Mission # 26

81 4 0
                                    

Aica's POV

"Ate mag-kakaroon kami ng family day." Sabi ni Lami nang pumasok siya sa kwarto ko.

Gumagawa ako ng homework at mga reports habang kumakain ng sitsirya.

"Wala naman sila mama at papa. *Nom* Hindi ba pwedeng wag ka ng sumama." Sabi ko sabay subo ng sitsirya.

"Hindi eh. Pero ate pwede namang mga ate at kuya na lang yung sumama." Sabi ni Lami.

"O sige, kami na lang ni kuya Jeno mo."-Ako

"Ate hindi siya pwede. High school pa kasi siya. "-Lami

"Eh sino isasama natin. Hindi naman pwede si Kuya Himchan kasi baka puro pa-gwapings lang siya doon."-Ako

"Tinawagan ko na si Kuya Daehyun at pumayag naman siya."-Lami

"Ano? Pwede namang si Lay,si Min, si Chen o kaya naman si Kyungsoo o pwede rin si Kai. Hindi mo man lang ako tinanong. Haay bata ka talaga!"-Ako

Arianne's POV

Pagpasok ko sa kwarto ni Kris. Nag-hatid lang ako ng meryenda niya at naabutan ko doon ang mama niya.

"Anak para naman toh sa kapatid mo para maranasan niyang maglaro." Rinig kong sabi ng mama niya.

"Ode samahan niyo siya." Wala talagang galang tong lalaking toh.

"May aasikasuhin pa kami ng papa mo kaya naman ikaw lang ang pwedeng sumama sa kaniya."-Mama niya

Nilapag ko na sa lamesa yung meryenda niya.

"Sige pero kasama si Arianne." Ano bang! Napatingin sa akin ang mama niya.

"O sige basta samahan mo ang kapatid mo." Lumabas na yung mama niya.

"Haizt! Dadamay mo pa ako sa problema mo. Kung gusto mo rin maglaro. Wag mo na akong idamay. "-Ako

"Sa ayaw at sa gusto mo sasama ka pa rin naman."-Kris

Walangya talaga! As if naman makikipag-laro ako doon! Tsk!

***Family Day***

"Ayaw mo naman pala . Bakit hindi mo sinabi kila mama?"-Kris

Nakaupo lang kaming tatlo sa isang bench.

Nasa park kami. Maraming mga bata at may mga guardian din sila. Alam niyo ba mas mukha pang matanda si Jisung kay Kris. Sa upo pa lang. Ang cool tignan ni Jisung habang nakaupo habang ang cold tignan ni Kris habang nakaupo.

"Sinabi ko na sa kanila si mama lang naman ang may gusto."-Jisung

May hawak si Kris na ice cream at tinatakam pa ako habang kinakain niya yun. Tss!

"Gusto mo?" Aba inalok niya ako baka may balak siyang ilibre ako. Tumango ako at nag-puppy eyes. Umaasang ililibre niya ako.

"O sige pumunta ka sa nag-titinda at sabihin mo yung pangalan ko tapos bayaran mo." Bwiset! Binato ko sa kaniya yung bag ni Jisung. Katabi ko lang siya. Nakapagitna ako sa kanilang dalawa ni Jisung. Kumalat yung ice cream sa labi niya dahil tinamaan ko yung kamay niya kaya napasubsob yung ice cream sa labi niya.

"Aish!" Mukha siyang batang abnormal! Haha!

"Wala akong panyo!" Sigaw niya sa akin.

"Wala rin ako, kaya parehas lang tayo!" Sigaw ko naman sa kaniya. "Ipunas mo diyan sa damit mo." Tuloy ko pa.

"Ayoko nga baka langgamin ako." Sabi niya. Ang arte niya talaga parang babae. Tumayo si Jisung.

"Hoy san ka pupunta?" Sigaw ni Kris kay Jisung.

Mission:12 Stars (Exo Fanfic)[Completed]Where stories live. Discover now