OFFICERS SERIES #1: Detaining...

Par jindoodle_fairy

26.8K 1.2K 168

Officers Series#1 Status: [COMPLETED] Other than having her dream profession, wealthy love from family and a... Plus

Detaining Him (Officers Series #1)
Simula
Kabanata 01
Kabanata 02
Kabanata 03
Kabanata 04
Kabanata 05
Kabanata 06
Kabanata 07
Kabanata 08
Kabanata 09
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabatana 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Wakas
Author's Note

Kabanata 10

507 29 3
Par jindoodle_fairy

10





---

"Ate!"

Hindi pa man ako tuluyang nakakapasok sa aming gate ay ang nakangiting mukha na ng kapatid ko ang bumungad sa akin. He run fast my direction. Ngumisi ako at inangat ang kaliwang kamay. Tumatawa siyang nakipag-apir sa akin.

"Ang tanda tanda mo na, para ka pa ring bata," nakangiwing ani ko at bahagyang ginulo ang kaniyang buhok.

"Eh, ikaw kaya?! Ginagawa mo 'kong bata." He rolled his eyes.

"Syempre, bunso ka e. Baby boy kumbaga." Napangisi ako nang agad siyang napangiwi. Tinampal niya ang kamay kong nakahawak sa kaniyang ulo. Napatawa ako.

"Yuck!" Lumayo siya sa akin na parang isa akong malaking dumi sa harap niya.

"Arte mo," I chuckled. I looked around and walked towards the door. "Asan si Mama? Si Papa ba nakauwi na?"

"Si Mama nasa kusina, si Papa nasa opisina. Nag-aalala ng tudo si Papa sa'yo Ate kaya umuwi na agad. Kinancel pa ata ang isang mahalagang meeting para makauwi at makita ka," tumawa ang kapatid ko. "Huwag mo sabihin sa kaniya na sinabi ko 'to sa'yo Ate, ah?! Yari ako kay Papa."

"Suss?! Baka gawagawa mo lang 'yan, ah? Ikaw mayayari sa'kin," naiiling ko siyang nilagpasan. Nang makarating sa kusina ay nakita ko si Mama na busyng busy sa ginagawa.

Nag-init ang puso ko ng makita ko si Mama na naglalagay ng icing sa cake. Napangiti ako. Gusto ko pa sana siyang pagmasdan bago lapitan pero itong loko kong kapatid ay sinira ang plano.

"Ate! Kailan ba ako gumawa ng mga istorya para sa ikakatuwa mo, ha?! Baka natamaan ng bala 'yang utak mo at hindi mo lang— Aray!" Isang batok ang agad niyang natamo galing sa akin. Sinipatan ko siya bago napatingin kay Mama na nakanganga at naiiyak na lumalapit sa akin. Agad na nagbago ang ekspresyon ko.

"Ma," ani ko at hindi na nagdalawang isip pang yakapin siya. I kissed her forehead.

"Phob! O-okay ka lang ba talaga?" Aniya at bahagyang kumalas sa yakap para matitigan ang buo kong katawan. She even gripped my right arm which made gasped in pain for a second. Tudo ang ngiti ko para itago ang sakit.

"O-okay lang Ma," pahapyaw akong tumawa. "Para namang giyera ang pinuntahan ko."

"Giyera kaya 'yun!" Sabat naman ni Preston habang tinitikman ang chocolate cake na ginagawa ni Mama. Pinandilatan ko siya ng mata bago napatitig ulit sa namumungay na mata ni Mama.

I smiled at her when I saw her staring intently at me. Iyong tipong binabasa niya ang buong pagkatao ko. Nagbabakasakaling makakita ng isang 'di kapani-paniwalang bagay.

"Ma naman," paglalambing ko at yakap ko ulit sa kaniya.

"I'm just... I'm just so worried, Phob. Hindi ako makatulog nang maayos kakaisip sa'yo..." Napapiyok siya at hindi na napigilan pa ang mga luha sa mata.

Nag-init ang mga mata ko dahil doon. Seeing my mother crying is so heartbreaking. I hugged her tight again and forced myself not to fall a single tears. I'm strong and I need to prove it to them.

"Suss, Mama naman. Nandito pa ako, oh?!" Tumawa ako at hinagod ang kaniyang likuran.

Umiyak lang siya sa mga bisig ko na pinabayaan ko na lang. Alam kong medyo may pagka-OA si Mama minsan pero alam kong ang pag-aalala nila ay talagang hindi mapapantayan.

I hate myself. I hate myself for making them feel this way. Pero para sa kanila din itong ginagawa ko at... ito ang gusto ko. This is my dream and my passion. Ngayong abot ko na ay bibitawan ko na lang ba? Oo at mahirap pero kailangan ko itong panindigan. This is also my way to keep them safe. I can defend them, and I can be their bulletproof in any way. My family is the most special treasure that I have. And I can't imagine myself without them.

Hindi rin naman nagtagal ay tumahan na si Mama. She's so happy to celebrate my 'comeback' kuno. Para namang ilang taon akong nawala? Eh, ilang araw lang naman 'yon. Napailing na lang ako at dinadamdam ang saya sa paligid.

"Ma, si Papa po ba?" Tanong ko kay Mama pagkaupo ko sa harapan ng lamesa. Ipinagpatuloy niya ang trabahong hindi natapos.

"Nasa opisina, Anak. Siguro ay nagta-trabaho pa ngayon..." Napatigil siya sa ginagawa at nakangiting napatitig sa akin. "Gusto mo bang makausap? Tatawagin ko ba?"

Agad akong napailing at nagkagat-labi. "Hihintayin ko na lang po siyang lumabas, Ma."

She smiled before nodding. I glanced at my brother who's now playing with his phone. His brows furrowed while cussing something.

"Preston!" Tawag ko sa kaniya. Nagpatuloy siya sa pagtutok sa cellphone at hindi ako pinansin. Napahinga ako ng malalim.

"Preston!" I even raised my voice just so he can heard me. But still, no response.

"Preston!" Si Mama na ang tumawag. "Tinatawag ka ng Ate mo."

Tsaka pa lang siya panandaliang napasulyap sa akin. "Bakit, Ate?" Aniya at itinuon ulit ang tingin sa cellphone.

"Itigil mo nga muna 'yan?" Sabi ko habang nagkakamot ng ulo.

"Ano?!" Nangunot ang noo niya at gulat na napasulyap sa akin. "Kita mong may ginagawa ako, eh."

Natigilan ako at nakangangang napatitig sa kaniya. Napabuga ako ng hangin. "Aba?! Ginaganiyan mo na 'ko?!"

"Ate, malapit na. Wait lang— Ayy Gago!" Mura niya habang tutok na tutok pa rin sa cellphone. Kulang na lang mahalikan niya ang cellphone sa sobrang lapit nito sa kaniyang mukha.

"Ma! Nagmumura!" Sumbong ko sabay turo sa kaniya. Agad na nanlaki ang mga maya niya at napatingin kay Mama na pinagbabantaan siya ng titig. Napangisi ako.

"Bakit ba kasi, Ate?! Panira ka e," yamot niyang ibinaba ang cellphone.

"Bukas ang first day ng school event niyo 'di ba?" Kumuha ako ng fries sa mesa.

Lumiwanag ang mukha ng kapatid ko pagkatapos ko iyong banggitin. Umusli ang ngiti sa labi niya ko.

"Pupunta ka?! Sure ba 'yan?!" Bakas ang excitement sa boses niya na nagpangisi sa akin.

Naalala ko tuloy si Chrispher. Tss. Kaya talaga siguro agad na gumaan ang loob ko sa isang 'yon dahil magkahawig sila ng ugali ng kapatid kong 'to. Kaya rin siguro ganoon ang pakiramdam ko kanina.

"May pupuntahan din kasi ako do'n."

"Sino?" Naningkit ang mga mata niya habang may nakakalokong ngiti sa labi.

Agad na nagreact ang nasa loob ng dibdib ko ng agad na lumabas sa utak ko ang itsura ni Chrispher.

Palihim akong napangiwi bago nag-iwas nang tingin sa kaniya. Bakit ko ba sinabi 'yon? Minsan talaga napapansin ko na nawawalan na nang preno itong bibig ko. Parang may sarili ng utak. Mariin kong ipinikit ang mga mata at napailing.

"Ikaw?" I tried to be more sarcastic.

"Si Kuya Chrispher?" Mas lalo lamang naningkit ang mga mata ng kapatid ko. Sinimangutan ko siya at agad na napaayos ng upo sa upuan, hindi ako agad nakapagsalita. Nagpatuloy siya.

"Alangan namang si Kuya Andrew 'di ba? Tapos na kaya 'yung mag-aral, tsaka sa Ateneo 'yon, UST lang ang may school event bukas. Bukod kay Kuya Andrew na nakwento mo sa akin ay si Kuya Chrispher—"

"Loko ka talaga. Ikaw ang pupuntahan ko do'n! Ma... bihis muna ako," nakangiwi kong sinamaan ng tingin ang kapatid bago dali-daling tumayo at umalis na ng kusina. Umalingawngaw pa ang tawa ng damuho kong kapatid na mas lalo lamang nagpaalab ng nararamdaman ko.

Pagdating sa kwarto ay agad na akong nagbihis. Iniwan ko ang white sando ko at umupo sa kama, katabi ang first aid kit na kinuha ko sa CR kanina. Mag-isa kong pinalitan ang bandage ng sugat ko. At nang matapos ay pagod akong huminga ng malalim at hinayaang bumagsak ang katawan sa kama. Napatitig ako sa ceiling.

Bumalik sa isipan ko ang lahat ng pinagdaanan ko sa raid namin noong isang araw. Nagpapasalamat pa rin ako sa Diyos na inalagaan niya ako hindi pinabayaan. That's too risky. Kung hindi lang ako naging maingat ay baka mas malala pa ata ang natamo ko. Although, that's not the first time pero ang mga kamuntikan ng tama ng bala sa akin ay talagang nakakapanindig balahibo.

Habang nasa kalagitnaan ng pag-iisip ay tumunog ang cellphone ko sa bulsa. Inangat ko ang sarili ko at kinuha ang cellphone. Bumungad sa akin ang pangalan ni Chief. Manulo.

"Yes, Sir." Sagot ko.

"Gusto lang sana kitang kamustahin, okay ka lang ba?" Agad akong napangiti ng marinig ang pag-aalala sa boses ng kamag-anak.

"Okay lang po, Tito," ani ko.

"Kung ganoon ay sulitin mo na lang ang leave mo. Huwag kang maggagala. Panatilihin mo ang lakas ng kalusugan mo. May ipapagawa ako sa'yo pagkatapos ng iyong leave," aniya. Nangunot ang noo ko.

"Po? Ano po 'yon?"

"May pinaghihinalaan kaming suspek na kasapi sa transaksyong iyon. Isa sa mga nahuli ang nagbigay ng ideya. Pero ayaw ko munang isipin mo pa ito Phob, tsaka na. Magpagaling ka," ani ni Tito.

Ilang segundo akong natahimik at napatango na lang din. "Sige po, Chief."

"Take care, Phob," aniya bago binaba ang tawag.

Natahimik ako at napatulala sa kawalan. Una pa lang ay iyon na rin ang nasa isip ko. Hindi nag-iisa ang Senator na iyon. Alam kong may mga kasapi pa siya na nagtatago at nagpapatuloy pa rin.

Mariin kong ipinikit ang mga mata at napasuklay ng buhok. Hindi pa masyadong magaling ang sugat ko pero kakayanin ko namang gumawa ng pag-iimbestiga. Pero... gusto ko rin munang makasama ang pamilya ko sa kahit ganiyong panahon na wala pa akong trabaho. Minsan lang kami magkasama ng kompleto kaya susulitin ko na lang talaga.

Tumunog ulit ang cellphone ko. Napanguso ako ng makita ang pangalan ni Chrispher na nakapaskil sa caller's I.D. Pinaningkitan ko ng mata ang cellphone bago kinuha at sinagot ang tawag.

"Miss Police! Ano na? Free ka ba bukas?" Iyon ang agad na bungad niya sa akin. Hindi ko man siya nakikita ay alam kong nakaplaster na ang mga mapuputi niyang ngipin.

"Oo, anong oras ba?" Inayos ko ang unan at kumot ko sa kama.

"10:00 am pa ang start ng basketball namin," masayang aniya.

"Basketball?" Natigilan ako. "Maglalakwatsa lang ako. Hindi ako mahilig manood ng basketball," ani ko at nagpatuloy ulit sa ginagawa.

Totoo naman kasi. Naboboringan ako sa larong iyon. Hindi ko masyadong maintindihan ang larong 'yan. Hindi naman ako taga-bukid o ano pero talagang ayaw ko ng basketball.

"Ano?! Isa ako sa maglalaro doon! Ipapanalo ko 'yon! Pustahan pa tayo e," mayabang na aniya.

"Hindi nga kasi ako mahilig manood ng basketball," bored kong usal at humiga sa kama. Niyakap ko ang unan ko habang nakikinig sa kabilang linya.

"What? Who the heck wouldn't like basketball?" Bulyaw niya na nagpangiwi sa akin.

"Maka 'who the heck' ka diyan, ah? Itong kausap mo ngayon! Ayaw ng basketball! Gets?" Umikot ang mata ko sa ere at inayos ng bahagya ang bandage ko sa braso.

"Woah!" Tumawa siya. "I'm sure kapag nakita mo akong maglaro mapapa-who the heck ka rin. You should cheer me up, Miss Police! Mas ma-eenergized ako, pramiss!"

Lumipad ang isip ko papunta kay Berenice. "Tss. Siguradong marami ang magche-cheer sa'yo kaya huwag na."

"Mas dadami pa kapag sumali ka kaya mas maganda 'yon," umamo ang boses niya. "Please... manood ka lang sa akin. Siguradong mula bukas gugustuhin mo nang manood ng basketball araw araw!"

I scoffed. "Ang yabang mo."

"See? I can even hear you smiling and praising me. Tsk. Hinding-hindi kita bibiguin, Miss Police!"

"Mas mayabang ka pa sa kapatid ko e," naiiling kong saad habang natatawa sa pinagsasabi niya.

"I'm sure magkasing-gwapo din kami." Sabay bungisngis niya.

"Ang hangin! Ang ginaw pa ng hangin!" Ani ko at nagboses nanginginig. Tumawa lang siya dahil doon.

"Susunduin ba kita bukas?" Tanong niya.

"Hindi na. Sasama ako sa kapatid ko. Tsaka baka alas-nwebe na kami makakapunta sa school niyo. Pupunta pa kaming gym," ani ko habang nakapikit ang mata.

"What gym? Saang gym?" He asked attentively. Napabuga ako ng hangin.

"Sa BGC lang. Tapat ng Greenwich," walang pakealam kong saad.

"Are you always there every morning?"

"Depende, kapag maaga ang trabaho edi ipagpapaliban ko muna, pero kapag wala, madalas ako doon."

"Alright! I'll see you tomorrow then. I need to say bye for now, I need to clean up my dogs," he chuckled.

Inaantok akong tumango. "Geh."

Hinintay kong i-end niya ang tawag. Nangunot ang noo ko ng may narirong pa rin akong ingay sa kabilang linya.

"You should end the call first," aniya. Napabuka ako ng mata at napatitig sa cellphone. Napangiti ako sa hindi ko malamang dahilan. Aba'y gentleman rin pala ang mokong.

"Geh, bye." Agad ko nang pinatay ang tawag. Pikit ang mata akong nakangiti habang hinahayaan ang sariling makatulog.

Nagising ako pagkatanghali. Lumabas ako ng kwarto at nagbakasakaling makakausap si Papa pero hindi pa rin ata lumalabas sa opisina niya. Kumain na lang ako kasama si Mama at Preston. Pagkatapos no'n ay pumunta ako ng garahe para tingnan ang Ducati kong ilang araw ko ng hindi nagagamit. Gusto ko sanang sakyan pero parang hindi pa kaya ng braso ko.

Pagdating ng hapon ay nanood lang ako ng movies sa kwarto at naghanap ng makakapal na long sleeve shirt para matabunan ang braso ko. Bukas ay pupunta pa kami ni Preston sa gym. Sasama lang ako sa kaniya dahil ayaw kong mahalata niya na may dinaramdam akong sakit sa braso. Pero talagang ayaw ko pang magbuhat ng mabibigat na bagay o gumawa ng routines. Sasamahan ko lang ang kapatid ko at bahala na bukas kong ano ang mga palusot ko.

Pagdating naman ng gabi ay hindi ko pa rin natiyempuhan si Papa. Talagang tambak siya sa trabaho dahil sa naiwan niya sa Dubai. Nagu-guilty tuloy ako. Sana lang ay maging maayos siya at makapagpahinga.

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Habang naliligo ay iniinda ko ang sakit sa braso kaya  medyo natagalan ako. Pagkatapos kong magbihis ay nakita ko na ang kapatid na nakaupo sa living room at nakasuot ng gym shorts at sando. Nangunot ang noo niya ng makita ang ayos ko.

