OFFICERS SERIES #1: Detaining...

Von jindoodle_fairy

26.5K 1.2K 168

Officers Series#1 Status: [COMPLETED] Other than having her dream profession, wealthy love from family and a... Mehr

Detaining Him (Officers Series #1)
Simula
Kabanata 01
Kabanata 02
Kabanata 03
Kabanata 04
Kabanata 05
Kabanata 06
Kabanata 07
Kabanata 08
Kabanata 09
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabatana 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Wakas
Author's Note

Kabanata 17

378 23 1
Von jindoodle_fairy

17






----

Umuwi akong sobrang gulo ng isip. Hindi mawala sa utak ko ang litrato ni Chrispher at ni Berenice. Ang mga litrato nilang isa sa iimbestigahan ko.

Ang plano kong kausapin si Lupin ay hindi ko na nagawa pa. Basta na lamang kasi akong umalis doon dala-dala ang folder na ibinigay ni Chief Manulo. Nagdalawang isip man ako para sa misyong ito pero alam kong wala akong magagawa doon. He trusted me for this job and I can't reject it.

Paano nangyari 'to? Is this coincidence? Hayy, siguro isa lang sila sa maaaring maglead sa akin sa mga totoong may kasalanan. They're not part of this thing. That's why I need to investigate. Now I'm being unprofessional, damn!

Siguro ay sobrang nagulat lang ako kaya maraming pumapasok sa utak ko. I am just overreacting. I just need to find some clues and I need to look forward on that without telling them my reason. Sa ngayon ay akin muna ang problemang ito at walang sino man ang makakaalam. Just me and Chief Manulo.

Pagkarating ko sa bahay ay bumungad sa akin ang kapatid kong seryoso ang ekspresyong nakayuko malapit sa hamba ng hagdanan. Kuyom ang kamao nito at nakatiim bagang.

"Oh? Preston, ang aga mong nakauwi?" Tanong ko at nilagpasan siya para makapasok ng kusina. Nagsalin ako ng tubig sa baso mula sa pitchel at agad iyong ininom.

Hanggang sa maibaba ko ang baso ay nanatili siyang nakayuko malapit sa hagdanan at parang malalim ang iniisip. Napakurap ako at lumapit sa kaniya. Nang masulyapan ko ang kamay niya ay napatigil ako sa paglalakad. Tila napigtas ang hininga ko ng makita ko sa kamay niya ang kulay puti kong long sleeve na punong puno ng dugo.

"P-preston-"

"Sa'yo ba 'to, Ate?" Aniya at inangat ang kamay at tinitigan ng tudo ang mantsa ng dugo. Agad na nanlamig ang sikmura ko dahil sa nakita.

Nakalagay lang 'yan sa C.R ko! Plano ko na iyang itapon e! Paano niya nakuha?! Pumasok siya sa kwarto ko?!

"Preston, ba't ka pumasok sa kwarto ko-"

"Sa'yo ba 'to?!" Pagpuputol niya sa akin. Namilog ang mga mata ko nang makita ko ang dilim at galit sa mga mata niya. Namumula ito at halata ang pagpipigil.

Bumuka ang bibig ko pero walang maski isang salita ang lumabas. Ramdam ko ang panlalamig ng kamay at pamamawis nito. My heart is beating so fast inside my chest, too.

"P-preston..." I cracked.

"Ipakita mo sa akin!" Napasinghap ako ng marahas ang mga lakad siyang lumapit sa akin. Nang akmang hahawakan niya ang kaliwang braso ko ay agad ko itong pinalo paalis. I don't want him to see it!

"Preston!" Umatras ako gamit ang gulat na ekspresyon. Pero alam kong bakas sa itsura ko ang takot at pag-aalala. Bumibigat na rin ang hininga ko dahil sa kaba.

Napatiim bagang siya at aroganteng huminga ng malalim. Dismayado niyang iniling ang ulo habang tumatawa ng pahapyaw.

Ito ang ayaw ko na mangyari e. Ito ang kinatatakutan kong mangyari kapag nalaman nila ang nangyari sa akin. It's my second time seeing my younger brother this angry before over me. Ang una ay dahil nadaplisan ako ng bala sa hita. At ang isa ay ito... mas malala pa nga nong una.

Minsan ay kung umasta siya ay parang mas nakakatanda pa sa akin kaya mas pinanatili ko ang pagtatago nito kesa sa malaman niya. I know they're just concern and worried at hindi ko sila masisisi. May hangganan ang lahat. Alam kong malalaman at malalaman pa rin nila. Ang kinatatakutan ko lang ay baka... matanggal ako sa trabaho kung sakaling malaman 'to nina Papa at Mama. I can't lose my job. I can't.

"Kaya pala..." He glared and nodded disappointedly. Para lang akong sinisikmuraan ng ilang ulit dahil sa paraan niya ng pagsasalita at paninitig.

Naiiyak ako. Naiiyak ako kasi hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Naiiyak ako kasi hindi ako sanay na makita ko ang kapatid kong galit sa akin. Hindi ako sanay na tratuhin niyang ganito. Iba pa naman siyang magalit. Hindi siya namamansin at sobrang lamig kung makitungo. At ayaw ko no'n!

"P-preston..." I tried to hold his hand but he moved away. I gasped. My heart twitched painfully.

He clenced his jaw and dropped my long sleeves on the floor. "Kaya pala kapag nagg-gym tayo hindi ka gumagawa ng routine at umuupo ka lang! Kaya ka may leave ano?! Kaya pala?! Siguro tsaka mo lang 'yan sasabihin sa amin kapag segundo na lang mamatay ka na sa komplikasyon kapag magkaroon, ano?!" I could clearly see his veins almost popping out!

"H-hindi..." Nanginig ang boses ko kasabay ng pagdaloy ng mainit na likido ng luha galing sa aking mata. "Sasabihin ko naman talaga kapag nagkatyempo-"

"Kailan?!" He gritted his teeth and tightly clenched his fist. "Ang sabihin mo pinoprotektahan mo lang 'yang propesyon mo!" He yelled at the top of his lungs.

Kung normal lamang na away ito ay kanina ko pa siya nasuntok dahil sinigawan niya ang ate niya at bawal 'yon. Pero ngayon ay hindi ko siya kayang pigilan. Ang ate niya ang may kasalanan. Ang ate niya ngayon ay may nagawang kasalanan.

Napahikbi ako at humakbang papalapit sa kaniya. Pero humakbang naman siya paatras para hindi ako makalapit. Naninikip ang dibdib ko.

"Ang selfish mo, Ate! You're so self-centred that you won't care about how we feel! Na may nag-aalala sa'yo araw araw at oras oras!" Dinuro niya ako. "Kapag nasa trabaho ka nga at ginagabi ka ikaw lang iniisip ko kasi maraming kriminal sa paligid e! Oo may baril ka pero hindi sapat 'yon! You're not just killing yourself, you're killing us too!" He paused.

"I'm also against with that job of yours, Ate! Hindi lang si Papa at si Mama! Hindi mo lang alam pero ayaw ko rin niyan para sa'yo! But I did my very best to be happy with it dahil gustong-gusto mo ang propesyong 'yan! Pero anong ginawa mo?! You always lied to us! To the people who always care for you every single day! That's your change!"

Mariin kong naipikit ang mga mata habang nilalamon lahat ng mga salitang binitawan niya. I admit all of it. Maybe I am selfish. Maybe I truly am. And I am hating it.

"Sana sinabi mo na lang 'di ba?! Bakit itinago mo pa?! Pinagmumukha mo kaming tanga e!" He panted. His eyes are burning with madness. Wala akong ibang nagawa kundi ang umiling at makiusap sa pamamagitan ng titig.

Ngunit hindi na niya ako pinansin. Mabibigat ang mga paa siyang tumalikod sa akin at umakyat na sa hagdanan. Kalaunan ay narinig ko na lang ang malakas na pagsarado ng pinto ng kaniyang kwarto na halos magpalundag sa akin.

Mariin kong napapikit ang mga mata dahil sa frustration. Tangina naman. What should I do? Oh damn! Napasabunot ako sa sarili ko at nanghihinang napaupo sa malapit na stole. Mas lalo lamang gumulo ang isip ko. Nagkapatong-patong na ang problema ko! What should I fucking do?!

I think... I need to cool this down.

Tumakbo ako palabas ng bahay at sumakay na sa aking kotse. Pinalis ko ang luha ko sa mata at kinalma muna ang nanlalamig at nanginginig kong mga kamay. After that, umalis na ako at hinayaan nang mahulog sa mata ang mga luha. Luha na puno ng pagsisisi.

May isang lugar lang akong alam na maaaring makapag-pakalma at makapagbigay sa akin ng space. Iyon ang kailangan ko ngayon.

Later on, I found myself walking inside the shooting gallery. Ang maliwanag na pasilyo sa loob at ang lamig ng aircon ang bumungad sa akin.

The loud sound of the guns filled the whole range. May mga nagpa-practice din pala dito pero nasa mga tatlong katao lang. Hindi ko na kinilatis pa kung sino sino ang mga iyon dahil talagang maraming bumabagabag sa isip ko.

Wala sa sarili akong pumunta sa locker room at naghanap ng gear na susuotin. Kumuha na rin ako ng mga baril na gagamitin sa pagsho-shooting. After that, I focused myself on the target objects. I keep on shooting and shooting until time passed by like a wind. Sobrang bilis na hindi ko na napansin na halos alas-syiete na pala ng gabi.

Ibinaba ko ang baril ko at mabigat na napahinga ng malalim. Nanginig ang labi ko nang maalala na naman ang nangyari sa amin ng kapatid mahigit anim na oras lang ang nakalipas. Ang galit sa mukha niya. Sa tuwing naaalala ko ay parang pinipiga ang puso ko.

Napaupo ako sa isang stole malapit sa pwesto ko kanina at pagod na napasuklay ng buhok. Mariin kong naipikit ang mga mata ng mapansing suot suot ko pa rin ang leather jacket ko kanina. I gritted my teeth and decided to strip it out of my body.

"What's the used of keeping this shit!" Inis na ani ko. I throw my jacket at the table. Naiwan na lamang ako sa suot kong puting t-shirt.

Napatingin ako sa sugat kong may benda pa rin. "Kailan ka pa ba gagaling, ha?!" I said like my wound can understand everything. Parang baliw lang.

Pahamak talaga, eh! I'm sure alam na nina mama at papa 'yon ngayon. But now, I don't care! Malaman nila edi tapos! This is all my fault after all. I lied to them. I've been so selfish to them. I felt so bad for myself because of it and I hate it! Deserve ko ang galit nila. Kung gusto nila akong patigilin sa pagpupulis, eto na ang tamang panahon para pagbigyan ko sila.

Even if it's breaking me, I have to do it. My family deserves happiness from me, not a disaster!

"Who's here?! It's Lieutenant!" Isang nang-aasar na tono ang nagpaangat ng ulo ko. Napaayos ako ng upo ng makita ko si Chief. Arwen Nero Valdua ng Batangas!

Siya ang pinakabatang naging Chief of Police dito sa buong Manila. This athletic built man is 33 years of his age right now. Schoolmate ko 'to noong college at kahit magkalayo ng agwat ay naging malapit kami dahil sa magkapareha lamang kami ng gustong propesyon.

"Arwen- Sir!" I stood up and saluted. Though, it is a bit embarrassing but I need to do it. This bestbud of mine is still higher than my rank!

Tawa lamang ang binigay niya sa akin at hinila ang kamay ko pababa. "Stop it Bella, we're not at work!"

Bahagya akong napatawa. "Oh? Gabi na ah? Ba't nandito ka pa?"

He sit at the stole two seats far from mine. Inilapag niya sa lamesa ang kaniyang baril at ina-asemble ito. Bumalik na rin ako sa pagkakaupo bago siya nagsalita.

"My wife is mad at me, she won't let me sleep at the house," he shooked his head in dismay.

Napatango ako pero agad ding natigilan. "Kasal ka na?! Kailan?! Bakit hindi ko alam?! Ang daya mo!" Pabiro akong sumimangot sa kaniya.

He chuckled. "Not yet, we're still engaged."

"Oh eh, bakit hindi pa kayo kasal? Parang inlove na inlove ka, ah?" Biro ko.

He stopped from assembling his gun like I hit a jackpot. Agarang bumuhos ang pagsisisi sa akin ng makita ko sa gwapo niyang mukha ang pait at lungkot.

"She's hesitating," he sighed and continued his gun.

Napamaang labi ako dahil sa narinig sa kaniya. I felt the second pain from him. Nagdadalawang isip? Kung ganoon... hindi siya mahal ng magiging asawa niya? Paano naman nangyari iyon? Possible ba 'yon?

Gusto ko pa mang magtanong ay hindi ko na ginawa. Labas na ako doon at hindi ko na panghihimasukan pa at alam ko na rin na ayaw niya iyong pag-usapan pa. Tumikhim ako at umayos ng upo.

"You? What are you doing here?" Bumalik ang ngiti sa kaniyang mukha. Ang mumunting balahibo sa kaniyang panga ay parang ginawa upang mas gawing perpekto ang kaniyang anggulo.

I pursed my lips and looked away. "Nagtatampo sa akin ang kapatid ko."

Hindi nga lang nagtatampo e, sobrang galit pa.

"Oh? The little Preston? How is that little kid anyway?" Natatawang aniya nakatuom ang pansin sa inaayos na baril.

"Hindi na siya bata katulad ng iniisip mo 'no," napanguso ako para pigilan ang ngiti. "Nagmature na ang lalaking 'yon. Parang nalagpasan pa ata ako e."

"Good to hear that. Is he still the player addict?" He chuckled. Mula noon pa man ay talagang mahilig na maglaro ng video games si Preston. Arwen is his partner way back then kaya kilala niya ito.

Bahagya akong natawa. "Siya pa rin."

Tumango siya. "You? I heard from Lupin that someone is courting you. A college student? Is it?"

Halos masamid ako sa sarili kong laway dahil sa sinabi niya. Namilog ang mga mata ko at napasimangot. He laughed mischievously at my reaction.

"Huwag ka ngang maniwala sa gunggong na 'yon!" Inis na ani ko at nag-iwas ng tingin.

Parang gusto ko ng sapakin si Lupin sa oras na 'to! Mangchi-chismiss na nga lang mali-mali pa! Naturingang pulis puros kalokohan lang din naman ang alam! Humanda sa akin ang ugok na 'yon!

"Mind telling the name? Lieutenant?" Ani ni Arwen sa tonong nang-aasar.

"Kaibigan lang 'yon Arwen."

"Oh?" Inihilig niya ang kaniyang ulo at bahagyang tumawa.

Napailing na lamang ako at itinuon na lang ang pansin sa pag-aayos ng baril. Nalipat din naman ang usapan sa ibang bagay. Ayaw ko namang pag-usapan 'yon dahil wala naman iyong katotohanan. Kaibigan ko lang si Chrispher. Oo nga at sumasama ako sa kaniya pero iyon ay dahil wala naman akong magawa. Kapag bumalik na ako sa trabaho; kung may babalikan pa man ako, ay hindi na rin naman ako makikipagkita sa isang 'yon.

Ayy! May imbestigasyon pa pala akong dapat na gawin at siya lang ang malapit sa akin! Berenice is a kind of bratty kaya parang mahirap lapitan. Pasimple akong napatampal sa noo dahil sa kagagahan. Wala pa rin pala akong takas kay Chrispher. Pero bakit ko naman siya tatakasan, aber? Komportable naman siyang kasama kahit na talagang nakakainis minsan.

Pagtungtong ng alas nuwebe ng gabi ay napagpasiyahan kong lumabas na muna at maghanap ng restaurant na makakainan. Nagpaalam muna ako kay Arwen bago lumabas. Pagdating sa pinakamalapit na restaurant ay kaunti na lamang ang mga taong naroon. I ordered steak and apple juice at humilig na muna sa upuan para mahintay ang ino-order.

"Look who's here!"

Isang pamilyar na boses ang tumawag ng atensyon ko. Agarang lumitaw ang ngiti ko sa labi ng makita si Andrew na nakasuot ng itim na cap, maroon v-neck shirt at ripped jeans. Simple but still the good looking Andrew I've known. Kakapasok pa lang niya sa restaurant.

"Oh?" Napakurap ako at napaayos ng upo.

He laughed and sit opposite from mine. "I know it's you! How you 'doin?"

"Okay lang naman... ikaw ba? Kakauwi mo lang?"

"Yeah, just arrive. Nagutom ako kaya tumigil muna dito."

Tumango ako. "Nag-order ka na ba?"

"Yeah, ililipat ko na lang dito." He roamed his eyes around. "Wala ka bang kasama? O meron?"

"Wala 'no. Sino namang magiging kasama ko ng ganitong oras?" Pabiro akong umirap.

He chuckled. "Just asking. Maybe a suitor?"

Nangunot ang noo ko ng marinig na naman ang salita na iyon. Bakit parang puros manliligaw ko ang napapansin ng lahat? Eh, wala naman ako no'n?!

"Wala 'no. As if naman na gusto ko magkaroon." Napailing ako at inilibot ang tingin sa paligid. Nakaharap kasi ang table namin malapit sa salamin.

"You can try it, Phob!" Tumawa siya. "It's not a burden for your work. It's an inspiration. Just let someone came into your life. It's not a bad thing."

I pouted my lips and just stared at my reflection on the window. Habang tinititigan ang sarili ay agad na may kumuha ng atensyon ko. Isang pamilyar na tao ang tila nagpatigil ng mundo ko.

Iginilaw ko ang katawan ko at mas tinutukan ng todo ang nasa repleksyon bago naramdaman ang kakaibang pakiramdam na umuusbong sa loob ng aking katawan. An excruciated pain rammed inside my chest nang mamukhaan ko kung sino ang mga iyon.

"Phob? What's wrong?" Si Andrew.

Hindi nawawala ang paningin ko sa taong naging dahilan ng pagkakatigil ko at pamimigat ng aking hininga.

It's Chrispher and Berenice. Holding hands and so damn close to each other. Both wearing a felicitous smile. In front of their... I think parents?

At ang sunod nilang ginawa ang tila nagpapigtas ng pakiramdam sa puso ko.

They kissed.

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

864K 23.7K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...
1.8K 151 23
Signature bags, designer clothes, fancy jewelries, branded cosmetics, gadgets, expensive cars, huge mansion and a good school.Thralaine Alondra Fajar...
594K 41.2K 9
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...
6.9M 139K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...