OFFICERS SERIES #1: Detaining...

By jindoodle_fairy

28.6K 1.3K 168

Officers Series#1 Status: [COMPLETED] Other than having her dream profession, wealthy love from family and a... More

Detaining Him (Officers Series #1)
Simula
Kabanata 01
Kabanata 02
Kabanata 03
Kabanata 04
Kabanata 05
Kabanata 06
Kabanata 07
Kabanata 08
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabatana 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Wakas
Author's Note

Kabanata 09

532 32 6
By jindoodle_fairy

09






----

Habang pinaninindigan ang pagtitig sa labas ay isang mahinang tawa ni Shanel ang narinig ko. Dahan-dahan kong ginalaw ang ulo ko at nakangusong napatitig sa kaniya.

I saw her staring at me. It's as if I'm a ridiculous joke in front of her.

"Okay ka lang, Phob? Kanina ka pa nakatuod diyan," naningkit ang mga mata niya habang natatawa. I grimaced.

"Okay lang. M-may iniisip lang," ani ko sabay tawa ng mapakla. Nababaliw na ata ako.

"Are you hungry?" Tanong ni Andrew. Napatingin ako sa kaniya at ngumisi.

"Hindi pa naman," ani ko kahit na talagang medyo kumakalam na ang sikmura ko.

Bahagya akong napasulyap sa direksyon ni Chrispher. Agad na kumislot ang puso ko ng nakatitig pa rin siya sa akin. Nag-iwas ulit ako ng tingin. Ano ba ang problema ng isang 'to? Kanina pa siya titig ng titig dito ah? Nakakabanas! Hindi ako mapakali!

Bahagya akong tumikhim at kunot-noo ulit siyang sinulyapan. Nang nagtagpo ulit ang mga mata namin ay tinaas ko ang kaliwang kilay ko at sinamaan siya ng tingin. Nagpakawala lang siya ng nakakalokong ngisi na agad din naman niyang tinigilan.

Ewan ko ba?! Talagang hindi ako mapakali e. Ramdam na ramdam ko kasi na may nakatitig talaga sa akin. Malakas pa naman ang instinct ko. Sanay ako sa mga titig ng tao.

Ngumuso siya at umayos ng upo sa kaniyang upuan. Kahit na nasa malayong lamesa siya ay kitang-kita ko ang pagpipigil niya ng ngiti. His eyes is smiling and sparkling. Tumikhim ako ulit at nakalimutan ko pang may sugat nga pala ako sa kanang braso, dahilan para sumakit ito ng akmang ipag-c-crossed ko ito sa gitna ng dibdib. Tangina.

"Phob! Dahan-dahan," saway ni Shanel ng mapansin ang mahinang daing ko.

"O-okay lang," pinilit kong tumawa para pigilan ang ngiwi. Naramdaman ko ang marahang paghawak ni Andrew sa kanang kamay ko kaya napasinghap ako.

"Be careful. Your wound isn't healed yet," aniya gamit ang malamyos na boses. Parang naghihili lang ng kambing e.

"Huwag nga kayo," ngumisi ako at tinitigan si Andrew. "Okay lang ako."

Andrew pursed his lips hiding a smile and looked away. Napailing na lang ako at napasulyap ulit kay Chrispher. Kung kanina ay ngiting ngiti at parang kinikiliti, ngayon ay busangot na. Nakanguso siya habang palipat-lipat ang tingin sa akin at sa kay Andrew.

Nangunot ang noo ko at ininguso ang kaharap niyang si Berenice. Kapag ako mapansin ng Berenice na 'yan at samaan na naman ng tingin, makakatikim na talaga ang lalaking 'to sa'kin.

Tingin ng tingin dito e may kasama siya?! 'Di ba 'yan timang?! Naghahanap talaga ng perwisyo e. Nag-iwas ako ng tingin ng dumating na ang waiter para ihanda ang mga pagkain namin. Napasulyap ulit ako sa kay Chrispher at nakitang sineserve na rin ang pagkain nila. He twitched his lips while staring blankly at Berenice. Parang may sinasabi si Berenice at base sa body language nito ay nagku-kwento ito ng isang nakaka-excite na bagay, at si Chrispher bilang loko-loko... napaka-boring ng ekspresyon.

Pinagmasdan ko lang siya hanggang sa tamad siyang gumalaw at kinuha ang cellphone sa bulsa. Hindi na pinapakealaman pa si Berenice. Hindi ko alam na may pagka-bastos rin pala ang ugali ng isang 'to. Napahinga ako ng malalim at napailing na lang.

Itinuon ko na lang ang pansin sa dumating na pagkain hanggang sa naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko sa bulsa. Kinuha ko ito at tinitigan ang message... galing kay Chrispher. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at nahuli siyang pasimpleng ngumi-ngisi sa akin.

Chrispher:

Gusto kong lumipat ng table.

Sinipatan ko muna siya bago nag-type ng reply. Ako kinakabahan sa lalaking 'to e. May ka-date tapos tingin ng tingin sa iba?! Aba'y! Magaling!

Ako:

Tumigil ka nga! May kasama ka diyan!

Nakakabanas! Kakakilala ko pa lang sa kaniya pero parang ilang taon na kong tratuhin ko siya. Well, magkasing ugali sila ng kapatid ko kaya siguro ganito. Tss. Wala naman akong pakialam.

Chrispher:

Tell that guy beside you to sit near the other girl. Lilipat ako.

Napabuga ako ng hangin at halos habulin na ang hininga. Tinitigan ko siya at pinanlakihan ng mata, may halong pagbabanta. Ngumisi lang ang loko at kumindat pa.

Napasinghap ako ng lumingon si Berenice sa direksyon ko kaya agad akong nag-iwas ng tingin at tinitigan ang mga pagkain sa harap.

Napakurap-kurap ako habang napapalunok ng ilang ulit. Lumulundag din ang puso ko sa kaba. Hayy! Bakit ba ganito?! Pahamak talaga ang lalaking 'to! Kapag ako nadamay kapag nag-away sila ng jowa niyang dragon lagot talaga 'yan sa'kin! Kaasar!

"Phob..." Tawag ni Andrew sa akin. Umayos ako ng upo at binalingan siya. Gulat ang agad na namutawi sa akin ng kutsara na may lamang pagkain ang nakaharap sa akin. "Say, ahh."

Nanlaki ang mga mata ko. "Andrew ako na. K-kaya ko naman e."

Akmang kukunin ko na ang kutsara sa kaniya nang agad niya itong inilayo. Natigilan ako at napatitig na lang sa kaniya. He smiled and chuckled.

"Let me, Phob." Aniya.

Ilang segundo pa akong natigilan bago naiilang na tumango at isinubo ang kutsarang may pagkain. Sa gilid ng mata ko ay napansin ko agad na ang mabilis na ilaw mula sa camera. Gulat akong napatingin kay Shanel.

"Oopps! Sorry hindi ko na-off ang light," sabay tawa niya at pakita sa litraro namin ni Andrew. Napasimangot ako at napailing. Sinulyapan ko naman si Andrew na tumatawa at namumula.

Nang aksidenteng napadapo ang tingin ko kay Chrispher ay nakatitig na siya kay Berenice. Wala nang makita pang ibang reaksyon kundi ang pagiging seryoso at blanko. Hindi na rin siya tumitingin sa direksyon ko. Tss. Mabuti naman.

Nagpatuloy ang pagkain namin. Sinigurado kong ako na ang sumusubo sa pagkain ko dahil kinakantyawan na kami ni Shanel. Isa pa 'tong babaeng 'to. Kahit na pinipilit ako ni Andrew ay talagang hindi ko na siya hinayaan pa. May kamay naman ako at nagagalaw ko pa kaya hindi na kailangan pang subuan.

Nang i-sinerve na ang desert ay agad akong nakaramdam ng tawag kalikasan. Nagpaalam muna ako kina Andrew at Shanel nag magc-cr muna.

"Be careful, Phob," ani ni Andrew.

Bahagya akong natawa at napangiwi dahil sa sinabi niya. "Cr ang pupuntahan ko, hindi putukan ng bala."

"Yeah, yeah. Whatever." He laughed.

Palinga-linga ako sa paligid habang gumigiya sa Restroom ng malaking restaurant na ito. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mapigilang hangaan ang lugar na ito. Hindi naman ako ignorante, hindi lang talaga ako mahilig magpunta sa ganitong mga mamahaling lugar. At tsaka, nang grumaduate akong college at nakapag-trabaho, wala na akong ibang ginawa kundi ang gawing busy at gamitin ang bawat oras. Ayaw kong sayangin ang mga iyon sa mga walang kabuluhan.

Nang akmang bubuksan ko na ang pintuan ng restroom ay halos tumalon ang kaluluwa ko sa gulat ng agad na humilig si Chrispher sa pintuan. Magka-crossed ang kaniyang mga braso at naniningkit ang mga matang nakatitig sa akin.

"Ano ba?!" Habol ang hininga kong sigaw sa kaniya habang nakahawak sa dibdib. Sinamaan ko siya ng tingin, iyong tipong kulang na lang magsiliparan ang mga kutsilyo mula sa mga mata ko. "Papatayin mo ba ako, ha?!"

Ngumuso siya at umayos ng tayo. "What's the name of that guy again?" Pabagsak halos lahat ng iyon. Kumunot ang noo ko.

"Sino?"

"The... The guy beside you," he rolled his eyes and looked away. Para pa siyang pagod at naiirita habang binabanggit iyon. Ano na namang problema nito?

"Si Andrew?"

"Who is he?" Tanong niya ulit habang nakangiwi at nagkakamot ng ulo. Huminga ako ng malalim at tamad siyang tinitigan.

"Si Andrew-"

"I mean... Kaano-ano mo siya?" He asked. "Like... cousin? Brother?" I saw him swallowing hard while looking intently at me. Parang hinahanap niya sa mga mata ko ang sagot sa isang mathematical equation.

"Bakit?" I said eyes squinting. Nagiging weird na naman ang isang 'to. Kapag ito kalokohan susupalpalin ko na talaga 'to.

"Just asking?" He shrugged and smiled nervously.

"Kaibigan ko si Andrew," ani ko at nilabanan ang paninitig niya. He pursed his lips and nodded. Napalunok ako ng dumapo ang mata ko sa labi niya. Tumikhim ako at agad nag-iwas ng tingin, kalaunan ay binalik din gamit ang naiiritang ekspresyon.

"Hoy! Huwag ka ngang tingin ng tingin sa direksyon namin?! May kasama ka tapos nasa iba ang atensyon mo?! Tsaka ba't ka ba nandito? Kung magc-CR ka huwag dito! Pambabae 'to, oh?" Sabay turo ko sa sign. "Doon pa sa kabila inyo!" Parang nanay kong saad.

Pero siya, imbes na pakinggan at sundin ang lahat ng sinabi ko ay nanatili lamang siyang nakatitig sa akin. Ngayon, may munting ngiti na sa labi. Sa hindi ko malamang dahilan ay uminit ang dibdib ko at nag-iba ang takbo ng nasa loob. Napasinghap ako at hinawakan ang door handle. Nang akmang hihilahin ko na ito para buksan ay agad niya namang pinigilan gamit ang sariling kamay.

"Chrispher!" Untag ko sa kaniya. Busangot ang mukha ko siyang tinitigan. "Huwag mo 'kong gagalitin, ah?!"

Ngumisi siya at binitawan na ang door handle. Ako naman ay padabog na binuksan ang pintuan at akmang isasarado na nang pinigilan niya ulit iyon. Pakiramdam ko ay ilang segundo na lang sasabog na ako sa halo-halong nararamdaman.

"Tomorrow is our school event, kailan ka free? Pwede ka ba?" He said, he even blinked twice.

"Pag-iisipan ko." Napabuga ako ng hangin at bahagyang lumapit sa kaniya. "Ngayon, kapag hindi mo iaalis 'yang ulo mo diyan matatadyakan kita!"

Imbes na matakot sa banta ko ay nagawa niya pang tumawa at kumindat. Taena kapag may nakakita dito sa'min at iba pa isipin malilintikan talaga siya sa'kin!

"I'll see you later, Miss Police!" Sigaw niya sa labas.

Umikot ang mata ko sa ere at dumiretso na sa trono na dapat kanina ko pa inupuan. Pagkatapos ko sa cubicle ay agad akong dumiretso sa salamin. Naghugas ng kamay at napahilamos ng mukha. Ngayon lang ako nagkaramdam ng ganitong kalse ng panggigigil!

"Bakit ang tagal mo naman ata, Phob?" Agad na bungad sa akin ni Shanel pagkabalik ko doon sa lamesa namin. Padabog akong umupo sa upuan ko.

"Wala. May kakilala lang na nakausap," ani ko at kumuha ng tinidor at kumuha ng pasta.

Napasulyap ako sa kinauupuan ni Chrispher at hindi na ako nagulat pa nang nakita ko na naman siyang nakatingin sa akin. Nakasimangot at nakanguso. Nakita ko kung paano niya itinuro si Andrew gamit ang kaniyang mga mata at bibig. Napabuga ako ng hangin at hindi sinasadyang nabitawan ang hawak hawak na tinidor.

"You seems so bothered," nakangiwing ani ni Shanel habang ngumunguya ng pagkain. Naniningkit ang mga mata at parang nang-iimbestiga. Kumabog ang dibdib ko sa hindi ko malamang dahilan.

"W-wala. Si Mama kasi... ano... pinapauwi na ako," ani ko at tipid na ngumiti.

Dumapo nang bahagya ang mata ko kay Chrispher na umiiling sa sinasabi ni Berenice. Kalaunan ay napatingin din siya sa akin. Tumikhim ako at napatitig sa chocolate cake sa lamesa.

"Ikaw Phob, ah?" Ani ni Shanel sabay haplos sa baba niya, naniningkit pa rin ang mata at may mapaglarong ngiti sa labi. Tumikhim siya at gumalaw. Nanlaki ang mga mata ko ng bumaling siya sa direksyon nina Chrispher.

"Shanel!" Mabilis ang hininga kong saad. "S-saan ka pupunta pagkatapos?"

Shit! Ano ba 'tong nangyayari sa akin?! Ba't kinakabahan ako?! Hayy kainis!

"Why? You want to go somewhere else before going home?" Tanong ni Andrew habang kumakain ng pasta.

"Ahh, w-wala naman," napalunok ako at umayos ng upo.

"Hmmm... May pupuntahan pa ako sa Pasay, e. Tsaka bibisitahin ko na lang kapatid ko, bago ako pumunta ng Makati," Si Shanel.

"Ihahatid na lang kita, Sha," offer ni Andrew kay Shanel.

"Naku hindi na Andrew, nakakahiya," sabay tawa ni Shanel.

"No, it's fine with me. May pupuntahan din kasi ako sa Pasay," Si Andrew. Napabaling siya sa akin at ngumiti.

"O-okay sige," pahapyaw na tumawa si Shanel at nag-sip sa kaniyang juice.

"Is it okay if we drop Phob to her house first?" Si Andrew habang nagpupunas ng bibig.

"Ha? Naku, hindi na. Kaya ko namang magcommute, e. Tsaka malapit lang ang bahay dito, kaya ko na. Matatagalan lang kayo kapag ihahatid pa ako," ani ko at uminom sa aking pineapple juice. Pero parang hindi pa ata tatalab ang suhestyon ko.

"Okay lang 'no! Hoy, Phob huwag ka nang umangal," ani Shanel sabay turo sa akin.

"Yeah, we can drop you by. Tsaka malapit lang naman ang inyo. It will help you save money, so stop insisting," Andrew laughed and called the waiter.

Kalaunan ay tumango na lang din ako at hinayaan sila sa gusto nila. Nasa departamento pa kasi ang kotse ko at paniguradong bukas ko pa makukuha.

Si Andrew lahat ang nagbayad sa mga pinag-kainan namin. Wala na kaming ibang nagawa ni Shanel kundi ang magpasalamat sa mayamang abogado.

Nang napagpasyahan na naming umalis ay napasulyap ulit ako sa kinaroroonan ni Chrispher. Nakatingin pa rin siya sa akin. Napakagat labi ako at hindi na siya pinansin pa. Sakit sa ulo.

Nakasunod lang ako kina Andrew at Shanel papalabas hanggang sa makarating sa Parking lot. Habang nakikinig sa pinag-uusapan nina Shanel at Andrew ay isang sigaw ng pangalan ko ang agad na nagpatigil sa akin.

"Ren!" Chrispher's voice literally made me stop. Of course! It's my secret nickname! Na tanging pamilya ko lang ang pwedeng tumawag na ngayon ay pati na sa isang... sa isang kakakilala ko pa lang.

He run swiftly and stopped only meters away from me. His usual smile is plastered through his faced. His playful grin and all. Sa tingin ko ay hindi lang siya ang tumigil, pati ang paligid. I scoffed and shooked my head. Nababaliw na talaga ako.

"Anong ginagawa mo dito?!" Iritang bungad ko sa kaniya. Ang kaninang kaba ay bumabalik na naman sa akin. Binalingan ko ang likod niya, nagbabakasakali sa bulto ni Berenice. "Iniwan mo 'yong kasama mo do'n?!"

Ngumisi siya. "She can wait."

"Ano na naman ba, ha?!" Bakit ba pakiramdam ko ay malaking gulo itong napasukan ko? Bakit parang iba ang nararamdaman ko kapag kaharap ko 'tong lalaking 'to? Pakiramdam ko parang may malaking kasalanan ako e!

Siguro dahil kay Berenice. Iyong sama ba naman nang titig niya sa akin noong una pa lang ay halatang iba na. Dapat hindi siya sa akin magalit eh, magalit siya sa lalaking 'to 'no?! Nakakaperwisyo talaga ng utak ang lalaking 'to eh! Una pa lang!

"Don't forget to text or call if you're going to the school event, okay? I'm open, 24/7," he smiled wide and winked.

Umikot ang mata ko sa ere. Napabuga ako ng hangin at nagkibit balikat. "Oh? Ano pa?"

"Berenice isn't my girlfriend," aniya at ngiting-ngiti na hinuhuli an titig ko. Nangunot ang noo ko.

"Nagtanong ba 'ko?"

He shrugged. "Just saying. Baka iba isipin mo."

"At bakit naman ako mag-iisip ng iba?" Naguguluhang ani ko. Nilalabanan ang naglalaro niyang ekspresyon.

He grinned. "Again... Just saying." He laughed and walk backwards. He waved his hand merrily in the air. He even jumped joyfully.

"Ngiti ka nga! Miss Police!" Sigaw niya at nag-pogi pose.

"Alis na!" Sigaw ko pabalik.

"Ngiti ka muna!" Tumawa siya at tumigil sa pag-atras. He formed his lips into a smile using his hands.

Napanguso ako at nilibot ang tingin sa paligid. Kitang-kita ko ang paninitig ng mga tao sa amin. Hindi ko tuloy mapigilang mailang. Inis ko siyang tinitigan pabalik. Inangat ko ang kamay ko at pilit ang ngiting kinawayan siya. Tangina. Para na talaga akong baliw dito.

Tumawa siya at sumigaw pa bago tumakbo pabalik sa loob ng restaurant. Inis akong napakamot sa ulo at nag-martsa na papunta sa kotse ni Andrew. Nadatnan ko pa si Shanel na nakanganga at pabalik-balik ang titig sa akin at doon sa kinaroroonan ni Chrispher kanina.

"Wow... Sino 'yon, Phob?" Natatawang tanong niya.

"Ahh, k-kaibigan lang," ani ko at pumasok na sa frontseat. Nadatnan ko sa loob si Andrew na kunot-noong nakatingin rin sa labas, kalaunan ay napatingin ulit sa akin. May pagtatanong at pagtataka sa mga mata. Nag-iwas na lang ako ng tingin.

"Sure ka, Phob?" Sabay halakhak ni Shanel. Akmang magsasalita na ako ng inunahan ako ni Andrew.

"That kid is just a friend of Phob, Shanel," seryosong sagot ni Andrew kay Shanel bago pinaandar ang kotse.

Pilit ang ngiti akong bumaling kay Shanel at tumango. Ngumisi lang siya sa akin at nagkibit ng balikat.

Ibinaling ko na lang ang tingin sa labas at napakagat-labi. Isinandal ko ang katawan ko sa headrest at mariing ipinikit ang mga mata. Lokong Chrispher talaga.

Continue Reading

You'll Also Like

22.6K 680 43
BADASS SERIES #2 [Cashiana Montero] Started date:July 10, 2021 Finished date:October 3, 2021
67.8K 985 18
Love and hope are two essential abstracts in this world. Where humanity is nowhere to be found, and some people fail to spread positivity and kindnes...
166K 5.3K 98
My wedding day came. I wore an expensive dress, inside a beautiful venue with a lot of guests among them are my family and his wives. On that day, my...
1.4M 30.1K 50
Missy.. My bestfriend's daughter na lumaki sa aking pangangalaga. Ang sanhi para hiwalayan ako ng aking boyfriend. Ang sanhi para itakwil ako ng sari...