Mission # 30

70 1 0
                                    


Aica's POV

Mission Sixth Star :Case Close (^_^) (~_^) (^_~) (^*^)

(A/N: Medyo pinahaba ko talaga yung kay Kris. Kakamiss kasi siya eh. Para sa mga Kris-bias, wag kayong mag-alala ramdam ko kayo. OT12! FIGHTING!!)

*****************

Pumunta kami ng dumaraming tropang potchi sa Secret Room para lang mas lalo maintindihan ni Kris at Arianne kung ano ba yung misyong sinasabi ko. Mukhang kumbinsidong-kumbinsido naman sila. Natapos na yung klase ko at pauwi na rin ako. Bakit ba ganito yung pakiramdam ko? Gusto kong bumalik sa EXO Academy. Natagpuan ko na lang ang sarili ko na pabalik na sa EXO Academy. Grabe tong trip ko. Nagpapagod lang ang peg? Nakabalik nga ako sa EXO Academy. Ngayon, anong gusto mong gawin Aica Alvez?

Tumingin ako sa buong paligid. May nakita akong bench doon sa sinasabi kong mukhang park dati kung saan kami nag-baliw-baliwan ni Chen. Umupo ako sa bench.

Ano ba talagang balak mo Aica Alvez? Mag-gagabi na pero meron talaga ako nararamdamang kakaiba. Biglang sumakit yung ulo ko at may nag-flash na picture ng isang crown at isang batang babae. Napapikit ako.

"Ok ka lang?" Napadilat ako ng marinig ang boses ni Lay.

"Lay. .Bakit hindi ka pa umuuwi?" Tanong ko.

"Katatapos lang kasi ng practice namin. Bakit ikaw ba?" Tumayo ako.

"Huh?" Na-out of balance ako. Biglang may nag-flash na picture ng isang heart necklace na pula dahil sa dugo sa loob nito. Nasalo naman ako ni Lay

"Ok ka lang ba talaga?" Pag-aalalang tanong niya.

"Ang weird." Sabi ko.

"Umuwi na tayo. Ihahatid na kita. Teka ang alam ko nandito pa sina Chen. Gusto mo bang isabay na rin natin sila?" Tumango ako. Sinamahan nga nila ako sa paglalakad. Nandito sina Chen, Kyungsoo, Kai, Kris, Min, Arianne ,Lay, Amee ,Rhian at Candice . Hindi na kami sumakay. Bukod kasi sa marami naman kami, gusto rin ng mga lovebirds na magkasama sila ng matagal. Malapit lang ang bahay ko pero ewan ko sa kanila.

"Ok ka na ba talaga?" Tanong ni Rhian.

Tumango ako.

May nakita kaming nagtitinda ng ice cream at huminto naman kami. Alam niyo na yung dalawa hindi lang rooftop couple. Ice cream couple pa. Sila na nga ang may hawak ng couple awards. Bumibili na kami ng ice cream pero isang ingay ang narinig namin.

"Ano yun?" Tanong ko pero mukhang ako lang ang nakarinig.

Sinundan ko yung ingay kung saan nanggagaling.

"Saan ka pupunta?" Sigaw ni Chen.

Naramdaman kong sumunod siya sa akin.

Nakapunta ako sa isang abandunadong lugar. Madilim na at mas madilim na rin dito. Nasaksihan ko ang isang babae na nakatali habang meron namang isang lalaki na nakahandusay pero mukhang hindi pa naman siya patay. Nagtago ako ng makita sila. May siguro mga pito silang nakatakip ang mga mukha pero kita ang mga mata. Sumisigaw ang babae at napansin ko ang uniform niya. Katulad ng sa amin pero yung lalaking nakahandusay mukha siyang gangster at sigurado akong hindi siya estudyante ng EXO Academy. Hindi ko makita ang mukha nung lalaki. Dumura siya at tumayo muli kahit halata namang hindi niya na kaya. Sumuntok siya pero nahawakan lang ang kamay niya.

"Hayaan niyo na siya." Sabi nung isa. Bakit parang narinig ko na ang boses niya?

"Para silang mga ninja." Nasa likod ko na pala sina Chen.

Mission:12 Stars (Exo Fanfic)[Completed]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora