Mission # 52

45 4 0
                                    

Author's POV

"A second chance pala ang peg niyo ngayon. Tsk! Paano kaya yun?" Napakalumbaba si Aica matapos makwento ni Aubrey ang nangyari ng gabing yun.

"Nasaktan ko talaga siya. Siguro nga dapat na akong tuluyang umalis sa buhay niya." Nasa bench kaming dalawa ni Aubrey, dito sa parke kung saan nangyari ang masasakit na bahagi ng kwento nila Sehun at Aubrey.

"Ganun na lang yun?" Mula sa kung saan lumabas ang isang matipunong naka-plain white t-shirt na si Luhan.

"Oh!" Gulat na reaksyon ni Aubrey. Tumingin siya sa akin sabay sabing,

"Hindi ba siya yung--" Tumango na ako kahit hindi niya pa nasasabi yung gusto niyang sabihin. Lumakad papalapit sa amin si Luhan.

"Matagal akong naging kaibigan ni Sehun. Siguro hindi na tayo nagkakilala dahil masyadong masikreto yung si Sehun pero alam ko ang istorya at alam ko kung gaano kalaki ang pinagbago ni Sehun simula nung mawala ka." Aba! Itong lalaking ito mahilig rin palang makelam sa lovelife ng iba. Ngumiti ng mapanloko si Luhan.

*************

Nasa isang coffee shop sina Miranda at Sehun. Tulala lang si Sehun habang nag-kwe-kwento si Miranda. Nagbabalik-balik ang imahe ni Aubrey na kanina niya pa pinipilit tanggalin sa isipan niya.

"Hey! Are you with me? Kanina pa ako nag-kwe-kwento ng kung anu-ano dito pero hindi mo man lang magawang mag-react." Bigla namang nagising ang diwa ni Sehun nang mag-simula ng mag-iba ang mood ni Miranda.

"I'm thorry wala lang din ako sa mood pwede bang ihatid na kita at umuwi na rin ako?" Tinignan ni Miranda si Sehun at para bang may paghihinala na.

"Ok na ako. Kaya kong ng umuwi. Umuwi ka na rin para makapag-pahinga ka na." Tumayo na si Miranda at napatayo rin naman si Sehun. Hinatid ni Sehun si Miranda sa parking lot kung nasan ang sasakyan nito.

"I'm really thorry." Sabi ni Sehun nang pagbuksan niya ng pinto si Miranda.

"It's ok." Sumakay na si Miranda sa magara nitong sa sasakyan kung san may driver siyang mag-hahatid sa kanya. Napabugha ng hangin si Sehun nang maalala muli si Aubrey. Sumakay na rin siya sa sasakyan niya nang may biglang tumawag sa kanya.

(Yobotheyo! Oh! Hyung napatawag ka?) Masigla niyang pagbati ngunit sa likod nito ay ang totoong Sehun.

(Nasan ka?) Tanong ni Luhan sa kabilang linya.

(Tha Coffee Thop kung thaan ako madalath bumili ng bubble tea.)-Sehun

(Hintayin mo ko. Pupunta ako diyan.)-Luhan

(Huh? Pero ba--)

*toot*toot*toot*

Nag-hintay naman si Sehun kay Luhan. Aba't pinagtataksilan niya si Miranda!

Anyway, dumating na ang hapong-hapo na si Luhan.

Umupo na siya. Kaharap niya ngayon si Sehun.

"Oh hyung bakit mo ba ako pinaghintay?" Umiinom na naman siya ng bubble tea.

"Pabibigkas ko lang sana sayo yung Mississippi." Seryosong sabi ni Luhan.

"Niloloko ma ba ako hyung? Kayang-kaya ko yan nuh." Bigla namang natawa si Luhan.

"Hahahaha joke lang. Eto seryoso na. . . . .Nakita ko si Aubrey." Yung seryosong Sehun mas lumevel-up pa.

"Oo nakita ko na rin thiya. Kung thiya rin lang pag-uusapin natin. Pwede na ba akong umalith?" Pagka-bitter-bitter na sabi ni Sehun.

Mission:12 Stars (Exo Fanfic)[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon