One Shots Anthology

By fieryphila

96.9K 2.1K 123

One book, different plots. One book, different meanings. One book, different endings. One book, different sto... More

Read This First
Beauty
Valentine's Gift
How Dare You?
Until Midnight
Clue of the Wooden Staircase
Cupid and Psyche
Uno with a Twist
Plagiarism
Wrong Love Gone Right
The Girl He Told Me Not To Worry About
Wanna Play?
Electricity
Belated Warning (not a one shot)
Flowery Words
Science Greek
Nanay Tatay
Nanay Tatay (Part 2)
My Sickness Didn't Kill Me, He Did (Part 1)
My Sickness Didn't Kill Me, He Did (Part 2)
My Sickness Didn't Kill Me, He Did (Last Part)
30 Days of Hell (own version/revised)
Zeus
Happiness Isn't Allowed
Promise
Midnight Dream
Left
Ate
That Girl Is -
Karagatan (POETRY)
Philophobia
Philophobia: Part 2
Philophobia: Part 3
Philophobia: Finale
Thank you!
Maling Akala
Panindigan o Pabayaan
Notice [an author's note]
Plane Crash
Untitled Poetry
Schizophrenia
Happy Birthday
Past or Present?
Leaving or Waiting?
Note:
Promotion
Summer Secret
Hana and Haki
Walang Tayo
366 Days
Closure o Comeback? (HER POV)
Closure o Comeback? (HIS POV)
Closure o Comeback? (FINALE)
Three-Month Rule
Her Unreadable Romance
Finding Myself
Öga for Öga
Stolen Groom
The Guy in my Dreams
Acceptance
First Love Never Dies
Jealousy
That Night You Called

Unforeseen Warmth

54 12 0
By fieryphila



DISCLAIMER: Work of fiction with a slight touch of reality.

——

"Jass, ano na balak mo sa buhay? Tatlong taon ka nang single, balak mo bang tumandang dalaga?"

My brows arched at my friend, Ela. Kasalukuyan kaming nakatambay sa Starbucks dito sa Intramuros dahil free time ng barkada. At ito, pinepeste niya 'ko dahil ilang taon na akong single. Hindi naman nakakamatay kahit wala akong boyfriend 'di ba?

"Hindi naman ako mamamatay kahit wala akong jowa, eh. Sakit lang naman sa ulo 'yan," I reasoned out. Iyan naman ang lagi kong sinasabi sa tuwing iniintriga niya ako kung bakit wala akong jowa.

"Hindi mo sure 'no, malay mo naman matinong lalaki na mahanap mo ngayon," pagpipilit niya.

I fixed my eyeglasses before looking at her then smiled.

"Pare-parehas lang lahat ng lalaki. At first, they will give you butterflies, but as the time goes by, they will give you heartaches and traumas that you will forever remember in your life,"

"Okay, hindi na ho papalag. Let's just finish our food tapos uwi na tayo, it's getting late." Tumango ako bilang pagsang-ayon.

It may sound bitter, pero totoo naman. Actually, I only dated two guys. My first love and the guy who just gave me another traumatic experience in love. Ganoon sila 'no? They will say that they will not let you suffer again just like what you have experienced in your past, but sooner or later, they're just another piece of shit that will increase your traumas.

Pagkatapos naming kumain ay nagpart-ways kami dahil malayo kami sa isa't-isa. Taguig siya, Pampanga ako, tapos nakarating ako Intra 'di ba? Supposed to be meet up kasi ngayon ng SE, SE is our squad in ML and they're also my internet friends. Kaso ito nga, may sari-sarili silang emergency today kaya dalawa na lang kami ni Ela.

Pag-uwi ko sa bahay ay almost 9 pm na, kaya nagpahinga ako saglit tapos ay naligo. Since busog naman ako ay rekta kong ginawa ang projects na kailangan pang tapusin. Pagkatapos naman ay nag-online ako at napangiti ako nang makitang nag-iingay uli sila sa group chat. Mga bampira talaga 'to eh, tuwing gabi sila nag-iingay.

Naki-blend in lang ako saglit dahil maaga akong matutulog. Pero bago pa man ako makapag-off ay chinat ako ni Ela. Ito talaga 'tong babaeng 'to eh.

Since tinatamad ako makipag-chat, tinawagan ko na lang siya.

"Jassyyy!" Bahagya kong inilayo sa tainga ko ang speaker ng phone ko dahil sa tili niya. Maninira pa yata siya ng eardrums.

"Bakit?"

"Add mo sa fb si Larenz Serrano," pag-uutos niya na naging dahila ng pag-kunot ng noo ko.

"Ha? Larenz? Sino 'yan? Bakit ko ia-add?" Sunod-sunod kong tanong.

"Basta i-add mo na lang dali, sabi ni Francis."

Napairap ako. Ano na namang mayroon at pinupuntirya ako ng dalawang ito?

Para matahimik si Ela, I searched the guy's name then stalked him before adding him. He has a huge number of followers, baka naman gawin lang ako nito na isa sa followers niya? Kasi kung ganoon magacacancel talaga 'ko ng friend request.

"Na-add ko na, sino ba 'to?"

"Bunso yata nila Francis si Larenz, ano, inaccept ka ba? Chinat ka?"

"Hindi, he did not accept my friend request."

"Baka busy, wait mo lang ha?"

"El—"

"Oops, I gotta go, may gagawin pa pala 'ko, balitaan mo ako kapag inaccept at chinat ka ha? Love you!"

With that, she ended the call. Hindi man lang ako hinayaang makapagsalita pagkatapos akong utusan.

Tiningnan ko ang featured highlights sa account niya. Although I hate men, I can't deny na he has the looks and talent. Pogi siya, and what makes him more attractive is he knows how to play guitar and he's a good singer.

Even though we're not friends yet, kita ko ang mga shared posts niya. Wow, his privacy is on public, huh? But he's kinda lowkey on social media, kaunti lang ang shared posts niya at naka-private ang iba sa mga picture niya except for his featured highlights, of course.

Nang makaramdam ng antok ay natulog na 'ko. In-off ko ang phone ko at hinayaang naka-on ang internet connection ko in case of emergency.

——

Nagising ako sa maingay na alarm ko at humalo pa ang sunod-sunod na pagtunog ng notification bell ng phone ko. Nang tingnan ko ang oras ay ala-una na pala ng hapon. Thank God I'm done with my projects and wala kaming pasok kaya okay lang na late ako magising.

Bago ko gawin ang morning routine ko ay chineck ko muna ang phone ko. Nagulat ako nang makita ang flooded notification sa Facebook account ko.

Larenz changed his profile picture and shinare 'yon ni Kuya Luis—isa sa nagmamanage ng squad namin sa ML, at ang mabait na Ela, minention ako. May nakalagay pang "@Jassy, crush mo oh". Shocks, nakakahiya!

Kaya pala maraming notif dahil nagreply si Kuya Francis doon. Malamang, makikita 'yon ng readers niya. Nagreply na lang ako at sinabing fake news 'yon para tigilan nila 'ko. Baka isipin pa ng Larenz na 'yon ay papansin ako masyado.

My week has been kinda busy, but not boring. Paano ba naman magiging boring? Kada lalapag ako sa gc namin, lagi nila 'ko pinagtitripan at inaasar kay Larenz. To assure you, I don't like him. Ayoko na sa lalaki 'no. At saka, malayo siya, pass sa internet love.

But as the time goes by, I'm feeling something in my chest that I did not felt for how many years.

"Lagi mo chinichika sa 'min 'yang nireto sa 'yo, umamin ka nga, may gusto ka ba riyan?" Ariane asked, Ariane is one of my bestfriends and my classmate. Nakatambay sila ni Yza dito sa bahay, bonding lang dahil namiss din namin ang isa't-isa.

"Oo nga, Jas, hindi ka naman nagkukwento ng lalaki sa amin kahit sino pa i-reto sa 'yo eh," dagdag ni Yza.

Napahinto ako, hindi ko alam ang isasagot ko sa kanila. It's been three years since I mentioned a guy to them.

"W-wala lang 'yon, hindi ko siya gusto," sagot ko.

It's true. Curious lang ako sa kaniya, nothing more, nothing less. I will never, ever risk my heart again lalo na sa internet love. Sasaktan ko lang ang sarili ko.

"Yza, pustahan tayo, magugustuhan ni Jassy 'yang si Larenz. Bilis-bilis maattach niyan eh, dinaig pa stapler," ani Ariane.

"True ka r'yan 'te, siya lang 'yong kilala kong takot sa commitment, ayaw sa lalaki pero mabilis ma-attach," segunda ni Yza.

Grabe 'tong dalawang 'to, pinagtutulungan ako. Okay sige, oo na, pogi si Larenz, pero putangina ang mga lalaki. Hindi mababago ang pananaw ko sa kanila. Pare-parehas lang naman sila mga bwakanginangshit.

Ilang araw ang nakalipas, palala nang palala ang pang-aasar nila sa 'kin kay Larenz. At habang palala nang palala ang pang-aasar nila, palala na rin nang palala ang kakaibang nararamdaman ko.

One night, tinanong ni Ela sa group chat si Larenz. Alam kong waka akong paki, pero why am I hoping na sana 'yong sagot niya ay magkakaroon ako ng pag-asa?

"Larenz, may chance bang magustuhan mo si Jassy?"

I shooked my head. I already predicted his answer. It's a 'no', we barely know each other. Paano naman niya maiisip na magkakaroon ng chance na magustuhan niya 'ko?

"Meron", he answered.

Para akong na-glue sa kinauupuan ko. One word, just one word that gave me so much electricity. What does this mean?

Bakit ganito?

Hindi ako halos nakatulog kakaisip kung bakit ganoon ang naramdaman ko. It was nothing, right?

Pinilit kong matulog pero wala pa yatang limang oras ang tulog ko dahil sa sobrang pag-iisip. Kaya kinabukasan ay nakipag-kita ako kay Laiza, she's my most trusted bestfriend. Nakukwento ko rin si Larenz sa kaniya pero 'di siya nagdoubt na magkakagusto ako roon, o nagduda na siya pero ayaw niya lang magsalita kasi idedeny ko?

"Jass, 'wag na tayo mag-lokohan, may gusto ka na kay Larenz. Wait no, you have a crush on him. You're just denying it dahil lalaki siya at feel mo kokontrahin ka ng mga kaibigan mo kay Larenz," direktang sagot niya nang magtanong ako.

"S-seryoso ba?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Ako 'yong may feelings pero sa kaniya ko tinatanong, how ironic.

"Bobo ka ba? Ikaw nakakaramdam tapos sa akin mo itatanong kung seryoso, tanga naman, pero halata namang crush mo siya eh. Chair up, basta 'wag ka mag-first move, ikamamatay namin 'yon."

Hanggang makauwi ako ay lutang ako. Paano ako nagka-crush sa isang lalaking never ko naman naka-interact, naka-usap, at lalong nasa malayo? Plus, reto lang din siya! Punyeta, lakas naman ng charisma n'on?!

Inopen-up ko sa squad namin 'yon. Okay lang naman daw, wala sana 'kong balak sabihin sa main gc dahil nandoon  'yong mga lalaki pero nilaglag nila 'ko. Grabe, kaibigan ko ba 'tong mga 'to?

Panay parinig din ako sa Facebook tungkol sa kaniya. Nagtatanong na rin ang mga kaibigan ko kung sino ang pinapatamaan ko pero hindi ko sinasagot. Sus, for what, para humadlang? 'Wag na, it's better na kaunti lang ang nakakaalam.

Mas kaunti 'yong nakakaalam, mas kaunti 'yong mangingialam.

Akala ko kuntento na 'ko sa minsanang interaction namin sa gc, pero may isa akong bagay na ginawa na never kong inexpect na gagawin ko.

Nag-first move ako.

I saw his Facebook story. It was a TikTok video. I replied, "pasend po" then removed Messenger on my recent apps. Oo, ganoon mag-segue ng first move!

Nagulat pa 'ko dahil may pagka-playful at madaldal din pala siya. At first kasi akala ko babaero siya, or masungit. Pero nasasabayan niya 'ko, nasasabayan ko rin siya. My heart was happy that night kaya nakatulog ako nang mahimbing. Kahit papaano ay may mga nalaman na rin ako tungkol sa kaniya. He's not a fan of "first move squad". Hindi na niya ugaling mangulit o mag-first move dahil sa huli, siya 'yong talo.

I thought that it will be our first and last conversation. Kaso makulit ako. I kept on doing the first move, I kept talking to him. Kasi pakiramdam ko hindi kumpleto ang araw ko 'pag hindi ko siya nakakausap.

Dude, ang corny ko na. Putanginang pag-ibig 'yan.

Araw-araw kaming nag-uusap. Hindi ko alam kung makapal lang ba mukha ko o assuming ako, pero nararamdaman kong may nararamdaman din siya, hindi niya lang maamin dahil takot siya mag-commit uli. Kahit ako naman, pero para sa 'yo why not?

We played games together, we called each other, we sang for one another, we enjoyed each other's company. I found my 'home' in him.

Hindi ko inexpect na magiging ganito kalalim 'yong pagkahulog ko sa kaniya. Before I sleep each night, lagi ko aalalahanin 'yong mga oras na kinilig ako sa kaniya. I hated this feeling before, pero ngayon, naeenjoy ko na uli.

"Hoy, may isesend ako sa 'yo pagkatapos, sisirain ko lang gabi mo." I'm gonna send one of my voice recording kanina. Wala, lagi ko namang sa kaniya lang sinesend 'yong mga kantang trip ko kantahin.

"Sige, basta ikaw naman eh." I went silent. Hindi ako nakapagsalita o nakasagot dahil parang nagwawala ang puso ko sa kilig na nararamdaman. Larenz, ba't ka nambibigla!?

"Renz, laro tayo maya-maya. Tapusin ko lang 'tong ginagawa ko,"

"Sige po, wait kita."

Dahil d'on, nakangiti kong tinapos 'yong homework ko na kanina ko pa minumura dahil sa hirap.

"Tara naaa! Baka tulog ka na ha?" Chat ko sa kaniya.

"Gising pa syempre, hinintay kita.," he replied. Ang daming nakawalang paru-paro sa hawla. Kung pwede lang mamatay sa kilig, kanina pa 'ko naka-libing.

"Samahan kita next season? Kaso puro talo," suhestiyon ko sabay tawa. Ang kapal ng face ko sa part na 'yon dahil pabuhat lang naman ako sa ML tapos aayain ko siya ng ganoon.

"Sige ba, ayos lang ma-ls."

Lord, kunin mo na 'ko please.

"Yuck, ang pangit ng boses ko. Pero araw-araw ako nagcoconcert dito since wala naman nagrereklamo," reply ko sa kaniya noong unang beses niya 'ko hiningan ng voice record na kumakanta ako.

"Edi kantahan mo ako lagi." Pigil ang ngiti ko nang isagot niya 'yon. Hindi ko na kinakaya 'tong nararamdaman ko ha.

"Ang ganda ko mars," I joked.

"Oo nga, ang ganda mo." Napahinto ako sa reply niya. Alam ko namang maganda ako, maraming nagsasabi n'on. Pero iba pala talaga 'yong pakiramdam 'pag sa taong gusto mo nanggaling 'no? Nakakataas lalo ng confidence.

Dumating sa puntong umamin na 'ko sa kaniya. Wala naman akong ikinakatakot kung i-reject man niya 'ko o hindi eh. At least, I took the risk.

"Aaminin ko lang na gusto kita for real. Hindi lang siya crush ganoon. 'Di ko alam kung paano or kailan siya nagsimula basta 'yon. Okay lang din if iiwas ka, inform mo lang ako baka mag-chat pa 'ko sa 'yo eh. 'Yon lang, gusto ko lang masabi. At kung hahanapan mo 'ko ng rason kung bakit kita gusto, 'wag mo na 'ko tanungin, dahil gusto kita kung ano ka, with your flaws and imperfections. Walang rason-rason."

And the good news?

I'm not rejected.

I wasn't friendzoned.

Pero hindi niya 'ko gusto. Or, hindi 'pa' niya ako gusto?

Mas lalo ko siyang ginusto nang malaman ko 'yong tungkol sa past relationship niya.

I just realized that I wanna give this guy the happiness and love that he deserves, the assurance that he needs, and I also want to heal his traumas and wounds because I did not experience being treated the way I wanna be treated.

He's so pure. He deserves much more than that. He deserves any good thing in this world. Deserve niyang sumaya, deserve niyang intindihin. Deserve niyang mahalin nang sobra.

Months had passed, I fell in love with him. Ang tagal bago ko siya minahal nang tuluyan. I was afraid to fall in love but then he came, he brought me out of the shell that became my hiding place for three years.

He's the most unforeseen warmth that came to me. Kahit alam kong 'di niya 'ko gusto, I got the assurance I need. Kahit nasa malayo, I never experienced overthinking, unlike in my past na napakalapit nila pero araw-araw akong iiyak dahil sa kaka-overthink at dahil sa insecurities.

Matapang ko siyang tinawagan. Weekend naman kinabukasab kaya siguro ay wala siyang gagawin bukas.

"Larenz?" I called.

"Po?"

"A-are you free tomorrow?" Kinakabahang tanong ko.

"Free saan?" Damn, hindi ko alam kung paano sasabihin.

"U-uh, meet sana tayo b-bukas kung free ka. M-may sasabihin ako and I wanna tell to you in person.."

"May gagawin ako bukas eh.." I was disappointed. I badly wanna confess it tomorrow, it should be tomorrow. "...pero para sa 'yo, free ako palagi. Sunduin kita ha? Ayoko ng halfway."

My jaw dropped in surprise. Pumayag siya!?

"S-seryoso?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Oo nga, baliw. Send mo address mo sa 'kin, pupuntahan kita bukas."

"H-hoy Larenz hindi ka nagbibiro?"

"Kailan ba kita niloko?" I bit my lower lip to prevent myself from smiling. Grabe na epekto niya sa 'kin.

"O-okay then, I-I'll see you tomorrow.."

In-end ko kaagad ang tawag dahil sa excitement at kilig na nararamdaman. We'll finally meet! Mag-iisang taon na kaming nagkakausap. Mag-iisang taon ko na rin siyang gusto. Siya lang sa loob ng ilang buwan, walang palya, walang hadlang, walang iba, siya lang.

Mabilis lang ang oras kaya ito, Sabado na. Maaga akong nagising which is very unusual dahil tanghali ako gumigising. Nag-ayos talaga 'ko kahit hindi ako pala-lagay ng make-up. Well actually, light make-up lang naman dahil hindi ako marunong maglagay ng ganito sa mukha ko.

Nagsuot ako ng puting puff sleeve crop top na pinarisan ng high waist na pants. Naka-high pony tail naman ang hanggang baywang kong buhok. Nag-white rubber shoes lang din ako para 'di ako magka-paltos.

Kagabi ko pa sinend ang address ko sa kaniya. I even texted him 'good morning'. Ang dami kong natanggap na messages pero 'yong kaniya lang ang inuna ko.

Maya-maya pa ay may kumatok sa pinto. Tumalon-talon pa 'ko sa harap ng salamin dahil sa biglaang kaba na naramdaman ko at ikinalma ang aking sarili.

Nang buksan ko ang pinto ay bumungad sa 'kin 'yong lalaking pinapangarap ko. Tangina, ang gwapo.

Hindi naman pala totoo 'yong sinasabi niyang pangit siya. Punyeta maniwala kayo sa 'kin, ang gwapo niya as in! Thick eyebrows, rosy red lips, sharp nose, visible adam's apple, and that perfect shape of jawline. Putangina, one dot papakasalan ko 'to.

Nagulat ako nang lapitan niya 'ko sabay yakap nang mahigpit.

"Alam kong in-off mo ang phone mo at hindi ka nagbasa ng greetings kagabi hanggang makagising ka, kaya ako ang unang babati sa 'yo, happy birthday, my Luna."

