Mission # 49

49 2 0
                                    

(A/N: Thank you for following. I appreciate it a lot ^^)  

Aica's POV

"Ayoko." Niyugyog ko siya.

"Sige na please. " Pinaliwanag ko na sa kaniya na para yun sa misyon ko.

"Ayoko. Hindi ako sasama" Problema neto? Nakakainis!

"Sige! Ako na lang sasama." Pasigaw kong sabi.

"Hindi. Hindi ka rin sasama tsaka gusto mo bang ma-Out of place dun?" Friendly naman ako kaya siguradong hindi ako ma-o-OP dun.

"Tignan mo toh. Ngayon aacting-acting ka na parang boyfriend ko. Eh kung nireserve mo na lang yang acting skill mo dun tsaka di ba kaibigan mo naman si Mika? Edi makikipagkaibigan na lang ako sa kaniya." Ang seryoso ng mukha niya. Kung hindi dahil sa misyon ko hindi naman ako pupunta dun eh.

"Kailan ba?" Biglang tanong niya at parang may iniisip.

"Sasama ka na?" Sayang-saya kong tanong at mas lumapit pa sa kanya

"Tsk! Sagutin mo muna ako." Napalunok laway ako.

"Sagutin? Eh hindi ka man nga nanligaw. Sagutin agad?" Napaiwas pa ako ng tingin habang sinasabi yan.

"Tsk! Ibig kong sabihin yung tanong ko kung kailan yun." (@~@) Kakaiba rin magprocess tong utak na ito eh.

"Ahh hehe pasensya naman tao lang." Kunwareng pagpapalusot ko sabay kagat sa ibabang labi. Maiba lang ang atmosphere.

"Sigurado?" Binatukan ko nga. Tawa tawa pa eh.

"Tao ako nuh. Ikaw nga diyan alien. Anyways sa weekend na yun kaya sa ayaw at sa gusto mo sasama ka." Para wala ng kawala.

"Tss . . Bahala ka nga."

*SA RESORT bow*

(*^*) Ang ganda! Kaunti pa lang yung mga guests pero halatang pangelite yung Resort.

"Bakit kailangan nasa iisa tayong room? Mabuti na lang magkahiwalay yung kama natin. Naku! Sinasabi ko sayo Daehyun wag mong subukang may gawing hindi maganda. Marami akong kaibigang may superpowers." Pananakot ko kay Dae habang nag-aayos ng gamit. Magkasama kasi kami sa iisang kwarto.

"Takot ko na lang sayo." Sabi niya habang nag-aayos rin ng gamit.

"Dapat lang." Tapos na siyang mag-ayos ng gamit. Tinulungan niya ako.

"Ang dami mo namang gamit na dala. Anong akala mo dito one month vacation?" Pambubuwiset niya na naman.

"Wag ka na ngang magsalita. Tulungan mo na lang ako." Dami pang sinasabi eh. Tumahimik siya at nang mapatingin ako laking gulat ko dahil hawak niya yung napkin ko! Naknangtinapa! (@~@)Tinitignan niya pa ito ng paharap at patalikod.

"Para saan toh? Bakit may dala kang ganito?" Ang inosente ng mukha niya habang nagtatanong.

*Gulp*

"Amin na nga yan!" Pinilit kong kunin sa kanya pero nilayo niya.

"Ah alam ko na!" Sigaw niya.

"Parang bond-aid.Siguro para to sa malaking sugat nuh?" Bwiset! Alien nga talaga ito! Sinubukan niya pang ilagay sa braso niya na kunwareng may sugat.

"Umuwi ka na! Amin na nga yan! Ako ng mag-aayos neto! Layas!" Sigaw ko at inagaw sa kanya yung napkin.

"Nagagalit ka na naman. Tsk!" Pinagtulakan ko siya.

"Layas na bilis!" Nakakaloka! Sakit sa bangs! Napkin para sa malaking sugat? Hmp! Alien! Magsama kayo ni V!

Nauna na siyang lumabas at paglabas ko. Nagkasalubong kami ni Luhan.

Mission:12 Stars (Exo Fanfic)[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon