Mission # 51

42 2 0
                                    

Aica's POV

Napatigil ako sa paglalakad. May mga mukhang goons kasi sa daan.

"Luhan, san nga pala tayo pupunta?" Hindi sa mapanghusga ako pero mukha talaga silang mga kontrabida sa pelikula.

"Aba malay ko sayo. Hinila mo nga lang ako bigla di ba? Sana lang hindi mo ako rape-in." Tumingin ako sa kanya na parang sinasabing Ano-Bang-sinasabi-mo look.

"Tsk! Ang kapal mo! Imposible yun nuh." Imposible talaga pero bakit hindi ko naisip yun? Joke (^-^)V

Pero saan nga kaya kami pupunta? Papalapit na ng papalapit yung mga mukhang goons sa amin.

(A/N: Kapag gwapo gangster kapag pangit goons? KALOKA!)

"Balik na tayo." Bulong ko. Ang sasama ng tingin nila. Dumura pa yung isa.

Kadiri si kuya! Padilatan ko sa kanya yung daan eh.

"Ano?" Ito naman katabi ko ang gwapo sana bingi naman.

"Tara na. Bumalik na tayo." Bulong ko pa ulit.

"Huh?" Sa sobrang cute ni Luhan ang sarap niyang pisilin lalo na sa mga oras na ito. Kagigil!

"Ta-" Sisigaw pa lang ako. Nang nakalapit na sila kuyang mukhang goons.

"May pupuntahan kayo? Sama naman kami." Sama daw! Langya hindi nga namin alam pupuntahan namin sasama pa kayo!

"Ah mga pre pasensya na pero hindi kami pupunta sa kung saan. Pauwi na kami eh." Nagpaliwanag pa si Luhan. Grabe! Close sila?

"Wag mo naman solohin yung chix na kasama mo. Ika nga nila share-share! Wahahahaha!" Sabay-sabay silang nagtawanan.

Napasmirk si Luhan. Hinawakan niya na yung kamay ko na siyang kinagulat ko naman.

"Oh! Sabi share tayo eh! Bakit ikaw lang?" Hahawakan rin sana nung lalaking dumura kanina yung kamay ko pero hinila ako ni Luhan at itinabi sa likod niya. Sumama ang tingin nung lalaki kay Luhan kaya naman nagsalita na ako.

"Ah hindi namin gusto ng gulo-" Hindi ako pinatapos nung lalaking mukhang aswang.

"Hindi naman magkakagulo kung sasama ka sa amin." Kuya naman, paayos mo muna yung ngipin mo parang mas malala ka pa sa asong may rabist eh.

"Mas gusto ko pang magkagulo kesa sumama siya sa inyo." Tinawanan nung mga lalaki si Luhan sabay ambang ng suntok.

*BOoOOGgGsSh*

Nakaiwas si Luhan. Sumusuntok siya gamit yung isa niyang kamay kasi hawak niya pa rin ako. Hindi niya ako binibitawan kahit na tinatamaan na siya. Napapapikit na nga lang ako. Natigil lang ang lahat ng may dumaang sasakyan ng pulis. Tumakbo silang lahat. Naiwan lang kami ni Luhan. Hinawakan niya ang dalawang balikat ko at iniharap sa kanya. Doon ko lang napansin na may sugat na siya sa ilalim ng magaganda niyang mga mata at pumutok na rin yung labi niya.

"Ok ka lang ba? Hindi ka ba nasaktan?" Ako pa yung tinanong niya samantalang siya yung nasugatan.

"Ikaw, ok ka lang ba?" Hinawakan ko yung mukha niya at napatingin ako sa labi niya.

"Oo, hindi ko naman nararamdaman yung sakit." Sagot niya. Napabitiw ako nang maalala kong mali ang nararamdaman ko. Kahit naman siguro hindi ako yung kasama niya ipagtatanggol niya pa rin kung sino man yun.

"Sa bahay muna tayo." Aya ko sa kanya para magamot agad yung mga sugat niya.

*******************

Mission:12 Stars (Exo Fanfic)[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon