Mission # 20

117 1 0
                                    

Aica's POV

"Ssshh baka magising. Hintayin na lang natin."

"Ehh kasi naman ang tagal ."

Bakit ang ingay? Pagdilat ko ng mata.

"AAaaaahhh!" Napasigaw ako ng makita sila Lami, Jeno at nanay Fe.

"A-anong ginagawa niyo dito sa kwarto ko?" Lahat sila nakatitig lang sa akin. Nakakailang tuloy.

"Ate buntis ka na ba?" HhaAnUuUdaAw?

"Ano bang sinasabi mong bata ka?"sigaw ko kay Lami.

"Pagpasensyahan mo na yung mga kapatid mo. Alam mo naman sa panahon ngayon tinuturo na sa mga bata ang mga bagay na yun. May nag-hatid kasi sayo na lalaki dito. Tulog ka at buhat ka niya. " Singit ni Nanay Fe.

"Si kuya Daehyun yung naghatid sayo. At talagang iba yung iisipin namin dahil hatinggabi na nung inuwi ka niya dito. " Sabi ni Jeno.

"Aizt ano bang pinagsasabi niyo? Nanay Fe pakilabas na po sila dito. Maliligo na po ako may pasok pa po kasi ako." Sabi ko.

Dumiretso ako sa banyo. Tumingin ako sa salamin. Bakit ba kung anu-anong pumapasok sa isip nila? Pati tuloy ako naii-stress.

Meron ba talagang nangyari kahapon?

Aizt WALA AICA!

NAHIHIBANG KA LANG!

Dapat kung may nangyari man kahapon masakit yung ano mo.... AYY PUTEK! Kung anu-ano na rin pumapasok sa utak ko.

Napasabunot ako sa sarili ko. Erase na! Walang kung ano mang nangyari! Ok?

******EXO Academy*******

Naglalakad ako sa corridor.

"Aica!" (0.0) aajkdgdhskdagfhjf

"D-daehyun." Bakit ba ako kinakabahan? Wala nga nangyari!

"Bakit ganyan yung mukha mo?" Hinawakan niya yung mukha ko kaya napaurong ako .

"Ahh Daehyun...Ahh wala." Sabi ko.

"Ang weird mo..." Nag-simula na siyang maglakad. Ganun din ako.

Ang dami niyang pang sinasabi pero hindi ko naiintindihan. Ang dami-dami kasing pumapasok sa utak ko ehh.

Napahinto ako sa pag-lalakad.

"Ohh..." Napahinto siya.

"Ahh Daehyun may tanong lang ako."

Konsensya 1:Kailangan ko ba talagang itanong yun?!

Konsensya 2:Oo kesa naman mabaliw ka!

"Ano?"-Daehyun

"A-anong nangyari kagabi?"-ako

"Gusto mo ba talaga malaman?"

Lumapit siya sa akin. Malapit na malapit. Kinakabahan tuloy ako. Ngumiti siya ng nakakaloko.

"A-ano nga?" Paurong ako ng paurong hanggang sa nacorner niya ako. Wala na akong iuurong.

*DUG*DUG*

..................

......................

"Tinulugan mo ko." Tsaka siya umalis sa pagkaka-corner sa akin.

Nakahinga ako ng maluwag.

"Aigoo!" Hinabol ko siya sa paglalakad tsaka ko siya binatukan.

"Bakit?" Sigaw niya sa akin.

Mission:12 Stars (Exo Fanfic)[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon