kanila dahil mukhang tapos na rin naman silang mag-usap," pagpapaalam ko. Agad naman niyang tiningan ang tinuro ko at agad na ring tumango.


Dahan-dahan akong lumalapit papunta sa direksiyon nila Claude nang may mapansin akong tila mga bisitang bagong dating ngunit nakakapagtakang tila galit ang mga ito.


Ngunit hindi ko na lang pinagtuunan dahil nakita ko rin si Lea na papalapit sa 'kin na.


"Oh Lea? What happened to you?" Nagtataka kong tanong nang makalapit na 'ko.


"I need to pee, ate. Can you come with me?" Nakikiusap nito na agad kong ikinatango bago bumaling kay Claude na tumango na rin.


Agad kong inalalayan si Lea papunta sa rest room. Nang makarating kami, agad siyang pumasok ro'n habang ako naman, mas piniling hintayin na lang siya sa labas.


Ilang minuto magmula nang pumasok si Lia, napakunot ang noo ko dahil sa napansin ko na tila pagkukumpulan ng mga tao. Unti-unti na rin nawawala ang sounds dahilan para mas marinig ko nang bahagya ang mga boses ng mga tao.


"Tara na po," biglang aya ni Lea na agad kong ikinatango.


Nang papalapit na kami sa mga taong nagkukumpulan, mas rinig na rinig ko na ang pinag-uusapan.


"Tumigil ka, Tito!" Narinig kong tila pakiusap ni Adriel.


Naguguluhan kong pinagmasdan ang mga tao bago dahan-dahang bumaling sa gitna kung saan nakita ko sila Claireez habang kaharap ang mga taong bisitang kararating lang.


"Anong nangyayari?" Naguguluhan kong tanong.


"Hindi nila tunay na kadugo si Claireez," biglang sagot ni Raylene na nasa gilid ko na pala.


Dahan-dahang akong napalingon sa kaniya habang nagugulat dahil sa sinabi niya. Napatingin naman siya sa 'kin at tinaasan naman niya 'ko ng kilay.


''We're not her real relatives''

''We kept this secret for a long time. I want to tell about her real identity but I always stopping myself because of the possibilities that it might affect and ruin our relationship.''



Muling pumasok sa aking isipan ang napag-usapan namin ni Adriel a years ago. Wala sa sarili akong napabaling kay Adriel na tila natatakot sa kung ano man ang puwedeng mangyari.


''Nangyayari na sa harapan ko ang bagay na isa sa mga kinakatakutan niya.''


"Salamat sa inyong lahat." Napabaling ang aking paningin sa luhaan na si Claireez.


"Salamat sa pagdalo. Salamat dahil nasaksihan niyo ang pangyayaring ito. Salamat dahil kasabay ko ay nalaman niyo din ang totoo. Maraming salamat sa inyo. At tatanawin kong ito bilang isang napakasarap at masakit na regalo galing sa mga taong mahal ko." Huminga siya ng malalim bago pilit na ngumiti.


"Thanks for celebrating with me. 'Cause this birthday? This night is my most memorable for me. This is the best birthday ever," aniya at walang ano ano'y tumalikod na at tumakbo.



Mabilis kong nakita ang paghabol ni Adriel kay Claireez. Nakaramdam ako ng guilt ag kalungkutan dahil pakiramdam ko, isa na rin ako sa mga taong pinagkatiwalaa ni Claireez na naglihim sa kaniya tungkol sa pagkatao niya.


"Nakakalungkot na imbis na maging masaya ang gabing 'to, hindi naman inaasahan ang mangyayari," narinig ko pang sabi ni Molly.


Bumuntong-hininga ako bago bumaling sa kanila at ngumiti bago ko sila tinalikuran. Narinig ko pa ang pagtawag nila sa 'kin ngunit hindi ko na sila nilingon pa.


Hinanap agad ng mata ko si Adriel. Hindi rin nagtagal, nakita ko siyang nakaluhod hababg nakayuko. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya bago wala sa sariling...

Niyakap siya.

Naramdaman ko ang tila pagkagulat niya dahil sa biglaan kong ginawa. Hindi ko rin alam kung bakit ko siya niyayakap ngayon ngunit pakiramdam ko, kailangan niya rin ito.

"A-alam na niya. Nangyari na nga 'yung kinakatakutan ko." Nakayuko pa rin siya habang patuloy ko pa rin siyang niyayakap


"Mukhang dito na magbabago ang kung anong mayroon kami. Mukhang dito na magtatapos ang mga magagandang pangyayari sa 'min." Nakayuko pa rin ito kung kaya't dahan-dahan kong hinawakan ang kaniyang mukha upang iharap siya.


Nang mapaharap siya, kusa kong naramdaman ang bigat sa dibdib dahil sa emosiyong nakikita ko sa kaniyang mata.


'Kalungkutan, Guilt, Paninisi sa sarili.'

"S-she just shocked right now. Nasaktan lang talaga siya that's why she left." Tumingin siya sa 'kin nang diretso. "But it doesn't mean na masisira ang relasiyong nabuo niyo."


"She trusted us... she trusted me. But what did I do?" Bumuntong hininga siya.
"Nasira ko ang tiwalang ibinigay niya."

"Just... Just give her some time to think... to process everything." Binigyan ko siya ng ngiti. "If she trusted you then do the same thing to her. Magtiwala ka lang sa kaniya because I know, when she already realised everything, dadating sa punto na hahayaan na niya kayong magpaliwanag." Inalalayan ko siyang tumayo. "Just trust her! Everythings gonna be alright!"

Bahagya naman akong nailang nang mapansin ko ang seryosong pagtitig niya sa 'kin na animong hindi makapaniwala na ako pa mismo ang nagsasabi sa kaniya ng mga sinabi ko kanina.

"Thank you!" Ngumiti naman ako. "Thank you for doing this!"

"Wala 'yon. Just... just give her some time." Tumango naman siya bago kusang ngumiti.


"You didn't promise before," he stopped. "Pero narito ka ngayon, sa harap ko." Ngumiti naman siya na ikinangiti ko.

"Sinasamahan ako," biglang ngising sabi niya.

Napapailing namang napangiti ako. Hindi ko inaasahan na naaalala niya pa pala 'yung sinabi ko noon.

"I won't promise but if that time comes." I smiled at him.  "Don't worry dahil kasama mo 'ko."

✓Vote
✓Comment
✓Thank you!
✓See you sa next update!

_-----_-------_------_-----_-----_----_-----_-----_----_-_




Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.2K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...