Mission # 10

174 5 0
                                    


Aica's POV

Naka-uwi naman ako ng maayos at buti walang lumapit sa akin para bigyan ako ng piso.

Makakatulog ako ng maayos neto.

Mission First Star: Case Close

*****Kinabukasan*****

Oh good day~

Today~

Pahumming-humming pa akong nalalaman habang naglalakad sa campus.

Pwede naman siguro ako magbreak sa mission ko di ba? Yung iba nga diyan may pa-cool off cool off pa, ako pa cool-lang cool-lang lang. Haha!

"Hoy babae!" May narinig akong sigaw mula sa likod ko at mukhang kilala ko na kung sino yun.

Kung inaakala niyong si Rhian pwes tama kayo ng akala.

Ngayon ko lang din naalala, na oo nga pala.

Kakaisip ko sa mga tala, si Rhian ay nababalewala.

Aizt stop na nga yung pagtu-tula!

Handa na sa bungangang armalight na marami ang bala.

"Blalalalalala.......

Tralalalalala....,

Blululalalala..." Yan ang sinabi niya.

Daig ko pang nasermonan.

Lahat sinabi niya mula nung iniwan ko siya kay Min hanggang sa hindi ko pag-pasok kahapon.

"Tapos?" Sabi ko.

"AAARRRGGGGHHH! Aica bahala ka sa buhay mo! Nakakainis!" Nag-dadabog naman itong umalis. Ano bang mali sa sinabi ko?

Nandito rin pala si Min.

"Nagtatampo lang siya." Sabi nito sabay sunod kay Rhian.

*******************

Sa buong klase hindi man lang ako pinansin ni Rhian.

Ano bang problema neto?

Nag-lalakad ako sa likod ng building namin. Doon parang may park na something for relaxation. Obviously wala akong kasama. May tampo pa sa akin si Rhian.

Naglalakad pa rin ako nang bigla may humila sa akin. Tinakbo niya ako at bigla niya na lang ako itinulak sa pader sabay yakap sa akin. (O_O)

Bago pa ako makasigaw tinakpan niya na ang bibig ko.

Ano bang problema neng mga tao ngayon?

Umalis na siya sa pag-kakayakap .

Ngumiti siya ng napakalawak.

Pigilan niyo ako, malapit ko na tong masapak.

"Hoy! Pervert! Bakit mo ako niyakap?" Kailangan magtanong muna bago manampal. Mabait akong bata ehh.

"Tss okay lang di ba. Swerte mo pa nga niyakap kita." Ngayon pwede na bang manampal? >.< Handa na akong sampalin siya ng biglang may lumipad na mga bagay papunta sa amin. May isang babae na walang tigil sa pagbato ng mga gamit niya na mula sa bag niya.

"You said you love me pero bakit mo ako ipinagpapalit! Kanina tinatawag kita pero hindi mo ako pinakikinggan tapos tumakbo ka pa. Tinatawagan kita sa number mo pero hindi mo naman sinasagot ang mga tawag ko. Lahat na lang ibinigay ko sa'yo at lahat ibibigay ko para sayo!" Lahat nga talaga ibibigay niya. Ngayon isipin niyo na lang umuulan ng gamit kasi naman habang sumisigaw tong nasa harap naming babae wala naman kaming tigil sa pag-iwas sa mga bagay na ibinabato niya. Ito namang kasama kong lalaki sa likod ko pa nagtatago kaya naman sa akin madalas tumama yung mga gamit. Kainis! Hindi ko pa rin kasi maintindihan kung bakit nagagalit itong babaeng to.

Damay-damay lang ate ganun?

Talon there

Talon here

Talon everywhere

"Sandali lang pwede bang pakawalan mo na ako. Sige na babe, hon, loves, sweety, beb, heart, darling?" Huh? Ang dami naman nilang endearment.

"I am your sweetheart!" Sigaw niya.

Hindi ko na talaga to kaya! Ang sakit na nung mga tumatama sa akin.Huhu T___T

Ginawa ba naman akong shield ni kuya.

Saklap ng buhay ko! Pati ba naman problema ng iba napunta pa sa akin!!

"Tara na! Takbo!" Sabay hila sa akin ng lalaking hindi ko alam ang pangalan. Ang trabaho ko yata talaga dito ay always The Runaway. Lagi na lang ako itinatakbo ng mga hindi ko kilala pwede naman mag-lakad .

Nakarating kami sa field. Nag-hahabol pa ako ng hininga maging itong kasama ko ay ganun din.

"Pasensya ka na kailangan ko lang kasi talagang gawin yun. Hindi niya kasi ako tinitigilan." Sabi neto.

"Psh, ano bang pakialam ko? Sinayang mo yung oras ko. Kawawa naman ako! TSS KAINIS!" Ni hindi ko nga kasi siya kakilala. Nakangiti lang siya.

"Sana palang pinakilala kitang girlfriend ko para guluhin ka niya haha!"

Tss ano daw? Mabigyan nga to ng red card. (>.<)

Kainis! Naisip niya pa yun.

"Che!" I flipped my hair, turn my back and slam the door. (wala namang door ,may masabi lang.) Naglakad na ako paalis pero bigla siyang humarang sa dadaanan ko sabay ngiti ng superwide. ^_______________________^

"I am Chen. Ikaw ano pangalan mo?" Pakisabi nga sa Chen na ito na wala akong balak sabihin ang napakaganda kong pangalan sa kaniya.THE JERK!

"Che!" Sabi ko ulit at nilagpasan lang siya.

"Wow! Magkalapit lang pala yung name natin. Che meet Chen." Sabi niya habang ramdam ko siyang sumusunod sa akin.

"Che kausapin mo naman ako." Sabay hawak sa braso. Nakakabanas na ito ahh! Humarap ako sa kaniya at nagulat ako sa isang cute na Camel na naka-please sign with matching puppy eyes pa. Oo tama kayo ng basa nacute-an nga talaga ako sa kaniya. Kayo ba naman makakita ng Camel na naka-puppy eyes. Pero mas naging kakaiba yung aura niya parang may puro stars sa paligid niya at yung stars na nakita ko kay Lay parang ganun din ito, but the stars are in his spirits .

Posible nga kaya siya ang second star?

or para maiba...

Is it possible that he is the pangalawang bituin?

(A/N: Tinagalog ang english at in-english ang tagalog. Wala ehh medyo overdose ang author niyo. Wag na po pala kayo magtaka kung may magpasustento mang gagamaba sa elepante dahil buntis ito dito sa istoryang to kasi nga po fantasy. Kaya kung may weird mang nangyayari kay Aica at medyo madrama si Lay sa istoryang ito malalaman po natin ang kasagutan sa takdang panahon kasi nga FANTASY HAHA)

Mission:12 Stars (Exo Fanfic)[Completed]Where stories live. Discover now