OFFICERS SERIES #1: Detaining...

By jindoodle_fairy

26.8K 1.2K 168

Officers Series#1 Status: [COMPLETED] Other than having her dream profession, wealthy love from family and a... More

Detaining Him (Officers Series #1)
Simula
Kabanata 01
Kabanata 02
Kabanata 03
Kabanata 04
Kabanata 05
Kabanata 06
Kabanata 07
Kabanata 08
Kabanata 09
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabatana 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Wakas
Author's Note

Kabanata 39

345 14 0
By jindoodle_fairy

39



---

Malakas akong napasinghap ng makabalik ako sa realidad. Buong lakas kong tinulak ang lalaking basta na lamang yumakap sa akin. Ngunit agaran ding nanghina ng makita si Chrispher na tanging tuwalya lamang sa hita ang saplot. Mabilis akong napatalikod.


"Ano ba?! Nababaliw ka na ba?!" Habol ang hininga kong sigaw sa kaniya. Parang nakikipagkarera sa kabayo ang puso ko sa sobrang bilis! Nag-iinit din ang tenga't pisngi ko. Pati balahibo ko, naninindig! Ano ba itong pinaggagagawa niya?!


"I'm not... dreaming, right?" He mumbled.


"E-ewan ko?! B-bastos ka ba?!" Pakiramdam ko basang-basa na ang likod ko.


"Miss Police..."


Nagpanting naman ang pareho kong tenga dahil sa narinig. Nagsimulang lumambot ang pakiramdam ko. My heart started thumping faster than before. Hindi ko akalaing... maririnig ko ulit ang palayaw niya sa akin noon ngayon at sa ganito pang sitwasyon.



"I-I'm not... dreaming right?" Namilog ang mga mata ko ng marinig ko ang bahagyang pagkislot ng kaniyang boses.


"Chris—" ngunit bago ko pa man tuluyang mabuo ang pangalan niya ay niyakap na naman niya ako ulit. "Chrispher!"


"Let's stay like this, please..."


"B-basa ka! Ano ba?!—"


"I'll buy all your favorite T-shirt just please let me do this..."


"L-lasing ka ba?!"


"I think... I think I'm dreaming. I don't want to wake up."


Napabuga ako ng hangin dahil sa inis. Kahit na nangangamoy alak ang hininga niya ay hindi ko pa rin maipagkakailang napakabango ng dating no'n sa akin. Nababaliw na naman ako.


Mariin kong ipinikit ang mga mata at buong lakas na tinanggal ang kaniyang mga kamay na nakapulupot sa aking bewang. Pero bakit ayaw matanggal?!


"Chrispher please... ayaw ko ng gulo. Bitawan mo na ako!"


"No one will dare to interfere us this time—"


"Chrispher!"



"I'm sorry..."


Tumigil ako sa pagpupumiglas ng maramdaman ko ang dahan-dahang pagkabasa ng aking kanang balikat lalo na ang bahagyang pagnginig ng kaniyang katawan. Sinundan niya iyon ng nakakapanindig balahibong hikbi na ni minsan ay hindi ko na ulit inasahang maririnig sa kaniya.


"I'm so sorry..." He sobbed.


His hold is getting tighter and tighter. Pero hindi ko alam sa sarili ko kung bakit nawawalan ako ng lakas ng loob na sawayin siya.


Unti-unti namang umuusbong ang sakit at mga alaalang pilit ko nang kinalimutan noon pa. Para iyong talon na agad na lamang nagsulputan sa utak ko. Hindi ko akalaing ganito lang pala kadaling matalo ang sarili ko. Hindi ko akalaing mababalik lahat ng mga nararamdaman ko noon sa simpleng yakap niya lang sa akin ngayon.


"N-nandito ako para tulungan ka. Hindi ako nandito para sa ating dalawa..." Nanginig ang boses ko.


Ngayong bumalik na ulit ang nararamdaman ko sa kaniya na matagal bago ko napatunayan noon, paniguradong magsisimula na naman akong masaktan. Mauulit at mauulit ang lahat at paniguradong mas magiging kaawa-awa ako ngayon.


Kasal na siya. Kasal na siya kay Berenice. Kahit sa papel man o totohanan hindi pa rin maipagkakailang kasal na siyang tao. Ayaw kong masira ang tali'ng iyon sa pagitan nila dahil lang sa akin. At kahit na alam ko na sa sarili ko na mahal ko pa rin siya, ayaw kong mauwing kaawa-awa dahil lang sa naghabol ako sa kaniya.


Alam ko ang lugar ko at kahit anong mangyari ay hindi ko gugustuhing lumampas pa doon. Nakaya ko ngang mabuhay ng dalawampu't siyam na taon na tanging pamilya lang ang kasama, paniguradong kaya ko rin 'yong gawin sa mga darating pang taon. Depende na lang kung bubuksan ko ulit ang puso ko sa iba.


"T-tell me... T-tell me the truth..." Unti-unting humina ang mga hikbi niya. "...h-hindi na ba ako? H-huli na ba ako? Sabihin mo sa'kin... k-kayo ba ni Andrew?"


Parang pinipiga ang puso ko sa tuwing humihigpit ang yakap niya sa akin, iyong tipong ayaw niya akong bitawan dahil ano mang oras ay maaari akong mawala sa pagkakahawak niya.


Hirap kong nilunok ang butil sa aking lalamunan bago pigil hiningang nagsalita. "L-lasing ka... sa susunod na lang tayo mag-usap—"


"Sagutin mo 'ko! K-kayo na ba?! 'Yong kahapon... 'yung pagyakap niya sa'yo. A-anong ibig sabihin no'n?!" Bakas sa boses niya ang takot.


Kagat labi akong napailing. Para saan naman kung sasagutin ko ang tanong niyang 'yon? Paano kung totoo? Paano kung hindi? Ano namang pakialam niya 'di ba?


"Bitawan mo na ako, please..."


"Mahal pa rin kita... Miss Police..."


At sa mga salita lamang na 'yon, nagsimulang manginig ang labi ko sa pagpipigil na mapaiyak. My tears rolled down my eyes. Basta na lang silang nagsilabasan at hindi ko na napigilan. Nagsimulang sumakit ang dibdib ko.


"Mahal na mahal pa rin kita..."


Agad na dumapo ang mga kamay ko sa aking bibig para lang pigilan ang hikbing gustong kumawala. I tried my very best to moved and shooked my head.


"L-lasing ka lang..." My voice trembled.


"Alam ko at alam ko rin kung ano ang mga lumalabas sa bibig ko! Lasing lang ako pero nagsasabi ako ng totoo! Mahal kita at tanggap kita! Kung... kung pwede ko lang ibalik sa dati ang lahat... gusto kong itama ang mga mali ko. G-gusto kong palitan ang mga iyak mo noon ng ngiti... kung pwede ko lang 'yong gawin..." Halos hindi ko na rin marinig ng maayos ang mga salita niya dahil sa walang tigil niyang hikbi. "G-give me another chance... give me a chance to prove myself. Hayaan mo 'kong ipakita sa'yong mahal pa rin kita. Hayaan mo 'kong ipaglaban ka... Hayaan mo 'kong ipakita sa'yo ang mga bagay na hindi ko nagawa noon. Hayaan mo akong gawin 'yon lahat... please... please... Let me... please... W-wala na akong hihilingin pang iba... I just need those chances... please..."


Hindi ko na rin napigilan ang iyak ko ng unti-unti siyang lumuhod habang nakayakap sa akin. Bakit... bakit nasasaktan ako ng tudo dahil sa mga pinagsasabi niya?


Gusto kong gawin niya iyon lahat... gusto kong makita ang mga gagawin niya... gusto kong makita kung paano niya ipaparamdam 'yon sa akin.


Pero paano ko 'yon gagawin? Paano ko 'yon sasabihin? Dahil sa tuwing naalala ko kung ano ang meron sa kanila ni Berenice, sumasakit ang dibdib ko. Pakiramdam ko mawawasak ako.


Anong gagawin ko? Ayaw kong aminin sa kaniya ang nararamdaman ko dahil alam kong mas magiging komplikado lang ang lahat. Mas mahihirapan akong gawin ang mga plano ko.


Please, Phoebe... isipin mo ulit kung bakit ka nandito. Isipin mo kung ano ang dahilan para magtake ng risk para makita siya. Iyon ay para tulungan siya para linisin ang pangalan at buhay niya 'di ba? Pakiusap huwag mo munang unahin ang ibang bagay. Unahin mo ang makakapagpagaan sa isip mo. Kung totoong mahal mo siya... tulungan mo muna siya. Hindi makakatulong kung uunahin mo ang nararamdaman mo kaya pakiusap... huwag na muna ngayon.


"Chrispher—" napasinghap ako ng biglaan na lamang siyang bumitaw at bumagsak sa sahig. Muntik pa niya akong madala sa pagkakahiga.


Dumagundong sa kaba ang dibdib ko nang makita ko siyang walang malay. Agad akong dumalo sa kaniya. Tuliro kong niyugyog ang kaniyang balikat at muntikan na naman akong mapaiyak kung hindi ko lang narinig ang mahina niyang hilik. Mariin kong naipikit ang mga mata bago nanghihinang napasandal sa gilid ng pintuan. Nakahinga ako ng maluwag ng malamang nakatulog lang siya. Wala sa sarili akong napahilamos ng mukha.


Patuloy na dumadagundong ang puso ko at hindi ko alam kung paano pakalmahin.


"Chrispher... ano ba itong ginagawa mo sa'kin?"


Matagal bago kumalma ang luha ko sa mata at nakapagdesisyong ilipat siya sa kama. I used all my strength to pull him up to the bed. Nahirapan pa ako dahil sa hindi ako masiyadong makapag-concentrate dahil sa takot na baka bumagsak ang tuwalya sa kaniyang bewang at makita ko ang bagay na hindi ko dapat makita. Tsk.


Naghanap na rin ako ng damit o kahit piraso ng roba man lang para lang may ipangtakip ako sa hubad niyang katawan. Ewan ko pero kanina pa ako pinag-iinitan ng tudo.


Pagkatapos ko siyang bihisan ng nahanap kong roba ay hinanap ko na rin ang remote para sa aircon. I stared and watch him sleep for about five minutes bago nakapagdesisyong tawagan ang kaibigang kanina ko pa gustong kalbuhin dahil sa kabaliwan.



"Hey! Are you two done talking? All set now? Comeback? I can throw a party for that!" Iyon ang bungad ni Beansey ng tawagan ko siya. Bakas sa boses niya ang excitement at tuwa.


Hinihilot ang sentido at nagpipigil ng irita ko siyang sinagot. "Asan ka?"


"Oh!" She laughed. "Nasa hall lang kasama ang ilang kakilala. Pwede na ba akong umakyat? You can thank me in person," she giggled. "Huwag ka sa phone mag-thank you, okay?"


Umikot ang mata ko sa ere at marahas na napabuga ng hangin. "Umakyat ka na."


"Chaowie! Be there in a minute! Wait mo 'ko, ah! Magdamit ka na diyan!"


Nangunot ang noo ko dahil sa huli niyang sinabi ngunit nang akmang magsasalita na ako'y binabaan na niya ako ng tawag. Mahigpit akong napahawak sa cellphone bago napatayo. Mabibigat ang mga paa akong dumiretso sa harap ng pintuan at nagdesisyong doon siya hintayin.


Pagtunog at pagbukas ng pintuan ay handa ko na sana siyang pagalitan ng napatigil ako ng makita ang stranghero niyang kasama. The guy beside her waved his hand merrily. I could already tell that he has a foreign blood. Napalunok ako at nagbitiw ng maliit na ngiti.


"Babe, this is Mickey and Mickey this is my babe, Phoebe..." Pakilala ni Beansey sabay hila sa lalaking kasama niya papasok.


"Hi!" Ani ni Mickey.


Ngiti at tango na lamang ang sinagot ko sa kaniya. Kulay dilaw ang kaniyang buhok, kulay asul naman ang mga mata. Maputi ang balat at parang hindi pa nasisinagan ng araw. Hinila siya ng tuluyan ni Beansey papasok sa loob.


Sinamaan ko ng tingin si Beansey bilang pagbabanta. Binigyan niya lamang ako ng mahinang tawa at kindat. Hindi ko siya mapagsasabihan ngayong may kasama pa siya. Teka, kaano-ano niya naman ang lalaking 'to? Bakit kung makakapit siya'y daig pa ang tuko? Parang kagabi lang umiiyak siya't parang namatayan, ah? Napailing na lamang ako sa kaibigan bago sila sinundan sa loob ng kusina.


Minsan talaga hindi ko siya maintindihan. Hindi ko siya mabasa at madalas siyang masekreto. Pinagsasawalang bahala ko na lang dahil sa nalalaman ko rin naman maya-maya. Sinasabihan din naman niya ako kapag pakiramdam niya'y kinakapitan na siya ng konsensiya.


"I'm really sorry. Hindi ko agad nasabi na lasing siya. Kakarating lang din namin galing sa kakilala. Nakipag-inuman at hindi ko na napigilan." Ani ni Mickey. Pansamantalang namilog ang mga mata ko dahil sa kaniyang sinabi. Wala kasi sa kaniyang itsura ang pagsasalita ng tagalog. He looks so foreign!


Kagqt labi akong napatango. "Ah... O-okay lang..."


"That's not fine! Nothing happened!" Beansey formed an annoyed expression. Looking so down and defeated. Agad na sumama ang timpla ng mukha ko habang nakatitig sa kaniya.


Sabi ko na nga ba. Plinano niya ang lahat ng 'to! Humanda talaga siya kapag napag-isa kaming dalawa.


"Anyways, did you tell him about your first reason why you came here?" Aniya na tila binabalewala ang halos kutsilyo kong titig sa kaniya. Napaiwas ako ng tingin.


"H-hindi ko nasabi..."


"Oh so may next time pa?! That's great! Marami pa tayong time. Don't feel so pressured! Haha." Excited niyang saad.


Sana katulad niya ay ganiyan din kabilis magbago ang mood ko. Hindi ko pa rin makalimutan iyong lungkot at pag-iyak niya kagabi, kaya nakakagulat na ngayon ay parang walang nangyari. Kahit na ano mang panggap niya ay alam kong pinipilit niya lang ang sariling tumawa at ngumiti ngayon. She's really something, dahilan para mag-alala ako sa kaniya minsan.


"So? Anong gagawin mo?" Beansey asked in the middle of nowhere. Napataas ang tingin ko sa kaniya bago napayuko ulit.


"S-siguro... hintayin siyang magising?"


"I'm sure bukas pa siya magigising," Mickey stopped before grinning. "You can stay here to guard him."


Bahagya akong napangiwi. Tumawa si Beansey at sumang-ayon. "Tama! Sleep beside him if you're sleepy. It's simple!"


Kung wala lang talagang ibang tao sa harap namin ay kanina ko pa talaga siya nabatukan. Hindi ko talaga siya masiyadong maasahan lalo na kapag sa ganitong mga bagay. Masiyadong agresibo ang utak niya.


"Umuwi na lang muna tayo..." Suhestyon ko.


"No way!" Beansey protested while crossing her arms over her chest. "Nandito na ang kailangan mo tapos iiwan mo na lang ng wala kang nakukuhang impormasyon? Sayang ang chance, babe. Better stay here bago pa may makaamoy na langaw at puntahan pa si Chrispher dito." She flipped her hair irritatedly. Sinundan din naman iyon ng mahinang tawa ni Mickey. Nangunot ang noo ko ng tila pareho nilang alam kung sino ang tinutukoy nilang langaw. Pakiramdam ko'y alam ko na rin.


Mariin akong napalunok at pansamantalang nag-isip ng paraan. Tumikhim ako.


"O-oh sige... Mananatili ako dito hanggang sa magising siya. B-basta kayo rin..." I look at them with a hopeful eyes. Alangan namang iwan nila ako dito? A-ayaw kong maulit iyong kanina sa pagitan namin ni Chrispher.



Marahas na napasinghap si Beansey. "May lakad ako..." She pouted her lips. "Sorry."


Umangat ang isa kong kilay dahil sa sinabi niya. "At saan ka naman pupunta? Ngayon pa talaga?"


"Yup! At sasama si Mickey sa akin. A friend invited me to her bar." Sinasayaw pa niya katawan niya na animo'y excited sa pupuntahan. I licked the insides of my cheeks while staring blankly at her.


Kung kailan sobrang kailangan ko siya sa tabi ko, tsaka pa siya may lakad?! Wow!


Umikot ang mata ko sa ere at matalim siyang tinitigan. " Sa lahat talaga ng panahon ngayon ka pa talaga lalakwatsa, eh 'no?"


"Of course! Hello~namimiss ko na rin gumala kapag gabi tsaka time na rin 'to para maipakilala sa iba si Mickey 'di ba?" She glanced at Mickey with her oblivious expression.


"Ah... Ah! Haha. Yes. Yes." Ani ng kawawang si Mickey. Mukhang mapipilitan pang sumama. Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin ako kung paano sila nagkakilala. Parang ambilis naman masiyado kung si Mickey ang ipapalit ni Beansey kay AJ. Tapos may Preston pa. Tss. Wala akong ibang nagawa kundi ang mapailing.


Hindi ko na talaga sila tuluyang napigilan nang pagtung-tong ng alas-syiete ay umalis na sila sa kwarto. Naiwan akong mag-isa kasama ang natutulog na lasing sa kama.


Malalim ang hininga akong napaupo sa malapit na sofa at umupo doon habang nakaharap kay Chrispher.


Paniguradong magiging matiwasay ang pag-uusapan namin kung hindi lang siya lasing. Bakit ba 'to naglasing?! Halata pa sa itsurang may pinagdadaanan. I saw that expression before noong inaalagaan ko siya noon sa bahay dahil nagkalagnat. He look so innocent when asleep but the pressure and burden are very obvious.


I pursed my lips and moved my body to lie on the sofa. Sanay na akong matulog sa sofa mula pa noon kaya sigurado akong hindi sasakit ang katawan ko bukas kung sakaling makatulog ako ngayon. Nanatili akong nakatitig sa tulog niyang mukha hanggang sa hindi ko na namalayan ang pagsarado ng mga mata ko.


Nagising ako kinabukasan sa isang malambot na kama. Sa una'y pinagsawalang bahala ko lang ang mabigat na bagay sa aking braso ngunit ng tuluyan na akong magising ay halos lumipad ang puso ko sa gulat at kaba ng makita kong si Chrispher iyon na nakaunan doon!


"Ahh!" Daing niya ng mabilisan kong hinablot ang kamay ko sa ulo niya dahil sa gulat.


"A-anong ginawa mo sa'kin?!" Habol ang hininga kong sigaw sa kaniya. Kinapa ko ang katawan ko at napaginhawa ng makitang kompleto pa ang damit ko. Jusko. Ano ba itong unang pumasok sa isip ko?! Hanggang ngayon ay para paring tambol sa lakas ang puso ko dahil sa gulat!


"Ahh..." Marahan siyang umupo sa kama habang hawak-hawak ang ulo. Napangiwi ako dahil doon. Ano ba ang ginawa ko? Hindi ko naman siguro siya sinuntok 'di ba? B-bakit parang masiyado ata siyang nasaktan?


"O-okay ka lang ba?" Agarang lumabot ang boses ko dahilan ng pag-angat niya ng tingin sa akin. Halos liparin ako ng hangin ng makita ko ang mata niyang minsan na ring dahilan ng pagkakagusto ko sa kaniya. Iba na naman ang kulay nito. Sa tingin ko ito na ang totoo.


"No..." Nag-iwas siya ng tingin habang patuloy na hinihimas ang ulo. Hirap akong napalunok at nanginginig na humakbang paupo sa kama. Pinilit kong inangat ang nanginginig kong kamay sa parte ng ulo niyang hinihimas pero bago ko pa man iyon magawa ay mabilis siyang umiwas.


Namimilog ang mga mata at bagsak ang panga akong napatitig sa kaniya. He looks so nervous and flustered. Panay din ang pagtaas baba ng kaniyang adams apple. He looks so... he looks so... cute.


Gising Phoebe! Jusko!


Malakas akong napatikhim at dali-daling umalis sa kama. Nakayuko lamang siya at parang may malalim na iniisip. Halata rin ang sobrang pamumula ng mukha at tenga niya na sobrang nakakabahala para sa akin.


"Masiyado bang masakit?/ Are you feeling well?"


Pareho kaming napakurap ng sabay kaming nagsalita. Bumilis ang tibok ng puso ko. Kumalat ang init sa buong katawan ko! Sobrang awkward sa pagitan namin na gusto ko na lang na kumaripas palabas at huwag nang magpakita! O di kaya'y magpakain sa sahig at huwag nang iluwal kahit kailan! Susmaryosep.


"It's just my hangover, but I'm fine now..." He bit his lower lip. "H-how about you? I saw you sleeping on the couch and I find it too uncomfortable. S-so... I carry you back o-on bed and... l-let you sleep beside me... instead."


Pinilit kong makabuo ng salita kahit na ba'y nagtatalo na ang mga emosyon sa loob ng katawan ko. "Ah! O-oo nga eh. S-salamat..."


"A-about yesterday..."


Nagpanting ang tenga ko at agad na sumagot.


"G-gusto sana kitang makausap tungkol sa ibang bagay. K-kung maaari."


Halata sa itsura niya na nagulat siya sa sinabi ko. Naaalala man niya o hindi ang mga sinabi niya sa akin kahapon, sa ngayon ay ayaw ko munang pag-usapan iyon. Ayaw ko munang unahin 'yon sa ngayon. Masiyado iyong mabigat sa akin at pakiramdam ko'y mas mahihirapan akong ikonsidera iyon sa lahat ng mga iniisip ko. Kung maaari ay ayaw ko munang buhayin ang usapang 'yon. Gusto kong unahin ang bagay na sa tingin ko'y mas nangangailangan ng atensyon.


Yumakap ang konsensiya sa buokong katawan nang makita ko ang sakit sa na nakaukit sa buong mukha niya. Kahit nakayuko siya ay kitang-kita ko pa rin ang ekspresyong minsan nang nakapagpaparamdam ng pag-aalala sa akin. Nakakadala at sobrang nakakatakot. He looks so fragile. Buong akala ko'y uuwi siyang malaki ang pinagbago pero tulad ng dati'y... siya pa rin ang Chrispher na minsan ko na ring iniyakan at iningatan.


He let out a small smile. Mahigpit kong naikuyom ang mga kamao dahil sa pagpipigil sa sarili. Naguguluhan ako kung bakit ganiyan ang binibigay niyang reaksyon sa akin? Bakit ang dali lang para sa kaniyang bigyan ako ng ganitong pakiramdam? Ayaw ko nito... pero hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko.


"Sure..." Isang maliwanag na ngiti ang binitawan niya kasabay ng pait at lungkot sa kaniyang mukha.


Sana nga lang ay maging maayos na ang pag-uusapan naming 'to. Dahil gusto ko na itong matapos agad.

Continue Reading

You'll Also Like

62.9K 929 52
She's a head turner. Madaming lalake ang nag kakandarapa kay nina, yet she still doesn't know how men looks at her. Not until her boss made a move t...
182K 4.4K 29
Dahil hindi lahat ng bidang babae ay perfect. Sa istoryang ito, ipapakita ko na sa bawat bitch sa mga istorya ay may karapatan din na lumigaya. Hang...
867K 23.8K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...
127K 2K 62
What will happen if two completely stranger married people trapped together in a total stranger island and be forced to rely on each other in order t...