THE BLACK DEMON'S HEART

By AllukaLuka

270K 6.7K 1.6K

Isang janitress plus delinquent hot guys equals? HMMMM.... Isang pangkaraniwang babae na gagawin ang lahat pa... More

PROLOGUE
PART 1 ~ BANGUNGOT
PART 1.2 ~ HABULIN..
PART 2 ~ TUGISIN
PART 2.2~ WANTED
PART 3~ KUTOB
PART 3.2 ~ PUGAD
PART 4 ~ KUTA
PART 4.2 ~ BLACK DEMONS
PART 5 ~ ISA
PART 5.2 ~ DALAWA
PART 6 ~ PART TIME JOB
PART 6.2 ~ PRANING
PART 7 ~ TULOG
PART 7.2 ~ GISING
PART 9 ~ BISTO
PART 10 ~ TROUBLE
PART 11 ~ XXX
PART 12 ~ BLACK NOTE
PART 13 ~ BAD OMEN
PART 14 ~ PROJECT
PART 15 ~ MY DAY
PART 15 ~ MY DAY PART 2
PART 16 ~ MY DAY-NGEROUS 2
PART 16 ~ MY DAY~NGEROUS 2.1
PART 17 ~ THE END
PART 18 ~ REWIND
PART 19 ~ DEMON'S PARTY
PART 20 ~ CAR WASH
PART 21 ~ MAGAZINE
Part 22 ~ THE LOST MONKEY
PART 23 ~ DEMON'S LAUGH
PART 24 ~ PATAY MOMENTS
PART 25 ~ WEIRD MOMENTS
PART 26 ~ MALAS
PART 27 ~ TATTOO
PART 28 ~ SWIMMING
PART 29 ~ LESSON
PART 30 ~ TABLE MANNER
PART 31 ~ THE LUNCH
PART 32 ~ SHOE
PART 33 ~ FAST-FOOD
Part 34 ~ PHOTO SHOOT
Part 35 '~ DA OTOR ISH BAK!!
PART 36 ~ DEMON'S FOOD
PART 37 ~ INVITATION
PART 38 ~ BETRAYAL
Part 39 - That Girl
PART 40 ~ UNEXPECTED
Part 41 ~ Date with a Demon
Part 42.1 ~ The Date
Part 42.2 ~ THE GAME
Part 43 ~ The Visitor
Part 44 ~ RAMDAM
PART 44.2 ~ DONUT
PART 45 ~ IWAS
Author's Note
Part 45.1
Part 46 ~ Opening
Part 46.1
Part 46.2 ~
Part 47 ~ Beginning
PART 48- Her Heart
Part 49.1 ~ The apple
Part 49.2
Part 50 ~ Quest
PART 51 ~ Larawan
PART 52 - Family
PART 53 - Photos
PART 54.1 ~ SONG
PART ~ 54.2 OLD MANSION
PART 55.1 ~ GARDEN
PART 55.2
Part 56 - HISTORY

PART ~ 8 "S"

5K 99 19
By AllukaLuka

dahil lumabas xa sa lungga nia at patuloy na sumusuporta..hehehe~big thanks..^^

cnxa na late UD..bawi na lang me..^____~

.............................................................

" Aaaaaa....."

Nagpagulong-gulong ako sa kutson. Nagsa-sound trip ako kaya lang iba ang pumapasok sa isip ko. Bakit ganito?

"Ano namang problema mo?" nayayamot na tanong ni Val. Naiinis na siguro sa paggulong-gulong ko. 

Tinnggal ko ang earphones sa magkabilang tainga ko. "Valeria mganda ba ako?”

Nabitiwan niya ang hawak na cellphone. Nadilat nang husto ang almond shape n’yang mata.

“Naengkanto ka ba Synella?” Hinawakan n’ya ang magkabilang braso ko saka ako niyugyog.

 Otso naman ‘tong babaing ‘to papatayin pa ako sa hilo.

“Yah! Ano bang problema mo?”

Sinabunutan ako ng lechugas na Valeria. “Lintik ka. Kaw nga may problema eh. Sino ka ba talaga? Anong ginagawa mo sa katawan ng dugyot kong kaibigan?"

=___=+++ Ako dugyot?

“Val ano'ng ginagawa mo kay Syn?” gulat nasabi nang kakapasok na Nari.

Timing talaga ang kaibigan kong ‘to sa halimaw na kasama ko. You’re my savior Narimar. Aww!

“Hindi ganyan ang tamang pagtira d’yan?”

Huh?

“Ganito. Yaaaaahhhh….”

Aray ko po! TToTT

Dinaganan ako ng mahal kong kaibigan. “Nari naman eh. Umalis ka nga d’yan. Babalian mo pa ako ng spinal cord eh.”

“Ya!..para magising ‘yang mga nilulumot mong cells. Saka may kakaiba sayo ngayon? Siguro nakita mo ang crush mo noh?”

Namula ako bigla. Tong babaing ‘to.

“Malamang,” taas-kilay na sabi ni Val.”Tanungin ba naman kung maganda raw s’ya?”

“Wow! Dalaga na ang bebe ko. Conscious na,” pumapalakpak ang taingang sabi ni Nari.

Ay salamat naman at naisipang tumayo ang bruha.

“Ano nakita mo na naman s’ya noh?” tukso pa niya.

Ayoko ngang sabihin. Hay! Buhay….

Napangiti ako nang maalala ko s’ya. Hindi ko naman sinabing crush ko s’ya kaya lang mapilit ‘tong mga babaing ‘to. Naalala ko tuloy nang una ko siyang nasilayan.

.*FLASHBACK*

"Grrrr.....kung anong ginanda ng mukha, siya namang kasing pangit ng ugali. Puro halimaw ang mga tao rito. Anong akala nila sa sarili nila mga hari't reyna. Dapat sa kanila pinupulbos..YAAAAAHHHH...." sigaw ko sabay sipa sa shelf. Nasa library ako at naglilinis. Nakakagigil talaga ang mga walang kwentang mga tao rito. Hay! Kakahighblood. Nakakaatake ang mga nilalang dito.

"Tapos ka na bang magingay?"

Nakaka….

Na-freeze ako nang may magsalita. Saan nanggaling 'yon? Otso....may...may...mul..totoo kayang...

"You’re always noisy. Bakit di mo na lang sabihin 'yang mga sinisigaw mo rito," iritado ang boses ng nagmumulto.

Naglakad ako papunta sa dulo. Libro kaya ang nagsasalita? Baka ako ang hinirang na Suzako at mapunta sa ibang mundo?

Kapwa bumilog ang mga mata ko sa nakita.

*gasp*

Otso….libro nga.

Pero hindi ‘yong book ang nagsalita ah.

Inalis ng lalaki ang librong nakatakip sa mukha niya at umupo.

Medyo magulo ang kulay tsokolate niyang buhok na mahaba at bagsak. Kahit seryoso ito mayroon siyang mukhang anghel. Nakakainggit ang kutis ng mukha niya, parang ang lambot saka ang kinis.

"Done checking me?," malamig niyang sabi.

Napatuwid naman ako nang tayo." Ah..aa..anong ginagawa mo rito?"

Tinignan niya lang ako. Walang emosyon ang mga mata niya. Tinapon niya ang librong nasa mukha kanina at nagsimulang maglakad.

 "Observe silence," sabi niya nang lagpasan ako.

Tulala naman ako. Ang gwapo niya kasi. Para siyang bidang artista sa mga korean drama na napapanood ko.

 Laway...............tumulo..........

*END OF FLASHBACK*

Lagi pala siyang natutulog sa may library. Simula no'n excited na akong maglinis do'n. Siya ang dahilan kaya gusto kong mag-stay sa sa EU. Hindi nga lang ako nakakuha ng information tungkol sa kanya dahil wala talaga akong balak. Sa library ko lang din siya nakikita at bilang ko sa daliri ko ang conversation namin. Lagi lang naman s’yang ntutulog do’n eh.

Grabe nasa isang school kami pero wala man lang akong alam tungkol sa kanya. Mas mabuti na rin 'yon kaysa pag-initan ng mga babaing feeling nila ay pag-aari nila ang mga lalaki sa EU.

Hiyang n’ya ata ang pagkawala n’ya. Lalo s’yang ano….

Ano ba ‘yan..>///<

"Val tignan mo siya oh..kinikilig," sabi ni Nari na nakatutok ang mukha sa akin.

"Hayaan mo 'yan nang mag-asal tao naman," bagot na sagot ni Val.

"Syn ano na pala nangyari sa pagiging P.A. mo sa Black Demons," kumikinang ang mga mata ni Nari nang banggitin ang grupong 'yon.

Biglang nawalan ng kulay ang maganda kong mundo sa tanong niya. Panira talaga ang mga demonyo.

"Pft..mga demonyo pa rin sila," walang gana kong sabi.  Nakwento ko na ang nangyari. Pero 'tong isang 'to imbes na matakot o magalit naexicite pa ang bruha.

"Bkit ka ba nagpapaapi sa mga ‘yon?," napaupo ng tuwid si Val. Hot na hot naman. Hindi raw siya makakapayag na inaapi ako nang mga demons.

"Grabeehhh, ang swerte mo Syn. Sa mga naririnig ko talagang gwapo raw sila.Kyahhh!" Kung makasigaw naman 'tong si Nari, wagas, parang wala ng bukas.

Swerte, gwapo? Isang malaking question 'yan.

"Naniwala ka naman sa mga sinasabi nila?" pinanlakihan ko s'ya ng mata. "Ang totoo, mukha silang mga demonyo," sabi ko sa nakakatakot na tono.

Nanlaki ang mata ni Nari. Nagpaligsahan na kami sa pagbinat ng eyeballs. Linapit ko ang mukha kong seryoso at tinitigan siya sa mata. “Malalaki ang mupupula nilang mga mata. Usli ang maiitim na ngipin, may malalaking ilong at pabrika sila ng usok. Kapag ngumisi sila, hihilingin mo na lang na sana ay hindi ka na nabuhay pa. Naiintindihan mo?" sabi ko sa pang-horror na boses.

Namutla si Nari. Sunod-sunod ang paglunok niya at pinagpapawisan nang malapot. Inagaw niya ang juice ni Val saka inisang lagok.

"Lechugas, palayasin ko kaya kayong dalawa," bulyaw niya.

"HOO! grabeh..manloloko pala ang souvenir shop na..na 'yon. Buti na lang hindi ako nagpaloko bebe," paniwalang-paniwala si Nari.

Ahehe.. Dito man lang makabawi ako sa mga demonyong 'yon.

"Pa'no ka nakakatiis kung ganon?" mataray pa ring tanong ni Val. " Sabi ko naman sayo ako nang bahala sa mga 'yon," aniyang pinalagutok pa ang kamao.

"Sanayan lang. Iniisip ko na lang mga inidoro sila," sabi ko.

"Nakakaawa ka naman Syn," naiiyak na sabi ni Nari. " Noon naiingit ako sayo. Ngayon hindi na. Bebe kawawa ka naman," humahagulgol na ang bruha.

Dahil talagang nakakaawa ako sinamahan ko siya sa pagiyak."Waaaaahhhhh..*sniff*....tama ka...huhuhu...."

"Tahimik na Ina Kapatid Anak na," biglang bulyaw  ni Val habang palabas ng kwarto.

"Ayyyyyihhhh.... Liam my love. Wait for me," kinikilig na sabi ni Nari habang papalabas din. Nakaunat pa ag isang kamay n’ya sa direksyon ng pinto. Parang walang nangyari iniwan ako sa ere.

Sayang naman ang mga luha ko…

.............................

" Woo! Wala ka talagang sablay," nasisiyahang sabi ni D.

Nagkibit-balikat lang si L. Mararamdaman ang kayabangan niya.

"My turn," sabi ni A. Nakangisi ang hudyo.

"Don't move nerd or else....." sabi niya sabay bato sa dart.

Napalunok ako. Tumama sa left side ko ang dart.

Ang mga demonyo pinatawag ako para paglaruan. Mukha ba akong pangperya? Pang-carnabal?Ang mga psycho pinatayo nila ako sa dart board at pinagpraktisan.

"Bro let's have a bet," biglang sabi i M.

Lechugas...I smell the devil.

Minsan lang s'ya makialam sa mga trip ng grupo dahil sa pagiging tamad-itis niya pero kong tinamaan ng pagiging masipag patay kang bata ka. At ngayon ko matitikman ang kabaliwan n'ya. Pwede bang matulog na lang s'ya forever?

Kinuha niya ang mansanans na kakagatin sana ni U. Lumapit siya sa akin. Inilagay niya ang mansanas sa tuktok ng ulo ko.

" Ang sinumang makakatama rito panalo," nakangisi niyang sabi.

“Nice.. Deal..." bulalas nila.

Anak ng tinapang pinakuluan. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Kanina pa ako nanlalambot at nanginginig dito. Ang mga demonyo, hindi na lang ako saksakin ng minsanan. Pinipigilan ko lang ang luha ko.Ayokong maging talunan sa harap nila. Kinuyom ko ang palad ko. Paulit-ulit ko silang minurder sa isip ko.

Nagpustahan nga sila at hindi basta-basta ang ipinusta nila. Puro mga sasakyan ata.

"Ako na ang mauuna," sabi ni F.

"Wag kang malikot rugrats," sabi niya sabay tapon.

Napapikit ulit ako. Bawat araw, oras at minutong kasama ko sila ay nauunti ang buhay ko.Narinig ko ang pagtama nito. Medyo malayo sa akin.

"OH sh*t," napapailing si F.

"Bro kinakalawang ka na," pang-aasar ni C.

"Okay, may turn," naghahandang sabi ni I.

"Naku patay tayo n’yan. Bro sa lahat dito kaw ang pinaka-worst sa dart game," nakangising sabi ni L na tumingin pa sa direksyon ko.

Talagang pinarinig pa sa akin. Sumusobra na sila.

"Tss. Lagi na akong may practice," si I.

"Sa'n bro sa paso?" natatawang sabi ni H.

"Shut up bro. Wag mong idamay ang mga halaman ko," nayayamot niyang sabi.

"Tama yan. Isipin mo na lang na isang paso ang nasa harapan mo bro," mapang-asar na sabi ni L. " Bullseye."

"Bro ako muna. Baka hindi na ako matira n'yan. Sigurado sa ospital na ang bagsak ni Fishy," agaw ni C sa dart.

"Nah. Wala kayong bilib sa 'kin?" kinuha niya ulit ang dart.

Napalunok ako. Doble na ang kaba ko. Feeling ko namumutla na rin ako. Can I die na? Ang brubrutal nila eh.Pumwesto na si H. Otso baka bukas one eye na lang ako.

A one a two a th…….

Nabaling ang atensyon naming lahat nang may umagaw sa dart. Pinaikot-ikot pa niya ito sa kamay.

Tumingin siya sa akin. Ang kanyang pulang mata ay walang kahit na anong emosyon.

Napapikit na lang ako nang bigla niyang tinapon ang dart na hawak.

Isang nakabibinging katahimikan ang dumaan.

Dito na nagtatapos ang kwento ni Synella Reene Garcia.

Napamulat ako nang may pumalakpak nang paisa-isa. Mukhang madudugtungan ko pa ang buhay ko. Buhay pa ako. Ramdam ko pa 'yong tibok ng puso ko eh.

"X hindi ka pa rin nagbabago bro," may paghanga sa boses ni M.

"Hey X. Hindi ka kasali rito," sabi ni L.

Nakaupo lang siya sa couch kanina kasama si Q at abala sa paglalaro sa PSP. Sa sobrang kaba ay para akong nauupos na kandila. Nanginginig ang mga paa ko. Naramdaman ko pa ang pagtusok ng dart sa mansanas na nasa ulo ko.

Parang slow motion na narinig ko ang pagbukas ng pinto. At kasabay nang pagbukas ay napaupo ako sa sahig.

Nabaling ang tingin nila sa pumasok at hindi nila ako pinansin kung ano'ng nangyari sa kin. Kahit bumula siguro ang bibig ko sa harap nila ay wala silang paki. Sa sahig na lang ako tumingin at huminga nang malalim.

"Bro! You bastard," mauulinigan ang saya sa tinig ni F.

Mukhang kinuyog nila ang kakapasok. Ang ipinagkaiba lang masaya silang lahat.

"Ang tagal mong nawala bro. You've missed  half of your life," si L.

"How's tita?" tanong ni Q.

"Mukhang nangbabae ka lang do'n ah," boses naman ni I 'yon.

“How’s a blonde girl?" tanong din ni A.

Sunod-sunod na tanong nila.

"Bakit ngayon ka lang nagpakita?" sa huli ay narinig kong sabi ni X.

"Did something," sa wakas sumagot din ang kararating.

 Tipid magsalita…Natigil ako nang marealise  na parang kilala ko ang nagmamay-ari ng boses na ‘yon. Pamilyar.

"Tss. Palusot ka S. Inuna mo lang ang babae mo," sabi ni A.

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. Kumabog ang dibdib sa tawa niya. Gusto ko siyang tignan kaya dahan-dahan kong tinaas ang ulo kong dalawang kilo yata ang bigat.

Hindi ko alam sa akin din s'ya nakatingin at nagkatitigan kami.

"Bro siya ang latest. A girl," turo sa akin ni D. 

Lumapit siya sa akin. May pagtataka ang mukha nilang lahat. Ako man ay gulat na gulat.

Nag-squat s'ya ng upo  para pumantay sa'kin. "Hindi ka nag-ingat," sabi niya.

 Si S at ang lalaki sa library ay iisa. Isa rin siyang Black Demon.

Kinuha niya ang panyo sa pocket niya at iniabot sa akin.

"Mag-ayos ka na. May pasok ka sa ganitong oras," pantay lang ang tono ng boses niya.

Kinuha ko ang panyo at kinuha rin ang inabot niyang kamay. Wala pa ring reaksyon ang ibang kasama niya.

"S-salamat.." mahina at kinakabahan kong sabi nang tuluyan na akong nakatayo.

Tumikhim si L. "Bro you know that weirdo?"

Nagkibit-balikat lang siya. "She's the girl on the library," sagot niya. Ramdam ko ang pagkabalewala sa salita n’ya. Sabagay, sino ba naman ako? Isang hamak na janitress sa pangmayamang school na puno ng mga sira-ulo. Kaya lang para sa akin naiiba s’ya. S’ya ang unang nakipag-usap sa akin na walang ginawang masama.

"Let's go. Matagal akong hindi nakapaglaro. I want some bloody ballgame," sabi niya.

"Whoa! I'm in," excited na sabi D.

"That's good idea," segunda ni U habang pinapalagutok ang kamay. Kung nasa tama akong huwisyo baka napapalakpak ako sa pagsasalita ni U.

Sinimulan na nilang umalis. Nakatayo lang ako at nakatingin sa likod ni S. S pala ang pangalan niya. Sayang kabilang s'ya sa mga demonyo.

"You go."Nagulat ako sa nagsalita. Nakasandal siya sa dingding at nakahalukipkip." We'll call you if we need you rug doll. And don't try to missed my call," sabi ni X bago umalis.

Hindi ko rin alam kung dapat ko rin ba siyang pasalamatan at mukhang niligtas niya lang ako sa kamay ni I o gusto lang din n'ya akong pagtripan?

........................

" S that girl. You like her," tanong ni L.

Katatapos nilang magshower. Hindi na sila pumasok sa afternoon class nila. Nagbasketball na lang sila. That's not a problem dahil hindi naman sila pwedeng i-drop out sa scholl na pagmamay-ari nila X.  Sa mommy ni X ang paaralang iyon. Her mother was born into a wealthy family. But she died years ago. And having a weak father was hell for X.

"L you should ask yourself," sagot ni S habang pinupunusan ang basang buhok.

"C'mon bro, kelan ka pa naging concerned sa ibang babae?" napapailing na sabi ni L.

Nasa exclusive sports club sila. Naglalaro pa ang iba ng tennis o mas tamang sabihing nagpapasikat. Sinuot ni S ang white robe at umupo sa tabi ni X habang nakikinig sa ipod niya. Mukha lang siyang walang pakialam sa mundo pero naririnig niya ang pinag-uusapan ng dalawa.

"Kakaiba kasi siya," he said without emotion. " Satisfied?" Kinuha niya ang ang isang earphone na nakasaksak sa tainga ni X at nilagay sa sariling  tainga. "The Script?"

Uminom si X  ng mineral water na hawak. "She’s the one we’re talking about."

Nagkibit-balikat lang si S. "Nagkita kami ni Hanah sa US."

X stiffened. Ngunit saglit lamang iyon. "So?" he said with cold voice.

"She wants to visit the Philiippines and…."

Umupo rin sa tabi nila si L. " What for?" tanong niya.

"We all know the reason," makahulugang sabi ni S.

Biglang bumukas ang pinto. "I can’t believe it. Babawi ako sa  A na ‘yon," asar na sabi ni C. Binalingan n'ya ang tatlo. "Hey mga bro, ang aga n'yo namang gumarahe. Daming hot babes sa labas."

“You should see those freakin girls," naiinis na sabi ni U habang nakahawak sa  pisnging may kalmot.

"Relax bro," natatawang sabi ni Q. " Muntik mo nang basagin 'yong mukha n'ong babae."

"She deserved it," he said coldly. Sa kanilang lahat ay si U ang pinakailag sa babae.

"You should learn how to appreciate them. Tignan mo nageenjoy ang mga gag* don," sabi ni M.

"Oh bakit ka sumama rito?" nakangiting sabi ni Q.

"I hate an obsessive girl," bagot na sagot ni M bago pumasok sa shower room.

Typical happening for them. Maraming nag-aabang sa kanilang kababaihan sa tuwing naglalaro sila sa sports club na iyon. Sabik ang mga ito na makuha ang atensyon nila.

"Hey L. Sheena's looking for you," baling ni Q kay L.

"Oh sh7t! Thanks Q," malapad ang ngiting sabi ni L. Mabilis niyang dinampot ang mga damit at nagbihis." See you guys," nakangisi niyang sabi bago umalis.

.....................................................

tnx for reading..

errors kalat..XDD mekalawang ang utak ni otor eh..

feedback na lang..I know boring itech..nyahahaha

vote pagnagustuhan..pag endi welga kayo... suportahan q kau~'kekeke.

......>>>>>>szhan mehh^^

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 130K 34
What Sidra Everleigh wants, Sidra Everleigh gets-or at least that was the rule before she found herself trapped and alone with a shy Japanese guy in...