Hamura High School 2 | ✔

By improbity

6.5K 506 24

(PART TWO) The tragic destiny and friendship of Rea and Aries will continue. The truth about the past will... More

HAMURA HIGH SCHOOL
ARIES-CHAPTER 1
ARIES-CHAPTER 2
ARIES-CHAPTER 4
ARIES-CHAPTER 5
REA-CHAPTER 6
REA-CHAPTER 7
REA-CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
EPILOGUE

ARIES-CHAPTER 3

268 24 0
By improbity


Chapter 3

Sana ikaw ang kasayaw ko ngayon.....

Sana ikaw ang tinititigan ko ngayon.....

Na sana ikaw ang babaeng hawak kamay ko ngayon....

"I saw you looking at me." biglang sabi niya.

"And I saw you looking at me, too." depensa ko.

She smiled. "Am I?"

Nakaramdam ako ng hiya. Anong akala niya saakin, natitipuhan siya? Napansin ko lang naman ang hitsura at ang suot niya kanina. Hindi yun dahil sa gusto ko siya.

Bakit ba ang hahangin ng mga babae?

"M-May I know your name?" tanong ko.

Sana lang pumayag siya.

Hinintay ko ang sasabihin niya pero wala akong natanggap kundi ang matamis niyang ngiti sa labi. Ilang segundo pa ang lumipas, hindi niya talaga sinabi ang pangalan niya kaya nabigo ako.

Sa pagtapos ng kanta ay kumalas na siya sa pagkakahawak ko at kinawayan lang ako bago bumalik sa gilid kasamang uminom ang isang lalaki. Sa ngayon naman ay may kausap siyang babae na sa palagay ko'y mas matanda sakanya.

"Anong pakiramdam, dude?"

"Share mo naman."

"Did you get her name?"

Sunod-sunod nilang tanong nang makabalik ako sa pwesto ko. Wala pa akong sinasagot at nasa babae parin ang tingin ko. May pakiramdam talaga ako na malapit siya saakin. Bakit ultimo pangalan niya hindi niya nagawang maibigay saakin?

"Hindi niya sinabi." I said.

"Hindi sinabi ang alin? Pangalan niya?"

Tumango ako. "Ngumiti lang siya saakin kanina."

"Pakiramdam ko kilala ko siya." ang tanging nasabi ko.

"Pakiramdam ko sinasabi ng ngiti niya ay hindi ko na kailangang malaman ang pangalan niya dahil kilala ko na siya." dagdag ko.

"Whoa, Hindi kaya.....siya si Rea?"

Napalingon kami kay Haven. Kanina ko pa iniisip ang bagay na 'yan pero naiisip kong hindi rin siya ang babaeng 'yon. Isa pa, ano naman ang gagawin ni Rea sa ganitong party?

"Dean said this is not an ordinary party, paano kung si Rea ang nagbigay ng invitation kay Dean na pumunta rito?"

Napatanong rin ako sa sinabi ni Casper. Iyan din ang gusto kong malaman kanina pa pero hindi ako makahanap ng tyempo na tanungin si Lolo kung sino ba ang nagpadala ng invitation.

"Wait, wala tayong masyadong proweba na siya si Rea. Isa pa, bakit naman siya magpapadala ng invitation sa Dean kung sa mismong party na 'to ay hindi niya pinapakilala ang sarili niya?"

sabi ni Trixy.

"Kung nandito nga siya, kanina pa dapat siya kausap ni Dean. Wala naman siya rito."

She has a point. Si Lolo dapat ang una niyang pupuntahan kung nandito man siya. Pero nakakapagtaka lang kasi na iba ang pakiramdam ko sa babaeng---------

"Where is she?"

Napatayo ako nang hindi ko na maaninang ang babae kanina. Bigla nalang siyang nawala sa kinatatayuan niya kanina.

"Look around!" ani ni Trixy na sinimulang maghanap sa pali-paligid.

Pinuntahan ko ang pwesto niya kanina at wala talaga siya roon. Kahit saang sulok ng lugar ay hindi na namin siya makita. Kasabay niyang nawala ang lalaki kanina. Napapaisip rin ako na paano kung siya talaga 'yon? Paano kung si Rea ang babaeng kasayaw ko kanina? Pero Imposibleng nandito siya, Bakit siya nandito kung ganun?

Hindi ko alam...at yun ang gusto kong malaman.

"Anong balita?"

Nagsipag-ilingan sila saakin. Napahinga nalang ako ng malalim sa kawalan ng pag-asang makita pa ang babae kanina. Nakakainis.

"What if si Rea talaga 'yun?" tanong ni Haven.

"What if she's not?"

"What if it was her?"

"What if she's not?"

"Enough!" suway ko dahilan para matigilan sila sa pag-aaway.

Iniwan ko muna sila't nilapitan si Lolo. Sa ngayon ay nagtatawanan pa sila ng kausap niya pero nawala 'yun nang makita niya ang paglapit ko. Hindi ko naman sana siya lalapitan pero gulong-gulo na ako. May kailangan pa akong itanong sakanya at yun ang mahalaga.

"Lolo, I want to talk to you."

"Aries, this is not the right time to--------"

"Nandito ba si Rea?"

Biglang nagbago ang reaksiyon niya at napatayo sa sinabi ko. Nagtinginan tuloy ang mga kausap niya saamin pero sumenyas siya na mag-usap lang ang mga 'yon bago ako hinatak papalayo sakanila.

"Aries, bakit kailangan mong banggitin ang pangalan ni Rea?"

"Kasi pakiramdam ko nandito siya sa party, Lolo. Nararamdaman kong nandito siya." pilit kong iparinig sakanya ang mga sinasabi ko kahit bulong lamang 'yon.

"Sino ba talaga ang nagpadala ng invitation, Lolo?" takang tanong ko.

Natahimik lang siya kaya mas lalo pa akong naguluhan. Pakiramdam ko kilala niya kung sino ang nagpadala ng invitation at hindi niya lang masabi- sabi saamin.

"Lolo, sino?"

"It was her." natigilan ako. "It was Rea."

Natahimik ako. Tila ba nasagot na ang kanina ko pang itinatanong sa sarili ko.

"Why she sents you an invitation? Nandito rin ba siya? Nasaan siya?" sunod sunod na tanong ko.

"I don't know where she is, pero pinadalhan niya ako ng invitation dahil alam kong may gusto siyang iparating saakin. Aries, this is not the right time to butt in."

Kung ganun kailan ang tamang panahon? Kating-kati na ako malaman kung ang babae ba kanina ay si Rea nga talaga. Dahil kung siya nga ang babaeng 'yun, hindi ko hahayang makaalis siya sa party na ito na hindi man lang kami nagkakausap.

I haven't seen her in a very long time. At kung magpapadala lang siya ng invitation dahil may mabigat siyang rason, iniisip ko na panibagong pagsubok nanaman 'to.

At alam kong involve kaming lahat.


Pero sa ngayon.......

Si Rea ang gusto kong makita.

"Aries, listen to me. Wag kang magbabanggit kanino man ang tungkol kay Rea. Hindi natin alam kung sino ba ang kalaban o kakampi."

Kinabahan ako sa sinabi ni Lolo. Sa sinabi niyang 'yun para bang panibagong delubyo nanaman ang paparating sa buhay namin.

"Aries."

Nakita ko na ang paglapit ng ibang rango. Matapos nilang magbigay galang kay Lolo ay sinenyasan niya kaming huwag magpahalata at bumalik sa dati naming pwesto.

Kahit saang anggulo ko tingnan, ang pakiramdam ko na nandito si Rea ay katulad rin ng pakiramdam sa tuwing nasa canteen kami habang nandun siya kasama ng E-rank.

Just now.......Where is she?

"Wag mo na isipin na nandito si Rea dahil hindi naman siya pupunta--------"

"Sabi ni Lolo, si Rea daw ang nagbigay ng invitation." I cut Trixy.

Pare-pareho silang nagulat sa sinabi ko pero agad ring nakarecover. "Kung ganun si Rea nga ang nakita-------"

"Si Rea lang ang nagpadala ng invitation pero hindi alam ni Lolo kung nasaan siya ngayon." putol ko sa sinasabi ni Haven.

"Ano naman ang dahilan niya bakit binigyan niya ng invitation si Dean?" Casper ask.

Yun din ang tanong ko. Malabo pang malaman kung ano ang dahilan pero sa sinabi ni Lolo na may dahilan si Rea kung bakit niya pinadalhan ng invitation si Lolo ay naniniwala akong may gusto nga siyang iparating. O baka rin may gusto siyang imeet kami na tao. Pero sino naman 'yun?

"Tingin ko si Rea ang babaeng nakita mo kanina, Aries." biglang sabi ni Haven.

"I-I think so, too." wika rin ni Casper.

"Kung siya nga ang nakita natin kanina, sayang dahil nawala rin siya."

Trixy's right, Sayang yung pagkakataon.















[ See you on the Next Chapter...]

Continue Reading

You'll Also Like

453K 13.8K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.
32.2M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...
100K 1.5K 57
Ayara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the p...
2.1K 138 47
Noblesse High The school that she transferred to── eskwelahan kung saan niya naranasan ang hindi pa niya nararanasan. She met a lot of people, mga ka...