OFFICERS SERIES #1: Detaining...

By jindoodle_fairy

26.7K 1.2K 168

Officers Series#1 Status: [COMPLETED] Other than having her dream profession, wealthy love from family and a... More

Detaining Him (Officers Series #1)
Simula
Kabanata 01
Kabanata 02
Kabanata 03
Kabanata 04
Kabanata 05
Kabanata 06
Kabanata 07
Kabanata 08
Kabanata 09
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabatana 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Wakas
Author's Note

Kabanata 16

426 28 2
By jindoodle_fairy

16






---

"A-anong ginagawa mo dito?" Habol ang hininga kong sabi. Nagawa ko pang pasadahan ng tingin ang suot kong oversized long sleeves at short shorts. Ayos naman siguro ako, 'no? Ayy bakit ba?!

"Kinakamusta ka," he said as he walked his way through my room. Napasinghap ako ng hindi ko na siya napigilan pa. I bit my lower lip as I stared at him, confused.

Nakanganga at bilog ang mga mata niyang pinasadahan ng tingin ang kwarto ko. He looked so childish and innocent the way he did that. The smile on his eyes is priceless. He roamed my room with pure amazement and adoration. I can't help but to feel proud about my own room.

Pinaghalong white at creamy brown ang kulay ng kwarto ko. Ang queen size bed kong kama ay kulay baby blue. Ang maliit kong bookshelves ay nagkakalaman lamang ng konting libro pero maayos naman ang pagkaka-arrange. May nakasabit naman na kulay pink na gitara sa gilid lang ng pintuan ko at isang violin naman malapit sa may bintana kong may kulay skyblue na kurtina. Regalo pa iyon ng lola at lolo ko noong 18th ko. At isang malaking gun replica na nasa wall sa harap lang ng kama ko.

"Wow..." Chrispher muttered silently as he set his gaze in front of my gun replica.

"I never imagine a girl's room to be look like this." He stopped and look at me. His expression made me feel a time lap inside my chest. "It's way more cooler than I expected."

It made me feel flattered. Napalunok ako sa kadahilanang maliban sa kapatid at Papa ko ay siya ang pangatlong lalaki ang nakapasok sa kwarto ko. Teka?!

"Hoy ba't ka nandito?!" Nasapo ko ang lalamunan ko pagkatapos sabihin 'yon. Aba?! Feel at home ah?! Kapal!

"As I said earlier..." He lazily sat on my bed and crossed his legs together with his hands on his chest. Kalmado lamang siyang nakatingin sa akin. "I am visiting and checking you."

Naitikom ko ang bibig ko at mabigat na huminga ng malalim. "Medyo okay na ako." Napakamot ako sa ulo bago namewang. "Sana nagtext o tawag ka na lang."

Para sa akin mas okay na 'yon e. He can just text or call at mas madali pa iyon kesa sa pagpunta dito. Tsaka baka may magalit... Nevermind.

Umalpas ulit ang nanunuksong ngiti sa kaniyang labi dahilan para kilabutan ako. "Iba pa rin ang text at tawag sa personal."

Napasimangot ako. "Umalis ka na nga!"

"Kakarating ko lang e."

Napabuga ako ng hangin at bigo siyang tinitigan. Parang nawala pa ata sa isip ko na matigas pala ulo nito. Napailing na lang ako at umupo sa aking kama, malayo sa kaniya. Para kasing may electric current kapag tumatabi siya sa akin.

"Champion ang team namin!" Bakas ang pagmamayabang at galak sa kaniyang boses bago dahan-dahang lumipat malapit sa akin. Naramdaman ko kasi ang malakas na pag-uga ng kama ko. "At ako ang may pinakamaraming puntos. I'm that inspired you know?"

Natigilan ako at hindi agad nakapagsalita. I just felt him sitting close to me. His scent covered my whole room na kung saan man siya ay maamoy at maamoy ko pa rin. Napalunok ako bago napabaling sa kaniya.

"Gumagabi na, bakit ka pa ba sumablay dito, ha?"

"Ang harsh mo talaga," he tsked and shooked his head. He even held his chest iyong tipong may masakit sa parteng iyon. "Paulit-ulit na 'yang tanong na yan, ah? Iba naman." Maktol pa niya.

"Kapag sa akin may nagalit, kakatayin kita," banta ko bago siya inirapan. Kapag kasama ko talaga ang lalaking 'to pakiramdam ko may masamang mata nakatingin sa akin e, tapos naaalala ko pagmumukha ni Berenice na mukhang witch. Tumitindig balahibo ko sa batok.

Pero ano naman kung ganoon? Wala naman akong pakialam dahil itong asungot na 'to ang lapit ng lapit sa akin! Inosente ako 'no. Ah, tama! Talagang utak ko lang itong paranoid. Tsaka wala naman akong clear na information kung magkaano-ano ang dalawang 'to kaya inosente pa rin ako.

"Dapat sanayin mo na sarili mo, Miss Police. May mga maghahabol talaga sa akin kahit saan. Normal na lang 'yang may magalit sa'yo kasi may kasama ka palaging gwapo, 'di ba?"

Binalingan ko siya gamit ang blangko kong ekspresyon. "Kapal talaga ng mukha mo."

"May mas makapal pa nga diyan e," he winked before pointing at his chest, the part where his heart is. "Mas makapal ang pagmamahal ko. Gusto mo i-try ko sa'yo?"

I lick the insides of my cheeks before shooking my head, acting disappointed about him. As usual, ang tawa na naman niyang lumalamon ng paligid ang isinukli niya sa akin. Minsan talaga nakaka-inggit ang isang 'to e. Parating happy.

"Umuwi ka na, wala ka bang klase bukas?" Ani ko at tumayo mula sa pagkakaupo sa kama. Pumunta ako ng pintuan at hinawakan iyon bago siya binalingan.

Nakatingin lamang siya akin na para akong isang nakakaengganyong bagay na hindi niya pagsasawaang makita. Ang nakangiti niyang mukha na palagi kong nakikita ay talagang kakaiba at hindi ko mawari kung ano ang pinapahiwatig.

"Tumayo ka na nga diyan!" Inis na sambit ko.

"Pahinga muna ako saglit," pabagsak niyang inihiga ang sarili sa kama ko. Kalahating katawan niya lamang ang nandoon sa kama kaya nakaramdam ako ng pagkailang.

"Aba't 'tong!" Napasinghap na lamang ako sa galit at irita. "Sino ba kasing nagpapasok sa'yo dito, ha?!"

I light chuckled from him made me arched a brow. "Magiging kapatid ko ata soon."

Ano? Ano ba namang lumalabas sa bibig nito? Lasing ba 'to?!

"Tatayo ka diyan o magtatawag ako ng asong lalapa sa'yo?!" Banta ko.

Inangat niya ang ulo niya mula sa kama at binigyan ako ng isang mapanuksong tingin. "Kung ikaw ang magiging aso, sige ba?!"

Namilog ang mga mata ko bago siya nanlilisik na mga matang tinitigan. "Lakas ng trip mo, ah?" I scoffed. "Tayo na kasi!"

He forward his hand up like a child waiting for someone to pull him. "Ahh, sakit ng katawan ko. Pull me up."

Mariin kong naipikit ang mga mata bago nagpakawala ng marahas na hininga. Ah! Kumukulo dugo ko! Padabog kong hinawakan ang doorknob bago iyon binuksan.

"Bahala ka diyan—"

"Ren?" Si Papa na naka-corporate attire ang una kong nakita sa labas ng pintuan.

Ilang ulit pa akong napakurap bago pinamilogan ng mata at bibig. Dumagundong ang puso ko sa kaba dahil sa sitwasyon! Nandito si Chrispher sa kwarto ko! B-baka makita siya ni Papa!

"Pa!" Bahagya pang napaatras si Papa dahil sa bahagya kong sigaw na bati. Mapakla akong ngumisi at lumabas ng kwarto at dali-dali iyong isinarado. "Nakauwi ka na pala?"

"Kakauwi ko lang," aniya sa seryosong ekspresyon. "Okay ka lang ba?"

Panandaliang nawala ang takot at kaba ko ng marinig ko ang pag-aalala sa boses ni Papa. Gumaan at tila may nawalang bigat na bagay sa puso ko dahil sa sinabi niya. Baka sinabihan na siya ni Mama tungkol sa nangyari sa akin kaya nandito siya ngayon.

Unti-unting namuo ang ngiti sa aking labi bago siya tinanguan. "Okay na naman po. Tsaka nakaya naman ng gamot."

Tumango siya bago huminga ng malalim. Sinulyapan niya ang kwarto ko dahilan para manumbalik ang kaba at takot sa puso ko kani-kanina lang. Ramdam ko ang mabilisang panunubig ng pawis sa aking kamay. Bumalik ulit ang titig niya sa akin bago ngumiti at tumango.

"Malapit na mag-alas otso..." Tumalikod siya at sinulyapan ulit ang kwarto ko bago ulit sa akin. "Pauwiin mo na 'yan." Aniya bago tumalikod.

Natigilan ako at ilang ulit pang inalala ang sinabi niya bago ako nanumbalik sa katinuan.

"P-po?" Utal na habol ko pero hindi na niya narinig pa. Pumasok na siya sa kwarto nila ni Mama tatlong pinto lang ang layo mula sa akin.

Ganoon na lamang pagbagsak ng panga ko sa hangin. Ang kaninang tibok ng puso ko dahil sa kaba at takot ay mas domuble at trumiple pa!

Nanghihina kong naisandal ang katawan ko sa harap ng pintuan at parang baliw na napatitig sa kawalan. Kalaunan ay naramdaman ko na lang na hila-hila ko na si Chrispher palabas ng bahay.

"Don't ripped my hand!" He chortled. Sarap talagang bangasan ng lalaking 'to! "Hey!"

Nang makarating kami sa harap ng kotse niya ay tsaka ko pa siya binitawan. Alam kong kotse niya iyon dahil kabisado ko ang kulay at plate code ng kotse niyang Sedan.

"Umuwi ka na," mariin kong sambit habang nakapikit ang mga matang hinihilot ang sentido.

"Your father isn't mad, right?" He moved his head a little to catch my sight, wearing a teasing look.

"Galit siya! Papunta na 'yon dito!" Pananakot ko. Takte! Never pa akong nakaramdam ng inis at irita na may halo namang ibang pakiramdam.

He smiled while eyes squinting. Inayos niya ang pagkakalagay ng kaniyang bag sa balikat bago binuksan ang pintuan ng kaniyang kotse.

Napahinga ako ng malalim ng mawaring aalis na rin siya. Pero akala ko lang pala iyon.

"Phob?" Boses ni Mama mula sa bahay ang nagpaigtad sa akin.

"Ma?!" Tawag ko naman sa kaniya. Nakita ko siyang nakasungaw sa labas ng bahay. Her robe shines perfectly with the night. Kulay ginto kasi ito at talagang nakaka-attract ng atensyon.

"I offered Chrispher to have dinner with us. Huwag mo muna pauwiin." Si Mama.

Napasinghap ako at maptampal ng noo. Narinig ko pa ang matagumpay na halakhak ni Chrispher. "Hear that, Miss Police?"

Pinanlisikan ko siya ng mata bago siya nagbabantang tinitigan. Lumapit ako sa kaniya bago mariing bumulong.

"Kapag hindi ka pa uuwi ngayon asahan mo nang hindi kita papansinin bukas man o kahit kailan!"

Namilog ang kulay abo niyang mga mata. "Hey! That's foul!"

"Uuwi ka?" Ani ko sa tonong nagpapapili. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Phob?" Si Mama, papalapit na sa amin.

I pursed my lips as I stared at his ridiculous expression. Nangangasim ang itsura niya at paulit-ulit pang napapalunok. Kitang kita ko iyon sa adams apple niyang umaalon. Kalaunan ay bigo siyang napanguso at mas nilakihan ang pagkakabukas ng pintuan.

"Phob?" Tawag ulit ni Mama nasa likuran ko na. "Oh, iho? Uuwi ka na ba? You should stay here for the dinner."

Chrispher sighed apologetically as he stared at my Mom. "N-naku Tita..." Hirap siyang nagkamot ng ulo. "Uuwi na po muna ako. May mga plates pa kasi akong dapat na tapusin para bukas e. I just dropped by to check on Ren. May next time naman po 'di ba?" Napasulyap pa siya sa akin pagkatapos sabihin 'yon. Isang nakakalokong ngiti pa ang ipinukol niya sa akin.

"Anytime will be very great for that, iho. Of course! You can dropped by here anytime you want," Mama chuckled a little. "Take care and safe driving, okay?"

"Sure will Tita, thank you so much by the way," Si Chrispher.

"Oh, always welcome for you," Si Mama, tumatawa pa.

Aba? Close na ba sila niyan? Napabuga ako ng hangin bago napailing. Nang balingan ko si Chrispher ay tikom ang bibig siyang nakangiti sa akin.

"Bye." He muttered.

I hummed before nodding. Pumasok na siya sa kotse niya kaya umatras ako para makadaan siya. He started the engine before waving his hand. Sinuklian ni Mama iyon habang ako ay kagat labi lamang pinagmamasdan ang pag-alis niya sa bahay.

Siniko ako ni Mama sa braso dahilan para balingan ko siya. "It's my first time seeing a friend of yours in this house, huh?" Si Mama habang may mapanuksong mga tingin.

Napailing na lamang ako at napakamot ng ulo. "Sino ba kasi nagpapasok no'n, Ma?"

Napasimangot si Mama. "He's with your brother, Phob. At kahit naman siya lang mag-isa ay papapasukin ko pa rin. Don't be harsh on him. He save you, remember? Did you thank him for that?"

Napalunok ako at nag-iwas ng tingin kay Mama. "Pasok na nga po tayo sa loob."

Nauna na akong maglakad sa kaniya. I even heard her light chuckles the reason for me to feel burning. Nag-iinit ang pisngi ko sa hindi ko malamang dahilan! Lalagnatin pa ata ako. Akala ko naman wala na akong sakit. Hay!

Natapos ang gabi ko na puno ng iniisip. Dati ay puros baril, mga kaso o mga naiwang trabaho sa opisina lang ang iniisip ko, pero ngayon nadagdagna na ng isang asungot. Normal pa ba 'to? Tss. Ayaw ko namang kompirmahin dahil ang bilis naman ata kapag Oo. Kainis!

Kinaumagahan ay sumama ako sa kapatid ko sa pumunta ng gym. Tinutukso pa ako kung bakit daw pa daw ako pumunta kung hindi rin naman daw ako gagawa ng routine o kung ano pa.

"May hinihintay ka ata, e?" Aniya sa tonong nanunukso.

Sinimangutan ko lang ang kapatid kong buong oras na nasa gym kami ay palaging nanunukso sa akin. Psh. Pumunta lang ako dito para panatilihin ang pagpapanggap ko na wala akong sakit na kung ano sa braso. Mahirap pa rin kasing igalaw kaya kung mas mabuti ay hindi ko pa talaga siya dapat na isusulong sa mga bagong exercise. Sino namang hihintayin ko kung ganoon? Kalokohan.

Pag-uwi naman namin sa bahay ay parang mamamatay ako sa boredom. Preston went to school while Mom is in the grocery store buying foods. Si Papa ay busy sa trabahong pang-opisina. Naiwan akong mag-isa sa bahay kasama lamang ang dalawang aso ni Preston. Si Lei na husky at si Mosh na chao chao.

"Ang boring..." Bulong ko habang nakatingala sa ceiling. Nakaupo ako ngayon sa sofa sa sala katabi ang dalawang aso. Sobrang tahimik ng bahay na kulang na lang marinig ko ang yapak ng mga multo sa paligid. Nakakainis talaga kapag walang mga kasambahay e, wala kang makausap o makakwentuhan man lang.

Habang hinihintay na makaidlip ay tumunog naman ang cellphone ko na nasa harap ko lang na lamesa. Kinuha ko ito at tinitigan ang dalawang mensahe na galing Kay Chrispher at Chief Manolo. Una kong binuksan ang mensahe ni Chrispher.

Chrispher:

Wish me luck! Huhu. Parang madalang na ata kitang makikita. Finals na namin. I need to review. Don't miss me so much, huh? It's bad for your health. May picture ka naman ko 'di ba? Titigan mo lang 'yon Miss Police!

Imbes na mairita sa mensahe ay hindi ko mapigilang mapangiti at matawa dahil sa lakas ng trip ng lalaking 'to. Ibang klase talaga. Napailing pa ako bago ko binuksan ang mensahe galing kay Chief Manolo.

Chief:

I know you're still recovering but we need to finished this case as soon as possible. Inspector Valerino, meet me at the headquarters at 12:00 noon. Thank you.

Nagbago agad ang mood pagkatapos kong basahin iyon. Agad ko ng itinayo ang sarili para makapaghanda at makapunta na ng headquarters. Alas-onse na rin kasi ng umaga tsaka ayaw ko namang manatili dito sa bahay dahil ang tahimik.

Ito siguro iyong sinasabi niyang mga kasapi sa mga na-raid naming kriminal noong isang linggo. Iyong mga kasama mg senator, mga kaalyado o di kaya'y kasama sa transaksyon.

Naligo ako at namili ng susuotin sa kabinet. Isang itim na leather jacket na may puting panloob na tuck-in naman sa fitted ripped jeans ang napili ko. Well, ito ang pinakapaborito kong style kaya mas marami ang leather jacket ko kesa sa ano pang damit na meron ako sa cabinet. Pinaresan ko na rin ito ng black 2inched high heel boots bago umalis ng bahay. Sinigurado ko itong lock bago nagpaalam sa bodyguard namin na aalis ako. I used my Ducati para pumunta ng headquarters, it's more easy and fast than using a car.

Pagkarating doon ay agad akong sinalubong ni Lupin. Lupin with his police uniform looks so appropriate and handsome. Sinalubong niya ako ng mapaglarong ngisi sa labi.

"Linggo lang akong nawala nalaman ko na lang na may nanliligaw sa'yo," he tsked and laugh at his own words.

Nangunot ang noo ko at natigilan sa harap niya. "Ano?"

"Yeah, nevermind that," he shooked his head as he grinned from ear to ear.

Akmang magtatanong pa ako ulit ng may tumawag sa pangalan ko. Agad na nagsitayuan ang lahat ng mga kasamahan kong Police sa hall at sumaludo.

"Sir!" I saluted at Chief Manulo. Tumango siya at sumalute pabalik.

"Sumama ka sa akin, Inspector Valerino," ani niya at dumiretso na sa kaniyang opisina. Tumango ako bago makahulugang tinitigan si Lupin. I mouthed 'later' na tinawanan niya lang.

After going inside his office I stand still and wait for his orders. May kinuha siyang kulay pula na folder sa isang cabinet at inilahad sa akin.

"Inspector Valerino..." Seryosong aniya.

Inabot ko ang folder at binuksan iyon. Tumambad sa akin ang mga litrato ng mga businessman at mga katiwala ng gobyerno.

"'Yan ang mga pinaghihinalaang mga kasapi ng illegal transaksyon doon sa Pasay port na ni-raid natin noong August 13, 8:30 pm. Ang iba diyan ay itinuro ng isa sa mga buhay na nadakip at ang ilan ay base sa mga imbestigasyon na nakalap ng isa sa mga kasamahan lamang natin. Maaaring may mga kinalaman ang iba sa kanila at ang iba naman ay wala."

Kinuha ko mula sa folder ang bawat litrato at pinakatitigan iyon lahat. Ngunit ganoon na lamang ang pamimilog ng mga mata ko at panginginig ng kamay ng makakita ng dalawang pamilyar na litrato. Umusbong ang kaba at takot sa puso ko dahil doon.

"Sir... P-paano nasali 'tong mga batang 'to? Anong kinalaman nila dito?"

Nangunot ang noo ni Chief ng marinig ang pangangaralgal ng boses ko.

"That's why you need to investigate. If whether they're part of it or not."

Nanginginig ang kamay kong ibinalik ulit ang tingin sa litrato nina Berenice Ignacio at ni Chrispher... Napailing ako at napabuga ng hangin. Hindi 'to pwede. This is totally wrong!

"This is a very important case that's only given to you, Inspector Valerino. You're one of the best officers in this field and I hope for you to do this right. Huwag mo sana akong bibiguin, Inspector."

Continue Reading

You'll Also Like

5.1K 148 4
"There's no 'us' Breanna. There's just you and there's just myself."
15.9K 889 33
Kung si Bernice Oztalee ang iyong tatanungin kung sinusumpa niya ba ang buhay na meron siya at pinagsisisihan niya bang ipinanganak pa siya sa mundo...
12.2M 537K 57
(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age...
867K 23.7K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...