Mission # 40

44 1 0
                                    

Nica's POV

"Naku! Sorry!" Napatingala ako.

"Teka! Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Jewel na ngayon ay nasa harap ko.

"Ikaw, anong ginagawa mo dito?" May biglang humila sa aming dalawa palabas ng venue at iyon ay si May.

"Hanggang dito ba naman kailangan niyo akong sundan" Huh? Hindi siya ang pinuntahan ko dito kundi yung mahal ko.

"Ano bang sinasabi mo, huh? Kayong dalawa, wag niyong sabihing isa rin kayo sa mga fans niya. Pwes kung ganun gusto ko lang sabihin sa inyo, hindi lang ako basta fan at hindi ko lang siya basta idol. Inlove ako sa kanya." Napayuko ako.

Parehas kami ng nararamdaman ni Jewel. Gusto niya rin si Chanyeol? At hindi lang din basta idol ang tingin ko sa kaniya. Inlove din kasi ako sa kanya.

"Ano? Inlove ka sa kaniya? Tsk! Eh mangaagaw ka pala eh. Una siyang naging akin." Hindi pwede! Hindi lang pala kami ni Jewel ang inlove sa kaniya, si May din. Parang may mga kuryenteng namamagitan sa dalawa. Naiinis ako! Para bagang ganun din ang nararamdaman nila. Naiinis din sila. Napatingin sila sa akin ng sabay.

"IKAW DIN?" Sabay nilang tanong.

". . . Oo. . Siya yung dati kong kinewento sa inyo. At ako ang unang nakakita sa kaniya para sabihin ko sa inyo. Ilang beses ding akong nagmumukhang t@n*@ sa inyo. Nagpapakaalila at utus-utusan niyo sa fandom natin. Ngayon, pati ang nag-iisang lalaking nagpatibok sa puso ko, balak niyong agawin. Oras na pumasok kayo diyan. . ." Tinuro ko yung pintuan papasok sa venue. ". . . Our friendship will over." Tumahimik silang dalawa. Kinakabahan ako. Pipilitin kaya nilang magparaya? Dahil ako oras na hindi sila pumasok diyan mas papahalagahan ko sila kesa sa nararamdaman ko. Pero mukhang wala nga silang pakialam sa akin.

Hinawakan ni May ang pinto at tinulak naman iyon ni Jewel. Gusto kong umiyak pero graduate na ang talunang Nica. Sinimulan ko ng maglakad at sumunod sa kanila papasok sa venue.

Ngayon, ganito ako magmahal kapag nasaktan ng tinuring kong mga kaibigan.

Aica's POV

Dadaan?

Hindi dadaan?

Dadaan?

Hindi dadaan?

Nasa likod ako ngayon ng isang pader. Si Daehyun kasi nasa corridor at madadaanan ko siya kapag dumaan ako doon. Oo alam ko naman daanan yun pero kasi naalala ko yung kagabi. Ang awkward kaya! Pero kung hindi naman ako dadaan baka himatayin ako dito. Hindi ako makakapunta sa favorite place ko dito sa school. Saan pa ba eh di sa Canteen.

"Dadaan." Sabi ko sa sarili ko nang mapagtanto ko ang mga bagay na yun.

Yumuko ako at hinarang ang buhok ko left side kasi nasa left side ko siya kapag dumaan na ako sa harap niya.

*Lakad*Lakad*Lakad*

Yes! Nakalagpas na ako sa kaniya!

"Aica?" Rinig kong tanong niya sa sarili niya.

*Gulp*

*Bilis*Lakad*Lakad*

Bilis !

Halos napatakbo na ako at muli ay nagtago sa isang pader. Pero ang katabi ko ngayon ay isang malaking locker.

"A-Aica?"-Siya

"Aba! Hi Channie!" Wave ng mga hands sabay ngiti. Sa kaniya pala yung dulong locker na katabi ko ngayon. Sumilip ako kung sinundan ba ako ni Daehyun.

Mission:12 Stars (Exo Fanfic)[Completed]Where stories live. Discover now