OFFICERS SERIES #1: Detaining...

Od jindoodle_fairy

26.8K 1.2K 168

Officers Series#1 Status: [COMPLETED] Other than having her dream profession, wealthy love from family and a... VĂ­ce

Detaining Him (Officers Series #1)
Simula
Kabanata 01
Kabanata 02
Kabanata 03
Kabanata 04
Kabanata 05
Kabanata 06
Kabanata 07
Kabanata 08
Kabanata 09
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabatana 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Wakas
Author's Note

Kabanata 14

435 28 5
Od jindoodle_fairy

14






---
"Ahmm kahapon pala..." Si Chrispher.

Natigilan ako mula sa paghigop sa hawak hawak kong Hazel nut cappuccino coffee ng narinig ko ang pangangaralgal sa kaniyang boses. Tumaas ang magkabila kong kilay bilang pagtatanong.

Umalon ang adam's apple sa kaniyang leeg bago dumapo ang kaniyang mga mata sa aking kanang braso. Napakurap ako at hindi rin napigilang mapatingin doon. He seems so worried all of a sudden.

"Is your arm okay?" He asked with a bother on his eyes. Kumabog ng biglaan ang namamahinga kong bagay sa dibdib.

"O-Oo naman, bakit?" I tried to be more casual. His stare is too intimidating to me. Nagbibigay iyon ng nakakaliyong pakiramdam sa akin. Ilang ulit ko na nga ba itong napapansin?

"Kinarga mo kasi si Chacey kahapon, baka napano 'yan," aniya at napayuko sa kaniyang brewed coffee.

"H-ha?" Sa gulat ko ay halos mabitawan ko pa ang hawak na tasa.

Hindi niya ako pinansin bagkus ay nakatitig pa rin siya sa kaniyang kape. Napalunok ako sa kadahilanang may alam nga siya tungkol sa braso ko. Pero paano?

Bahagya akong gumalaw at kinomportable muna ang sarili sa upuan. Palipat-lipat ang tingin ko sa kaniya at sa kaharap na mesa. Hindi ako mapakali at nagtataka ako kung bakit parang may alam siya sa sugat ko gayong tagong-tago ito.

"About your arm. I know you have something hiding inside that jacket," he paused and took a deep breath. Sumeryoso ang itsura niya ng mapatingin ulit sa akin. Ang mga mata niyang nag-aalab at nagtatanong ang sumalubong sa akin.

"Saan mo 'yan nakuha? Pwede ko bang malaman?"

It made me caught off guard! May alam nga siya! Napakurap ako at napakagat-labi. Iniwasan ko ang mga titig niyang parang hinahalukay ang pagkatao ko.

"Ahh..." Napakamot ako sa sentido at naghahanap pa ng maaaring sabihin sa utak. "Na ano... Nadaplisan lang ng kahoy."

Bakit ba ako kinakabahan? His stare is giving me chills!

Nangunot ang noo niya dahilan para mas lalo lamang akong makaramdam ng kaba. Shit! Ano bang meron? Eh, ano naman kung malaman niya? Pamilya ko lang naman ang pinagtataguan ko nito dahil ayaw ko silang mag-alala.

"I'm worried. Chacey is a bit heavy, baka ma-infect 'yan." Napanguso siya. Namilog ang mga mata ko at kalaunan ay nagpakawala ng mahinang tawa.

"Hindi, ano ka ba? Okay lang ako."

I need to divert this topic. Napabaling ako sa kaniya habang pasimpleng napakamot sa ilong.

"S-saan ba tayo pupunta ngayon?"

Matagal pa bago niya ako tuluyang nasagot dahil nanatili ang nagtatanong niyang mga mata sa akin. Kalaunan ay bumalik ulit ang masigla niyang ngiti dahilan para manumbalik sa normal ang takbo ng puso ko.

Chrispher is really particular. There's something about him that I can't understand. Iyong tipong kapag hahayaan ko ang nararamdaman ko ay mawawala ako sa sarili ko.  And I'm starting to hate this feeling. Dahil hindi ako sanay!

"Sa tingin mo saan?" His eyes is squinting and teasing. Iyong tipong sa mga mata pa lang niya ay mababasa at malalaman mo talaga na may kalokohan siyang naiisip.

"Aba'y malay ko?" Pabiro akong umirap, dahilan ng pagsimangot niya sa akin. Palihim akong mapangiti dahil sa pagbabago ng mood niya.

"Ang hirap mong pasabayin," reklamo niya habang umiiling sa kawalan. Para pa siyang bata na nagkakamot sa ulo. Agaran ko namang naalala ang bunso niyang kapatid na napaka-cute at halos 'di ko makalimutan.

Wait... What the heck?!

"Basta, secret lang. Kotse ko na lang dadalhin natin para tipid!" Bulalas niya habang nakapatong ang isang siko sa mesa at pinipitik.

Wala sa sarili na lang akong napatango. Okay rin naman kasi 'yon. Tipid sa gas. Tsaka siya ang may alam sa kung saan ang punta ngayon. Wala lang talaga akong magawa kaya ako sumasabay sa isang 'to.

Agad namang sumulpot sa isip ko ang mukha ni Berenice. Napatitig ako kay Chrispher na busy na ngayong kumakain ng mani. Para talaga siyang bata kung umasta. May pagka-inosente rin ang mukha niya at hindi mo aakalaing may kalokohan sa katawan. Pero balik tayo kay Berenice.

"Chrispher..." Ani ko habang nasa harap ng kape ang tingin.

Naramdaman ko ang bawat himaymay ng titig niya sa akin. Kahit hindi ko siya kita ay alam ko at ramdam ko. Hinintay ko siyang magsalita pero hindi ko iyon narinig. Kunot-noo akong nag-angat ng tingin. Nahuli ko siyang nakanganga at inosenteng kumukurap na nakatitig lang sa akin.

"Uh, huh?" Siya.

Napahinga ako ng malalim at napaayos ulit ng upo. Hindi ko mabasa kung ano ang nasa itsura at isip niya.

"Si Berenice." Ani ko.

"What about her?" His brows shut up after hearing the name, but later on he scoffed arrogantly. "She's nothing."

Natutop ko na lang ang bibig ko at nanatiling nakatitig sa kaniya.

"Don't mind her. Tell me if she lay a hand on you," his facial expression change in a serious one.

I lick the insides of my cheeks while staring at him. Now, I saw his little other side. Ano ba talaga ang meron sa kanila ni Berenice at parang may galit nga siya kapag 'yon ang pinag-uusapan? Is there something wrong about their relationship?

Pinagmasdan ko pa siya ng ilang saglit at pinapakiramdaman. A small pile of guilt woken me up. Ayaw kong sirain ang mood. I need to change the topic.

"Kamusta ang Yaya ni Chacey?"

He pouted. "She's fine now. She passed out while making her way inside the auditorium. We found out that she's four weeks pregnant."

Namilog ang parehong mata at bibig ko dahil sa sinabi niya.

"Hoy, totoo?" Takip bibig na ani ko. Ewan ko, basta naexcite ako pero at the same time nag-aalala rin.

He grinned and used his left hand to support his cheeks while staring at me. "Oo."

Unti-unting nawawala ang ngiti sa itsura ko at napalitan ng ngiwi. Ayan na naman ang itsura niya. Napakabilis magbago. Napaismid ako at ininom na lang ang natitirang kape sa kopita.

Hindi rin kami nagtagal doon dahil umalis na rin naman kami. Iniwan ko ang sasakyan ko na nakaparada sa café na 'yon. Kilala naman daw niya ang may-ari kaya ipapatingin na lang daw para hindi ako mag-alala.

Habang nasa byahe ay panay ang kwento na naman niya tungkol sa basketball nila kahapon at may binabanat pa.

"Do you know why girls rub their eyes every morning?" He said while driving. Panay ang kagat niya ng labi at halatang nagpipigil ng tawa.

Nangunot ang noo ko at nakangusong binalingan siya.

"Ano na naman 'yan?" Angil ko. He chortle and gaze back at me.

"'Bakit at Why' lang naman ang sasabihin mo. Ang KJ talaga," umiiling na aniya habang nasa manubela ang kanan niyang kamay at ang isa ay nakasandal ang siko sa bintana at nasa bibig naman ang palad.

"Kalokohan na naman ba 'yan?"

"Oyy! Hindi, ah," humagikhik siya. "Oh? Sige na, magtanong ka na."

Umangat ang gilid ng labi ko dahil hindi ko na napigilan pa ang nagtatagong ngiti. Hindi talaga siya nawawalan ng bagay na sasabihin. Bawat minuto ay may baon siyang kwento o salita na animo'y pinipigilan ka sa pananahimik. Ito rin siguro ang isa sa mga dahilan kung bakit nagiging komportable ako.

Napasinghap ako at napahinga na lang nang malalim. "Why?"

Tumikhim siya bago nagsalita. Ngising-ngisi at talagang nagpipigil ng tawa. Siguraduhin niya lang talaga na maayos 'tong sasabihin niya dahil talagang tatamaan siya sa akin.

"It's because they don't have balls to rub to," he chuckled before bitting his lip.

Natigilan ako. Naabutan pa ako ng ilang segundo bago nag-sink in sa utak ang ibig niyang sabihin. Kalaunan ay namilog ang mga mata ko at hindi na napigilan pa ang paggalaw ng kamay para hampasin siya sa braso.

"Bastos!"

He just burst out laughing like there's no tomorrow habang ako ay pinag-iinitan na ng mukha dahil sa kaniyang sinabi. Tarantado talaga.

Umabot din ng labinlimang minuto ang byahe bago kami nakarating sa parke. Maaliwalas ang panahon kaya magandang mamasyal at maglakad lakad dito. Pero, bakit dito?

"Anong gagawin mo dito?" Tanong ko habang tinatanggal ang pagkakabuckle ng seatbelt sa akin. Nang matanggal ay hindi ko na siya hinintay pa na pagbuksan ako kahit na nagmamadali siyang bumaba para ata gawin 'yon.

Busangot at nagkakamot ng ulo niyang itsura ang bumungad sa akin.

"Ayaw mo bang makita ang pagka-gentleman ko? Psh." Angil niya at namulsa.

"Kaya ko naman kasi, ibahin mo kasi ako," inirapan ko siya at agad na binalingan ang mga masasayang mukha ng mga tao sa paligid.

"Iba ka naman talaga, sobrang ibang-iba," Nakanguso ang mapupula niyang labi.

A strange feeling flew all over my stomach. Salita lang naman 'yon galing sa kaniya. Pero parang may humahalukay sa tiyan ko na nagpapakiliti sa akin. Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya at napahinga na lang ng malalim. Guni-guni lang 'to.

"Anong gagawin mo dito?" Tanong ko ulit at namewang. Ngumisi siya at lumapit sa akin.

"Hindi 'mo, kundi natin." Bulong niya. Halos mapaatras pa ako sa kinatatayuan ng maramdaman ko ang mainit at mabango niyang hininga malapit sa aking tenga.

"Ano ba?!" Sinipatan ko siya at bahagyang pinagpagan ang tenga. Tumawa lamang siya dahil sa ginawa ko.

"Ang harsh mo naman!" Ani niya at umaktong nagtatampo. Napangiwi ako at naglakad palagpas sa kaniya. Alam na alam niya talaga ang mga paraan para mapainis ako palagi e. Ang galing!

"Oy! Miss Police!" Sumunod siya sa akin at tumabi pa. Pinabayaan ko na lang din dahil wala naman akong pakialam. Inaaliw ko na lang ang tingin ko sa mga namamasyal na mga tao sa paligid at ang mga nagliliparang ibon na nagbibigay liwanag sa parke.

"Bakit ka nga pala walang trabaho ngayon?" He paused and gasped. "Huwag mo sabihing nag-absent ka para makasama ako kasi ayaw mo 'kong magalit?! Tsk. Tsk. May tama ka na ata sa akin." Iiling iling pa ang loko pagkatapos sabihin 'yon.

Napatigil ako sa paglalakad at maang na napatitig sa kaniya. "Kapal ng mukha mo."

"Aamin lang naman! Magde-deny pa— Hoy! Aba!" Hinimas himas niya ang parte ng brasong napalo ko habang nagpipigil pa ng tawa. Lakas makabanat na magpapa-inis talaga sa akin eh?!

"Sumama lang ako sa'yo kasi wala akong magawa. Tsaka on-leave ako ngayon. Alangan namang magmukmok ako sa bahay? Tsaka wala akong ibang mapuntahan. Pinagtatiyagaan lang kita," I hissed and walk passed at him again. Bahala na ang paa ko kung saan ako dalhin nito.

"Talaga?!"

Nang balingan ko siya ay kasing liwanag pa ng araw ang mukha niya. Ewan ko kung paano niya naggagawa pero 'yon ang nakikita ko.

"Ano ba kasing ginagawa natin dito?" Ani ko habang nililibot ang tingin sa paligid.

Maganda naman dito kasi presko ang hangin at masarap sa mata ang tanawin. Kahit nakaupo ka ay mag-eenjoy ka talaga. Madadala ka sa init at sarap ng hangin ng lugar, sabayan pa ng tila kumakantang huni ng ibon. Pero nagtataka lang ako dito sa kasama ko.

"Let's sit there," sabay turo niya sa isang bench hindi kalayuan. Sumunod na lang din ako dahil umuna na siyang naglakad sa akin habang pasipol-sipol pa.

Nang makarating siya doon ay agad niyang pinagpagan ang upuan. Nang makitang malinis na ito ay nginitian niya ako at itinuro sa akin ang upuan.

"Upo tayo dito," tumingala siya para tingnan ang puno ng Acasia. "Magandang spot dito kasi natatabunan ang araw ng kahoy at tsaka..." Huminga siya ng malalim at pilyong ngumiti. "Tayo lang dalawa."

Napabuga ako ng hangin at matalim siyang tinitigan. "Umayos ka."

As usual, tawa lang ang sinagot niya. Hindi na ata ako magugulat kong malaman ko na lang na may saltik nga talaga siya sa utak. Tsk. Sayang.

"Matanong ko lang..." Isinandal niya sa backrest ang kaniyang kamay at tumagilid paharap sa akin. Umangat ang isa sa kilay ko at napatitig sa kaniya.

"Bakit ka nag-pulis?" Aniya.

Napanguso ako at hinayaan muna ang oras na dumaan bago ako mahinang natawa dahil sa walang kabuluhan niyang tanong. Nagkibit-balikat lamang ako at napatitig ulit sa malaking espasyo ng parke, kung saan maraming mga bata at matatanda ang magkasama at nagkakatuwaan.

Ni minsan walang nagtanong sa akin no'n. Kahit si Mama at Papa wala akong narinig sa kanila na kinuwestyon kong bakit ito ang nakuha kong kurso. Si Papa ay tutol man pero hindi niya pa ako tinatanong ng ganoong bagay. Napatingala ako sa langit at napangiti.

"Simple lang naman ang dahilan kaya ako nag-pulis..." Ibinalik ko ulit ang tingin sa kaniya. Mula pa pala kanina ay nanatili lang ang mga mata niya sa akin. Humugot ulit ako ng hininga. "Gusto kong makatulong sa mga taong naargabyado. Tsaka pinoprotektahan ko ang pamilya ko. Iyon lang. Kung mayroon pa mang iba, iyon ay dahil nagagandahan ako sa uniform ng mga pulis."

Tumango siya at napakagat-labi. "May mga naging jowa ka ba dati?"

I scoffed and crossed my arms over my chest and my legs too. "Ang layo naman ata nang tinalon ng tanong mo?"

"That's one of the questions I want to be answered," he retorted.

"Wala," umiling ako.

"Bakit?" Kuryosong aniya.

"Kasi ayaw ko lang. Feeling ko burden lang 'yan sa akin. Tsaka wala akong time. Iiwan at iiwan rin ako ng kung sino mang makikipagrelasyon sa akin kasi busy akong tao."

"How can you say that?" His soft laugh feels like a song to my ears. This is crazy.

Napahinga ako ng malalim at pansamantalang napayuko, bago ko ulit siya tinitigan na nanliliit ang mata.

"Madalas 'yan ang dahilan ng paghihiwalay ng mga tao. Time. Walang time sa isa't isa. Marami 'yan sa Korea. 'Yan ang dahilan. Pati na nga rin dito sa Pilipinas." Naiiling akong nag-iwas ng tingin pagkatapos sabihin 'yon.

"Hindi kaya."

Kunot-noo ko siyang binalingan. Ang seryoso niyang mga mata ang agad kong natagpuan.

I scoffed. "At bakit?"

Wala na ang kaninang maliwanag niyang ekspresyon. Napalitan ito ng halong pagkaseryoso at paninimbang. Kumislot ang puso ko ng mas napagmasdan ko ang kaniyang itsura. Maputi, makinis at namumungay ang talukap ng kaniyang mga mata. Ang kaniyang labi ay manipis at mamula-mula.

"Someone can prove that your theory is wrong."

Napakurap ako at napamaang. Kalaunan ay nag-iwas ako ng tingin sa kaniya ng may nararamdaman akong bagay na gustong kumawala sa sistema ko.

Tumikhim ako at tinitigan ang relo sa kamay. "Anong oras na ba?"

He took a deep breath. "Are you hungry?"

Sa tanong niyang iyon ay tila nagbalik ang huwisyo kong kanina lang ay bigla na lang nawala sa akin. I admit! Nababaliw na ako! Shit! I never been nervous or this tense before!

"Tara!" Agad na akong tumayo dahil halos mapuno na ng pawis ang kamay ko dahil sa hindi ko maintindihang kaba.

"I reserved a place," tumayo siya at nag-unat ng kamay. "Let's go."

Tumango na lang ako at palihim na kinakalma ang sarili. Panay ang iwas ko ng tingin sa kaniya habang naglalakad kami pabalik sa kaniyang kotse pero talagang nasasagi ng mata ko ang ngiting kanina lang ay wala sa labi niya. Change of mood again.

Nang makarating kami sa nasabi niyang restaurant ay doon ko lang napag-alaman na isa ito sa pinaka-high end na restaurants dito sa Manila.

"Hati tayo," ani ko na nagpa-angat ng tingin niya papunta sa akin.

"Saan?" His expression is clueless. Napakagat-labi ako para pigilan ang ngiti sa labi.

"Dito? Sa babayaran—"

"No!" He chuckled and call the waiter. Tumaas ang kilay ko.

"At bakit?"

Nakangisi ulit siyang bumaling sa akin. "Dahil wala ka nang dapat na babayaran pa."

Napamaang ang bibig ko at ilang ulit pang napakurap bago tuluyang natauhan at pumasok sa isip ang gusto niyang iparating.

"It's my treat, Ren! Next time sa'yo na naman," kumindat pa siya at may isinenyas sa waiter bago ito umalis.

Hindi rin naman nagtagal ay dumating na ang mga pagkain na para sa amin. Agad na naaliw ang mga mata ko sa bawat pagkain na nasa aming harapan. Una kong tinikman ang isang pagkain na puno ng gravy. Oñios Deciato daw iyon sabi ni Chrispher.

Nang matikman ko ay namilog ang mga mata ko dahil sa sarap.

"It's sweet!" Tumatango tango ako habang sinasabi iyon sa kaniya. Ngumisi siya.

"It's sweet but not as sweet as me."

Agad akong napangiwi at binigyan siya ng blangkong ekspresyon. "Lakas ng tama mo."

"Oo, sobrang lakas. Sapol na sapol!" Tumawa siya at nagsimula na ring kumain.

Nang akmang susubo na ako ulit ay agad akong nakaramdam ng pangangati sa ilong. Nabitawan ko ang kutsara kong hawak at agad na napatakip sa ilong.

"Ren?" Nag-aalalang sambit ni Chrispher. Siguro ay napansin niya ang kakaibang kinikilos ko. Hindi ko na siya napansin.

"Oh shit!" Padabog na tumayo si Chrispher habang ako ay panay ang pagtatakip sa ilong. Naninikip din ang dibdib at hininga ko. Nang balingan ko siya ay may kausap na siyang lalaki na isang dipa lang ang layo sa akin.

"Can you take your flowers out?" Si Chrispher.

Nanlaki ang mga mata ko ng makitang ang kinakausap siyang lalaki ay may hawak hawak na bundle ng bulaklak. Shit! Kaya pala para para akong hindi makahinga at nangangati ang ilong ko!

"What?! Why would I? Who the fuck are you?" Matigas na ingles na sabi nong lalaki.

Lumundag sa kaba ang puso ko ng itinulak ni Chrispher iyong lalaki. Sa gulat ko ay agad akong napatayo at hinawakan siya sa braso kahit na sumasama na ang pakiramdam ko.

"Chrispher..." I tried to calmed him down.

"My girl is allergic with that fucking flowers! Get off your ass here with that fucking thing will you?!" Chrispher yelled at the top of his lungs.

PokraÄŤovat ve ÄŤtenĂ­

Mohlo by se ti lĂ­bit

127K 2K 62
What will happen if two completely stranger married people trapped together in a total stranger island and be forced to rely on each other in order t...
1.8M 29.4K 61
Clingy Boys Series#2: Capturing Declan Declan Luke Enriquez Jordan has the list of his own rules about what to choose on screwing chicks, including...
62.9K 929 52
She's a head turner. Madaming lalake ang nag kakandarapa kay nina, yet she still doesn't know how men looks at her. Not until her boss made a move t...
7.6K 201 25
Started date: October 3, 2021 Ended date: December 28, 2021