Mission # 17

155 5 2
                                    

Candice's POV

Mag-iisang linggo na kami ni Kyungsoo. Yieeee ang saya lang. Kinikilig pa rin ako. Mamayang gabi mag-kakaroon ng pool party. Dahil maraming elite students sa EXO Academy at mahilig ang mga ito sa party at kung ano pang gimik. Gumawa ang school president na si Junmyeon ng isang program na kung saan double benefits. Ang socialization na ito ay inorganisa para makapag-enjoy naman ang mga estudyante pero habang nag-eenjoy sila ay nakakatulong din. Ang malilikom na pera na babayaran ng mga estudyante ay idodonate para makatulong sa mga programa ng gobyerno. At dahil mayaman si Mr. President siya na ang nanguna sa pag-bibigay ng donasyon. Isipin niyo na lang na isa talaga malaking pool party ang magaganap.

******Pool Party******

Nandito na ako sa event.

Ito lang ang masasabi ko. Nag-sisisi na ako.

Maraming nasa pool at alam niyo na naka-swim wear sila.

Naku! Wala akong balak mag-swimming. Naka shirt lang ako at shorts. Alam ko na, kakain na lang ako ng kakain tapos magtatago na lang kami ni Kyungmyluvs sa isang sulok. Wahahaha! Good idea Candice!

"Hmmmm... " Ang daming pagkain. Ang hirap mamili.

"Ano bang masarap kainin?" Sabi ko sa sarili ko. May umiikot na waiters pero mas gusto kong pag-silbihan ang sarili ko.

"Ako." Napatingin ako sa gilid ko kung saan may nagsalita. Baka nga makain ko to. Raawrr! (^u^) Si Kyungmyluvs na wet look na topless. Tumingin ako sa paligid. Mukhang wala pa nga sila kuya. Sabi niya kasi magkakasabay daw sila nina Aica, Rhian, Min at Lay. Magkalapit na nga yung mga yun sa isa't isa. Anyway wala pa sila kaya lalandi muna ako. XD

"May free taste ba?"-ako

"Meron pero hindi pwede dito. "-Kyungmyluvs

Kinikilig talaga aketch. Nakaka-sad lang kasi hindi kami direktang nag-uusap kasi alam niyo na maraming paparazzi sa tabi-tabi.

"Dyo." Biglang may tumabi kay Kyungmyluvs na isa pang ulam.

Pengeng extra rice! Joke lang Kyungmyluvs mas maganda yung katawan mo kesa diyan sa Kai na yan.

Jong In "Kai" Kim ang casanova prince ng EXO Academy.

Manloloko, babaero, s*r@ ul* , g@g* ,t@*@nt@do pero gwapo.

Nag-uusap sila at ayoko sumingit sa usapan baka mahalata kami.

"Maraming sexy ngayong gabi. " Sabay turo sa mga naka-two piece. Kainis bad influence to sa boyfriend ko!

"Oo nga." ABA! Sumangayon talaga si Kyungmyluvs. Tsk hoy! May two-piece din ako! Two piece manok!

Gusto ko na talagang sumingit pero kailangan magpigil para sa secret relationship na ito. Nakaupo ako at umiinom lang ng drinks. Kanina ko pa hinahanap si Kyungmyluvs. Simula kase nung hinila siya ni Kai hindi ko na alam saan siya hahagilapin.

*Beep* 1 Message Received

From: Kyungmyluvs

(Pumunta ka sa garden sa may medyo madilim na part.)

Hinanap ko naman daw. Medyo madilim na nga kung nasan ako ngayon. May naramdaman akong biglang yumakap sa akin mula sa likod.

"Hi." Hi pa lang kilala ko na ang boses na yun. Nagpalit na yata siya. Umalis siya sa pag-kakayakap sa akin at ngayon nasa harapan ko na siya.

"Alis tayo dito." Sabi niya.

Nasa parking area na kami.

Aica's POV

Mission:12 Stars (Exo Fanfic)[Completed]Where stories live. Discover now