Nakasuot ako ng white longsleeve shirt at jogging pants. Madalas kasi akong mag-sports bra lang kaya paniguradong magtataka siya.

"Saan ka pupunta, Ate?" Tanong niya at tumayo habang nakasukbit ang duffel bag sa kanang braso.

"Sa gym?" I scoffed and get my keys into our mini cabinet. "Isang kotse lang ang dadalhin natin."

Tumango siya at inabot ang kamay sa akin. Nagtaas ako ng kilay. Ininguso niya ang susi sa kamay ko. "Ako na, Ate."

Napanguso ako at ibinigay na sa kaniya ang susi. Mas mabuti na rin 'yon para hindi magalaw ang braso ko. Hindi na namin nagawang magpaalam kina Mama dahil mahimbing pa ang tulog. Katabi na niya si Papa at bakas sa mukha nito ang pagod.

Nang makarating na kami ng gym ay dumiretso na lang ako sa bench na siyang ipinagtataka ng kapatid ko.

"What's wrong, Ate? Hindi ka mag-eexercise?" Nagtataka niyang tanong. Nginitian ko siya at inilingan.

"Mamaya na, medyo sumama ang pakiramdam ko."

"Ano? Umuwi ka na lang kaya muna? Dalhin mo na lang ang kotse—" hindi ko siya pinatapos.

"Hindi, hihintayin na lang kita," ani ko at binigyan siya ng siguradong ngiti. Nakitaan ko pa siya ng pagtataka bago tumango at nagsimula na sa ginagawa. Ako naman ay agad na pinagpawisan.

Inilibot ko na lang ang tingin ko sa paligid. May mga mas maaga pa pala sa amin dito. Ang iba ay gumagamit ng treadmill ang iba ay dumbell at ang iba naman ay nags-stretching.

"Thanks, bud! This is my first day, then."

Isang pamilyar na boses ang nagpakunot ng aking noo. Agad kong hinanap ang may-ari ng boses na iyon at nanlaki ang mga mata ng makilala kung sino ito. Nasa front desk siya at kausap ang may-ari ng gym. A strange feeling immediately gushed through my system. At tila tumigil ang lahat ng agad na nagtagpo ang mga mata namin.

"Miss Police!" Lumiwanag ang kaniyang mukha.

He's wearing a dark sando and a gym shorts. Kitang-kita ang malalaking biyak ng muscles sa kaniyang braso at binti. Medyo magulo ang kaniyang buhok pero nababagay pa rin sa kaniyang porma.

Napalunok ako nang tumakbo siya papunta sa kinaroroonan ko. Agad na dumapo ang tingin ko sa kapatid na nakatalikod sa amin. Gumagamit na siya ngayon ng treadmill. Napaginhawa ako ng makita ang earpods sa kaniyang magkabilang tenga.

"Kanina ka pa ba?" Chrispher smiled genuinely at me. Ilang segundo pa akong natigilan dahil sa hindi ko malamang dahilan. Nanatili ang mata ko sa kaniya.

"K-kakarating lang," napatikhim ako. "B-bakit ka nandito?" Hindi ko na pinansin pa ang panginginig ng boses, dahil mismong ako hindi alam kung bakit.

Ngumisi siya at tumabi nang upo sa akin. Agad kong naamoy ang mabango niyang katawan.

"Dahil gusto kong mag-gym," obvious na aniya at kumindat pa. Mas lalo siyang ngumiti dahilan para lumabas ang munting dimples sa kaniyang pisngi.

Hindi ko alam... pero parang nag-iiba ang pakiramdam ko. Parang magkakatotoo pa ata ang pagsisinungaling ko sa kapatid ko.

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

62.9K 929 52
She's a head turner. Madaming lalake ang nag kakandarapa kay nina, yet she still doesn't know how men looks at her. Not until her boss made a move t...
3.4K 156 37
Que Ramirez's normal life takes a turn when she suddenly started receiving creepy messages and chats from an unknown stalker.
8.6K 1.6K 57
Katerina Grace Miranda is the prettiest student in NEO high school history, she was known for her beauty, her personality, and her friendship with th...
460K 8.9K 37
"It was such a disgrace for me and my family that you are bearing our family name!" Pam Venice Lopez-Espiritu, a martyr wife. She is a loving, unders...