Mission # 28

72 1 0
                                    

Arianne's POV

Bawat araw na lumilipas pahirap ng pahirap para sa aming dalawa ni Kris. Narinig ko ang pag-bagsak ng pinto. Mukhang dumating na siya. Gumagawa ako ng assignment kaya hindi ko na rin siya pinansin.

"Oh" May inilapag siyang plastik.

"Ano to?" Pag-bukas ko nasagot ang tanong ko. Isang ice cream. (*^*)

"Hindi pa isang ref yan pero pwede na ring unti-untiin para mapuno ang isang ref." Sabi niya tsaka umupo sa sofa.

"Haaay napagod ako. " *yawn* Tuloy niya. Nakaka-touch sana kaso wala pa siyang binibigay na pambayad ng renta, tubig, kuryente, pagkain at baon ko.

"Hoy teka nga nasan yung sweldo mo?" Humarap ako sa kanya.

"Pinambili ko niyan." Napatayo ako sa sinabi niya. Lumapit ako sa kanya. Kumuha ako ng isang unan tsaka hinampas yun sa kanya.

"Walang hiya ka! Inuna mo pa ito!" Hinampas ko ulit siya.

"Aray! Joke lang naman! Dumiskarte ako para makabili niyan. Nakita ko lang kanina kaya naalala kita." Napatahimik ako sa sinabi niya. Kinuha ko yung ice cream.

Kumuha ako ng kutsara. Tumabi ako sa kanya. Kumuha ako ng isang scoop at itinapat sa kanya.

"Oh gusto mo?" Sa halip sagutin niya, sinubo niya na lang. Yung kilay niyang magkasalubong bumalik sa dati.

Ngumingiti ba siya?!Kalalaking tao halatadong kinikilig?

"Hoy bakit ka ngumingiti?" Tanong ko habang siya nakatutok sa tv na pasimpleng ngumingiti. Balita naman yung palabas.

"Sino? Ako? Hindi nuh." Bigla niya akong hinila papunta sa sa chest niya. Hawak niya yung shoulder ko at feeling ko naka-ngiti pa rin siya.

"Hoy b-bakit--" Hindi ko pa natapos yung tanong ko pero sumagot na siya.

"Ang layo kasi ng ice cream eh." Nag-scoop siya nung ice cream at kumain muli. Hawak niya pa rin ako o yakap niya pa rin. Hindi ako maka-hinga. Aigoo!!

"K-kukuha ako ng i-isa pang kutsara." Excuse ko para makaalis mula sa kanya.

"Eto oh may kutsara naman." Tsaka siya nag-scoop at balak niya pa yata akong subuan. Ang ineeettt!!

"Wag na.Baka yung 1 % na laging naiiwan na germs sa 99% nandiyan na lahat." Sa halip na awayin ako. Nilapit niya pa lalo yung kutsara sa bibig ko. Tsaka siya nakangiti pa rin. Putek ka Kris! Hindi ako sanay awayin mo ko please!!

*Nom*Nom*

Kinain ko rin yung ice cream. Gusto kong iluwa. Nakakasuka kasi kaming dalawa ni Kris ngayon.

"Hoy sino nga pala yung babae dun sa cafe?" Yung manager na humalik sa kanya. Naku! Hindi ako nagseselos.

"Bakit?" Tanong niya.

"Sagutin mo na lang yung tanong ko." Inis kong sabi pero hindi pa rin ako nag-seselos. Tinignan niya ako ng malapitan.

"Oh b-bakit?" Tanong ko at saka lumunok.

"Baka kasi mag--" Hindi pa man siya natatapos nagsalita na ako.

"Hindi ako mag-seselos nuh!" Bigla kong sabi.

"Hindi mo pa ako pinapatapos eh. Ibig kong sabihin baka magulat ka." Biglang siyang tumawa.

"Half-sister ko siya . Anak ni papa. Tinatago siya ng family ko." Sabi niya matapos siyang tumawa.

Mission:12 Stars (Exo Fanfic)[Completed]Where stories live. Discover now