Heartbreaks Cure (SIGHTSERIES...

Por maritinaajam

559 41 0

SS#2 Lia Amelia Alcazar, a woman who is always confused by things she doesn't understand. Things that confuse... Más

PROLOGUE
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FORTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER TWENTY-ONE
CHAPTER TWENTY-TWO
CHAPTER TWENTY-THREE
CHAPTER TWENTY-FOUR
CHAPTER TWENTY-FIVE
CHAPTER TWENTY-SIX
CHAPTER TWENTY-SEVEN
CHAPTER TWENTY-EIGHT
CHAPTER TWENTY-NINE
CHAPTER THIRTY
CHAPTER THIRTY-ONE
CHAPTER THIRTY-TWO
CHAPTER THIRTY-THREE
CHAPTER THIRTY-FOUR
CHAPTER THIRTY-FIVE
CHAPTER THIRTY-SIX
CHAPTER THIRTY-SEVEN
CHAPTER THIRTY-EIGHT
CHAPTER THIRTY-NINE
CHAPTER FORTY
CHAPTER FORTY-ONE
CHAPTER FORTY-TWO
CHAPTER FORTY-THREE
CHAPTER FORTY-FOUR
CHAPTER FORTY-FIVE
CHAPTER FORTY-SIX
CHAPTER FORTY-SEVEN
CHAPTER FORTY-EIGHT
CHAPTER FORTY - NINE

CHAPTER SEVEN

16 2 0
Por maritinaajam

C-7


"Ate? May ginagawa ka po?"





Napatingin ako sa pinto nang marinig ko ang boses ng kapatid ko. Agad akong tumayo upang pagbuksan siya. Nakita kong may dala siyang laruan at mukhang balak niyang maglaro rito sa kwarto ko.






"Play as long as you want here, it's okay." I come closer to give her a peck of kiss. Tumango naman siya at dumiretso na sa kama.







Wala akong pasok ngayon at hindi ko alam kung saan ako pupunta. Until now, hindi pa rin kami nakakapagusap nila Raylene at Molly. Dalawang araw na kaming hindi nakakapagusap. Bukas ay may pasok na naman.





As what my parents said, umalis din naman agad sila after nilang makipagusap sa lalaking isa pa sa nagbibigay problema sa buhay ko.




Ang gulo niya!






"Ate?" Lea called me in a small voice.





Napatingin ako sa kaniya na naglalaro pa rin. Napaisip man pero hinintay ko siyang magsalitang muli. Akala ko nga'y trip niya lang akong tawagin pero nagkamali ako.






"Are you mad at mommy and daddy?" She asked innocently which made me stunned a bit.





Hindi ko alam ang sasabihin ko. Gusto kong magsabi ng oo pero alam ko namang magiisip lang si Lea. Gusto kong umoo pero alam kong malulungkot siya kung 'yon ang isasagot ko.





"I-I'm not, Baby. Why?" Napalunok pa 'ko just to make sure na hindi niya mahalata na nagsisinungaling ako.





Inangat ni Lea ang tingin niya at binitawan saglit ang mga laruan niya. She was looking at me so seriously so I averted my gaze a bit.





"You're lying, Ate," siguradong sabi pa nito.





Bumalik ang tingin ko sa kaniya? "What makes you think than I'm lying?"





Hindi ko ipinahalata ang emosiyon ko para hindi niya malaman. I don't want her to worry about what I feel towards our parents. Mas gusto ko pang kimkimin ang nararamdaman ko kaysa marinig niya pa dahil ayokong makaapekto 'yon sa kaniya.






Lumapit siya sa 'kin upang magpakandong sa 'kin. Humarap siya sa 'kin na may nanunuring tingin. She's being an observant again.






"Base on your eyes, Ate. It's really easy for you to tell a lie using just your mouth but it also easy for me to know if you're lying base on the emotion of your eyes."






Wala na 'kong nagawa kun'di ang tumango na lang dahil halata namang hindi ako makakapagsinungaling sa kapatid ko.





"Is it that bad to feel mad? Or to feel any negative feelings towards them?" I took a deep breath, asking her curiously. Mukha pa 'kong siraulo dahil mas bata pa sa 'kin ang pinagtatanungan ko.





She smiled. "No po, Ate. It's a normal emotion for all humans. Nagiging bad lang po kung nakakagawa na po ng bagay na masama dahil sa sobrang galit."





Napangiti ako, naiintindihan ang sinasabi niya. It's just that... I didn't expected na ganito siya magsalita sa harap ko. Napakatalinong bata!




"E, ikaw? Are you mad at them?" I tried to sounds nicely dahil ayokong magtanim siya ng galit sa magulang namin. Ngunit agad sumilay ang ngiti ko nang agad naman siyang umiling.





"I'm not mad, Ate. I'm sad." My smile faded of what just she said. She bowed her head while now playing her fingers.





Napabuntong hininga ako. I also understand why she's sad. Bata pa siya, kailangan na kailangan pa niya ng atenisyon mula sa magulang.





"You know what, Ate? Sometimes, I felt sad whenever may mga family gatherings sa school na kasama ang parents. I felt jealous everytime I saw my classmates with their family. I always make a wish na sana po, maging ganoon din tayo kasaya."





I heard a slight sob which made my tears started to flow. Hindi ko alam na ganoon pala ang mga iniisip niya sa tuwing palaging si Nanay Sarah ang kasama niya sa mga family gatherings sa school nila. Doon lang din sumagi sa isip ko na umaattend nga siya sa family gatherings pero si 'nay Sarah lang din namam ang nakakasama niya.




"I always pray everynight na sana umuwi na sila mommy at daddy before ang family gatherings. I want to experience rin po kasing masamahan ng parents sa mga school activities, e." She lifted her head up kaya napaiwas ako ng tingin para hindi niya ako makitang umiiyak.





"I didn't know that you always think about that, Baby. I'm sorry if wala si ate sa mga ganoong events sa 'yo..." I felt the guilt because of what she said.





Alam ko sa pakiramdam ang sinasabi niya and I cursed myself because she had to experience the thing I've also experience as well. I wiped her tears. Nalulungkot ako dahil ganito ang pakiramdam ni Lea sa magulang namin. She's still a kid!





"But I'm still happy din po everytime nagbibirthday ako kasi pumupunta po sila at sila pa po ang nagaasikaso," nakangiting sabi nito.





Napangiti ako ng mapait. I didn't even experienced that since they started to work hard. Binibigyan lang nila ako ng allowance at ako na lang daw ang bahala kung anong gusto ko. When I turned 18, that was I think the moment na naging masaya ang kaarawan ko dahil nandoon mismo sila.





"I promise, Baby. Ate's always here for you. If you still have thoughts na nakakapagsad sa 'yo, don't hesitate to tell me, okay?" She looked at me before nodded.






"You're the best ate in the world po and no one can change that!" Naramdaman ko ang pangingilid ng luha ko. I looked up just to stop my tears from falling.





"Ako lang naman kasi ang ate mo," I joked. "Dito ka muna, okay? I'll just get some foods here so we can chill together."







Tumayo ako at ngumiti sa kaniya. Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya dahil nakita kong bumalik na siya sa paglalaro niya. Nararamdaman ko na naman ang pangingilid ng mata ko dahil sa mga sinabi ng kapatid ko. Iniwas ko ang tingin ko nang makita ko si 'Nay Sarah na malungkot na nakatingin sa 'kin.






"Narinig ko kayong dalawang nag-uusap at nalulungkot ako sa mga narinig ko lalo na kay Lea," malumanay na sabi ni 'Nay Sarah na tila hudyat 'yon para magsipagtulo ang mga luha ko.





Agad naman niya akong niyakap ng mahigpit. Umiyak ako sa balikat ni 'Nay Sarah habang siya naman ay hinahagod ang likod ko.





"Ang sakit pa lang pakinggan na may ganoong thoughts 'yung nakababatang kapatid ko, 'Nay," humihikbi ko pang pagkukwento.





"Shhh, nararamdaman ko. Maski ako, nalulungkot sa sinabi ni Lea," malungkot pa ring sabi nito.





Hindi ko man lang inisip na ganoon na pala ang nararamdaman ng kapatid ko. Hindi ko man lang siya kinakamusta araw-araw kung anong nararamdaman niya everytime na umaalis ang parents namin. I once asked her pero hindi siya nagsasalita. Now I know why.





Napakabuting bata niya to the point na hindi niya kayang magtanim ng galit o tampo sa magulang namin unlike me. Mas mukha pa siyang mature kung mag-isip kaysa sa 'kin.





Si Nanay Sarah na ang unang humiwalay sa yakap. I gave her a smile when she wiped my tears.





"Okay ka na ba?" Nagaalalang tanong nito.




Tumango ako. "I'm feeling better now po. I'll just get some foods here so Lea and I will bond. You can also join us po if wala ka na pong gagawin," paganyaya ko pa.





Tumingin ako sa fridge at kinuha ang mga prutas. I even opened the cabinet beside it so I can get some foods na mabilis lang kainin.




"Kaya niyo bang ubusin 'yan?" Nagtatakang tanong ni 'Nay Sarah.




"We will po. Hindi po kami magsasayang." I smiled at tumango na lang siya.





"Tawagin niyo lang ako kung may ipapaluto kayo, maliwanag?" Tumango ako. "Sige na iha, enjoy kayo."





Tumalikod na 'ko at dumiretso na sa kwarto para balikan si Lea na naglalaro pa din.





"Tara, Baby! Watch tayo together. You're the one who'll choose if you want," paganyaya ko.






Agad naman siyang ngumiti at binitawan niya ang laruan niya saglit. Tinulungan niya 'kong bitbitin ang dala ko pero tumanggi lang ako.





"You should fix your things first. Ako na rito." Tumango naman siya at kinuha ang mga laruan niya bago lumabas para bumalik sa kwarto niya.





I just set my laptop while waiting for her. Hindi rin naman siya nagtagal dahil malapit lang din naman ang kwarto niya sa 'kin.





As what I've said, she was the one who choose the movie. May tiwala naman ako sa taste ng kapatid ko pagdating sa mga movies, e.




"Don't eat too much sweets, okay?" Pagpapaalala ko nang makita kong puro sweets ang nilalantakan niya.





"I just ate 3 pieces of small chocolate, Ate. Is it too much na?" Inosenteng tanong nito at sumisimpleng kuha pa ng chocolate.





Napailing na lang ako at tumingin sa pinto. Hinintay ko si 'Nay Sarah na pumasok dahil siya lang naman ang kakatok sa 'min dito dahil nga'y wala ang mga magulang namin. Ngumiti ako sa kaniya nang nagdala siya ng tubig para hindi kami uhawin. Juice lang kasi ang nadala ko at naubos na rin.





"Tara po! Sama ka sa 'min," pagaaya ko ulit pero umiling lang siya.




"Marami pa 'kong gagawin ngayon. Enjoy kayo mga anak, ha?" Napangiti ako sa itinawag niya sa 'min.




Nakailang movies din kami nang mapansin kong may tumawag sa 'kin. At first, akala ko isa kay Raylene at Molly ang tumatawag pero nagkamali ako. It was Claude.





[Hey? Am I disturbing you?] Mukhang nahihiya pang tanong nito.





I gave Lea a wait sign at tinuro pa ang phone ko na may katawagan. Nakita ko pa ang pagkalito sa mukha niya na para bang iniisip kung sino ang katawagan ko.





"I'll just talk to this someone, okay?" Pagpaalam ko pa kay Lea pero agad lang din siya tumango. Dumiretso ako sa banyo para hindi niya 'ko gaanong marinig.





["May kasama ka ba?"]




"My sister and I just having a chill here sa kwarto ko."





[Hindi ko ba nagugulo ang bonding niyo?] Naninigurong tanong nito na ikinatango ko kahit alam kong hindi niya nakikita.





"It's okay. Besides, maraming movies na kaming napanuod."





[I see pero nagtataka lang ako.] Napakunot ang noo ko.





"Bakit? Anong mayroon?" I tried to sound so casual as if na wala akong iniisip na posibilidad niyang itanong.





[I just wanna ask kung okay lang ba kayo ng mga kaibigan mo?] Naniniguro pang tanong nito dahilan para hindi agad ako nakapagsalita.





[Lia? Still there?]





"B-bakit mo naman naisip na hindi kami okay?" I tried to not stutter as much as I could pero nautal pa rin ako.





Narinig ko ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya. I'm sad for him dahil mukhang kahit hindi pa siya tuluyang kilala ng lubusan ng mga kaibigan ko, mukhang ayaw nila sa kaniya.





"But don't worry. We can talk naman bukas," paninigurado ko sa kaniya.





Pero hindi ko alam kung makakausap ko ba sila bukas.




[So hindi talaga kayo okay? Is it because of me?] Dama ko ang lungkot niya sa kabilang linya.




Agad akong umiling. "No, huwag mong isipin 'yan."




Napabuntong hininga naman siya ulit sa kabilang linya.




[I'll talk to them to assure them that I really have good intention on you. I'll talk to them, I'll ask them to give me a chance that I know, I deserve.]





"But you don't need to do that. As long as we're okay. That's all that matters."




[No, Lia. They are very important to you. I'll do everything to prove myself to them that I'm serious about you. I'll assure them that I really like you. I'll assure them that your chance that you given wouldn't wasted at all!] Naramdaman ko ang pagiging determinado niya base sa ipinapadama ng boses niya.





Napangiti ako sa isiping 'yon. I really did a good decision, I guess?





"I'm sorry if you need to do this, to prove yourself. I just want you to know that they will accept you someday as long as you really have a good intention. Alam kong maiintindihan ka nila," pagpapalakas loob ko pa.





I hope that my friends will give him a chance to prove himself. I know na magkakasundo sila and it's just that, hindi pa sila ganoon magkakilala.





"Ate? I need to pee." Napatingin ako sa pintuan nang marinig ko ang boses ni Lea na marahang kumakatok pa.





"I'll hang this up na. My sister need to use the rest room pa, e. Huwag ka mag-isip ng kung anoano, malinaw?" Bulong na pagkakasabi ko.





[I will. Sige na. Ibaba mo na.] Ngumiti pa 'ko at nagpaalam sa kaniya bago ko tuluyang ibinaba ang tawag.





Agad ko namang pinagbuksan si Lea ng pinto at bumungad pa sa'kin ang nakabusangot niyang mukha.




"Bakit ka pa po nagtatago? I know you're talking to your suitor." Napanguso pa siya bago dumiretso sa banyo para umihi.





Kinabukasan ay sinikap kong magising ng maaga. Dahan dahan pa 'kong bumababa sa kama dahil baka magising si Lea. Inabot kami ng mahigit 1 sa kakanuod ng mga movies kaya nakakaramdam pa rin ako ng antok. I just did my morning routine before I decided to wear my uniform before I went out just to eat my breakfast.






"How's the bond between you and your sister?" Napatigil ako nang nakaupo sa hapag si daddy at kumakain.





"Ginulat mo naman ako, Dad! I didn't know na uuwi ka. Where's mom?" Tumingin pa 'ko sa paligid, nagbabakasakaling nasa may garden lang ito.





"She's still in the company. May kinakailangan pa siyang ayusin." Tumingin ito sa 'kin. "How's your studies?"







"I'm doing good, Dad. Lea too as well. No need to worry." I even assured him.





He nodded. "I don't really need to worry because I know, you're doing great and besides, I talked to your dean."





Bahagyang nanlaki ang mata ko pero hindi ko ipinahalata. Kinakabahan ako dahil baka magkuwento si dean tungkol sa amin ng inaanak niya.





"I hope it's all good po," nahihiya pang sabi ko.






"Ofcourse! It's all good. All he can say that you're actually good. He even gave you a good compliment. Great job, Lia!" Pagpupuri pa nito. My dad sounds proud and I'm kinda happy with it.





Kumain lang ako ng tinapay at uminom ng tubig before I decided to leave our house. Bumeso pa 'ko kay daddy bago tuluyang umalis.








Nagbook lang ako ng grab because I don't want to drive pa dahil hindi pa 'ko gaanong sanay. Medyo umuulan din dahilan para mas tinamad pa 'kong magdrive.





I just got my driver liscenes before the college year started. Hindi ko pa ginagamit ang sasakyan at sumasabay lang ako kay Raylene.





Tumingin ako sa relo ko at sakto rin namang nasa harap na 'ko ng university na pinapasukan ko. Hindi pa naman ako late kaya hindi ko naman kailangan tumakbo. I even saw Raylene na mukhang kakarating lang din. I was about to approach her but Sef suddenly came to me as if he wants to know something. Nakita ko pa ang pagsulyap sa'min ni Raylene at nahuli ko pang umirap ito. Napailing na lang ako bago takang tumingin kay Sef na mukhang hindi mapakali.






"If by chance, nakita o nakasalubong mo ba si Adriel?" Nagaalalang tanong nito.






Kumunot ang noo ko. "Hindi. Why? Something wrong?"




Dahan dahan siyang tumango. "He called me last night and he sounds so wasted. Hindi ko gaanong naiintindihan ang mga sinasabi niya dahil mukhang umiinom siya."





Napataas naman ang kilay ko, nagtataka kung bakit niya sinasabi 'yon.





"I need your help, please? I think something came up with his family. The last time na ganito siya was when her girlfriend broke up with him," nagaalalang sabi nito.





Nacurious naman ako bigla. I thought hindi siya magseseryoso sa relasyon before? Mukhang nagkamali pala yata ako.





"How can I help? Hindi ko nga alam kung nasaan madalas 'yang kaibigan mo, e," I reasoned out.





"Adriel is so different whenever he's drunk! We should start to find him. Nagaalala ako na baka saktan niya ang sarili niya just like what he did before," hindi na mapakaling sabi pa nito na ikinalaki ng mata ko.





"R-really? OMG! We really need to find him!" Lumingon ako sa katabi ko sa upuan. "Can you excuse us and tell the prof that we have a emergency?" Pakiusap ko kay Carla na agad din niyang ikinatango.





Hindi ko na hinintay pa si Sef. I even saw Raylene na papalapit sa'kin pero hindi ko na siya nakausap pa dahil kahit hindi ko aminin, nagaalala ako sa maaaring gawin ni Adriel sa sarili niya.





"Lia! Sa field ka! Dito ako!" Pagplano pa ni Sef na sinangayunan ko na lang.




Patuloy lang ako sa paghahanap at hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit sinusubukan kong maghanap dito sa field kahit pa malabong makita ko siya dito.





Napatingin pa 'ko sa relo ko and I know that classes already started. I just hope na hindi kami mapagalitan after this.





Patuloy lang ako sa paghahanap hanggang sa mapadpad ako sa pinakaeskinita kung saan madalas madaanan ng mga estudyanteng nagkacut ng classes para makalabas.







"Adriel!" Agad ko siyang dinaluhan dahil napansin kong nahihirapan siya nang makita ko siya.





Napatingin siya sa 'kin and by the way how his eyes staring, halatang nakainom siya. Napatingin ako sa paligid niya at maraming nakakalat na bote ng beer.





"Ano bang nangyayari sa 'yo? Ang aga aga pero bakit alak agad ang inalmusal mo?" Panenermon ko pa. Inalalayan ko siya upang ipaupo sa nakita kong puwedeng maupuan.







"The hell! I didn't know na ganito ka kapag umiinom! Ang bigat mo!" Pagrereklamo ko pa nang maibaba ko siya upang iupo.





He closed his eyes slowly but my lips parted when I heard his sobs. Nagtataka ko siyang tiningnan hanggang sa unti-unting lumalakas ang paghikbi niya. Nakaramdam ako ng kalungkutan dahil mukhang may pinagdadaanan nga siya.






"Am I that bad? N-nagkulang ba 'ko?" He ranted out. I didn't even understand what was he mean.





"H-hey! Are you okay?" Stupid, Lia. Ofcourse he's not!






I already texted Sef that I already found his friend para hindi na siya maghanap pa.





"Bakit nagawa ni Claireez 'yon?!" Umiiyak pang sabi nito.




Sino si Claireez?




Nagulat ako nang magmulat siya ng mata. He slightly held my chin to face him. I felt awkward as I stared back at him.




"Na...nabigo na naman ako," tila batang nagsusumbong na anito.





Hindi ako nagsalita at hinayaan ko lang siyang hawakan ang baba ko habang pinapakinggan ang mga hinaing niya.






"H-hindi ko siya naprotektahan. H-hindi ko siya nagabayan." Binitawan niya ang baba ko at yumuko ito.






Inalalayan ko lang siya habang pinapakinggan ang mga sinasabi niya.







"I... I did the same mistake again. Nagkulang na naman ako." Inangat niya ang tingin niya sa'kin. "Kagaya ng pagkukulang ko noon sa 'yo."



-------- ------- ------------ ----------
---------- ---------

Seguir leyendo

También te gustarán

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...