Muntik pa 'kong maiyak lalo na nang bigyan niya 'ko ng regalo. It was a necklace na may pendant na crescent moon at initial ng name niya. Hindi ko alam if this L stands for Luna, or Larenz. Pero aaminin ko, naappreciate ko at gandang-ganda ako lalo na galing ito sa kaniya.

"Larenz naman eh.."

"Ganda mo, tara na, Intramuros tayo. Nabanggit mo dati 'di ka pa nakakapunta doon 'di ba?" Tumango ako bilang sagot.

"Edi ako 'yong unang magdadala sa 'yo roon."

We spend the day together. As in no phones, kaming dalawa lang. Kahit kakakita lang namin ay sobrang komportable ko na sa kaniya. Ang gaan-gaan ng loob ko sa kaniya. Kahit noong unang beses naming pag-uusap, ganitong-ganito 'yong naramdaman ko.

He feels like home.

Nag-dinner kami sa Sky Deck, sa rooftop ng Bayleaf Hotel sa Intra. At ito na 'yong perfect timing para aminin sa kaniya 'yong nararamdaman ko. Perfect date, perfect scenery, and perfect person.

"Larenz, uhm, may sasabihin ako.."

"Hmm, 'yan 'yong kagabi 'di ba?" I nodded. So he remembered.

"Okay po, spill." He wiped his lips and put his attention on me.

Humugot ako ng isang malalim na buntong hininga bago magsalita.

"Months ago, or should I say, last year, I confessed to you twice. First, sabi ko crush kita, second, I told you that I like you na for real. We both know na 'yong like na 'yon ay madedevelop into something deeper pa. A-at ito na 'yon. L-Larenz, mahal kita. No words could descibe how deep my feelings for you is, but napapakita't nararamdaman mo naman 'no? I took the risk to confess kahit alam kong birthday ko, and may chance na you'll rejec—"

"I'll court you."

Three words. He interrupted me with those three words that I did not expect to hear tonight.

"Ha?"

"Bungol, sabi ko, liligawan kita. Matagal na kitang gusto kaso manhid ka, hindi mo maramdaman. I'm not into words kaya pinaparamdam ko sa 'yong gusto kita. Natakot akong mag-commit dahil baka maulit lang 'yong dati. Pero you did not leave my side. You stayed, kahit walang kasiguraduhan kung saan tayo patungo. You made me feel loved, pinaramdam mo 'yong pagmamahal na sa tingin ko ay mas sobra pa kaysa sa deserve ko." Mahabang litanya niya.

I am totally speechless. He confessed after me. Yes, alam ko namang medyo malabo 'yong rejection dahil sinabi niyang may chance pero 'yong chance kasi, nawawala't naglalaho 'yan kaya hindi ako umasa. But now, he freakin' admitted his feelings right in front of me.

"You were my unforeseen warmth. I did not expect you to enter my life. But then you became my world, you became my home. And I thank God because He gave you to me," he professed.

I hugged him tightly then cried. This is much more than a birthday gift. I finally got the mam of my dreams!

And now, I can say that I'm home.

Well, I don't think anyone is ready to commit after a trauma or a heartbreak, but when somebody makes you feel alive and complete again, it's kind of worth the risk.

He's always worth the risk.

I never expected him to enter my life. I never expected that I will fall for him, but I'm more than grateful, because he's more than just my 'pahinga' and 'tahanan'. He's my 'mundo'. And I thank God for bringing him into my life.

——

The end :)) dedicated kay Jai, hindi ko magamit name niya kasi nakakahiya, HAHAHAHAHHA.

Continue Reading

You'll Also Like

78.8K 2.2K 28
GXG
31.1K 241 7
Ang kwentong ito ay pawang kathang isip lamang na may halong karanasan sa nasasabing isturya na tungkol sa karanasang sexual nang lalaki sa lalaki. ...
82.6K 110 15
Smut May mga wrong grammar lang po dyan pag pasensyahan nyo🙂
Masahista By Luci

Short Story

901 1 9
short story