Mission # 32

58 1 0
                                    

Candice's POV

Nasa classroom pa ako at nagliligpit ng gamit.

Lumabas ako at pumunta sa locker room. Nilagay ko ang mga gamit ko sa locker ko at isasara na sana kaso ayaw eh parang may nakaipit. Kailangan pa yata neto ng santong paspasan eh. Handa na akong pwersahin ito. Pero may nauna na. Siya ang nagsara nun para sa akin.

Naka-corner ako sa kanya habang nakatalikod.

Napangiti ako.

"My loves na--" Humarap ako sa kanya at napalayo. Ka-Shocky!

"A-Anong ginagawa mo dito?" Pautal-utal kong tanong habang siya nakangiti lang.

"Bakit parang gulat na gulat ka? " Nakangiti niya pa ring sabi.

"Akala ko kasi nagdrop ka na. Hindi na rin kasi kita nakikita dito." Ngumiti lang siya.

"Kinailangan ko nga yata ng mahabang oras at maraming space. Akala ko ang space and time nasa physics lang pati pala sa pagmamahal. Naging maliit nga siguro ang EXO Academy noong nasa buhay pa kita pero salamat dahil ikaw din nagpalaki nun."

Huh?

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko.

"Noong nasaktan ako, doon ko lang din napansin na masyadong malaki ang mundo para umikot ang buhay ko sa isang tao kaya salamat dahil tuluyan kang lumayo sa akin para siguro mahanap ko rin kung sino ang para sa akin. Napadaaan lang talaga ako dito dahil may susunduin pa ako pero ok na ring nakita kita para magpasalamat sa'yo. Masaya akong makita kang masaya. Hindi na ikaw ang fan ko dahil ikaw na ang idol ko." Ginulo niya ang buhok ko habang nakangiti.

Napangiti na rin ako. Masaya na siya at masaya na rin ako.

Bigla namang may humila sa wrist ko. Si Kyungmyluvs pala.

"What do you want?" Pero nakangiti pa rin si Sungjae hanggang ngayon kahit na parang inaamok siya ng away ni Kyungmyluvs.

"My loves ko!" Bigla namang may sumigaw na babae na papunta sa amin.

Papunta kay Sungjae?

My loves ko?

Bwiset dinaig niya yung endearment namin ni Kyungmyluvs.May 'my' na may 'ko' pa. Bigla naman siyang yumakap kay Sungjae. Inakbayan siya ni Sungjae at nakangiti pa rin ito. Napangiti ako dahil mukhang yun na nga ang sinasabi sa akin ni Sungjae. Masaya akong makita rin siyang masaya.

"My loves ko, sino sila?" Tanong ng cute at may bangs na mukhang girlfriend ni Sungjae. Kung hindi lang siya cute baka ginupit ko na yung bangs niya eh. Mabuti na lang talaga.

"Hon, si Candice at yung boyfriend niya si Kyungsoo." Ngiting inspired pa rin si Sungjae.

"Ikaw pala yung madalas ikwento ng boyfriend ko. Mabuti na lang dumating ka sa buhay niya kundi baka hindi ako nakakita ng boyfriend na kasing tino niya at kasing loyal. Chorong nga pala." Inilahad niya ang palad niya. Kinuha ko naman at nakipag-shake hands. Nakangiti ako at real yun. Mukhang mabait siya at jolly din. Matapos makipagshake-hands sa akin kay Kyungmyluvs naman.

"Hi, Kyungsoo. Maswerte ka kay Candice." Nakangiti lang si Chorong.

"I know. " Cold lang na sagot ni Kyungmyluvs.

"Alagaan mo siya." Sabi naman ni Sungjae.

"I will." Maikli na namang sagot ni Kyungmyluvs.

"Ipagsigawan mo ng girlfriend mo si Candice at sabihin niyo na rin sa kuya niya ang tungkol sa inyong dalawa." Hindi ko alam kung ano magiging reaksyon ko.

Mission:12 Stars (Exo Fanfic)[Completed]Where stories live. Discover now