Perfect Strangers

By asdfghjess

1.6M 37.2K 4.5K

"Dahil baka kung gaano kabilis dumating, ganun din kabilis mawala." More

Prologue
Chapter 1 - Katherine Ashley Aguirre
Chapter 2 - Rapist.
Chapter 3 - Tristan.
Chapter 4 - Naghubad.
Chapter 5 - Mr. Sungit
Chapter 6 - Babe.
Chapter 7 - Eat.
Chapter 8 - Gwapo.
Chapter 9 - Sky Ranch.
Chapter 10 - End of conversation.
Chapter 11 - Tristan's girlfriend.
Chapter 12 - Happy family.
Chapter 13 - Human Belt.
Chapter 14 - Kapatid?!
Chapter 15 - Please.
Chapter 16 - Lets end this.
Chapter 17 - Nurse.
Chapter 18 - Angela Kate
Chapter 19 - Kash?
Chapter 20 - The past.
Chapter 21 - Oo.
Chapter 22 - Be my wife.
END OF SEASON 1
Chapter A - Cebu
Chapter B - Anything.
Chapter C - Love of my life.
Chapter D - Mess.
Chapter E - Mommy.
Chapter F - I love you.
Chapter G - No turning back.
Chapter H - Nakakainis.
Chapter I - Thank you.
Chapter K - Terrified.
Chapter L - Soon to be wife.
Chapter M - Mommy loves you.
Epilogue
Special Chapter I
!!!

Chapter J - Ipagtabuyan.

32.3K 848 137
By asdfghjess

Chapter J

 

Kabado ako habang papunta kami sa bahay nila Tristan. Kanina ay nagbago ang plano, kami nalang muna ang pupunta para daw mas makapagusap kami tungkol sa kasal.

Bukas nalang niya ipapakilala si Angelo kila Tita Gabby.

Buti nalang at hiniram ng mga kapatid ko ang mga anak ko. Nilabas nila si Angelo at Kate ngayon.

Sobrang kaba ang nararamdaman ko mula pa lang paggising ko kanina. Hindi ko alam kung gaano kalaki ang galit ng pamilya ni Tristan sakin, but Im sure they're mad.

Kahit siguro sa future pag iniwan ang mga anak ko, magagalit talaga ako sa mangiiwan sakanila.

Pero sana hindi sagad ang galit nila. I just cant afford na ipagtabuyan uli. Kahit pa sabihin na hindi ko sila pamilya, ay pamilya sila ng lalaking mahal ko.

Their opinion matters, that is.

Naramdaman kong hinigpitan ni Tristan ang pagkakakapit sakin. "You okay? You're fidgeting."

Tumango ako at nagpalabas ng buntong hininga. Parang meet the parents all over again ang peg ko ngayon.

Pagdating namin sa labas ay halos mabingi na ko sa lakas ng kabog ng dibdib ko.

Damn, Kathy! Umayos ka! Baka maihi ka pa sa panty mo sa sobrang kaba! Nakakahiya!

"Wait here. I'll just call them." Paalam ni Tristan tapos ay hinalikan ang tuktok ng ulo ko. Nanatili akong nakaupo sa sala nila habang si Tristan ay umakyat para tawagin sila Tita Gabby.

Nang makita ko si Yesh pababa ng hagdan ay nakangiti ko siyang sinalubong. Pero nagulat ako sa susunod niyang ginawa.

Umalingawngaw ang ingay ng paglagapak ng kamay niya sa pisngi ko.

"YESH!" Sigaw ni Tristan at agad na bumaba para itago ako sa likod niya. Napahawak yung isang kamay ko sa braso niya bilang suporta.

Nanlabo ang paningin ko sa sobrang hilo at sa mga luhang lumalabas sa mata ko.

Halos mamanhid yung buong mukha ko sa lakas ng sampal niya. Napahawak ako sa pisngi ko at naramdaman kong naginit yun. I bet, bakat yung buong palad niya sa mukha ko.

Pilit ni Yesh na tinatabi si Tristan para matignan ako ng masama. She was fuming mad at me.

"Bakit ba bumalik ka pa! Guguluhin mo na naman ang buhay ng pinsan ko? Hindi ka pa ba tapos sa paninira ng buhay ni Tristan ha?!" Sigaw niya sakin.

Napaigtad ako ng sumigaw si Tristan. "YESH! SHUT UP!"

"NO! I wont fucking shut my mouth up. Bakit? Sabihin natin sakanya kung gaano niya ginawang miserable ang buhay mo nung iwan ka niya!" Sigaw ni Yesh at dinuro ako.

Naramdaman kong walang tigil na yung luha ko. Hindi ko alam kung dahil sa sakit ng sampal niya o dahil sa sakit ng mga sinasabi niya

It was my fault, alright? Pero pinrotektahan ko lang ang sarili ko at pinagsisihan ko na yun. Sobrang pinagsisihan ko na yun.

Hinawi ni Tristan ang kamay niya na nakaturo sa mukha ko. Tinitigan niya ko ng masama. "You ruined Tristan's life nang iwan mo siya."

"Yesh!" Sigaw na naman ni Tristan pero hindi siya pinansin ni Yesh.

Patuloy lang ang pagtitig niya ng masama sakin. "Napabayaan niya ang sarili niya. Lagi siyang lasing! Halos libutin na niya ang buong Manila para mahanap ka. Isama mo pa yung Cebu! Halos hindi na siya natutulog nun kakahanap sayo. You know what? He even collapsed sa sobrang stress kakahanap sayo!" Dinuro duro niya ulit ako.

Napayuko ako.

Damn. Ganun siya naging kamiserable dahil sakin? Tangina. Why does it have to be so fcking messed up?!

Marahas na namang hinawi ni Tristan ang kamay niya. "Bakit ba ayaw mong malaman niya kung gaano siya kagaga para iwan ka! At kung gaano ka kagago para sirain ang buhay mo para sakanya!"

"It was my fucking choice to be miserable. Stop blaming her." Mariing sabi ni Tristan.

"Stop blaming her?" Tumawa si Yesh ng malakas. "Goodness! Iniwan ka niya kaya ka nagkaganun! It was her fault!"

Bumaling siya sakin. "Tapos ano ba talagang ginawa mo kay Tristan nung sundan ka niya sa Canada ha?! At after niya umuwi dito ay wala siyang ibang inatupag kundi ang maginom! Eh pati si Angela Kate napabayaan niya eh!" Sigaw niya.

Napabitaw ako sa pagkakahawak kay Tristan.

Sinundan niya ko sa Canada?

 

Napatingin sakin si Tristan dahil sa pagkakabitaw ko sakanya. Kinuha ko lahat ng lakas ng loob ko para makapagsalita. "S-Sinundan mo ko sa C-Canada?" Sabi ko na nauutal utal pa.

Kailan? Paano niya nalaman na nandun ako? Bakit hindi siya nagpakita sakin?

Ang daming tanong sa isip ko.

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. "It doesnt matter anymore, babe." Sabi niya.

Magsasalita pa sana ako pero narinig na namin ang tikhim ni Yesh sa likod niya.

"I cant believe Im hearing this." Di makapaniwalang sabi niya. "After all the fcking mess she made. Tatanggapin mo parin siya? You ass! That's unhealthy love for pete's sake." Sabi ni Yesh kay Tristan.

Tinignan siya ni Tristan ng masama. "She's my life. She's my choice. Fucking deal with it." Firm na sabi niya.

Napailing si Yesh. "Never. Hinding hindi ko matatanggap yang babaeng yan na magiging Montefalco. And Im sure Tita Gabby too." Sabi niya at nagmartsa na paakyat ng hagdan.

Hindi ko napigilan ang paghikbi ko. Sobrang sakit ng pisngi ko pero mas masakit ang puso ko. Sobrang bigat ng nararamdaman ko dahil sa mga nalaman ko.

Niyakap ako ni Tristan. Ibinaon ko ang mukha ko sa dibdib niya. "Im sorry. Im so sorry." Paulit ulit niyang bulong sakin.

Hindi pa man din ako nakakarecover sa sagutan nila Yesh at Tristan ay nakita ko nang pababa si Tita Gabby. Masama ang tingin niya sakin.

Tinitigan niya ko na para bang sinira ko ang buhay ng anak niya.

And now I know, I indeed ruin Tristan's life nang iwan ko siya.

Ang sama sama kong tao.

"Makakaalis ka na." Simpleng sabi niya pero ramdam ko yung galit sa bawat salita.

"Mom." Halos nagmamakaawang sabi ni Tristan. "Give her a chance, please." Aniya.

Napahawak ako sa bibig ko para pigilan ang paghikbi ko. Pakiramdam ko ay mauubusan na ko ng hininga sa kakaiyak.

Sobrang sakit.

Umiling si Tita Gabby at tumalikod na.

Pinigilan ko siya. Hinawakan ko ang kamay niya at unti unti akong lumuhod sa harap niya. "Kathy." Tawag ni Tristan sakin.

"S-Sorry po. I-Im so sorry for leaving Tristan. I-Im sorry." Basag ang boses ko habang nagsasalita.

She looked at me with disgust. "Feel free to leave our house. You will never be welcomed here again. Not ever, again." Ani Tita Gabby at umakyat na sa taas.

And once again, naranasan ko na naman ipagtabuyan. Naranasan ko na naman yung sakit ng ipagtabuyan.

Continue Reading

You'll Also Like

2M 25K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...
1M 35.4K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
303K 5.1K 44
"My Crush, My Love, My Fiancé?!" Season II.
67.1K 1.6K 32
Ricci Rivero has set his priorities already. Get a bachelor's degree, pursue medical school, residency and licensure to become a professional doctor...